Honeylette POV"Umamin ka na, may namamagitan ba sa inyo ni sir Alexander?” tila naghahatol sa korte ang pagtatanong ni Julie.Namumutla na tuloy ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo. O dapat ko pa bang ilihim ang meron kami ni Alexander. Baka kasi kapag nalaman nila ay makarating kay tiya. Pero hindi naman sila ganoon. Siguro naman ay mapagkakatiwalaan ko sila na huwag sabihin kay tiya. Natatakot ako kapag nagkataong malaman niya. Hindi naman ako natatakot sa sermon niya dahil sana'y na ako. Natatakot ako sa kung anong mangyari baka kasi umabot sa paalisin ako ni tiya dito para ilayo kay Alexander. Kapag nangyari iyon, ay parang hindi ko kakayanin.Ngunit sa bandang huli ay nagawa ko rin sabihin kina Julie at Rose ang relasyon namin ni Alexander. Halos masira ang eardrum ko sa tili nang dalawa samahan pa nang mga hampas nila sa balikat ko."Teka kung ganun may nangyari na sa inyo ni Sir.?” Tila umurong ang dila ko sa biglang tanong na iyon ni Julie. Hind
Honeylette POV"Honeylette!"Nakakailang tawag na pala si Rose sa pangalan ko ngunit, tila wala akong narinig. Dahil may ibang umuukopa sa aking isipan."Okay ka lang ba Honeylette?. Bakit parang ang lalim nang iniisip mo?" Hindi pa rin ako kumibo."May sakit ka ba?" Umiling ako bilang sagot kay Rose. Kahit hindi niya sabihin alam kong nagtataka siya sa kilos ko. Ngunit hindi na lang siya nagtanong at hinayaan na lang ako. Hindi ko na nakita si tiya pagkagising ko. Nalaman ko na lang din na maagang umalis si Alexander. Hindi na kami nakapag-usap mula nang umuwi kami galing resort. Sa tingin ko ay ginagawa na niya ang sinabi ni tiya na layuan namin ang isa't isa kaya sinisimulan na niya akong iwasan. Nalungkot ako nang sumilid iyon sa aking isipan. Ang isipin pa lang ang salitang layuan ay masakit na para sa akin.*Nagtaka ako nang makitang nag-iimpake sina Julie at Rose."Aalis kayo?” "Oo Honeylette pinababalik na kasi kami ni Sir sa mansyon."Nabigla ako sa sinabi ni Rose. "Si
Honeylette POV Pumarada kami sa harap nang isang bahay. Makikita mong may pagkaluma na ito, parang napabayaan. Kung hindi ako nagkakamali ay sakop ito nang bayan ng Balayan. Tanging alam ko lang naman ay sa bayan namin sa Calaca. Napaisip ako kung bakit kami naririto. Friday pa naman ngayon dapat ay pumasok siya sa opisina. Pero imbes na nasa kumpanya siya sa Cavite ay naririto kami ngayon sa tapat nang isang bahay na hindi naman namin alam kung kanino. Hindi na ako nakapaghintay at tinanong ko siya. "Anong gagawin natin dito?”Hindi pa niya ako nasasagot nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hindi ako nagkakamali sa kanya iyong boses na iyon. Nakabukas kasi ang bintana nang sasakyan kaya malinaw na malinaw kong narinig ang boses niya. "Dahan dahan lang at baka madapa kayo." sigaw nang babaeng lumabas sa bahay. Napatingin ako sa dalawang batang babae. Tumatakbo ang mga ito patungo sa nangangalawang nang gate. Inilipat ko ang paningin ko sa may ari ng boses para siguraduhin na h
Alexander POV Minabuti kong umalis nang bahay at balikan ang tirahan nang ina ni Honey. Alam kong galit siya sa ginawa ko. Sino nga ba ako para makialam sa buhay niya. "Kumusta siya?” tinitigan ko muna ang tasa nang kapeng ibinaba niya, bago ako nag-angat ng tingin sa ina ni Honeylette na ngayon ay nakaupo na sa kabilang sofa sa harap ko. Hindi ako nagsalita, bagkus ay dinampot ko ang tasa ng kape at sumimsim ng inom. Napansin ko ang paglungkot ng mga mata nito. "Galit pa rin siya sa akin." malungkot na sabi nito. Inikot ko ang tingin sa buong kabahayan. Katulad sa labas ay may kalumaan na ito. Ngayon ko lang nakita ang loob nito, noong huling punta ko ay hindi ko na silip ito dahil sa labas niya kami kinausap ng mga sandaling iyon, hindi ko maintindihan pero parang tila takot na takot ito na may makakita sa kanya ng mga oras na iyon. "Marahil ay nabigla lang siya sa pangyayari, pasensya na kayo." aniya ko. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng pasensya sayo." Nagtahimik ang paligi
Honeylette POV Nagising ako na wala na sa tabi ko si Alexander. Inalala ko ang nangyari kagabi. Napangiti ako nang maalala ang mga tagpo naming dalawa. Ini-akyat niya ako sa kanyang kwarto matapos niyang humingi nang tawad sa akin. Naramdaman ko ang pagpipigil niyang huwag akong angkinin, ngunit hindi niya iyon nagawa dahil ako ang nagkusang gawin iyon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para gawin iyon. Basta ang alam ko lang gusto ko siyang mapaligaya. Inaamin kong na-miss ko siya. Mabigat rin para sa akin na magalit sa kanya. Hindi ako makatiis na hindi kami maayos na dalawa. I secretly smile, when I saw his face. Gulat ito sa aking ginawa. Hinalikan ko lang naman siya, a gently kiss. At iyon ang nagpagising sa natutulog niyang alaga. Kahit nararamdaman kong pagod siya ay hindi ko napigilan ang aking sarili. I slowly caressed his chest. I saw the clenched of his jaw. Tila nagpipigil but I know he like it. Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang pagkalalaki. Again, I slo
Honeylette POV "S-sino po sila?." Tila nauutal kong tanong sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Base sa itsura nito ay nasa edad fourtie's pa lamang ito. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Batay sa pananamit nito ay nagmula ito sa isang kilalang pamilya. Ang makisig na tindig nito ang magandang kasuotan. Hindi ito sumagot sa naging tanong ko. Bagkus ay mariin niya akong pinakatitigan. "Lex didn't even tell me that this is how his girl accept her visitor.”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nang lalaki, na nagpanginig sa kalamnan ko, ang baritonong boses nito. May hatid iyong takot sa akin dahil sa tila may ibig sabihin ito sa kanyang sinabi. "T-tuloy po kayo." Niluwagan ko ang bukas nang pinto. Dire-diretso itong pumasok. Isinarado ko ang pinto pagkapasok nito, nakita kong umupo ito sa upuan sa sala. Napansin ko rin ang paglibot nang tingin nito sa buong kabahayan. Kinabahan ako nang tumigil ang mga mata niya sa akin. Malinaw na sa akin siya ang ama
Honeylette POV Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko ang isang lumang bahay. Iyon ang bahay kung saan ko siya nakita. Ang taong nang-iwan sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako dinala nang mga paa ko dito. Kahit na galit ako nang mga oras na iyon, ay nagawa ko pa rin tandaan ang lugar kung saan ang kinaroroonan niya, at heto ako ngayon nakakubli sa isang puno, habang pinapanood ang pag-aasikaso nito sa mga anak niya. Nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib. Habang pinagmamasdan ko kung paano niya asikasuhin ang mga ito. Pinupunasan niya iyon nang pawis sa likod, hinahalikan habang nilalagyan ng polbos. Nagtatawanan at nagkukulitan. Hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil maiksing panahon lamang na nagawa sa akin iyon ni nanay at iniwan niya na ako. Hindi man lang niya nakita ang pagdadalaga ko dahil wala siya sa tabi ko. Pero kahit hindi niya iyon nakita wala rin naman naging saysay ang buhay ko mula nang tumuntong ako sa edad na iyon. Hindi ko naranasan o nagawa ang katulad nang ibang
Honeylette POV "Ano totoo po ba iyon?." Gulat kong tanong kay Aling Conching. Kagaya nang sinabi niya, pagdating namin sa bahay saka niya ikinuwento ang tungkol kina sir Carlo. Pinaghanda niya muna ako nang meryenda bago sinimulan ang pagkukwento. Nalaman ko na asawa nga ni Carlo si Crystal. Aksidente daw ang nangyari. Hindi daw sadya na mabuntis ni Carlo si Crystal. Noong gabi daw kasi matapos ang operation nina Carlo ay basta na lamang sumulpot si Crystal. Nagkataong nasa isang bar noon si Carlo at umiinom. Nabalitaan niya kasi na umalis na ako sa bayan ng hindi man lang niya nasabi ang nararamdaman niya para akin. Gustong gusto niya raw akong sundan, ngunit hindi naman niya magawa dahil hindi niya alam ang kinaroroonan ko. At nang gabing iyon nakilala niya si Crystal at sa hindi inaasahan ay may nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ang buong akala ni Carlo ay ako ang kaharap niyang babae ng gabing iyon. Kaya nagawa niya iyon kay Crystal. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon