Honeylette POV
Naalimpungatan ako sa abot-abot na katok sa aming pintuan.“Honeylette” narinig ko ang lasing na tono ni Tatay Delio. Kung kaya’t napilitan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga sa aming lumang sofa sa sala. Hindi ko alam na nakatulog pala ako pagkatapos kong maglinis ng buong bahay. Napabuntong hininga na lamang ako ng bumungad sa akin ang lasing na lasing kong ama. “Tay lasing ka na naman.” Mahina kong sambit. Ang totoo sanay na ako na lagi siyang lasing. Halos araw-araw naman ay nag-iinom siya. Hindi ko rin siya masisi sa ginagawa niya, ito kasi ang naging epekto sa kanya ng umalis si nanay at iwan kami. Tila may palasong tumusok sa aking dibdib ng maalala muli ang naganap na pangyayari noon. Iniwan kami ni nanay at sumama sa ibang lalaki. Naguguluhan pa rin ako kung bakit nagawa niyang iwan kami ni tatay. Alam kong nahihirapan na siya ng mga panahong iyon. Nawalan noon ng trabaho si tatay. Isa siya sa mga empleyadong natanggal. Nahirapan si Tatay noon makahanap nang panibagong trabaho dahil sa kanyang edad. Karamihan kasi ay mas bata ang hanap. Hanggang sa si nanay ay nakahanap ng pagkakakitaan. Ngunit kasunod noon ang pag-uwi niya ng late, hanggang sa isang araw ay nakita na lamang siya ni tatay na nag-iimpake ng gamit. “Hindi ko na kayang magtiis Delio hirap na hirap na ko sa buhay natin. Kung ikaw natitiis mo ang ganitong hirap ako hindi.” “Ginagawa ko naman ang lahat Emily. Sana makapagtiis ka pa. Paano na ang anak natin?” naiiyak na sabi ni tatay. Napatingin si nanay sa direksyon ko. Akala ko ay lalapitan niya ako, ngunit nagkamali ako mabilis niyang nilampasan si tatay at nagtungo palabas ng pintuan, at sumakay sa nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay namin. Napaluhod si tatay, tila nauupos na kandila ang itsura nito. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Sa edad kong sampung taon ay malinaw na sa aking isip ang ginawa ni nanay. Hindi ko siya hinabol o pinigilan man lang. Para akong naging bato, hindi niya siguro ako mahal. Kaya madali lang sa kanya akong iwan maging si tatay. Ngunit sa kabila noon ay hindi ko kayang hindi masaktan. “Bakit ba ang tagal mong buksan ang pinto?” naiinis na tanong ni tatay.“Pasensiya na po kayo.” Tanging sagot ko na lamang. Nagdiretso siyang humiga sa sofa. Kaagad naman akong nagtungo sa kusina para magluto ng hapunan namin. Matapos kong makapagluto ay tinawag ko na siya para kumain. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at nagdiretso sa kusina. Ako naman ay naupo sa kabilang gilid ng mesa. Kinuha ko ang kanin at nilagyan ang kanyang plato. Napatigil ako ng biglang magsalita si tatay. “Bakit hindi mo na lang ako iwan.” Sambit nito habang nakatitig sa plato nitong may kanin. Kung titingnan mo ay tila hindi nakainom ang pananalita niya. Bumuntong hininga ako at inabot ang isang piraso ng pritong isda, inilagay ko iyon sa kanyang pinggan bago nagsalita. “Ibahin niyo ako hindi ako katulad ni nanay, alam niyo yan. Wala akong dahilan para iwanan kayo.” Nakaramdam ako ng hinanakit ng mabanggit ko ang ginawang pag-iwan ni nanay sa amin. Ngunit totoo ang sinabi ko wala naman talaga akong magawang dahilan para iwan ko siya. Matanda na siya at kung pagbabasehan ko lamang ay ang pag-iinom niya naiintindihan ko yun, dahil alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang nangyari, sampung taon na siyang nagdurusa at alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili sa pag-alis ni nanay. Ngunit para sa akin hindi iyon kasalanan ni tatay, masyado lang pinanghinaan ng loob si nanay. “Pabigat lamang ako sayo.” Walang buhay na sagot ni tatay. Hindi na ako nakapagsalita pa maraming nagsasabi na iwan ko na siya kasi pabigat lamang siya sa akin. Ngunit hindi ko kayang gawin dahil mahal ko siya mahal na mahal ko ang tatay ko kahit na maging sakit siya sa ulo o pabigat ay ayos lang ang mahalaga kasama ko siya. Siya na lamang ang meron ako. Nanatili akong nakatungo at nakatitig sa aking pinggan, naramdaman ko ang pagtayo niya. Nilingon ko siya habang patungo sa kanyang silid. Tinapos ko na lamang ang aking pagkain at nagligpit saka naisipan pumasok sa aking silid. Nakatitig ako sa lumang kisame ng aking kwarto. Animo’y nakikita ko roon ang mga nangyari sa nakaraan. Nilingon ko ang picture frame na nakapatong sa maliit kong mesa sa tabi ng aking higaan. Picture iyon namin tatlo nina nanay at tatay. Lahat kami ay nakangiti nakasuot ako ng uniporme at may suot na medal, iyon ang araw na naging third honor ako sa School. Tuwang tuwa noon si tatay at nanay, proud na pround sa akin kahit na third lang ang nakuha ko. Masaya pa kami noon, masayang masaya. Ngunit may hangganan rin pala ang saya. Kahit na may galit ako sa ginawa ni nanay ay hindi ko pa rin maitago na gusto kong bumalik siya kaya kahit na nasasaktan ako kapag nakikita ko ang litrato niya ay hindi ko na lamang iniinda. Sampung taon na ang nakalipas na wala siya, masaya na siya sa marangya niyang buhay samantalang kami ni tatay. Umagos ang luha ko ng maisip ang sitwasyon namin. Mas lalo akong napahikbi, walang patid ang luha hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak. “Isda bili kayong isda sariwang sariwa.” Sigaw ko sa mga taong nadaan sa tapat ng puwesto ni Aling Conching. Maaga akong umalis sa bahay kanina, halos araw-araw naman ay ganoon ang ginagawa ko gigising ng maaga, magluluto at gigisingin ang may hang-over kong tatay. Ngunit ngayon ay hindi ko nagawa siyang gisingin dahil kailangan ko nang umalis nang mas maaga, sa palengke kasi ako nang calaca pupunta kung tatanghaliin ako ay baka hindi maubos ang mga isdang paninda ni Aling Conching. Bukod kasi sa pagtulong ko sa pagtitinda sa palengke ni Aling Conching ay na-extra rin ako nang paglalabada sa mga kalapit bahay namin na maiigi ang buhay. Doble kayod ako para may magastos kami ni Tatay. “Miss kasing sariwa mo ba iyan?” napatingin ako sa lalaki na nakatayo sa harap ng puwesto namin. Napakunot noo ako sa tanong niya. Para sa akin kasi ay nababastusan ako sa tanong na iyon samahan pa ng kakaibang titig niya. “Sariwa po iyan manong bagong huli po.” Sagot ko na may pagtitimpi. “Huwag mo naman akong tawagin na manong edad kwarenta lang ako.” Nangilabot ako sa tono ng pananalita nito. “Magkano ba sa isdang ito?” kaagad kong iniwas ang kamay ko ng makita kong hahawakan niya ito. Napatingin ako kay Aling Conching, napansin niya rin pala ang ginawa ng lalaki. “Paumanhin po kung babastusin niyo po ang aking tindera ay mas mabuti pang huwag na lang akong makabenta.” Singit ni Aling Conching. Tiningnan siya ng masama ng lalaki. Magsasalita sana muli ang lalaki ng may tumikhim sa likod nito. “May problema ba dito?” nagulat pa ang lalaki ng magsalita ang taong nasa likod niya. “W..wala naman po sir.” Nauutal na sagot ng bastos na lalaki. “Naku sir iyan pong lalaki na yan binabastos itong tindera ko.” Sumbong ni Aling Conching sa pulis. Kinumpirma iyon ng pulis sa lalaki, ngunit tumanggi ito at mabilis na umalis. Napabuntong hininga na lamang si Aling Conching. Ngumiti ako kay sir Buño bilang pasasalamat. Natutuwa ako at may mga kagaya niya na handang tumulong. Palagi ko siyang nakikitang naka-duty sa palengke madalas ko rin siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Ngunit ipinagkikibit balikat ko na lang yun. "Mabuti na lamang at palaging nandyan si sir. Naku kung hindi baka marami ng lalaking nambastos sayo Honeylette." singit nang katabi naming magtitinda. "Naku oo nga, type ka kasi ni sir kaya bantay sarado yun sayo." Napaawang ang aking labi sa sinabi pa ng isang tindera. "Nanliligaw ba sayo si sir?” gulat na tanong ni Aling Conching."Hindi po." Maagap kong sagot."Naku kung manligaw yun sayo aba ay sagutin mo. Madalang na ang mga lalaking may mga respeto sa babae, iyan si sir maayos yan." May paniniguradong sagot ni Aling Conching. Nagkibit balikat na lamang ako sa mga sinabi nila, ang totoo ay wala akong panahon para sa ganyan, kung totoo man na may pagtingin siya ay wala na ako doon. "Siya nga pala Honeylette hindi ba may interview ka kamo ngayon?”"Opo, aling Conching.""O siya pumunta ka muna bumalik ka nalang kapag nakatapos ka sa interview mo kaya ko na naman ito." "Talaga po?”Tumango si Aling Conching at pilit na akong itinaboy mabuti na lamang at may mga mababait na taong tulad niya.* Naglalakad ako pauwi sa aming bahay bitbit ang bigay na isda ni Aling Conching na magiging ulam namin ngayong gabi ni tatay. Maaga naman kaming nakaubos ng isda, ngunit inabot ako ng hapon dahil sinubukan kong mag-apply sa isang minimart, sa kasamaang palad ay hindi naman ako natanggap dahilan ng wala raw akong experience at isa pa ang hinahanap nila ay iyong marunong gumamit ng computer. Pagdating sa bagay na iyon ay bagsak na kaagad ako hindi naman kasi ako nakapagtapos ng high school at wala masyadong alam sa ganoong bagay. Hanggang second year high school lang ako, at iniwan ko na ang pag-aaral dahil kailangan kong kumita ng pera, nahirapan na akong pag-aralin ang aking sarili kaya minabuti kong tumigil na lamang. Napalingon ako sa kumpulan ng mga lalaking nag-iinom sa tapat ng tindahan. Iginala ko ang aking paningin para hanapin doon si tatay. Iyon kasi ang mga lalaking lagi niyang kainuman, ngunit nagtaka ako ng hindi ko siya nakita roon. Dininig na ba ng panginoon ang dasal ko na sana hindi na mag-inom si tatay. Naagaw ng matandang lalaki ang aking atensyon ng sumigaw ito. Tinatanong niya si tatay sa akin kung nasaan. Kumunot ang noo ko, bakit niya tinatanong ibig sabihin hindi lumabas si tatay para makipag-inuman? Nagkibit balikat na lamang ako at tinungo ang daan pauwi sa bahay namin. Maraming bata ang nakakasalubong ko na naglalaro, ganito na rito barangay namin sa San Rafael sa bayan ng Calaca Batangas masaya tuwing hapon maraming tao ang nasa labas mga nag-iinuman at mga batang nagtatakbuhan. Natanaw ko na ang aming maliit na bahay kaagad akong pumasok para hanapin si tatay. Hinanap ko siya sa kusina at sa likod bahay ngunit wala ito. Sa silid na lamang niya ako hindi nakakapunta. Nang papalapit na ako sa kanyang silid ay bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko. Nanginginig ang aking mga kamay sa pagpihit ng seradura ng pintuan, unti unti kong itinulak ang pinto. Nanigas ang buo kong katawan, ang panginginig ng aking mga kamay ay umabot sa buong bahagi ng aking katawan, nanghina ang aking mga tuhod at bumagsak sa sahig, nanubig ang aking mga mata. “Tay” ang tanging isang salitang nabanggit ko habang umiiyak.Honeylette POV Nagulat ako nang biglang pumasok si Lex sa kwarto namin, dala-dala nito ang ilan niyang mga gamit. Ibinaba niya iyon sa isang tabi. Matapos lumabas ni Lander sa ospital ay pumayag akong dito muna mamalagi si Lex. Nakiusap ito kina nanay na kung maaring makasama niya sandali ang kambal at hindi ko iyon minasama. "Dito muna ipatong iyong mga damit mo." Turo ko sa isang upuan. Hindi ko pa nalilinis iyong isang kwarto kaya pansamantalang dito sa kwarto namin ko muna pinalagay ang mga gamit niya. "Maiwan na muna kita, may gagawin pa kasi ako sa kusina." Patungo na ako sa may pintuan nang bigla niya akong hilahin. Namilog ang mga mata ko, nang sunod niyang gawin ang halikan ako. Nagprotesta ako dahil hindi naka-lock ang pinto at oras-oras ay pumapasok ang mga bata. Marahas ko siyang itinulak ngunit wala akong nagawa dahil sa matigas nitong dibdib. Kalaunan ay umagwat ito. Namumungay ang mga matang tinitigan ako. "I love you." Biglang bumil
Honeylette POV Halos hindi ako makahinga nang maayos matapos kong malaman ang lahat kay Camila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya minabuti ko ang umuwi na muna. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at umiyak. Mag-uumaga na noon. Nag-alala sina nanay sa akin ng makita ang itsura ko pagkarating. Alam kong magtataka sila kung bakit ako umuwi ganoong nasa ospital pa si Lander. Ngunit alam kong ipapaliwanag lahat sa kanila ni Carlo ang nangyari dahil, isa rin naman siya sa nakakaalam ng lahat. Namumugto na ang aking mga mata sa kaiiyak. Dala nang puyat ay naka-idlip ako. Maliwanag na ang paligid nang magising ako. Naririnig ko na rin sina nanay at tiya sa sala. Sa wari ko ay nakabalik na sina Carlo para sunduin ako. Sinabi kasi nito kanina sa sasakyan na susunduin niya ulit ako para bumalik sa ospital. Wala akong naging sagot dito. Wala kasi akong gana na makipag-usap kahit kanino. Hindi naman sa galit ako sa kanila. Ayoko lang talaga na magsa
Alexander POV Halos mabaliw ako nang sumapit na ang gabi na hindi pa bumabalik ng bahay si Honeylette. Hindi ko siya macontact nakapatay ang celphone nito. Kaya naman kaagad ko ng ini-report sa mga pulis. Ngunit katulad ng patakaran nila, hindi nila maaring sabihin na nawawala ang isang tao dahil wala pang bente kwatro oras ang nakalipas. Kaya naman nagtungo ako sa nanay niya. Ngunit maging ang nanay nito ay wala rin. Kaagad kong tinawagan si Marc at pumunta sa bahay. Tinawagan nito si Carlo para magpatulong pero hindi niya rin ito ma-contact. Nalaman na lang niya sa kasamahan nitong pulis na nalipat ito sa ibang lugar. Kaya naman kami na lamang ni Marc ang naghanap. Kahit na hindi namin alam kung saan kami magsisimula. Sa bandang huli bigo kaming makita siya. Nabalitaan namin na nakatakas ulit si Alejandro at nasisiguro ko na siya ang salarin sa pagkawala ni Honeylette . Siya ang kumuha dito maging sa ina at tiya nito, ngunit hindi namin matagpuan ang lugar kung s
Honeylette POV Diretsa lamang siyang nakatitig sa akin. Hindi kakikitaan nang ano mang-reaksyon ang kanyang mukha. Maging ako ay hindi makagalaw ng nasa harapan ko na ang lalaking pinagtaguan ko ng mahabang panahon. Hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya. Walang buhay ang kanyang mukha. Tila tumigil ang paggalaw ng kamay ng orasan ng malapit kami sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may pumipigil sa akin na gawin iyon. Hindi ko alam kung ano ang nasa sa isip niya. Hindi kakikitaan ng galit ang mukha nito at hindi rin siya nagsasalita, na mas lalong ika-nakakaba ng dibdib ko. Tumingin ito sa gawi ni Lander. Doon ay nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata. Napansin ko ang pagtayo nina Josh at Carlo sa pagkakaupo. Sa wari ko'y pinakikiramdaman nila ang magiging reaskyon ni Lex. Sabay-sabay kaming napalingon muli sa pinto ng biglang pumasok doon si Camila, na siyang ikinagulat ni Marc. Maging ako ay nabigla rin. Bakit kasama siya ni Lex?. Hindi ba't bu
Honeylette POV Hindi ako mapalagay, habang nakatingin ako kay Marc. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nito dahil masyadong malayo ang distansya namin sa isa't isa. Kausap niya ngayon si Lex sa telepono. Sa bandang huli ay wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa suhestyon nila. Wala na akong magagawa si Lex lang ang pag-asa para gumaling ang anak ko. Kahit na labag sa kalooban ko ang lumapit sa kanya. Nakita kong isinuksok na niya ang kanyang celphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tapos na agad silang mag-usap?. Ang bilis naman yata?. Taka kong tanong sa sarili. Seryosong tumingin sa direksyon ko si Marc. Pagkatapos ay naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Kasalukuyan akong nasa labas nang kwarto ni Lander, ang tanging naiwan lang sa loob ay si Josh. Sumunod ako kay Marc sa labas para marinig ang sasabihin nito kay Lex, ngunit lumayo naman siya sa akin. Si Carlo naman ay nakaupo malapit sa tabi ko. "Papunta na siya!.” Deklara ni Marc. Biglang dumagundong an
Honeylette POV Nakatakip ang mga palad ko sa aking mukha. Pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi mag-alala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi maramdaman ang aking pag-aalala para sa aking anak. Uupo, maya-maya'y tatayo at maglalakad ng pabalik-balik, pagkatapos ay uupo ulit. Para akong baliw sa kilos ko, hindi ako mapalagay hangga't hindi lumalabas ang doctor sa kwarto na pinagpasukan kay Lander. Anong lagay nang anak ko?. Iyon palagi ang tanong ko sa aking isip. Hinawakan ni Carlo ang kamay ko, tinitigan niya ako. Hindi man siya nagsalita ngunit alam ko na ang ibig niyang sabihin, na kumalma lang ako at magiging ayos rin ang lahat. Pinilit kong gawin iyon at minabuting maghintay sa paglabas ng doctor. Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuang nasa harap ng room ni Lander. Tanging si Josh at Carlo lamang ang kasama kong pumunta ng ospital. Naiwan sa bahay si tiya at nanay para samahan si Hailey. Gustuhin man sumama sa amin ni nanay ngunit, pinigilan ko ito. Ma