Share

Maid and Her Boss
Maid and Her Boss
Author: Ms.Jhen

Prolouge

Prolouge

“Parang awa muna huwag mong idamay dito si nanay.” Pagmamakaawa ko kay Patricia.

Nakikita ko ang puro pasa sa mukha ni nanay dahil sa pagtanggap nito ng sampal at suntok sa mga kamay ni Patricia.

“Sige, hindi ko siya papatayin at palalayain ko kayo ngunit sa isang kundisyon.” Bahagya siyang tumigil at pinakatitigan akong mabuti.

“Lalayuan mo si Lex.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nanginig ang mga kamay ko. “Huwag na huwag ka ng magpapakita sa kanya.” Madiin nitong sabi.

“Kakalimutan mo na siya. Dahil hindi naman siya sayo, akin siya.” Malakas na sigaw nito sa huli. Nasisiraan na ng isip ang babaeng ito. Ipinipilit niya ang kanyang sarili kay Lex, na maging asawa siya. Ngunit ayaw naman sa kanya nito, dahil ako ang mahal ni Lex. Nangako siyang mahal niya ako. Napahawak ako sa aking tiyan, inalala ang masasayang tagpo namin na dalawa, maging kung paano namin nabuo ang nasa sinapupunan ko. Ayokong gawin ang gusto ni Patricia ayokong lumayo sa kanya, mahal na mahal ko siya, at sinabi niya na kahit anong mangyari ay poprotektahan niya ako. But now, nasaan siya?. Bakit hindi niya ako magawang ipagtanggol?. Akala ko hindi niya ako iiwan. Ilang beses ko siyang ipinaglaban kahit alam kong magkaiba kami ng estado sa buhay kahit hamak na katulong lang ako. Ngunit ngayon siguro panahon na para piliin ko naman ang pamilya ko. Ayokong mawala si nanay, matagal akong nangulila sa kanya. Kung mangyayari na naman ulit iyon ay hindi ko na kaya.

Narinig ko ang pagkasa ng baril ni Patricia itinutok niya iyong mabuti sa sintido ni nanay. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa aking tiyan. Patawarin mo ko anak, kailangan natin kalimutan ang ama mo. Kailangan mong mabuhay. Masakit man sa akin na layuan siya. Pinaghahawakan ko pa rin ang sinabi niyang mahal niya ako.

“Anak huwag mo akong alalahanin.” Napatingin ako sa mukha ni nanay. Alam kong sinasabi niya na huwag akong pumayag sa gusto ni Patricia. Nginitian ko siya ngunit nababanayad pa rin sa aking mukha ang aking kalungkutan, ganoon din si nanay.

“ Pumapayag ako.” Taas noo kong sagot, nakita ko sa mukha ni Patricia ang pagwawagi ng sabihin ko iyon.

“Anak” muling tawag sa akin ni nanay. Tinulak siya ni Patricia sa sahig. Ngunit nagulantang ako na pagkatapos niyang gawin iyon ay ipinutok niya ang hawak na baril sa aking ina.

“Nay!” halos umalingaw-ngaw ang boses ko sa kinaroroonan namin ng makita kong duguan ang aking ina.

Umagos ang aking mga luha milyong milyong karayom ang tila tumutusok sa aking dibdib.

Nang dahil sa pagmamahal ko sa isang lalaki, dahil sa paglalaban ko ng pagmamahalan namin, ito naman ang naging kabayaran. Puro sakit lamang ang naging dulot noon sa akin. Kinamumuhian ko na minahal kita Alexander Madrigal. Patuloy ang pag-iyak ko habang kandong-kandong ang aking ina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status