Yngrid
"Yngrid, takbo!" Rinig kong sigaw ni Papa at basta na lamang hiniklat ang braso ko para makaalis sa lugar na tinatakasan namin ngayon.
Kahit puno ng luha ang mga mata ko. Kahit nahihirapan na akong makasagap ng hangin ay pinilit ko pa rin ang sarili kong makasabay sa pagtakbo. Miski ako ay ramdam na ramdam ko na ang pagod ni Papa pero hindi kami puwedeng sumuko.
Papatayin nila kami.
Ang mga damit namin ay sira-sira na dahil sa mga sumasabit na mga sanga ng puno. Ang paa namin ay puro sugat at putik dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan. Ang itsura namin ay napupuno na ng dugo dahil nadaplisan kami ng bala ng baril.
Sampung taon pa lamang ako ay ngayon ko lamang nararanasan ang makipaghabulan kay Kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa amin at hindi masabi sa akin ni Papa dahil bata pa raw ako at hindi ko pa naiintindihan ang nangyayari sa paligid ko.
Nabigla na lamang ako ng bumagsak ang maliit kong katawan sa lupa. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay impit na sumigaw at nakahawak sa kaliwang bahagi ng hita niya. Nang tingnan ko ito ay mas lalong lumakas ang pag-iyak ko at napayakap sa kanya.
"Papa, malapit na po sila. Mahuhuli na po nila tayo." Takot na takot kong saad kaya pinakalma ako ni Papa at itinukod niya ang dalawang kamay sa lupa at pilit na tumayo kaya inalalayan ko na.
Muntikan pa nga kaming matumba kung hindi lang nakahawak si Papa sa punong katabi niya. Kahit nanginginig sa takot at sa mga naririnig kong putok ng mga baril ay muli kaming tumakbo.
"Papa, b-baka mawalan ka po ng dugo." Ani ko habang buhat-buhat na niya ako dahil talagang bibigay na ako sa sobrang pagod.
Tumigil na lamang kami sa pagtakbo ng marinig ko ang malakas na agos ng tubig sa likuran ko. Tantiya ko ay nasa pinakadulo na kami ng hacienda namin at itong ilog na ito ang huling destinasyon namin.
Kahit madilim ang paligid at tanging ilaw lang ng buwan ang nakatutok sa amin ay kitang-kita ko ang takot at pagod sa mga mata ni Papa. Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan akong binaba.
"Yngrid, anak. Mahal na mahal ka ni Papa. Lagi mong tatandaan 'yan. Kahit anong pagsubok pa ang dumating sa buhay mo ay palagi akong nasa tabi mo at gagabayan ka, hmm." Pang-aalo niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siyang umiiyak sa harapan ko.
Kaya pinunasan ko ang luha niya at hinalikan siya sa pisngi. Matamis akong ngumiti sa kaniya para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.
"Mahal na mahal din po kita, Papa." Matapos kong sabihin 'yon ay naramdaman ko na lamang ang mahigpit niyang yakap sa akin at ang malamig na tubig na lumukob sa katawan naming dalawa.
"YNGRID!"
Hinihingal akong napamulat ng marinig ko ang boses ng landlady namin. Marahas ang kanyang pagkatok na kulang na lamang ay sirain niya ang pinto at makapasok sa apartment ko.
Ilang beses pa akong pumikit at huminga ng malalim para ikalma ang sarili ko sa masamang panaginip. Nang maayos na ako ay dali-dali kong kinuha ang pera ko sa bag para pambayad ng upa ko.
"Yngrid, ano ba? Hindi ka ba magbabayad? Aba, ilang beses na kitang pinagbigyang bata ka!" Parang megaphone ang boses niya dahil sa sobrang lakas nito. Kulang na lamang ay abot ito sa kabilang baranggay.
Kahit naiirita ako ay pinilit kong ngumiti sabay bukas ng pinto ng apartment ko. Akmang kakatok na sana ulit siya pero naiwan ang kamay niya sa hangin dahil binuksan ko na ang pinto.
"Ito na po ang bayad ko, Aling Lara. Pasensya na sa delay, kahapon ko lang kasi nakuha ang sahod ko." Mahinahong saad ko at inilahad sa kaniya ang pera ko.
Kung kanina ay sobrang sama ng timpla ng mukha niya pero ngayon ay bigla na lang itong nagliwanag na akala mo ay nanalo siya sa lotto. Kaya tumingin siya sa akin at tinanguan na lamang ako.
Akala ko ay magpapasalamat pa siya pero basta na lamang niya akong iniwan kaya napailing na lamang ako. Hays, talagang pera nga ang makakapagpasaya sa mga tao.
Sabagay, miski ako. Kapag may pera ka nga naman ay mabibili mo talaga ang gusto mo ngunit may limitasyon. Pero kahit ganun ay naging masaya ka naman.
Matapos kong maligo at magbihis ay malakas na lamang akong bumuntong hininga ng makita ko kung magkano na lamang ang natitirang pera sa wallet ko.
Isang daan na lamang at kung susumahin mo ay buong araw ko na tong pagkain. Bahala na, baka mag-itlog na lamang ako mamaya at magtiis muna. Tutal ay malapit lang naman ang pinapasukan kong trabaho baka pasahurin na lang ako mamaya.
Sana nga…
Pagbukas ko ng convenience store ay agad ko namang kinuha ang vacuum cleaner at nagsimula ng maglinis. Ilang oras pa ang tinagal ko bago ko buksan ang store na ito. Isa akong kahera dito at natutuwa pa ako dahil hindi ko na kailangan mamasahe para lang makapunta dito.
Umabot ang ilang oras at malapit na akong mag-out. Wala pa ang kapalit ko kaya nababahala ako dahil baka malate pa ako sa isa kong trabaho. Ang pagiging janitress naman sa isang kumpaniya.
Habang binibilang ko ang napagbentahan ngayong araw ay biglang umangat ang ulo ko dahil narinig ko ang pagtunog ng chime. Nang tignan ko kung sino ito ay napangiti na lamang ako dahil si Manager pala ito.
"Good evening po, Manager." Masayang pagbati ko kaya nginitian niya lamang ako at pumunta sa puwesto ko.
"Good evening din. Ako na muna ang papalit sa ngayon, Yngrid." Aniya kaya napatango na lamang ako at umatras para siya ang magpatuloy ng ginagawa ko.
Bago pa ako tuluyang makaalis ay may binigay muna siyang isang sobre at alam kong isang buwang sahod ko na ito. Dahil sa natanggap ko ay hindi ko mapigilan ang maging masaya dahil hindi na naman itlog ang uulamin ko ngayong araw.
Nang makalabas na ako ay binuklat ko ang sobre at mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil limang libo ang sahod ko. Hindi na rin masama. Siguro ay pagkakasyahin ko na lang talaga 'to.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mainggit sa pamilyang nakakasalubong ko. Ang iba sa kanila ay nagbo-bonding. Ang iba naman ay kitang-kita mo ang saya sa mukha nila.
Kaya imbis na mainggit at umiyak ay kusang napatingin ang mata ko sa langit at nagsalita.
"Papa, nakuha ko na ang sahod ko ngayon. 'Wag kang mag-alala, kaya ko pa naman kasi palagi kang nasa tabi ko. Ingat ka palagi diyan sa langit, ha? Miss you po." Pumiyok ako at naramdaman ko na lamang na nagsisilaglagan na ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan.
Nakakahiya sa mga makakakita. Ayokong kaaawaan nila ako. Gusto kong mamangha sila sa kagandahan kong taglay. Chos.
Ang huling naalala ko na lamang kay Papa ko ay noong sampung taong gulang ako. Kahit malabo na sa memorya ko ang ibang nangyari ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga daplis ng bala ng baril.
Kahit anong limot ko ay hindi na talaga ito mawala sa isip ko. Dahil ng magising ako ng araw na 'yon ay ibang tao na ang nag-aalaga sa akin. Matandang babae na talagang sobrang laki ng utang na loob ko.
Kung hindi dahil sa kaniya ay baka wala na ako sa mundong 'to. Hinahanap ko rin si Papa noon pero ako lang daw ang natagpuan nilang palutang-lutang sa ilog. Akala nila ay wala na ako pero nagulat na lang sila ng basta-basta na lamang akong gumalaw.
Simula noon ay ang matandang babae na ang nag-aalaga sa akin hanggang sa tumuntong ako ng disi-otso. Malapit ko na sanang matapos ang kolehiyo pero katulad ni Papa ay iniwan na rin ako ng matandang babae.
Ang totoo niyan ay pakiramdam ko ay iniwan na ako ng lahat. Nag-iisa at walang kasama. Lahat sinikap ko para lang buhayin ang sarili ko. Wala naman kasi akong kamag-anak na kukuha sa akin at aalagaan ako.
Kaya sa edad na disi-otso ay tumigil ako sa pag-aaral at naghanap ng trabaho. Kahit sa una ay mahirap pero habang tumatanda na ako at tumuntong ng bente-dos ay nasanay na rin ang sarili ko sa pagod.
Kahit gusto kong magpahinga ay hindi naman ako puwedeng sumuko. Hindi puwede, anong kakainin ko araw-araw? Itlog ulit? Kulang na lang maging itlog na rin ako.
Pero kahit ganoon ang buhay na tinatamasa ko ay masaya pa rin naman ako at naniniwalang balang-araw ay ako naman ang aasenso. Basta may sipag at tiyaga lang ako.
Balang araw ako naman. Makikita niyo.
"Yngrid!" Nabalik na lang ako sa reyalidad ng tapikin ako sa balikat ng kung sino. Nang lingunin ko siya ay ngumiti ako.
"Aly, ikaw pala. Bakit?" Pagtatanong ko kaya kumamot muna siya sa kilay niya bago ako sagutin.
"Gusto mo ba ng trabaho? May alam ako. Puwede kitang ipasok doon." Suhestiyon niya kaya napatigil ako at napa-isip.
Wala namang masama kung tatanungin ko, 'diba?
"Sige ba pero 'wag ang illegal, ha?" Pagbibiro ko pa kaya mahina naman siyang natawa at may binigay sa akin na isang calling card. Kaya kahit nagtataka ay kuha ko ito at nagpaliwanag naman siya.
"Aalis na kasi ako sa trabaho ko dahil pupunta na ako ng ibang bansa. Tapos kailangan daw maghanap ng kapalit kaya ikaw agad ang una kong tinakbuhan." Saad niya kaya napatango naman ako.
"Anong trabaho 'to?" Pang-uusisa ko.
"Maid ng isang Montecillo."
YngridMALAKAS AKONG napaungol ng magising ako sa sikat ng araw. Nang matamaan ang mata ko ay nakasimangot akong napabangon at kinusot ko ang mga mata ko. Napahawak ulit ako sa ulo ko dahil muli na naman itong sumakit. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala ito kwarto kaya dali-dali akong tumayo at tiningnan ang sarili ko. Napahinga na lang ako ng maluwag ng makita kong kumpleto ang suot ko, kaya muli akong umupo sa kama at muling inalala ang nangyari kagabi. Pumunta ako bahay at uminom ng wine, dumating si Devron at umamin sa kanya ng ‘di oras. Umamin na ako kay Devron! Shet na malupet, iba talaga nagagawa kapag lasing saka lang nasasabi ang totoo. Salamat sa wine na ininom ko, mapaparamdam ko na rin kay Devron ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil sa sobrang excited ko ngayong araw ay dali-dali akong naligo at inayos ang sarili ko. Hindi ko man alam kung nasaan man kaming lupalop ni Devron ngayon ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa at kami lang muna sa ngayon. Nang makita kong
YngridWALA NA AKONG nagawa kundi sabihin ang lahat kay Gelene. Minsan ay napapatigil pa nga ako dahil tili siya ng tili at nahahampas ko pa ang braso. Hindi ko namalayang mag-iisang oras na pala kaming nagke-kwentuhan dito sa loob ng opisina ni Devron kaya naisipan na naming lumabas. Habang hinihintay namin ang pagbukas ng elevator ay muli na naman akong kinausap ni Gelene kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ko talaga sinasagot ang lahat ng katanungan niya. “Kailan ka aamin, be? Eh pareho lang naman pala kayong naghihintayan no boss eh. Parehong pakipot,” pang-aasar niya sa huli kaya inirapan ko siya at inismiran. “Palibhasa kasi ay nagde-date na sila ni Storm,” balik ko sa kaniya kaya pinanlakihan niya ako ng mata na akala mo ay may makakarinig sa usapan namin dalawa kaya nginisian ko lang siya at nagpatuloy. “Ay be, huwag mong iiba ang usapan.”“Handa naman akong umamin, eh. Hindi nga lang ngayon,” sagot ko pa at napakrus nam
YngridPAREHO kaming natigilan ni Devron sa naging tanong ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya sa kauna-unahang pagkakataon. Nanginginig niyang hinawakan ang pisngi ko at mas hinapit pa ang bewang ko para mapalapit sa kanya. “Devron,” paos kong wika pero pinagdikit niya ang noo naming dalawa at marahang hinaplos ang sugat ko sa balikat kung saan ako nadaplisan ng bala kaya lumamlam ang mata ko sa ginawa niya. "Sino ka ba talaga?" Muli kong pagtatanong kaya mariin siyang pumikit. Pakiramdam ko ay natatakot siyang marinig ko ang tunay niyang pagkatao pero hindi ko muna siya huhusgahan. Kailangan kong malaman kung sino ba ang lalaking nagugustuhan. "Dev," malambing kong pagtawag at sa wakas ay binuksan niya na ang mata niya na ngayon ay matapang ng nakatingin sa akin. "Hindi mo magugustuhan kung sino ako, Yngrid," aniya kaya tumango ako at marahang hinaplos ang pisngi niya dahilan para mas lalo pang humigpit ang pagkakakapit niya sa bewang ko. "Handa akong makinig, Devron. Handa
YngridNANLALAMIG na ang katawan simula ng magising ako, ramdam na ramdam ko ang mahigpit na pagkakatali ng kamay ko dahil ramdam ko ang hapdi nito kapag sinusubukan kong kalagin. Ang mata ko ay nababalot ng kadiliman dahil tinakpan ito, nagsimula na ring manginig ang labi ko sa takot.Nasaan ba ako? Saan ba ako dinala? Anong kailangan nila sa akin?“Pre, gising na yata ‘tong babae ni Devron. Nagalaw na eh!” Sigaw ng kung sino at naramdaman ko ang mabilisang paglapit nila sa akin at basta na lamang tinanggal ang pagkakatakip ng mata ko at nag-adjust ako sa liwanag. Nang matanggal na ito ay nangilabot ako ng makita ko ang mga mata nila. Mapupula ito na akala mo ay nakahithit sila ng mga ipinagbabawal na gamot. Kayo na ang bahala sa akin, gusto ko pang mabuhay.“Gising na pala ang babae ni Devron, ano kayang magiging reaksyon niya ng malaman niyang kinuha ka namin?” Natatawang saad niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko kaya mas lalo akong sumiksik sa kinauupuan kahit feeli
YngridPUNISHMENT? Teka anong punishment na naman ang matatanggap ko ngayon. Iniwasan at inasar ko na lang siya. Papaalisin niya na ba ako dito? Sisibakin niya na ba ako sa pwesto? Omg, sana pala nag-isip muna ako bago ko gawin ‘yon.“S-sinabi ko na sa’yo kanina ang rason ko,” matapang kong saad kaya nanlaki ang mata ko ng mabilis siyang umalis sa pwesto niya at binuhat ako at inupo sa ibabaw ng mesa niya. Kahit gusto kong magpumiglas ay hinapit niya ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa. Pucha! Ramdam na ramdam ko tuloy ang mainit niyang katawan dahil magkadikit na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya, ano ba tong ginagawa ni Devron? Nahihibang na ba siya? Paano kung may pumasok sa opisina niya ay abutan kami ng ganito, paniguradong may iba silang iisipin. "Teka, teka kalma Devron. Pwede bang ihiwalay mo ng kaunti itong katawan mo sa akin," natatawang saad ko pero ang totoo ay grabe na ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Imbis na sundin niya ang si
YngridMAKALIPAS ang dalawang araw na marinig ko 'yon ay umiwas muna ako kay Devron. Ayokong mas mapalapit sa kanya dahil may magiging asawa na pala siya, ngayon alam ko na kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Kalista. Ayaw niyang may babaeng umaaligid sa mapapangasawa niya. At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi naman ako pinapatawag ni Devron kahit na halata niyang iniiwasan ko siya, kapag kasi magsasalubong ang landas naming dalawa ay ako na agad ang umiiwas na pinagtataka na nila Manang lalo na si Gelene. "Yngrid, be. Hindi naman sa nanghihimasok ako, ha. Pansin ko lang nitong nakaraang araw na hindi kayo nagpapansinan ni Señorito, 'diba Personal Maid ka niya? Anyare?" Panguusisa ni Gelene ng minsang nagtagpo ang landas naming dalawa sa kusina. Ako ay naghuhugas ng pinggan habang siya naman ay pinupunasan ang mga ito. "Ah, nagpaalam naman ako na dito naman para matulungan ko kayo at saka hindi ko naman iniiwasan si Señorito, hindi lang talaga nagtatagpo ang landas naming da