Share

Kabanata 7

Yngrid

MALAKAS AKONG NAPAUBO ng maramdaman ko ang paglabas ng napakaraming tubig na nainom ko ng mahulog ako sa pool. Ang kaninang naninikip kong dibdib na nawalan ng hangin ngayon ay naging maluwag na. Miski ang tibok ng puso ko ay bumalik na sa normal.

Akala ko ay mamamatay na ako. Mabuti naman at hindi pa. May pangarap pa ako sa buhay.

Naririnig ko na rin ang mga nagkakagulong boses pero mas nangingibabaw ang boses ni Señorito. Ramdam ko rin ang mahihina niyang pagtapik sa pisngi ko pero hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko dahil muli na namang bumibigat ang talukap ng mata ko.

"Wake up, Yngrid. Wake up. You're safe now." 'Yun na lamang ang huli kong narinig bago nandilim ang lahat. Ramdam ko na rin ang malambot na bagay na pumalibot sa katawan ko pati na rin ang pag-angat ko.

"You're safe now."

Dugo. Puro dugo ang pumapalibot sa amin ng bumagsak kami sa malamig na tubig ni Papa. Ang kanyang katawan na puro tama ng baril ngayon ay unti-unti ng hinuhugasan ng tubig na lu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status