Se connecterNapatingin ako sa unipormeng suot ko. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa babae. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito sa mukhang mamahalin niyang dress na hapit na hapit sa katawan niya.
Kumirot ang puso ko kung paano niya haplusin ang braso ni sir Axel. Habang todo ngisi naman ng amo ko, tila natutuwa sa pag-uusap nilang dalawa. Dahan-dahan akong napaatras at naisip na magkulong na lamang. Ngunit akmang aakyat na sana ako pabalik, nang makita ako ni Aling Roseta. “Oh, Ezrha… nandiyan ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” Dahil napalakas ang boses ni Aling Roseta. Sabay na napalingon sa akin ang dalawa. “O-okay naman na po. Kaya ko na pong magtrabaho,” pilit na ngiti ko. “Sigurado ka ba?” Napatango ako. “Kung ganoon, tulungan mo muna ako sa kusina.” Tahimik naman akong sumunod sa likuran ni Aling Roseta. Bago tuluyang umalis, nagkatinginan kami ni sir Axel. Ngunit ako ang naunang umiwas ng tingin sa amin. “S-sino po iyong babae na kausap ni sir, Aling Roseta?” Kinuha ko ang pagkakataon upang magtanong habang naghihiwa ako ng bawang at sibuyas. “Ah, iyon ba? Kababata iyon ni sir. Si ma’am Alexa. Bata pa lang ay palagi na iyang magkasama ang dalawa. Kaya hindi ako magtataka na magkatuluyan din iyan ang dalawa, eh. Bagay naman sila, ‘di ba?” kakaibang kirot ang naramdaman ko sa tanong ni Aling Roseta. “B-bagay nga…” mapait na wika ko. Alam kong wala akong maibubuga. Bukod sa magkasama na talaga sila noon pa. Isa lamang akong hamak na maid sa bahay nila. “A-aray!” reklamo ko nang bigla kong madala ang daliri ko sa hiwa. “Naku, hindi ka nag-iingat. Ako na riyan. Maupo ka na lang muna. Panoorin mo na lang akong magluto.” Tahimik akong sumunod kay Aling Roseta. Dahil sa totoo lang ay nawalan ako ng gana na magtrabaho. Inutusan ako ni Aling Roseta na dalhin ang pagkain sa dining area. Nang makarating doon, bumungad si sir Axel at kaibigan niya na nagtatawanan. “Kailan ba uuwi si mommy at daddy mo? I miss you, Axel. Sa sobrang pagkamiss ko sa ‘yo ay ako na mismo ang bumisita rito,” malambing na wika ng babae. “I’m not sure. But anytime, I can go home or take a vacation with you, Alexa.” Mabigat ang loob ko habang nilalapag ang pagkain sa hapag. Hindi ko nilingon si sir Axel kahit ramdam ko ang malalim na titig niya sa akin. “Iyon naman pala, eh. Bakit hindi ka pa umalis dito. Alam ko naman na ayaw mong umuwi rito dahil nababagot ka. Maliban na lang kung may pinagkakatuwaan ka ngayon.” Hindi ko narinig na sumagot si sir Axel. Gusto ko mang tingnan ang reaksyon niya. Ngunit ayaw kong tapunan siya nang tingin. Nang mailapag ko na lahat at akmang aalis na. Nagulat ako nang bigla niyang hinagip ang palapulsuhan ko. “What happened?” tanong niya bigla. Nakatingin sa daliri kong nahiwa ko kanina. Ang talas naman ng mga mata niya. “U-uh… w-wala po ‘to, sir. Aksidente kong nasugatan ang kamay ko,” sabi ko sabay tanggal ng kamay ko sa kaniya. “May medicine kit sa kwarto ko. Gamutin mo ang daliri mo roon,” utos niya sa akin. Napalunok at napatango. “S-sige po, sir.” Tinalikuran ko sila. Bago pa man ako tuluyang makabalik sa dining area. Narinig ko ang tanong ng babae sa kaniya. “Sino iyon, Axel?” bakas ang pagtataka at kakaibang pagdududa sa boses ni Alex. “Katulong namin sa bahay na ito,” narinig kong sagot ni sir. Totoo naman ang sinabi niya. Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Noong marinig ko ang bagay na iyon, pakiramdam ko’y mas lalong ipinaparamdam sa akin na hindi ako pwedeng mangarap… sa kaniya. Inaamin niyang dati pa lang talaga, mayroon na akong atraksyon kay sir Axel. Hindi ko man siya nakita sa personal, nakuntento na ako sa pagpapantasya sa mga larawan niya. Kung tutuusin, masyado akong maswerte na bukod sa nahawakan ko siya ay naranasan ko rin na magnasa ang katulad niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko sinunod ang utos niya sa akin kanina. Hindi ako pumunta sa kwarto niya. Sanay na ako sa ganito. Hindi ko kailangan ng gamot. Tila namanhid na nga ang daliri ko dahil wala akong naramdaman ni kahit katiting na sakit. Ang mas masakit ay iyong nararamdaman ko. Pero wala akong magagawa… Kahit kahit kailan ay masyadong malayo ang langit para abutin ng lupa. Kaya nga tinitingala lamang ito ng mga tao. Masyado akong hangal dahil nakalimutan kong itatak sa isip ko iyon dahil lamang sa sandaling kaligayahan na bigay ng langit sa akin. Narinig kong sabi ni Aling Roseta, nakaalis na ang kaibigan ni sir Axel. Upang hindi makita ang mukha niya, ginawa ko na ang trabaho ko habang naroon pa ang babae kanina. Ngayon ay nakahilata lamang ako sa kama at halos gumulong dahil hindi makatulog. Naisipan kong tulog na ang lahat. Kaya lumabas ako. Nagbabalak na pumuslit ng gatas sa ref. Naglalakad pa lamang ako sa gitna ng hallway. Nagulat ako nang may biglang humatak sa kamay ko patungo sa madilim na parte. Nanlaki ang mga mga mata ko. May humawak sa labi ko upang hindi makagawa ng anumang ingay. “Shh… hindi ako makapunta sa kwarto mo dahil hindi pa tulog si Aling Roseta,” nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit na hininga ni sir Axel sa tainga ko. Pareho naming pinanood mula sa madilim na parte si Aling Roseta na naglalakad sa hallway. Lalo pa akong napaatras, natatakot na baka mahuli ni Aling Roseta. I heard him groaned behind me when I pressed myself harder, making our body so close. Napapikit ako nang maramdaman ko ang bukol kung saan nakatago ang alaga niya. “Sinasadya mo ‘to,” he whispered. "W-wala akong kinalaman diyan," despinsa ko pa. “Shh... huwag kang maingay…” puna niya ngunit ramdam ko ang ngisi. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Aling Roseta na pinagbuksan ang guard ng p***o. Hinila siya nito palabas at alam kong sa guardhouse na naman tutungo ang dalawa. Buong akala ko ay magagalit si sir Axel sa nakita. Ngunit naramdaman ko ang tawa niya. “Aling Roseta is in love,” natutuwang wika niya. Hindi ko alam kung paano ako sumabog ulit sa gabing iyon. Basta’t pagkatapos no’n ay dinala niya ako sa kwarto at ginamot ang daliri ko. Bahagya niya pa akong tinimplahan ng gatas at hinatid sa kwarto ko.Tinulungan ni Papa si Mama na magsimula ulit. At doon nagsimula ang kuwento nilang dalawa."P-patawarin mo ako, anak. Nilihim ko sa 'yo ang lahat ng ito..." nanginginig na wika ni Mama sa akin. "N-noong nalaman kong anak ni Sandra si Axel, gusto ko kayong paghiwalayin. Ayokong matulad ka sa akin."Napahinto siya sa pagsasalita."A-ang hirap lang kasi..." Napatigil siya habang kinakagat ang ibabang labi, pilit na pinipigilan ang pag-iyak."K-kasi nakikita ko si Axel kay Larex noon. Kung paano niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Kahit anong tulak mo sa kaniya, hinahanap ka pa rin niya."Napayuko si Mama."Ganoon kasi si Larex sa akin dati."Hindi ko alam kung bakit, ngunit mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib."M-mahal ko ang Papa ninyo," patuloy niya. "Pero minsan, naiisip ko lang talaga si Larex. Noong nalaman kong naospital siya, hindi ko maiwasang mag-alala."Napatingin ako sa kaniya."Kaya ba siya humingi ng pabor kay Axel na dito sa ospital magpagamot?" tanong ko.Napatan
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.Nahanap ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng silid ni Sir Larex, katabi si Mama. Ngunit pareho kaming tahimik. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na magsalita.Samantala, naiwan naman sa loob sina Ma'am Sandra at Axel.Hindi ko alam kung paano ko napilit si Axel na manatili sa tabi ng kaniyang ama. Kanina lamang ay ayaw pa niyang gumalaw. Mas gusto na lamang niya akong ilayo roon, marahil dahil hindi na niya kayang makita akong muling masaktan ng kaniyang ina.Ngunit alam kong kailangan siya ni Sir Larex.At kahit gaano kasakit ang lahat, hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang pagkakataong makasama ang kaniyang ama.Napasulyap ako kay Mama.Tulala siya habang nakatitig sa pintuan ng silid. Para bang naroon pa rin ang lahat ng alaala ng nakaraan, naghihintay lamang na muling bumalik sa kaniya.Marami akong gustong itanong.Marami akong gustong malaman.Ngunit masyado akong natatakot sa mga sagot na maaari kong marinig mula s
Halos sabay-sabay kaming napasinghap sa loob ng silid.Napatingin ako kay Axel. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniyang ina."You have no right to hurt Ezrha. How dare you hurt the woman I love, Mom?" bumasag ang boses ni Axel nang sabihin iyon.Napalingon sa akin si Axel. He wiped my tears when he saw them rolling down my cheeks.Ang kanina'y seryosong mga matang ipinukol niya sa kaniyang ina ay agad na lumambot nang ibaling niya ang tingin sa akin.At sa pamamagitan ng titig na iyon, nakilala ko ang lalaking mahal ko.Ang lalaking ni minsan ay hindi nagtaas ng kamay sa akin. He never shouted at me. Hindi niya ako kailanman sinaktan, kahit sa mga panahong pareho kaming nasasaktan at hindi nagkakasundo.Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, hindi niya kailanman ginamit ang galit niya para saktan ako.At ngayon, habang nakatingin siya sa akin, muli kong naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.Ang pagmamahal na kahit anong pagtulak ko sa kaniya palayo ay g
"You're too busy deciding what's best for me. Pero ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko. Kung ano talaga ang gusto ko," dagdag ni Axel. Ramdam ang matinding hinanakit sa kaniyang boses."Axel, hindi mo ako naiintindihan," wika ni Ma'am Sandra habang sunod-sunod na napapailing. "She's the curse in our family, Axel. Siya at ang ina niya.""Kaya ba nagawa mong tangkaing saktan ang buhay niya? Kaya ba pati ang anak ko, idinamay mo sa galit mo sa kaniya?"Natigilan si Ma'am Sandra."Anak, hindi mo alam ang buong kuwento—""Then tell me! Ano ba ang ginawa nila sa pamilya natin para ituring mo silang sumpa? At bakit kailangang si Ezrha ang magdusa sa lahat ng iyon?"Hindi agad nakasagot si Ma'am Sandra. Napatingin siya kay Mama, na nanatiling nakayuko habang tahimik na umiiyak."Mom, look at me. I want the truth. Hindi na ako bata para pagtakpan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko."Napahigpit ang hawak ni Axel sa kamay ko."Kung m
"A-anak..." utal na wika ni Ma'am Sandra nang makita ang anak niyang si Axel.Mula sa kaniya ay nalipat ang tingin nito sa akin. Ngunit unti-unting nawala ang takot na nararamdaman ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Axel sa aking baywang.Napalingon ako sa kaniya.Marahan niya akong hinila patungo sa likuran niya bago taas-noong hinarap ang kaniyang ina. Para bang ipinapakita niyang hindi niya hahayaang lapitan ako ni Ma'am Sandra, lalo na kung may balak itong saktan ako."S-sabi mo sa akin, tanggap mo na ang lahat. Ano iyon, Mommy? When you said that you felt sorry for me because Ezrha and I broke up, pagpapanggap mo lang ba ang lahat? None of those were true?" hindi makapaniwalang tanong ni Axel.Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa kaniyang boses."A-Axel, makinig ka..." ani Ma'am Sandra.Sinubukan niyang lumapit sa anak, ngunit agad itong napaatras.Kasabay niyon ay ang paghigpit ng hawak ni Axel sa kamay ko. Para bang nais niyang tiyaking hindi ako maaabot ng kaniyang i
Umalingawngaw ang malakas na sampal na iginawad ni Mama kay Ma'am Sandra. Napasinghap ako sa nakita. "Huwag mong idadamay ang anak ko rito, Sandra!" sigaw ni Mama sa kaniya. Napalingon ako kay Sir Larex. Bahagya siyang gumalaw, tila unti-unti na ring nagigising dahil sa dalawang babaeng nagbabangayan sa tabi ng kaniyang hospital bed. "Bakit hindi ko idadamay ang anak mo? He stole my son from me! I was trying to push her away, pero sadyang matigas ang ulo niya. Sa tuwing makikita ko siya, ikaw lang ang naaalala ko. Naalala ko ang kalandian mo! At alam ko kung ano ang puno, ganoon din ang magiging bunga. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ganiyan na lamang kadesperada ang anak mo sa anak ko!" Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Ngayon, mas lalo kong naintindihan ang lahat. Ang galit na hindi kayang pigilan ni Ma'am Sandra. Ang hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Ako ang naging puntirya ng lahat ng iyon, kahit ang totoo, nadamay lamang ako sa galit niya kay Mama. Kung







