Se connecter“A-ah… ang sarap…” hindi ko akalain na madadala ko sa panaginip iyong nangyari kagabi.
Nagising ako bigla nang mapagtanto na halos dinala ko na rin sa panaginip ang sarap na naramdaman ko kagabi. Halos pigilan ko ang paghinga ko nang maramdaman ang kamay na nakapulupot sa baywang ko. “H-hindi totoo ‘to. Hindi siya totoo. Panaginip lang ito,” I chanted. I don’t want to believe that this was really happening! Ngunit nang tuluyan kong lingunan ang gwapong mukha ng amo ko. Napamura ako bigla. “Hala! Totoo talaga! Hindi iyon maduming panaginip lang,” kumpirma ko. Mas lalo akong naniwala nang gumalaw ako ng kaunti ay naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Lalo na ang pang-ibaba ko na halos wasakin na ng amo ko kagabi. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay nito sa akin. Natatakot akong baka magising ito. Hindi ko alam ang magiging reaksyon o sasabihin ko kapag mangyari iyon. Ano’ng sasabihin ko? Good morning, sir. Sarap mo pala. Isa pa tayo. Halos sampalin ko ang sarili ko sa iniisip. Naikagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ang lahat. Pakiramdam ko’y naiwan pa rin sa tainga ko ang mga kakaibang ingay ko kagabi. Doon ko rin napagtanto na maingay rin pala ako. Buong akala ko talaga ay tahimik akong tao. Nang tuluyan kong natanggal ang kamay ni sir. Dahan-dahan akong bumangon. Halos maiyak ako dahil kaunting galaw ko lang, pakiramdam ko’y ang sakit-sakit na. Para bang binugbog ako kagabi. Ngunit kakaibang bugbog ang natikman ko. Masarap na bugbog iyon… Mabilis kong pinulot ang bestida at underwear ko sa sahig. Hirap na hirap pa ako sa pagsuot dahil sa bawat galaw, hindi talaga biro ang sakit. Lalo na iyong ibaba ko. Iika-ika akong lumabas ng kwarto. Pinilit kong bilisan ang lakad ko. Natatakot na baka mahuli ako ni Aling Roseta. Ngunit sa kalagitnaan pa lamang ako nang magkasalubungan kaming dalawa. Parehong nanlalaki ang mga mata namin— na para bang tinataguan namin ang isa’t isa. “S-saan ka galing?” tanong niya kaagad sa akin. Napalunok ako. Napatingin ako sa suot niya na gusot-gusot. “Ikaw po? Saan galing?” pabalik na tanong ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya at pag-iwas ng tingin. “D-diyan lang…” tanging sagot niya habang hindi makatingin sa akin. Nanliit ang nga mata ko. Sa postura niya, mukhang kagigising niya rin. At bukas pa ang botunes niya! Sigurado akong galing siya sa guard house. “Kumusta si sir? Kinain ka rin ba niya— este… kumain na ba siya?” tanong ni Aling Roseta. Namula ang pisngi ko. Hindi niya lang po ako kinain, Aling Roseta. Winasak niya pa ako. “B-busog na po yata siya kagabi. Nasarapan siya…” pati ako. “Mabuti naman kung ganoon. O siya, maliligo muna ako at paglutuan ko na siya.” Nagmadali siyang umalis. I sighed in relief. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang suot ko sa pagmamadali. Iika-ika ako sa paglalakad hanggang sa makapasok sa kwarto ko. Hindi ko inaasahan na lalagnatin ako. Buong araw akong hindi lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung hinahanap ba ako ng amo namin. Ngunit napailing ako, iniisip na tutal nakuha niya na ang gusto niya sa akin ay wala na siyang pakialam sa akin. Nakatulugan ko na ang pag-iisip na iyon. Ngunit naalimpungatan ako nang maramdaman ang magaspang na kamay na marahang hinahaplos ang noo ko. Pagdilat ko, nagulat ako nang bumungad ang amo ko sa harap ko. “S-sir…” Sinubukan kong bumangon. Ngunit pinigilan niya ako. “Magpahinga ka muna. Nagdala ako ng pagkain mo rito at gamot. Hinintay kitang lumabas kanina, hindi kita nakita. Muntik na akong mag-isip na multo iyong kasama ko kagabi. Mabuti na lang at naisipan kong magtanong sa mayordoma,” kwento niya sa akin. Napalingon ako sa pagkain na nasa maliit na lamesang katabi lamang ng kama ko. Nilingon ko siya at pinanood kung paano niya pigain ang basang bimpo. Dahan-dahan niya itong ipinunas sa noo ko, sunod sa leeg ko. “Hindi ka na dapat nag-abala,” tanging nasabi ko. Napangisi siya. “I thought you’re like other women. Hindi mo sinabi sa aking birhen ka pala,” bakas ang tuwa at gulat sa boses niya. “S-sinabi ko sa ‘yong hindi kita inaakit…” “Naakit ako, Ezrha…” marahang wika niya. Napalingon ako sa kaniya nang banggitin niya ang pangalan ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Pinanood ko siyang binubuksan ang drawer ko. “Ano’ng ginagawa mo riyan?” hindi siya sumagot. Kinuha niya ang bestida ko roon. Nanlaki ang mata ko nang kunin niya na rin pati ang underwear ko. Bumalik siya ulit sa akin. “Bibihisan kita.” Doon ko napagtanto na hindi pa pala ako nakapagbihis. Nang makarating kasi ako rito, isinalampak ko lang kaagad katawan ko sa kama. “A-ako na…” “I’ll help you,” namula ang pisngi ko. Dahan-dahan niya akong tinulungan na umupo at magtanggal ng suot. Napapaigtad ako sa tuwing mararamdaman ko ang mainit na kamay niya na dumadaplis sa balat ko. Pakiramdam ko minsan ay sinasadya niya talaga iyon. Nang tuluyan nang maihubad ang bestida ko. Hindi pa siya gumalaw. Pinagmasdan niya pa ang katawan ko. Uminit ang pisngi ko, lalo na’t napagtanto na naka-panty lang talaga ako. Napasinghap ako at kakaibang init ang dumaloy sa katawan ko nang dakmain niya iyong dibdib ko. Napaungol ako noong pinisil niya iyon. “So soft…” bulong niya. Halos pigilan ko ang paghinga nang ibaba niya ang kamay patungo sa tiyan ko hanggang sa baba. Sinadya niyang itama ang kamay niya sa hiyas ko. “Mm… ang mahapdi pa…” magkahalong ungol na sabi ko nang panatilihin niya ang kamay niya roon. Natawa siya sa sinabi ko. “Angat ka,” utos niya sa akin, sabay tapik sa balakang ko. Iniangat ko naman ang pang-upo ko. Tinanggal niya ang panty ko at ipinasuot sa akin ang underwear na kinuha niya mula sa drawer. Sunod ay ang bestida ko. Pinahiga niya muli ako at bumalik sa pagpunas sa katawan ko. Hindi mawala ang ngisi niya habang ginagawa iyon. “Kumain ka na rin at uminom ng gamot mo,” paalala niya sa akin. “Sobrang laki naman ng akin at nagkalagnat ka kaagad…” ngisi niya at napayuko, habang nakatingin sa alaga niyang gising na gising sa loob. Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya. “Damn, you wake him up again. Don’t worry, I still have mercy. I know you’re in sore. I can handle this,” napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip na ang iniingatan kong pagkabirhen. Ang alaga niya lamang ang wawasak noon. Hindi ko alam kung paano niya nalampasan ang sandata niyang tayong-tayo. Nagpaalam siyang lumabas at iniwan ako sa kwarto. Hindi niya naman ako pinatrabaho at ipinagpahinga muna. Nang bumuti ang pakiramdam ko, naisipan kong bumaba. Nasa hagdan pa lamang ako nang mapatigil ako sa paglalakad nang makitang may kinakausap si sir Axel na babae.Tinulungan ni Papa si Mama na magsimula ulit. At doon nagsimula ang kuwento nilang dalawa."P-patawarin mo ako, anak. Nilihim ko sa 'yo ang lahat ng ito..." nanginginig na wika ni Mama sa akin. "N-noong nalaman kong anak ni Sandra si Axel, gusto ko kayong paghiwalayin. Ayokong matulad ka sa akin."Napahinto siya sa pagsasalita."A-ang hirap lang kasi..." Napatigil siya habang kinakagat ang ibabang labi, pilit na pinipigilan ang pag-iyak."K-kasi nakikita ko si Axel kay Larex noon. Kung paano niya ginagawa ang lahat para sa 'yo. Kahit anong tulak mo sa kaniya, hinahanap ka pa rin niya."Napayuko si Mama."Ganoon kasi si Larex sa akin dati."Hindi ko alam kung bakit, ngunit mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib."M-mahal ko ang Papa ninyo," patuloy niya. "Pero minsan, naiisip ko lang talaga si Larex. Noong nalaman kong naospital siya, hindi ko maiwasang mag-alala."Napatingin ako sa kaniya."Kaya ba siya humingi ng pabor kay Axel na dito sa ospital magpagamot?" tanong ko.Napatan
Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.Nahanap ko na lamang ang sarili ko na nasa labas ng silid ni Sir Larex, katabi si Mama. Ngunit pareho kaming tahimik. Ni isa sa amin ay walang naglakas-loob na magsalita.Samantala, naiwan naman sa loob sina Ma'am Sandra at Axel.Hindi ko alam kung paano ko napilit si Axel na manatili sa tabi ng kaniyang ama. Kanina lamang ay ayaw pa niyang gumalaw. Mas gusto na lamang niya akong ilayo roon, marahil dahil hindi na niya kayang makita akong muling masaktan ng kaniyang ina.Ngunit alam kong kailangan siya ni Sir Larex.At kahit gaano kasakit ang lahat, hindi ko kayang ipagkait sa kaniya ang pagkakataong makasama ang kaniyang ama.Napasulyap ako kay Mama.Tulala siya habang nakatitig sa pintuan ng silid. Para bang naroon pa rin ang lahat ng alaala ng nakaraan, naghihintay lamang na muling bumalik sa kaniya.Marami akong gustong itanong.Marami akong gustong malaman.Ngunit masyado akong natatakot sa mga sagot na maaari kong marinig mula s
Halos sabay-sabay kaming napasinghap sa loob ng silid.Napatingin ako kay Axel. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kaniyang ina."You have no right to hurt Ezrha. How dare you hurt the woman I love, Mom?" bumasag ang boses ni Axel nang sabihin iyon.Napalingon sa akin si Axel. He wiped my tears when he saw them rolling down my cheeks.Ang kanina'y seryosong mga matang ipinukol niya sa kaniyang ina ay agad na lumambot nang ibaling niya ang tingin sa akin.At sa pamamagitan ng titig na iyon, nakilala ko ang lalaking mahal ko.Ang lalaking ni minsan ay hindi nagtaas ng kamay sa akin. He never shouted at me. Hindi niya ako kailanman sinaktan, kahit sa mga panahong pareho kaming nasasaktan at hindi nagkakasundo.Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin, hindi niya kailanman ginamit ang galit niya para saktan ako.At ngayon, habang nakatingin siya sa akin, muli kong naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap.Ang pagmamahal na kahit anong pagtulak ko sa kaniya palayo ay g
"You're too busy deciding what's best for me. Pero ni hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko. Kung ano talaga ang gusto ko," dagdag ni Axel. Ramdam ang matinding hinanakit sa kaniyang boses."Axel, hindi mo ako naiintindihan," wika ni Ma'am Sandra habang sunod-sunod na napapailing. "She's the curse in our family, Axel. Siya at ang ina niya.""Kaya ba nagawa mong tangkaing saktan ang buhay niya? Kaya ba pati ang anak ko, idinamay mo sa galit mo sa kaniya?"Natigilan si Ma'am Sandra."Anak, hindi mo alam ang buong kuwento—""Then tell me! Ano ba ang ginawa nila sa pamilya natin para ituring mo silang sumpa? At bakit kailangang si Ezrha ang magdusa sa lahat ng iyon?"Hindi agad nakasagot si Ma'am Sandra. Napatingin siya kay Mama, na nanatiling nakayuko habang tahimik na umiiyak."Mom, look at me. I want the truth. Hindi na ako bata para pagtakpan mo ang lahat sa pamamagitan ng pagsasabing ginagawa mo lang iyon para sa ikabubuti ko."Napahigpit ang hawak ni Axel sa kamay ko."Kung m
"A-anak..." utal na wika ni Ma'am Sandra nang makita ang anak niyang si Axel.Mula sa kaniya ay nalipat ang tingin nito sa akin. Ngunit unti-unting nawala ang takot na nararamdaman ko nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Axel sa aking baywang.Napalingon ako sa kaniya.Marahan niya akong hinila patungo sa likuran niya bago taas-noong hinarap ang kaniyang ina. Para bang ipinapakita niyang hindi niya hahayaang lapitan ako ni Ma'am Sandra, lalo na kung may balak itong saktan ako."S-sabi mo sa akin, tanggap mo na ang lahat. Ano iyon, Mommy? When you said that you felt sorry for me because Ezrha and I broke up, pagpapanggap mo lang ba ang lahat? None of those were true?" hindi makapaniwalang tanong ni Axel.Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa kaniyang boses."A-Axel, makinig ka..." ani Ma'am Sandra.Sinubukan niyang lumapit sa anak, ngunit agad itong napaatras.Kasabay niyon ay ang paghigpit ng hawak ni Axel sa kamay ko. Para bang nais niyang tiyaking hindi ako maaabot ng kaniyang i
Umalingawngaw ang malakas na sampal na iginawad ni Mama kay Ma'am Sandra. Napasinghap ako sa nakita. "Huwag mong idadamay ang anak ko rito, Sandra!" sigaw ni Mama sa kaniya. Napalingon ako kay Sir Larex. Bahagya siyang gumalaw, tila unti-unti na ring nagigising dahil sa dalawang babaeng nagbabangayan sa tabi ng kaniyang hospital bed. "Bakit hindi ko idadamay ang anak mo? He stole my son from me! I was trying to push her away, pero sadyang matigas ang ulo niya. Sa tuwing makikita ko siya, ikaw lang ang naaalala ko. Naalala ko ang kalandian mo! At alam ko kung ano ang puno, ganoon din ang magiging bunga. Kaya hindi ako magtataka kung bakit ganiyan na lamang kadesperada ang anak mo sa anak ko!" Para akong nawalan ng lakas sa narinig. Ngayon, mas lalo kong naintindihan ang lahat. Ang galit na hindi kayang pigilan ni Ma'am Sandra. Ang hinanakit na matagal na niyang kinikimkim. Ako ang naging puntirya ng lahat ng iyon, kahit ang totoo, nadamay lamang ako sa galit niya kay Mama. Kung







