LOGIN"What do you want people to feel when they look at this painting?" huling tanong ng interviewer sa akin.Napatingin akong muli sa artwork."I want them to know that losing something doesn't always mean the end..." Huminga ako nang malalim. "Sometimes, we lose something because we're being forced to find ourselves again."Sandaling natahimik ang buong studio. Then the interviewer smiled."That's beautiful."I smiled back. "Thank you."Hindi ko alam kung bakit bigla kong naisip si Axel.Maybe because, after two years, I was finally learning that not every painful memory needed to disappear.Some memories simply had to become part of who I was."Thank you so much, Miss Ezrha," pasasalamat ng interviewer nang matapos kami sa interview."Thank you so much for this opportunity," wika ko at nakipagkamay sa interviewer.She smiled widely. "Oh, no. There are rumors that you already had a child. Is that true?" intrigang tanong ng interviewer."Yes, I already have a child. She's two years old al
Ganito lagi ang eksena namin. Ihahatid ako ni Axel. Babantayan ang anak namin. At susunduin ako sa trabaho.I never heard him complain. Kasi kung magrereklamo siya, madali lang naman sa akin na maghanap ng babysitter. Ngunit iyon ang bagay na hindi nangyari.He always put a smile on his face. Makikita mo talagang masaya siya sa ginagawa niya at handa talaga niyang panindigan na bumawi sa akin.Minsan, pag-uwi ko, makikita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakikipaglaro kay Lexie. Minsan naman, sabay silang natutulog sa sofa.At sa tuwing nakikita ko iyon, hindi ko maiwasang mapangiti.Hindi dahil nakalimutan ko na ang lahat. Kundi dahil nakikita kong sinusubukan niya.Hindi lang para sa akin. Kundi para sa anak namin.Unti-unti, natutuhan kong tanggapin ang presensya niya sa buhay ni Lexie.At kahit hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya na lubusan ko na siyang pinapatawad...Hindi ko na rin siya itinuturing na estranghero.Maybe this was his way of making up for the two years he missed
I can't believe that the days flew by so fast.Ngunit kulang ang mga araw na iyon para sa dalawang taon ng pangungulila ni Axel sa anak niya.I saw it with my own eyes.Kung paano niya unti-unting naging komportable si Lexie sa kaniya.Kung paano niya sinusubukang sulitin ang bawat oras na kasama ang anak namin.Minsan, siya ang nagpapakain kay Lexie. Minsan naman, siya ang nakikipaglaro rito.At kapag natutulog na ang bata, tahimik niya itong pinagmamasdan na para bang ayaw niyang sayangin kahit isang segundo.I could see how much he missed her.Parang gusto niyang habulin ang dalawang taon na nawala sa kaniya.At habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang lungkot.Dahil alam kong may mga unang hakbang, unang salita, unang tawa at unang iyak si Lexie na hindi niya nakita.Hindi niya nasaksihan. Hindi niya nakasama.At ngayon, sinusubukan niyang punan ang lahat ng iyon sa loob lamang ng ilang araw.Minsan, napapansin ko rin siyang tahimik na nakatingin sa mg
"Sigurado ka bang ayos ka na? Okay na ang pakiramdam ni Lexie. Wala na siyang lagnat," wika ni Axel.Bumagsak ang tingin ko sa pagkain."Okay na kami rito, Axel. Baka may trabaho ka pa. Alam kong marami ka pang aasikasuhin," wika ko bigla.Ngunit bakit parang ang lungkot ko? He wouldn't sleep here anymore. Okay na rin naman si Lexie."O-okay. B-but there's still heavy rain, Ezrha," aniya na para bang sinabi niya iyon upang magbago ang isip ko at dito muna siya matulog."It's okay. Tulad ng sabi ko, nanibago lang ako roon," pagsisinungaling ko pa.He bit his lower lip and slowly nodded. "You won't work?" tanong niya sa akin."Hindi na muna. Tatawagan ko lang si Doña Felicia. Pero baka bukas ay ipapabantay ko si Lexie. Tiyak akong gusto rin kasi ng matanda na makita si Lexie. Mami-miss niya iyon kapag lumuwas na siya." Napaangat ang tingin niya sa akin.Now, his ears are on me. "Luluwas?""Oo. Uuwi na siya sa Pilipinas."I saw the different emotions in his eyes. Kitang-kita ko kung paan
Kung dati'y kapag may ganitong sitwasyon, tumatalukbong lang ako ng kumot. Niyayakap si Lexie nang mahigpit. Nilalabanan ang takot nang mag-isa. Tahimik na humihikbi habang dala-dala ang panginginig ng katawan.Ngayon, hindi ako makapaniwala na may kasama na ako.Nakatulog ako sa bisig ni Axel noong gabing iyon. I can't believe that I felt at peace in his warm arms.Nagising ako sa pagsilay ng sikat ng araw sa pagitan ng mga kurtina.Bahagya akong napapikit dahil sa liwanag. Ilang segundo muna akong nanatiling nakahiga bago ko tuluyang napagtanto na may kung anong mainit at mabigat na nakapalibot sa katawan ko.Napatigil ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Napalingon ako kay Axel. Mahimbing pa rin ang tulog niya habang nakasandal ang ulo sa gilid ng kama. Nakapikit ang mga mata niya at bahagyang magulo ang buhok.Napatingin ako sa mga bisig niyang nakapalibot pa rin sa akin. Nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa baywang ko, tila ba takot na takot siyang mabitawan ako.B
I thought I was going to calm down.Ngunit nang magising ako sa lakas ng kulog, napatalukbong ako.Nadako ang tingin ko sa bintana. Bagama't may kurtina na nakaharang, kitang-kita roon ang liwanag ng kidlat na panandaliang nagpapaliwanag sa buong silid.Napapikit ako nang mariin nang muling kumulog.Malakas.Napayakap ako sa kumot habang pilit na pinapakalma ang sarili ko."It's just thunder," bulong ko sa sarili.Pero parang hindi nakikinig ang katawan ko sa sinasabi ng isip ko.Muli akong napatingin sa bintana nang marinig ang patuloy na pagbuhos ng ulan. Mas malakas na ito ngayon kaysa kanina, at halos natatabunan na ng ingay nito ang lahat ng tunog sa loob ng silid.I still remember how this phobia started.Sa bawat kulog, ramdam ko ang pamamawis ng katawan ko. Sinabayan pa ng takot na bumabalot sa katawan ko ang malakas na pagpatak ng ulan.Naalala ko kung paano ako tumakbo sa gitna ng malakas na ulan at kulog para maprotektahan ko ang anak ko sa kapahamakan.Sa kamay ng ina ni A







