Share

53

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-08-26 13:38:53

AMBER

MALAKAS SIYANG tumawa bago lumakad patungo sa switch ng ilaw. Pinatay niya ang ilaw dito sa labas kaya naging madilim. Ang nagbibigay liwanag na lang sa paligid ay ang ilaw mula sa pool. Nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng halik nang lumapit siya sa akin. Habang ang kamay niya ay naglalakbay sa katawan ko.

“Na-miss kita ng sobra, Amber…” bulong niya sa tainga ko nang maghiwalay ang aming mga labi.

Ilang sandali pa binuhat niya ako at lumublob kasi sa pool. Bumakat kaagad ang suot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid for the Boss (SPG)   274

    AMBER Pagbalik ko sa mesa namin ni Haven, agad niya akong hinila palapit sa kanya at pinalibutan ng braso ang baywang ko. "Anong pinag-usapan ninyo ni Marga?" tanong niya habang nakangiti. "Humingi siya ng tawad. At sinabi niyang masaya siya kay Kevin." "Good for her." Hinalikan niya ang noo ko. "At mabuti naman kung maayos na ang lahat." Tumingin ako sa kanya. "Hindi ka ba nagseselos na kinausap ko siya?" Umangat ang isang kilay niya. "Bakit naman ako magseselos? Asawa na kita." Natawa ako. "Kakasal pa lang natin, Haven. Ang bilis mong gamitin ang salitang asawa." "Anong gusto mo? Maghintay pa ako ng isang linggo bago kita tawaging asawa ko?" "Hindi naman!" Ngumiti siya at inilapit ang mukha sa akin. "Kasi ilang taon kitang hinintay, Amber. Wala na akong balak maghintay pa para lang tawagin kang Mrs. Del Monte." Napailing ako habang nakangiti. "Ang kulit mo talaga." "Pero mahal mo ako." "Opo, mahal na mahal." "Hindi ko narinig." "Mahal na mahal kita, Haven Del Monte!"

  • Maid for the Boss (SPG)   273

    AMBER Dumaan pa ang isang buwan, at dumating na rin ang araw na pinakahihintay ko. Araw ng kasal namin ni Haven.Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko habang nakatayo sa harap ng altar, suot ang puting wedding gown na pinili namin. Nakatingin sa akin si Haven na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya sa buong mundo. Hindi niya maitago ang ngiti habang hinihintay niya akong makalapit sa kanya.Nang sa wakas ay nasa tabi na niya ako, marahan niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon."You look so beautiful, baby," bulong niya.Napangiti ako habang pinipigilang maiyak. "Ikaw rin naman, guwapo."Mahina siyang natawa. "Guwapo lang?""Napakaguwapo," dagdag ko, dahilan para mas lumawak ang ngiti niya.Mayamaya ay nagsimula na ang seremonya. Habang binibigkas namin ang aming mga panata, hindi ko maiwasang balikan sa isip ang lahat ng pinagdaanan namin. Hindi naging madali ang relasyon namin. Maraming pagkakataong akala ko ay wala nang pag-asa, at may mga panahong pi

  • Maid for the Boss (SPG)   272

    Amber Tatlong linggo pa ang lumipas mula nang mag-propose sa akin si Haven. At sa loob ng panahong iyon, tuluyan nang bumagsak ang Del Monte Group. Hindi na nakayanan ng kumpanya ang sunod-sunod na problemang kinaharap nito matapos umatras ang Villamor Global Holdings sa kanilang mga kasunduan. Maraming investor ang nawalan ng tiwala, nagkagulo ang mga proyekto, at kalaunan ay napilitan ang pamilya Del Monte na isuko ang kompanyang ilang henerasyon nilang pinangalagaan. Iba na ang may-ari nito ngayon, at wala nang kapangyarihan sina Eduardo at Gina na dati nilang ipinagmamalaki.Kahit papaano, naaawa rin ako sa nangyari sa kanila. Hindi ko naman ginustong umabot sa ganito ang lahat, pero alam kong may mga desisyong kailangang panagutan. Ilang beses nila akong hinamak at ipinadama na wala akong karapatang mahalin si Haven dahil lamang sa mahirap ang pinagmulan ko. Ngayon, sila naman ang nakaranas mawalan ng mga bagay na dati nilang itinuturing na napakahalaga.Gayunman, hindi ko hinay

  • Maid for the Boss (SPG)   271

    AMBER Makalipas ang isang linggo, nagkaroon kami ng simpleng family dinner sa condo. Si Daddy Jefferson ang nag-aya na sabay-sabay kaming kumain dahil gusto raw niyang mas madalas kaming magkakasama bilang isang pamilya. Naghanda si Mama ng ilan sa mga paborito naming pagkain ni Noah, habang si Daddy naman ay tumulong sa pag-aayos ng mesa bago kami nagsimulang kumain.Nandoon din si Haven na maagang dumating. Pagpasok pa lang niya, napansin ko nang parang may kakaiba sa kilos niya. Panay ang tingin niya sa akin at ilang beses pa siyang ngumiti nang walang dahilan. Nang tanungin ko kung ano ang problema niya, ang sagot lang niya ay wala raw at masaya lang siyang makasama kami.“Kuya Haven, bakit panay ang ngiti mo kay Ate?” natatawang tanong ni Noah habang nagsasandok ng pagkain. “May sikreto ba kayo?”“Secret,” sagot ni Haven, sabay abot ng isang pirasong manok sa plato ko.“Wow! Special treatment talaga si Ate Amber,” pang-aasar pa ni Noah.“Syempre naman! Mahal ko ang ate mo,” sag

  • Maid for the Boss (SPG)   270

    HAVEN Tatlong linggo na ang lumipas mula nang tuluyang kumalas ang Villamor Global Holdings sa mga partnership nito sa Del Monte Group at simulan ang pag-alis ng mga investment nito sa kumpanya. Sa loob lamang ng panahong iyon, ramdam na ramdam ang naging epekto sa negosyo namin. Bumagsak ang presyo ng shares ng Del Monte Group, nahirapang makakuha ng bagong investors ang kumpanya, at ilang proyektong umaasa sa dating financing arrangements ang kinailangang muling suriin at ipagpaliban.Hindi ko ikinagulat ang lahat ng iyon. Matagal nang malaki ang papel ng Villamor Global Holdings sa paglawak ng negosyo namin, kaya natural lamang na magkaroon ng matinding epekto ang pag-alis nito. Bago pa tuluyang lumala ang sitwasyon, nagpasya akong bumitaw bilang CEO at ituon ang pansin sa sarili kong mga negosyo.Hindi naging madali ang desisyong iyon, pero kailangan kong unahin ang mga negosyong kaya kong pamahalaan nang hindi palaging nasasangkot sa problema ng pamilya ko. Bukod doon, ayoko n

  • Maid for the Boss (SPG)   269

    JEFFERSON Kinabukasan, nakipagkita ako kay Annabel sa isang pribadong restaurant. Siya mismo ang humiling na magkita kami matapos malaman mula sa abogado ko na ipinagpapatuloy ko ang proseso ng divorce. Sa totoo lang, wala na akong inaasahang magbabago sa desisyon ko. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na gusto ko nang tapusin ang pagsasama namin, pero palagi siyang tumatangging pumirma sa mga dokumento.Pagdating ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa isang mesa sa sulok. Wala ang dati niyang maayos na ngiti, at halatang hindi siya nakatulog nang maayos. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo, ngunit nanatili siyang nakatayo sa tabi ng upuan habang hinihintay akong makaupo.“Salamat at pumunta ka, Jefferson,” mahina niyang sabi.Umupo ako sa tapat niya. “Ano ang kailangan mong sabihin, Annabel? May trabaho pa akong kailangang asikasuhin mamaya.”Bahagya siyang napayuko. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, tila pinipili ang mga salitang sasabihin niya. Sa huli, huminga siya nang ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status