(MARIZ POV)
Alam niyo yung feeling na kahit wala kang ginagawa, parang kasalanan mo pa rin? Yun yung buhay ko dito sa mansion ni Sir Gabe. Minsan nga naiisip ko, baka dapat “Sir” na lang pangalan niya. Kasi kahit anong gawin ko, para siyang robot na naka-program sa dalawang salita lang, Stop talking. Kahapon lang, grabe yung tingin niya sa’kin nung binati ko siya ng “Welcome home!” Eh sorry na, gusto ko lang naman maging hospitable. Sa baryo kasi, automatic yun. Dumating ang kapitbahay, “Kain tayo!” Dito pala, dapat tahimik lang, parang multo. E di wow. --- Pagkagising ko kinabukasan, nagdesisyon ako, hindi ako pwedeng ma-intimidate. Hello? Probinsyana ako pero hindi ako pwedeng lamunin ng katahimikan ng mansion na ‘to. Kung si Sir Gabe walang balak maging tao, edi ako na lang. Nasa kusina ako, nagluluto ng sinangag. Favorite ko kasi yun sa umaga. Habang kumukulo ang kawali, bigla kong naisip Ano kaya kung ipagluto ko si Sir? Kaso, sure akong hindi niya kakainin. Baka sabihin pa niyang unhygienic kasi hinawakan ko. O baka may pakulo pa siyang low-carb diet, high-protein nonsense. Pero sige, try ko na lang. Malay natin, magbago mood niya. “Good morning po, Sir!” bungad ko habang inilapag ang platong may sinangag at pritong itlog. Napaangat siya ng tingin mula sa laptop niya. Walang reaction. Walang ngiti. Wala kahit kunot ng noo blanko lang. “Breakfast po, niluto ko.” Tahimik. “Sir, promise, malinis ang kamay ko. Nag-alcohol pa ako ng tatlong beses” “Mariz.” “Yes po?” “I said… don’t talk.” Napairap ako nang palihim. Grabe naman, pati itlog na sunny side up, bawal bang ipagyabang? Pero ayun, nilapitan niya rin yung plato. At guess what? Kinain niya. Hah! Points for Mariz! --- After breakfast, sinubukan kong maglinis ng sala. Pero ang hirap, kasi tuwing dumadaan ako, ramdam ko yung titig niya. Yung tipong parang nag-e-exam ka at mahuhuli ka pag nagkamali ng walis. “Sir, relax lang po. Marunong naman ako maglinis. Hindi naman ako magnanakaw ng carpet niyo.” “Mariz.” “Oops, sorry. Don’t talk. Copy.” Pero syempre, hindi ko kayang manahimik ng matagal. Kaya habang nagpu-polish ako ng vase, kinakausap ko sarili ko. “Hay nako, Mariz, ang ganda mo talaga. Parang hindi bagay maglinis. Dapat artista ka na lang.” “Mariz.” Napalingon ako. Oops. Hindi pala sa isip ko lang nasabi yun. Tumikhim ako. “Ano po?” “Nothing. Just… focus.” At nakita ko. Yung bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Hindi ko alam kung ilusyon lang, pero parang… parang napangiti siya ng konti. Omg. Achievement unlocked! Mas lalo pa akomg ginahan maglinis, kaya imbis sa sala lang ako maglinis e halos linisin ko na buong mansion. --- Kinahaponan, nagkataon na nasa hagdan ako, nagdadala ng tray ng baso. Siyempre, dala-dala ko with confidence, kasi sanay ako sa gawaing bahay. Pero biglang Natapilok ako sa hagdan. “Ay put—!!!” Buti na lang, mabilis si Sir! Bigla niyang nahawakan ang braso ko at naiwasan kong tumilapon pababa. Naramdaman ko yung higpit ng kapit niya, yung init ng kamay niya sa balat ko… at yung titig niya. For the first time, hindi malamig. Hindi galit. Kundi… nag-aalala. “You okay?” mahina niyang tanong. Napakurap ako. Wait lang. May concern??? Galing ba ‘to kay Sir Robot? “O-opo… I mean, yes, Sir! Okay lang ako. Hindi pa po oras para ma-ospital.” Napatingin siya sa tray, basag yung isang baso. Naka-expect na ako ng sermon. Pero ang sinabi lang niya “Be careful next time.” Tapos iniwan niya ako. Just like that. Pero hindi ko makalimutan yung hawak niya. Parang kahit suplado siya, may parte sa kanya na hindi bato. May konting init. May konting… humanity. --- Pagbalik ko sa kwarto ko, napahiga ako sa kama, tinitigan ang kisame. “Hay nako, Mariz. Wag kang magpaka-foolish. Hindi ka pwedeng kiligin kay boss mo. Hindi pwede.” Pero syempre, sino bang niloloko ko? Kinilig ako.GABRIEL’S POV. The mansion is wrapped in silence, but in my head, the words of my private investigator keep echoing. Clarisse faked her pregnancy. And now, she’s dead. Found in her condo, her body lying there for almost a week before anyone discovered it. Tutok lang ang mata ko sa screen monitor, pinapanuod ang mga footage showing the van na sinakyan ng mga kumuha kay Mariz. I rubbed my temples, forcing my mind to stay steady. Focus, Gabriel. You can’t afford to break down. She needs you. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili na hindi pwedeng sumikat ang araw ng hindi ko nababawi si Mariz sa mga taong kumuha sakaniya, hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Napapikit ako, pilit binubura ang image ni Liza na lumilitaw sa isip ko sa tuwing tinatanong ko ang sarili kung sino ang may pakana. I know.. she can't do things like this... Alam kong terror siya, as in masungit, mapanghusga pero sh’s to innocent for doing those fucking things.. But
MARIZ POV.Nagising ako dahil sa gulat ng may biglang malamig na bumuhos.. tubig. Napamulat ako at sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki na nasa harapan ko, ang isa may hawak na baril habang ang isa naman ay may hawak na timba, na siya sigurong pinaglagyan ng tubig na binuhos sakin kanina.“Wala ba kayong balak na pakawalan nalang ako?!” sigaw ko sakanila, pero nagtinginan lang ang mga ito at sabay pang tumawa. “Ano ka sinuswerte?” dinig kong boses mula sa likod nila. May palatok ng takong sa sahig, dahan dahan.. Sa bawat hakbang nito ay sinasabayan ng tibok ng puso at paghinga ko.“Hi my dear!” bungad nito sakin..Nangilabot ako sa paraan ng pag ngiti niya, ngiting umaabot hindi lang sa mata kundi pati sa tainga. Ganito talaga siya kasaya? ganito siya kasayang nakikita akong nahihirapan.. ganito niya ba talaga plinano ang lahat?“Liza..” halos pabulong kong sabi. “O yes! it's me!” patawa tawa pa nitong sabi. Mas nakakapangilabot siyang makita ngayon, nakapulang dress, black boots
Gabriel's POV Hindi ako mapakali. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng kuwarto, hawak ang cellphone ko, pero hanggang ngayon wala pa ring, tawag, wala pa ring balita tungkol kay Mariz. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, kung ano pa ang iisipin ko. Nakakabaliw, nakakabaliw dahil hindi ko alam kung napaano na si Mariz, kung okay pa ba siya.. Every second na lumilipas, ramdam ko na parang may sumisikip sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang kaba o dahil sa sobrang galit na kanina ko pa sinusubukang pigilan. “Where are you, Mariz…” bulong ko, napasabunot na lang ako sa sarili ko, hindi ko alam ang gagawin! Hindi ako relihiyoso, pero para akong nagdadasal na lang na sana safe siya. Sana lang talaga, dahil pag may mangyaring masama kay Mariz, i Swear! i swear! i will make them pay! Mula sa bulsa ng coat ko, ilang beses kong na
MARIZ POV Ramdam ko ang bigat at sakit ng ulo ko, dahan-dahan kong minulat ang mata ko, at wal sa sariling sinuri ang paligid. Parang isang container van, makalawang na ang paligid, parang sanay na sila sa ganitong gawain, at mukhang hindi lang ako ang unang biltima nila. Amoy ko ang masangsang na amoy ng langis at alikabok, naririnig ko rin ang mga tawanan sa di kalayuan.. Masaya pa talaga sila? Masaya sila na may buhay silang sinisira? Sinubukan kong igalaw ang kamay ko, pero humapdi lang ito dahil sa higpit ng pagkakatali ng lubid dito. Nakatali ang dalawa kong kamay sa magkapares kong paa. Ramdam ko rin ang lamig ng sahig ng container van. Parang sinadya talaga itong gawin para sa mga ganitong gawain nila, may malamlam na kulay dilaw na ilaw sa gitna, may mga tubig ng drum sa paligid, lubid, mga kahoy.. at iba pa. “Jusko” saad ko sa isip ko, hindi ko kayang magsalita dahil sa telang nakatali sa bibig ko. Hindi na ako nagsayang ng lakas na sumigaw o kung ano pa man,
Gabriel's POV Pagkapasok ko sa kuwarto, halos ibagsak ko na lang ang sarili sa sahig, hindi ako sanay na uuwi ako nang wala si Mariz sa paningin ko. Sobrang sakit! naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa, nandito ako ngayon habang siya, hindi ko alam kung nasan, kung kumain na ba siya, kung ayos ba ang tutulugan niya... kung... kung buhay pa ba siy--. “Tanginaaaaa!” sigaw ko at pinagsusuntok ang pader, hindi ko na alam kanino ko ibubuhos ang galit ko.. natatakot ako para kay Mariz, natatakot ako para sa magiging anak namin. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko, hapdi at kirot dahil sa ginawa kong pagsuntok ng malakas sa pader. Hindi ko na rin pinapansin ang dugo na namumuo rito. Hindi ko matanggap. Hindi ko maisip na sa isang iglap, may naglakas-loob na kunin siya. Wala man lang rin nag-tangkang tumawag, hindi ko alam kung anong iisipin ko, h
LIZA'S POV When the door shut close, humiga agad ako sa kama, hawak ang phone ko. I didn't expect na ang galing ko palang umarte? like kanina lang, todo luha at panginginig ako sa harap nila Gabriel at ng lahat. But now? Napapangisi nalang ako. Ang sarap sa pakiramdam na makita silang nag-aalala, naguguluhan, at higit sa lahat, si Gabriel na, galit, takot na takot, at halos mabaliw dahil sa pagkawala ni Mariz. I can't imagine kung ano pang magiging itshura ni Gabriel if he see Mariz without a life? Haha. Nung palang nahirapan ng huminga si Mariz at nahimatay, dahil kinain niya ang niluto ko na para sakaniya lang talaga. Hindi ako kumikilos without knowing the background.. Someone told me na Allergy siya sa Peanuts, woah.. I cannot believe na makakasalubong ko ang lalaking ‘yon sa entrada. May dalang paper bag, regalo niya raw for Mariz and Giselle.. And he said that na sibihin ko raw kay Gisielle na bawal ang mani kay Mariz.. Sa una i was like.. Mukha ba akong utusan? but i smil