Share

Chapter 49

Author: kkyrieehale
last update Last Updated: 2025-09-07 08:00:43

Ang ingay ng paligid, pero sa tenga ko… para bang wala akong marinig. Tanging tibok ng puso ko lang ang malinaw. Mabilis. Magulo. Parang pinipilit kumawala.

So, ito na pala ‘yun? Ito na pala yung big news na maririnig ko?

Kaninang umaga pa ako kinakabahan, pero hindi ko inakalang ito pala ang dahilan. Ang sakit. Ang sakit na parang binuhusan ako ng kumukulong tubig at pinaso mula ulo hanggang talampakan.

Ngumiti ako. Oo, ngumiti ako. Pero hindi ko alam kung paano ko nagawa. Ang bigat ng labi ko, para bang may kung anong nakakabit. Kahit pilit, kailangan kong magpanggap.

Kailangan kong magpanggap.

“Congrats, Sir Gabriel… Miss Clarisse.” Boses ko, bahagya pang nanginginig. Pinilit kong gawing masaya, parang tunay na pagbati.

Nakita kong napalingon si Aling Berta sa akin, halatang nagulat sa sinabi ko. Si Ate Linda, parang gusto akong lapitan. Pero hindi ko sila pinansin. Hindi ako pwedeng magpahalatang durog na durog na ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lenny Yruma
kindly ud twice a day......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 51

    GABRIEL'S POV Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Kahapon lang, parang hawak ko na ang mundo. Ngayon, parang ako na ang pinaka-tanga at pinaka-duwag na tao sa buong mansyon. Mariz told me to stop. To let her go. To focus on Clarisse. Pero paano ko gagawin ‘yon? Paano ko ipipikit ang mata ko at kakalimutan lahat ng nangyari sa amin, yung mga gabi na hawak ko siya, yung mga umaga na siya ang unang nakikita ko, yung tawa niyang kahit ilang oras kong marinig, hindi ako nagsasawa. Hindi ko kayang iwan siya. Pero bakit siya mismo ang naglalayo? --- Kanina habang nasa harap ako ng mga staff, ramdam kong lahat sila naghihintay ng paliwanag. Alam kong nakatingin rin si Mariz, kahit pilit siyang ngumiti, kahit nagtatago siya ng sakit. Tangina, hindi ako manhid. Kita ko sa mata niya. She’s hurting. At doon ko lang narealize, baka ka

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 50

    Pagkatapos ng tensyonadong pagtitipon, isa-isa nang nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho ang mga kasambahay at staff. Ang bigat ng tingin ng lahat, pero nakangiti pa rin ako, nakikipagbiruan, para lang walang makahalata. Pero pagkapasok ko sa hallway ng mansyon, doon ko na naramdaman ang unti-unting panghihina ng mga tuhod ko. Para bang kanina lang ay may maskarang nakadikit sa mukha ko, at ngayong wala nang nakakakita… nagbibitak na ito. “Mariz.” Napahinto ako. Pamilyar ang boses. Mababa, puno ng diin. Si Gabriel. Pinabilis ko ang lakad ko. Ayoko. Ayoko siyang makita ngayon. “Mariz, wait.” Mas malakas na ang tinig niya, mas mariin. Lalo kong binilisan ang hakbang ko, halos tumatakbo na sa mahabang pasilyo. “Kailangan ko pang ayusin ang kusina, Sir. Baka bukas madaming gagawin..” Pero bago pa ako makarating sa pinto ng kwarto ko, mabilis niyang nahawakan ang braso ko.

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 49

    Ang ingay ng paligid, pero sa tenga ko… para bang wala akong marinig. Tanging tibok ng puso ko lang ang malinaw. Mabilis. Magulo. Parang pinipilit kumawala.So, ito na pala ‘yun? Ito na pala yung big news na maririnig ko?Kaninang umaga pa ako kinakabahan, pero hindi ko inakalang ito pala ang dahilan. Ang sakit. Ang sakit na parang binuhusan ako ng kumukulong tubig at pinaso mula ulo hanggang talampakan.Ngumiti ako. Oo, ngumiti ako. Pero hindi ko alam kung paano ko nagawa. Ang bigat ng labi ko, para bang may kung anong nakakabit. Kahit pilit, kailangan kong magpanggap.Kailangan kong magpanggap.“Congrats, Sir Gabriel… Miss Clarisse.” Boses ko, bahagya pang nanginginig. Pinilit kong gawing masaya, parang tunay na pagbati.Nakita kong napalingon si Aling Berta sa akin, halatang nagulat sa sinabi ko. Si Ate Linda, parang gusto akong lapitan. Pero hindi ko sila pinansin. Hindi ako pwedeng magpahalatang durog na durog na ako.

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 48

    Ramdam ko ang kakaibang lamig ng hangin sa malaking hall ng mansyon habang isa-isang nagsidatingan ang mga kasamahan ko. Si Ate Linda, abala sa pag-aayos ng mga upuan, si Aling Berta naman panay ang kwento ng kung anu-anong chismis na narinig niya sa palengke. Si Gisiell, as usual, iritable na agad kahit wala pa man siyang pinagsasabihan.Ako? Tahimik lang.Pero sa loob-loob ko, hindi ko mapigilan ang kaba. Alam ko kung ano ang balak ni Gabriel ngayon. Kagabi pa lang, ramdam ko na ang desisyon niya, ibubunyag na niya ang tungkol sa amin. Sa harap ng lahat.Napakagat ako sa labi, sabay silip sa malalaking bintana ng hall. Ang sinag ng araw, tumatama sa mamahaling chandelier, kumikislap na parang nagsisigaw ng atensyon. Parang sinasabing, “Walang lihim na mananatiling lihim.”“Mariz, ano ba’t parang tulala ka diyan?” singit bigla ni Ate Linda, dala-dala ang clipboard.Napangiti ako ng pilit. “Wala naman po, Ate. Siguro… kinakabahan lang.”“Kinakabahan? Aba’t bakit naman? Eh hindi ikaw a

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 47

    Nagising ako na may kung anong mabigat na nakapatong sa bewang ko. Ramdam ko agad yung init ng hininga ni Gabriel sa batok ko. Napangiti ako, kahit na parang gusto kong magtago sa kumot sa hiya. Jusko, ilang gabi na ba? Pero bakit parang lagi akong kinikilig parang unang beses pa rin. “Good morning, sleepyhead.” bulong niya, mababa at husky ang boses niya na parang dumidiretso sa puso ko. Agad akong napapikit ng mariin. “K-kanina ka pa ba gising?.” tanong ko. “Yup” tipid na sagot nito, pinaningkitan ko siya ng mata at tinusok ang dulo ng ilong niya. “Bakit ang aga aga mong nagising?” tanong ko, nakangiti. Humagikhik siya, tapos hinalikan yung gilid ng tenga ko. “Kasi gusto kong makita yung mukha mo habang tulog ka. Ang cute mo sobra, hindi ka nakakapagod titigan.” “Yuck!” mabilis kong tinakpan ang mukha ko ng unan. Paano pala kung nakita niya na may tumutulong laway mula sa gilid ng bibig ko? yeekek! “Anong yuck? sinasanay ko na ang sarili ko kasi i know darating rin an

  • Maid in Manila, Loved in Secret   Chapter 46

    Medyo nakaramdam na ako ng alinsangan sa yakapan namin ni Gabriel, pero hindi ko magawang itulak siya. Kahit pa ramdam ko na ang mabilis na tibok ng puso ko, kahit pa nanginginig na ang mga daliri kong nakahawak sa dibdib niya, hindi ko kayang lumayo.“Gabriel…” bulong ko, halos wala na akong boses.“Shhh…” inilapit niya ulit ang labi niya. “Don’t say anything. Just… stay with me.”At bago pa ako makasagot, hinalikan niya ulit ako, mas mapusok, mas mariin. Wala na yung lambing na parang panliligaw kanina, ito na yung halik ng isang lalaking hindi makapagpigil. At imbes na matakot, mas lalo akong nadadala.Napahawak ako sa batok niya, kusang gumanti. Ramdam ko ang init ng palad niya sa baywang ko, gumagapang paakyat, pababa, parang hindi alam kung saan hahawak. Hanggang sa maramdaman kong buhat na pala niya ako, at ako mismo ang kumapit ng mahigpit sa leeg niya.“G-Gabriel! Baka may makakita…” mahina kong protesta, pero hindi ko na nagawan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status