Share

Chapter 35

last update Last Updated: 2025-02-18 17:58:08

Chapter 35:

Inasikaso ni Adah ang sugat niya. Panay ang pag-ngiwi niya dahil nadidiin ng pinsan niyang ito ang bulak na may betadine sa sugat niya.

“Adah, hindi ka ba marunong mag-dahan-dahan?! It hurts!”

“Dahan-dahan na iyan, Ry! Paanong hindi sasakit, e, sugat iyan! Bakit ba kasi palagi na lang ganito ang problema mo? Kung hindi ka nababaril ay hinahabol ka ng mga taong may galit sa iyo!” singhal ng pinsan niya. “I guess, mas marami pa ang mga taong galit sa iyo at gusto kang matigok kumpara sa mga taong gusto kang mabuhay sa mundo!”

“Cous, I think mali ka. Women are after my welfare. They probably would pray for my safety. Remember, I am their dream!”

“And definitely their worst nightmare!”

“Ouch! Cous, masakit!”

“Talagang masasaktan ka dahil malalim iyan! Huwag kang magalaw dahil patapos na ako.” Kinuha na ng pinsan niya ang mga bandeha at sinimulan na nitong balutin ang sugat niya. “You’re all good now. Just make sure to clean your wound so that it will be healed fast,” wika ni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 143

    Chapter 143:“Daddy?!”Nilingon niya ang mga anak niyang sabay siyang tinawag. Tumakbo papalapit sa kaniya ang mga bata at agad na kinapa ang baril na nasa kaniyang baiwang. Ito ay ang kaniyang Smith and Wesson Model 19. “Darv, ang ganda ng baril ni Daddy!”“Daddy, can we have guns too?”Yumuko siya at hinawakan ang mga pisngi ng dalawa. “Boys, guns are dangerous. Apparently, you have your toys. Iyon ang guns na puwede sa inyo.”“But your gun is way better than our toys, Daddy!”“Oo nga po. Gusto namin iyong totoong gun at hindi iyong mga toys lang.”Kung hindi lamang sa problema na kinahaharap nila ngayon ay hindi niya na iisipin pa na balikan ang buhay na ito. Hindi niya labis maisip na makikita siya ng mga anak niya na may dala-dalang baril na siyang kagigiliwan ng mga ito. Kailanman ay hindi magiging magandang buhay ang matatamo ng mga taong nasa mundong minsan niyang ginagalawan at ngayon ay babalikan. Nais niyang maging magandang ihemplo sa mga anak niya, subalit sa pagkakatao

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 142

    Chapter 142:Nakasandal sa sulok ng madilim na silid, balisa ang isipan, at hindi man lang alam kung ano ang susunod na gagawin. Puno ang puso niya ng mabibigat na katanungan. Sinubukan niyang huminga nang malalim upang mawala ang bigat na nararamdaman, pero napagtanto ni Lila na mas bumigat pa ang kalooban niya. Dalawang tao ang kaniyang pinagbintangan. Naging masama siya kay Abionna at Selena. Hindi niya sinubukang alamin ang kuwento ng dalawa bago niya husgahan ang mga ito. Hindi na siya balanse ngayon, mas nagiging mabigat na ang kaniyang emosyon kaysa kaniyang intelektuwal na kapasidad. Tunog ng binuksang pintuan ang umalingawngaw sa madilim na silid, kasunod nito ay ang tunog ng pagtuplok sa switch ng ilaw. Naging maliwanag ang buong silid, subalit puno naman ng kadiliman ang kaniyang kalooban, hindi dahil siya ay masama, kun’di ay hindi na niya mahagilap ang ilaw na siyang magbubunyag sa katotohanan sa likod ng pagbabanta sa kaniya. Lumapit sa kaniya ang fiancé niya. “Babe?”

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 141

    Chapter 141:Dumating ang kaniyang Nanay. Umakbay ito sa kaniya at pilit siya nitong pinatatahimik.“Anak, hindi kita tinuruan nang ganitong asal. Ano ba ang nangyayari sa iyo?”“Nanay, kayo na ang hinahamakn ng babaeng ito. Huwad siyang kaibigan! Huwad siyang tao na kailangan na pagbutihin ang pagbabantay ng kaniyang kilos dahil baka mamaya ay isa-isa na tayong pinugutan nito!”“Anak!”Hinawakan niya sa magkabilang braso si Abionna. “Mabait ako, Abionna! Pero kinakalimutan ko ang kabaitan ko kapag pamilya ko na ang agrabyado!” aniya. “Lila, maniwala ka s-sa akin! Hindi ko magagawa ang lahat ng iyan!” “Babe, mag-usap tayong lahat nang mahinahon. May mga bata tayong kasama,” paalala ni Ryllander sa kaniya.Nakita niya ang mga anak niya na nakatingin sa kaniya at halos manginig na habang nakikita siya ng mga ito na nagagalit. “Hindi na ito ang panahon ng paghinahon, Ryllander! Kailan natin aasikasuhin ang bagay na ito? Kung isa na sa atin ang nakalamay? Hindi ako papayag na mangyari

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 140

    Chapter 140:Naharangan ng mga luha ang kaniyang mga mata, naging dahilan upang lumabo ang mukha ni Celine. Subalit ay kaniyang sinikap ang lahat upang maibigay sa babaeng nagbabahagi ng karanasan ang kaniyang tainga. “Nangyari sa akin ang mga bagay na ito sa loob ng kulungan, Lila. Ang pilat na gawa ng plantsa ay noong nasa basement kami kung saan pinapahanda sa amin ang mga kurtina na gagamitin sa isang event na gagawin doon sa presohan. I-I was bullied. Hinawakan ng iba ang mga kamay ko upang hindi ako makagalaw habang ang mayor nila ay paulit-ulit na pinalapat sa mukha ko ang mainit na plantsa. Damang-dama ko ang sakit nito, ang init na halos sunugin pati ang kaluluwa ko.” Walang tigil ang pagluha ni Celine. Siya nama’y ganoon din. Naawa siya sa babae at hindi na halos kaya pang marinig ang kuwento nito. “H-Hindi lang ito ang ginawa nila sa akin. P-Pinakain nila ako ng mga insekto, nilunod sa kubetang puno ng dumi, a-at tinatakan ng mga pilat gamit ang matatalas na bagay na pos

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 139

    Chapter 139:Minamaneho niya ngayon ang kaniyang Mercedes-Maybach S650 patungo sa orphanage na sinabi ni Ryllander kung saan naroroon si Celine. Sa totoo ay hindi niya lubos maisip na kaya ni Celine na gawin ang bagay na iyon sapagkat sa orphanage ito tumutuloy. Subalit tulad ng sabi nila’y hindi mo malalaman kung ano ang kakahayan ng isang tao. Lalo na at nakayanang gawin ni Celine ang lahat ng kahayupan nito noon, higit limang taon ang lumipas.Maaga siyang umalis at hindi na siya nagpaalam pa sa fiancé niya. Sa panahon na ito ay pati si Ryllander ay hindi niya gustong isangkot. Ayaw niya rin na mabuksan ang usapin tungkol sa taong nagbabanta sa kaniya, sapagkat malakas ang kutob niya na may masamang balak pa rin si Abionna sa mga taong pinoprotektahan niya. At ito namang si Ryllander ay pilit na pinagtanggol si Abionna.Ilang oras ang biniyahe niya patungo sa Patterson Home for the Orphans. Pinarada niya sa labas ang kaniyang sasakyan. Agad naman siyang pinapasok ng guwardiya nang

  • Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss   Chapter 138

    Chapter 138:“Babe?”Buong araw ay hindi siya lumabas sa kanilang silid. Ni hindi man lang siya sinundan ng lalaki kanina nang umakyat siyang muli. Ngayon lang pumasok sa silid si Ryllander. Hindi niya ito kinibo, sa katunayan ay sinubukan niyang ipukol ang atensiyon sa pagbabasa.Sa halip na sumagot ay tumalikod siya sa lalaki. Tumabi ito sa kaniya kaya ay tiniklop niya ang librong binabasa niya at nilagay ito sa desk malapit sa kama. Naalala niya ang pagsigaw ng lalaki sa kaniya kanina. Hindi lamang siya nabigla, higit sa damdamin na iyon ay nasaktan siya. Pakiramdam niya ay bumalik ang unang tingin ng lalaki sa kaniya noong bagong salta pa lamang siya sa Maynila. Isang maid lamang na sinisigaw-sigawan.Naramdaman niya ang malaking kamay ni Ryllander na binalot ang kaniyang hubad na braso. Yumuko pa ang lalaki at hinalikan ang likod ng ulo niya. Pumikit siya at hinayaan ang mga mata niyang lumuha. “Babe, hindi ko sinasadya. Pasensiya ka na.”“Hindi ko kailangan ng sorry mo, Ryllan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status