Share

Chapter 2

Author: Switspy
last update Last Updated: 2022-06-23 02:50:03

DALAWANG ARAW NA siyang nasa condo ng nagpakilalang asawa niya. Pero ang pinagtataka niya bakit hindi ito umuuwi. Tanging si nanay Marissa lamang ang kasama niya. Wala rin naman maisagot si nanay kung nasaan ang among lalaki. Gusto niya rin sana itanong kung may anak sila tulad ng nabanggit ng doktora. Paano niya magagawa kung basta na lamg siya iniwanan rito.

Nang magising siya at makausap niya ang doktora. Malinaw ngang asawa niya ang lalaking hindi man lang marunong ngumiti.

Ayaw niya man sumama rito dahil nakakatakot ang awra nito pero wala siyang magawa dahil tanging ito lamang ang kanyang pamilya. Napag-alaman niya rin na ulilang lubos na siya kaya ano pa magagawa niya kungdi magtiwala rito kahit parang ang hirap. Lalo na sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay tila gusto siya nitong ibaon sa ilalim ng lupa.

Gusto niyang maalala kung sino ba talaga siya. Pero sa tuwing tatangkain niya ay sumasakit ang kanyang ulo. Sabi ng doktora kusa daw babalik ang mga alaala niya. Maybe weeks, months, walang nakakaalam pero huwag naman sana umabot ng taon.

Nabalik siya sa kasalukuyan ng marinig niya ang boses ng taong gusto niyang makita. Nagmamadali siyang nagpunta sa sala mula sa kusina.

Nagsalubong ang kanilang mga mata at tulad ng dati, siya ang unang bumabawi ng tingin dahil sa natatakot siya rito. Diba dapat hindi siya matakot kasi asawa niya ito? Pero bakit ganun? Kabaligtaran ang nararamdaman niya.

"I think your fully recover. We don't need Nanay Marissa." Bumaling ang asawa niya kay nanay Marissa. "Balik na po kayo sa bahay."

"Sige, iho." Naglakad na si Nanay Marissa patungo sa inuokupa niyang silid siguro ay para mag-empake.

"Pagkaalis ni Nanay Marissa, ilipat mo ang mga gamit mo sa kwartong niya."

Nasundan niya na lang ng tingin ang asawa na pumasok sa silid na tinutuluyan niya.

Bakit niya kailangan lumipat?

Hindi sa gu-gusto niya magkatabi sila, pero..

Naguguluhang sinundan niya ang asawa sa silid.

Pagkabukas niya ng pinto ay napasigaw siya at napatakip sa kanyang mukha.

"Bakit ka n*******d? Ma-magdamit ka nga!" nahihirapan niyang sambit. Hindi pa rin inaalis ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha.

"Feeling virgin?" Puno ng sarkasmong sabi ng asawa at sunod niyang narinig ay ang pagsara ng pintuan.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa mukha. Nang marinig ang lagasla ng tubig sa banyo ay tuluyan na niyang inalis ang mga kamay sa mukha niya.

Huminga siya ng malalim bago napatingin sa pintuan ng banyo.

Naguguluhan siya. Bakit ganun na lang kung tratuhin siya ng asawa?

May ginawa ba siyang mali bago siya naaksidente?

Napahawak siya sa kanyang ulo ng makaramdam ng kirot.

Bago pa lumala ang sakit ng ulo ay nagdesisyon na muna siyang lumabas at baka lumabas pa ang asawa ng walang saplot.

Nagkasabay pa sila ni Nanay Marissa sa pagbukas ng pintuan. Magkatabi lang kasi qng dalawang kwarto.

"Nanay, sama na lang po ako sa inyo," nakanguso niyang sambit.

"Ay, iha, hindi pwede. Baka malintikan tayo kay Hycent." Naglakad na ito patungo sa sala na sinundan naman niya.

Tumabi siya rito at inilingkis ang mga braso sa braso ni nanay Marissa. Sanay na siya maglambing rito. Nung una nagulat pa ito sa ginawa niya. Ang sabi niya nanibago lang daw ito dahil 'yun daw ang unang beses na naging ganun kalapit siya rito.

Mas lalo tuloy siya nacu-curious sa kung sino ba siya dati? Mataray ba siya? Masama ugali? Malandi? Ay, grabe, hinusgahan ang sarili.

Ilang minuto silang nanatili sa ganung ayos hanggang sa marinig nila ang pagbukas ng silid hudyat na may lumabas. At iisang tao lang naman 'yun.

"What are you doing?" Hindi niya pinansin ang tanong ng asawa bagkus mas isiniksik pa ang sarili kay Nanay Marissa na ikinakunot lalo ng noo ni Hycent.

"Iha, aalis na ako baka gabihin ako. Ikaw talaga," natatawang awat ni Nanay Marissa sa kanya.

"Sama na lang po kasi ako sa inyo. Saan po ba kayo pupunta? Sa anak ko? Gusto ko po siya makita-"

"Nanay Marissa, sige na po. Nasa baba na si Mang Nomer." Putol ng asawa niya sa iba pa niyang sasabihin.

Kahit ayaw niyang pakawalan si Nanay Marissa ay wala siyang nagawa. Parang gusto niya maiyak habang sinusundan ito palabas. Nang tuluyang makalabas si Nanay Marissa ay hindi niya alam kung ano ba ang iaakto sa harap ng nasabing asawa niya.

"Ano pang tinatanga mo dyan? Ilipat mo ang mga gamit mo!" Napatayo siya dahil sa sigaw nito.

Gusto na niyang maiyak.

"What? Are you going to cry? Do you think you can use your f*cking tears to fool me again?" Puno ng galit ang bawat salitang binigkas ng asawa niya.

Buong tapang niyang hinarap at sinalubong ang tingin nito. Gusto niya malaman kung ano ang pinaghuhugutan nito. Gusto niyang malinawan.

"Why do I feel that...you hated me?" buong tapang niyang tanong habang makahinang ang kanilang mga mata.

Nakita niyang gumalaw ang panga nito, naningkit ang mga mata. Napaatras siya. Pakiramdam niya ay nasa panganib ang buhay niya sa nag-aapoy na mga mata ng asawa.

"Don't try me, Pearl. Habang nakokontrol ko pa ang sarili ko. Don't try me! Hindi porket nakalimot ka ay makakalimutan ko rin ang iyong kasalanan. Now, go to that f*cking room and pack all your things!" bulyaw nito na ikinapitlag niya.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang gustong kumawala sa kinalalagyan nito. Natatakot siya. Paano kung.. Kung..

"Don't overthink, dahil hinding-hindi ko dudumihan ang aking mga kamay kung iniisip mo na balak kitang patayin. Dead is not enough. Ipapatikim ko sayo ang impyernong pinagdalhan mo sa akin!"

Napalunok siya nang ilang beses dahil sa diin ng bawat salita nito. Binawi niya rin ang tingin mula rito. Para kasing tumatagos ang tingin nito sa kanya.

Gusto na niyang sundan si Nanay Marissa ngunit alam niyang imposible lalo na kung ang nasa harapan ay isang tigre na anumang oras ay handa siyang gawing biktima.

"What are you waiting for? Get out of my sight!"

Mabilis niyang nilampasan ang asawa ang malalaki ang hakbang na pumasok sa kwarto.

Nang maisara niya ang pintuan ay hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Natatakot siya. Sobrang natatakot siya sa kung ano nga ba ang kayang gawin ng asawa sa kanya. Ano ba kasi ang nagawa niya para kamuhian siya ng ganun ng asawa.

Napatigil siya at tila isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. Ideyang maging siya ay hindi gugustuhin.

"No! No! Hindi!" pangungumbinse niya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Siting Crisostomo
ano naman kc kasalanan niya...huhuhu(crying emoji)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Makasalanang Mukha   Chapter 70 (FINALE)

    "EXPLAINED WHAT HAPPENED?" seryoso ang boses ni Reese habang nakatingin sa dalawang anak. Narito sila ngayon sa sala. Kakauwi lang nila galing sa school ng mga anak. Ipinatawag sila ng teacher dahil raw nakipagsuntukan ang anak na lalaki at ayaw naman magsalita kung ano dahilan. Kaya humingi na lang sila ng pasensya mabuti at nadaan sa mabuting usapan o mas tamang sabihin na empleyado nila ang magulang ng nasuntok ng kanilang anak kaya hindi na pinalaki.Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na lumaking walang disiplina ang anak. "Hira? Do I need to repeat my question?" Baling niya sa anak na panganay. "Didn't tell you to watch your brother?" Tumingin si Hira kay Hans na nanatiling nakayuko bago nito ibinalik ang tingin sa kanya."Mom, it was my fault. Huwag n'yo na po pagalitan si Hans." Nag-angat ng tingin si Hans at tumingin kay Hira. "I'm sorry Hans, sinabi ko naman kasi sayo na hindi siya nararapat sayo. She's a bitch—""Hira!" Napalakas ang boses niya dahil sa lumabas na

  • Makasalanang Mukha   Chapter 69

    MATAPOS ANG ARAW NA pag-propose ni Hycent ay nakahinga rin siya nang maluwang. After niya malaman na anak niya si Hira ay sinimulan na niya planuhin kung paano mag-pro-propose kay Reese. At nang wala siyang maisip ay humingi siya ng tulong sa kanyang mommy na humingi rin ng tulong sa mommy ni Reese. At hindi naman sila nabigo. Simple lang pero tama sila, Reese definitely like it. Isa 'yun sa mga katangian nito na talagang umagaw ng kanyang pansin. Despite growing in a wealthy family she stayed humble and kind."Hindi ka ba uuwi?" Napukaw ang kanyang pag-iisip nang marinig ang boses ni Reese. Napalingon siya rito na kakalabas lang ng banyo. Natatakpan ang katawan nito ng roba habang ang buhok ay may towel na nakapulupot. At hindi niya napigilan na hindi mag-init. Ewan niya ba, pero pagdating kay Reese madikit lamang siya rito ay nabubuhay ang katawang lupa niya. "Stop giving me that look na para bang gusto mo akong kainin ng buhay.""Paano kung gusto ko nga?" sagot niya na ikinabilog n

  • Makasalanang Mukha   Chapter 68

    KAPWA may ngiti sa labi sina Reese at Hycent habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay nila Reese. Matapos ang nangyari sa bahay ni Marlon ay panatag na ang loob nilang iwan si Harold. At sigurado naman sila na hindi ito pababayaan ng mga tunay na magulang. Walang humpay ang pasasalamat naman nina Marlon at Pearl sa kanila. "Harold is really a smart kid and a mature one. Nagulat talaga ako kanina sa revelation niya. Alam mo 'yung hindi natin alam paano sasabihin sa kanya pero siya alam na pala ang totoo," pagsisimula ni Reese ng paksa. "Me too. Sobra akong kabado kung paano magpapaalam sa kanya. All along he already knew. Ayoko talaga siyang ipasama pero karapatan niyang makasama ang mga tunay niyang magulang." Hindi nakaligtas sa kanya ang bahid ng kalungkutan sa boses nito. Hindi niya naman masisisi ito, ilang taon ba nito nakasama si Harold? Isinandal niya ang ulo sa balikat nito saka niya pinagsalikop ang kanilang mga kamay. Wala naman problema kahit isang kamay lang ang gamitin

  • Makasalanang Mukha   Chapter 67

    PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO ay nakalabas na ng hospital si Pearl. Kasalukuyan ito tumuloy sa bahay ni Marlon upang makapag-usap nang masinsinan ang dalawa habang si Harold ay nanatili sa poder ni Hycent. Sa isang linggo rin na 'yun ay mas napadalas ang pagpunta ni Hycent sa bahay nina Reese upang makabonding ang anak niya na si Hira. Hindi pa sila pinayagan na lumabas dahil hindi pa maayos ang sitwasyon lalo na ang tungkol sa kanila ni Pearl. Wala man lumabas na eskandalo pero kasal siya sa mata nang maraming tao. Hindi naman nagbago ang turing niya kay Harold para sa kanya ay anak niya ito. Kung siya ang masusunod mas nanaisin niya manatili sa poder ang bata pero may mga tunay itong magulang na naghihintay. "Are you okay?" Napabalik sa sarili si Hycent sa tanong ni Reese na nasa tabi niya. Sandali niya itong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa daan. Patungo sila ngayon sa bahay ni Marlon upang ihatid si Harold na ilang araw nang hinahanap si Pearl. "I'm okay," tipid niyang s

  • Makasalanang Mukha   Chapter 66

    NABIGLA SI Reese nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. "Mahal."Napangiti na lang siya nang marinig ang boses nito. At kahit hindi ito magsalita ay alam naman niya kung sino lang ang yayakap sa kanya ng ganun. Ipinatong niya ang mga kamay sa mga braso nito na nakayakap sa kanya. Narito sila sa may rooftop. "Tulog na ba si Hira?" tanong niya. Hindi na kasi humiwalay ang anak nila rito. Kaya hanggang sa pagtulog ay ito ang gusto na makasama. Magtatampo na sana siya pero pinigilan niya ang sarili. Dalawang taon mahigit ang nasayang sa mga ito. "Oo. Sleeping beauty na ang ating prinsesa." Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya."I'm sorry," sambit niya makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Sorry kung hindi ko agad ipinaalam sayo. Natatakot lang kasi ako na baka i-deny mo si Hira. Ni hindi ko alam kung paano siya ipapakilala. Dahil maging sarili ko ay hindi ko rin alam kung paano ipapakilala," panimula niya saka siya huminga nang malalim. Naramdaman niya ang pagpatong ng baba

  • Makasalanang Mukha   Chapter 65

    HINDI NA napakali si Reese habang tinatahak nila ang daan pauwi. Sobra ang kabang nararamdaman niya. "This is it," bulong niya sa sarili. Kung maghihintay pa siya ng tamang pagkakataon ay baka matagalan pa 'yun. At baka sa iba pa malaman ni Hycent. Ayaw na niyang itago ang katotohanan rito. Kaya naman kahit natatakot siya ay pinilit niyang pinalakas ang loob upang aminin rito ang pinakaiingatan niyang sikreto."We're here." Napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Hycent sa kanyang tabi. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito na nakatingin sa kanya. "Are you okay, mahal." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na mabilis niya naman binawi dahil alam niya na nanlalamig 'yun. "Mahal," masuyo nitong pagtawag sa kanya.Huminga siya nang malalim saka nilingon ang labas ng bintana. Nasa harapan na sila ng kanilang mansion. Pumikit siya upang pakalmahin muli ang puso niyang nagsisimula na naman lamunin ng kaba. At hindi nakaligtas sa kanya ang matiim na titig ni Hycent na ipina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status