تسجيل الدخولNgayon ang araw na magsusukat na ng wedding gown at tuxedo sila Mikael at Shaina. Kinailangan niyang gumawa ng sandwich at Juice para sa mga bisita na nag-aasikaso ng kasal ng dalawa. Lalo pa’t darating din mga malalaking pangalan na designer.
“Medyo masikip pa rito sa may baywang, Mikael. Ano sa tingin mo?”
Umiikot si Shaina sa harap ng malaking salamin sa sala ng mansyon, suot ang kanyang engranding wedding gown. Ang puting tela ay kumikinang sa ilalim ng chandelier, habang si Mikael ay nakasandal sa dulo ng sofa, hawak sa isang baso ng wine.
“Bagay sa'yo,” maikling sagot ni Mikael. Walang emosyon. Walang ningning ang mga mata, ngunit wala ring bakas ng pagtutol.
Katabi ni Shaina si Andy, na nakaluhod sa sahig habang inaayos ang laylayan ng gown gamit ang mga aspili. Bawat tusok ng aspili sa tela ay parang tusok din sa sariling puso ni Andy ngunit alam niyang kailangan niyang tiisin ang sakit hanggang masanay na siya dito.
Biglang yumuko si Shaina, tinitigan ang tuktok ng ulo ni Andy habang nakangiti nang mapang-api. “Andy, dahan-dahan naman sa paghila ng tela. Baka mantsahan ng pawis mo ang gown ko. Alam mo naman, mas mahal pa ang isang yarda niyan sa tatlong buwang sweldo mo rito.”
Huminto ang kamay ni Andy. Huminga siya nang malalim bago nag-angat ng tingin. “Huwag po kayong mag-alala ma-ingat po ako.” Paninigurado ni Andy.
Napatingin si Andy kay Mikael. Dahil ramdam niyang tinitignan din siya nito. Ngunit agad itong nag-iwas ng tingin at ininom ang alak sa baso. Doon tuluyang napatunayan ni Andy na sa larong ito, siya lang ang mag-isang umaasa pang lumaban ngunit sadyang wala na talaga siyang nakikita kahit kaunting pag-asa.
“Anong masasabi mo? Maganda ba ang gown ko? Mukha na ba akong prinsesa?” nakangiting sabi nito. Tumango si Andy nang matapos na ang pag-aajust sa gown.
“Hindi ka ba naiingit?”
“Shaina Enough.” Pigil ni Mikael na salubong na din ang kilay na nakatingin kay Shaina.
“What? Ang sabi ko lang naman kung hindi ba siya na-iingit kasi pangarap ng lahat ng babae ang ikasal sa simbahan. Naisip ko kasi walang lalaki na magkakagusto sa isang katulad niya at bibigyan ka ng engrandeng kasal. At kung may makikilala man siya for sure lowlife din gaya niya.”
Napabuntong hininga si Mikael dahil hindi niya akalain na ganitong klaseng babae ang pinili ng kanyang mga magulang para maging asawa.
“Hindi po ako naiingit. Hindi naman mahalaga ang kasal kung wala kayong pagmamahalan—”
“What? What do you mean by that? Iniinsulto mo ba kami dahil akala mo walang feelings between us?” nakataas ang kilay na tanong ni Shaina.
“Pangkalahatan po yun, Ma’am Shaina. Ang kasal ay sacred at dapat ginagawa lang ng mga taong mahal ang isa’t-isa. Yun po ay paniniwala ko.”
“Puwes basura yang paniniwala mo! Sa panahon ngayon ay hindi na uso ang mahal lang dapat magkapantay kayo ng estado ng buhay! Kaya ka mahirap dahil ganyan ang mindset mo!” igting ang pangang sigaw ni Shaina sa kanya.
“Enough! Umalis ka na Andy.” Utos ni Mikael sa kanya. Binalingan niya ng matagal na tingin si Shaina bago ito pairap na umalis. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Shaina ngunit wala siyang magawa dahil baka magalit si Mikael kapag sinaktan niya ito ng harapan.
Dahil sa biglaang buhos ng ulan at baha sa labas, nagpasya si Mrs. Dane na huwag nang pauwiin si Shaina para sa kaligtasan nito.
“Sa kuwarto ka na ni Mikael matulog, Shaina hija. Malaki naman ang kama roon, at malapit na rin naman kayong ikasal.” nakangiting sabi ni Mrs. Dane habang naglalakad paakyat.
“Thank you, Tita. Ikaw talaga, Mikael, ha? Huwag mo akong kukulitin doon,” biro ni Shaina habang nakapulupot ang kamay sa braso ng lalaki.
“Matulog ka na kung napapagod ka,” sagot ni Mikael, malamig ang boses ngunit hinayaan nitong iakyat siya ng babae sa silid.
“Anak, ikaw na ang bahala sa kanya.” Paalam ni Mrs. Dane.
Nakahanda na ang lahat para sa pagtulog, ngunit si Andy ay nanatiling nakatitig sa kisame ng kanyang maliit na kwarto sa tabi ng kusina. Ang bawat patak ng ulan sa kanyang bintana ay tila sumasabay sa mabigat na tibok ng kanyang dibdib.
“Nakahiga kaya sila ngayon? Magkayakap? Ginagawa rin ba ni Mikael sa kanya ang mga bagay na akala ko ay para sa akin lang?” bulong ng isip ni Andy. Sa sobrang suffocated, bumangon si Andy. Lumabas siya ng mansyon kahit mahina at patak-patak ang ulan.
Tumakbo siya patungo sa likod-bahay, kung saan matatagpuan ang isang matandang puno ng sampalok. Naupo siya sa malaking ugat nito, niyakap ang kanyang mga tuhod, at doon ay malayang binitawan ang mga luhang kanina pa sumasakal sa kanyang lalamunan. Ang kanyang mga hikbi ay naging malakas at nawalan siya ng paki-alam sa kung sino ang makakarinig sa kanya.
“A-Akala ko kaya ko…” bulong niya sa dilim, habang hinahaplos ang kanyang dibdib na tila hahatiin sa dalawa.
“Akala ko laro lang…pero bakit ang sakit-sakit?” nahihirapang sambit niya. Wala siyang kamalay-malay na sinundan pala siya ni Mikael at nasa likuran lang siya ng puno. Pinakikingan ang kanyang malayang pag-iyak. Hanggang sa hindi na siya nakatiis ay humarap siya sa harapan ni Andy.
“Sino ang ini-iyakan mo riyan?”
Isang pamilyar na boses ang bumasag sa gabi. Nag-angat ng tingin si Andy at nakita si Mikael, may hawak na payong, ngunit hinayaan nitong mabasa ang sariling damit. May galit sa mukha nito.
Agad na tumayo si Andy at pinunasan ang mukha. “Wala kayong pakialam. Bumalik na kayo sa kwarto ninyo, baka hinahanap kayo ng asawa ninyo.”
Akmang lalagpasan niya ito nang bitawan ni Mikael ang payong at marahas na higitin ang kanyang isang braso. “Sagutin mo ako, Andy! Bakit ka umiiyak dito? Para saan ang drama mo na ito?”
“Bitawan mo ako, Mikael! Sabi nang bitawan mo ako!” pagpupumiglas niya, ngunit mas lalong humigpit ang hawak ng lalaki.
“Bakit? Masakit ba?” Isang mapait at malamig na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Mikael, ang kanyang mga mata ay nanlilisik sa ilalim ng dilim. “Masakit bang makita na may iba nang natutulog sa kamang ginagamit natin? Tandaan mo kung ano ka lang dito, Andy. Katulong. Wala kang karapatang umarte na parang asawa na iniwan, dahil kahit kailan, walang naging tayo!”
Parang gumuho ang langit sa ulo ni Anya sa narinig. Ang natitirang pagmamahal na itinago niya sa loob ng tatlong taon ay tila naglaho, pinalitan ng isang matalim at nag-aapoy na galit.
“Alam ko!” isinigaw ni Andy, diretsong tumitig sa mga mata ng lalaki habang umaagos ang luha sa kanyang pisngi. “Alam kong katulong lang ako! Alam kong katawan ko lang ang kailangan mo! Pero tao ako, Mikael! May puso ako na marunong masaktan! Ibinigay ko sa'yo ang lahat—ang dangal ko, ang kabataan ko, ang buong buhay ko! Pero para sa'yo, para lang akong basahan na pagkatapos mong gamitin para magpalipas ng libog, itatapon mo na lang sa sulok!”
Bahagyang natigilan si Mikael. Lumuwag ang hawak nito sa kanyang braso, ngunit pinanatili nitong matigas ang kanyang ekspresyon. “Ikaw ang may gustong maghiwalay tayong dalawa diba?!”
“Dahil ikakasal ka na sa iba?! Anong gusto mong gawin ko? Pumyag na maging kabit mo? Hindi ko kayang pati ang natitirang pagmamahal ko sa sarili ko ay ibigay ko na lahat sayo Mikael. At nagsisisi ako dahil pati ang puso ko ibinigay ko sayo ng buong-buo!”
Sinabi ko sa'yo noon pa, huwag kang mahuhulog sa akin!”
“Alam ko! Pero kasalanan ko ba kung mahal kita?! Kasalanan ko ba kung mahalin kita?!”
Napaluhod nang tuluyan si Andy sa lupa at nasapo ang kanyang mukha.
“A-Alam kong hindi mo maibabalik ang nakuha mo na sa akin…pero may nais lang akong hilingin sa’yo…kahit anong mangyari…puwede bang huwag mo nang sabihin sa akin ng paulit-ulit kung ano lang ako sa buhay mo? Kasi ang sakit Mikael. Ang sakit na sa labi mo mismo ko naririnig ang mga salitang yun. Kakayanin kong insultuhin ako ng ibang tao. Pero kung ikaw mismo ang mang-iinsulto sa akin parang kalabisan na yun. At sana, huwag ka nang magpapakita at magpaparamdam sa akin na naapektuhan kang nakikita mo akong ganito. Dahil hindi kita mapapatawad. Kung kailangan kong umalis sa bahay na ito…gagawin ko…makalimutan lang kita.” Mahinang sambit ni Andy. Hinayaan niya ang sariling mabasa ng malakas na ulan, nakayuko at naawa sa sarili dahil pakiramdam niya nanlilimos siya ng pagmamahal.
Gamit ang natitirang lakas ng tuhod ay tumayo ulit si Andy at dahan-dahan na humakbang papasok ng pinto at patungo sa kanyang kuwarto. Nagkulong siya sa banyo at binuksan ang gripo at shower upang walang makarinig ng kanyang paghikbi. Nilunod niya ang kanyang sarili sa luha at umaasa na kinabukasan titila din ito at magkakaroon siya ng panibagong pag-asa para lumaban sa buhay.
Naiwan si Mikael sa ilalim ng puno ng sampalok, basang-basa sa ulan, kuyom ang kanyang mga kamao habang ang kanyang panga ay nanginginig sa matinding galit at hindi maipaliwanag na takot na tila may tuluyan nang nawala sa kanya ang lahat at sinuntok ng malakas ng puno hangang sa dumugo ang kamay niya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon na ito kung hind imaging sunod-sunuran sa kanyang mga magulang hanggang dumating ang araw na siya na ang may hawak ng lahat.Dumating ang araw ng kasal ni Shaina at Mikael. Ngunit nanatili si Andy sa loob ng kanyang kuwarto dahil isang linggo na rin siyang may sakit na trangkaso.“Andy, hija? Talaga bang hindi mo kayang bumangon? Sayang naman, espesyal ang araw na ito para kay Mikael,” may pag-aalalang sulyap ni Mrs. Dane.Pilit na umubo si Andy at humarap nang may maputlang mukha.“Pasensya na po talaga, Ma'am Dane. Sobrang bigat po ng pakiramdam ko. Baka makahawa pa po ako sa mga bisita sa simbahan.”Huminga nang malalim si Mrs. Dane at naupo sa gil
Ngayon ang araw na magsusukat na ng wedding gown at tuxedo sila Mikael at Shaina. Kinailangan niyang gumawa ng sandwich at Juice para sa mga bisita na nag-aasikaso ng kasal ng dalawa. Lalo pa’t darating din mga malalaking pangalan na designer. “Medyo masikip pa rito sa may baywang, Mikael. Ano sa tingin mo?”Umiikot si Shaina sa harap ng malaking salamin sa sala ng mansyon, suot ang kanyang engranding wedding gown. Ang puting tela ay kumikinang sa ilalim ng chandelier, habang si Mikael ay nakasandal sa dulo ng sofa, hawak sa isang baso ng wine.“Bagay sa'yo,” maikling sagot ni Mikael. Walang emosyon. Walang ningning ang mga mata, ngunit wala ring bakas ng pagtutol.Katabi ni Shaina si Andy, na nakaluhod sa sahig habang inaayos ang laylayan ng gown gamit ang mga aspili. Bawat tusok ng aspili sa tela ay parang tusok din sa sariling puso ni Andy ngunit alam niyang kailangan niyang tiisin ang sakit hanggang masanay na siya dito.Biglang yumuko si Shaina, tinitigan ang tuktok ng ulo ni A
Habang naglalakad siya palayo, naramdaman niya ang matatalim at mapanghusgang tingin ni Mikael na nakabaon sa kanyang likuran—isang tingin na nagpapatunay na kahit anong gawin niya, mananatili siyang isang basura sa mga mata nito.Gabi na ngunit hindi mapakali si Andy sa loob ng kanyang maliit na kuwarto. Ang bawat sulok ng kuwarto ay parang sumasakal sa kanya. Lalo nan ang maalala niya ang nangyari kanina. Hawak niya ang namumulang kamay na napaso kanina. Kahit na binuhusan na niya ng malamig na tubig ay mahapdi pa rin ang balat niya. Biglang bumukas ang pinto nang wala man lang katok siyang narinig.Napatayo siya nang pumasok si Mikael at may hawak ito sa kamay.“Sir Mikael, anong ginagawa niyo dito? Puwede po bang lumabas na kayo.” mabilis na taboy ni Andy,“Hindi kayo puwedeng nandito. Kapag may nakakita sa inyo—”“Maupo ka,” malamig na utos ni Mikael. Binalewala nito ang kanyang pagtaboy. Hinila siya nito sa siko paupo sa kama at marahas ngunit maingat na kinuha ang kanyang napa
Third Person's Point of view...“Maghiwalay na tayo.” Sambit ni Andy na bumasag sa katahimikan ng kuwarto. Walang kahit na anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mga mata dahil pagod na siya at manhid na ang kanyang puso.Bumangon si Mikael mula sa pagkakahiga. Ang kanyang magulong buhok at ang hubad nitong katawan ay bakas pa dahil kakatapos lang nilang angkinin ang isa’t-isa. Kung kanina lang ay sabik na sabik silang dalawa na iparamdam ang pagnanasa nila sa isa’t-isa ngayon ay parang singlamig ng yelo kung tignan ni Mikael si Andy.Hindi siya nagulat sa sinabi nito. Dahil naghihintay pa siyang bawiin ni Andy ang sinabi nito sa kanya ngunit nanatili itong nakatingin sa malayo.“So, is this a farewell sex, Andy? Hindi mo naman sinabi eh di sana nilubos-lubos ko na.” wika ni Mikael at muling naghubad ng damit. Pagkatapos ay hiniga niya ng marahas si Andy at siniil ng mapangahas ng halik sa labi. Ngunit hindi na ito gumanti sa kanya ng halik kaya inangat niya ang katawan at nagbabaga







