تسجيل الدخولNaiwan si Mikael sa ilalim ng puno ng sampalok, basang-basa sa ulan, kuyom ang kanyang mga kamao habang ang kanyang panga ay nanginginig sa matinding galit at hindi maipaliwanag na takot na tila may tuluyan nang nawala sa kanya ang lahat at sinuntok ng malakas ng puno hangang sa dumugo ang kamay niya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon na ito kung hind imaging sunod-sunuran sa kanyang mga magulang hanggang dumating ang araw na siya na ang may hawak ng lahat.
Dumating ang araw ng kasal ni Shaina at Mikael. Ngunit nanatili si Andy sa loob ng kanyang kuwarto dahil isang linggo na rin siyang may sakit na trangkaso.
“Andy, hija? Talaga bang hindi mo kayang bumangon? Sayang naman, espesyal ang araw na ito para kay Mikael,” may pag-aalalang sulyap ni Mrs. Dane.
Pilit na umubo si Andy at humarap nang may maputlang mukha.
“Pasensya na po talaga, Ma'am Dane. Sobrang bigat po ng pakiramdam ko. Baka makahawa pa po ako sa mga bisita sa simbahan.”
Huminga nang malalim si Mrs. Dane at naupo sa gilid ng kama nito. Hinaplos niya ang buhok ni Andy.
“Naiintindihan ko hija. O sige, magpahinga ka na muna rito. Pero tandaan mo ang kasunduan natin, ha? Sa susunod na linggo, kapag maayos na ang lahat, papayagan na kitang umuwi ng probinsya ninyo para alagaan ang lolo at lola mo. Mamimis kita, Andy. Limang taon kang naging bahagi ng pamilyang ito kaya pamilya na din ang turing ko sa inyo.”
Nangilid ang luha ni Andy, hindi dahil sa pag-alis, kundi dahil sa kasalanang ginagawa niyang pagsisinungaling sa mabait na mama ni Mikael “Salamat po, Ma'am Dane. Sa lahat po ng kabutihan ninyo. Utang ko po sa inyo ang buhay ng pamilya namin.”
“Huwag mo nang isipin 'yan. O, eto.” may iniabot na makapal na sobre si Mrs. Dane. “Bonus mo 'yan, at pocket money para sa pag-uwi mo. Deserve mo 'yan. Huwag mo nang ipaalam kay Mikael na pumayag ako, alam mo naman ang isang 'yun, baka magalit kapag nabawasan ang mga pinagkakatiwalaang tao rito.”
“Opo, Ma'am. Maraming salamat po,” bulong ni Andy mahigpit na niyakap ang sobre.
Nang sumara ang pinto at tuluyang umalis ang mga sasakyan patungong simbahan, mabilis na bumangon si Andy. Walang bakas ng sakit sa katawan. Ang tanging sakit na mayroon siya ay ang sugat sa kanyang puso na hindi kayang gamutin ng kahit anong gamot.
Mabilis na inayos ni Andy ang kanyang lumang maleta. Isang simpleng maong at t-shirt lang ang suot niya. Paglabas niya ng gate, naghihintay na ang isang taxi na tinawagan niya kanina. Habang umaandar ang sasakyan patungong airport, kinuha ni Andy ang kanyang cellphone. Tinawagan niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Jenny, na nagtatrabaho sa isang international agency.
“Jenny, papasok na ako ng airport. Sigurado ba na walang sabit ang mga dokumento ko?” tanong ni Andy, nanginginig ang boses.
“Huwag kang mag-alala, Andy. Lahat ng caregiver papers mo patungong Japan, plantsado na. Hinihintay ka na lang ng employer mo roon. Pero sigurado ka ba talaga rito? Ni hindi mo man lang ba haharapin si Mikael para sa huling pagkakataon?”
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Andy habang nakatingin sa labas ng bintana. “Para saan pa, Jen? Sa mga oras na ito kinakasal na siya sa ibang babae at ako? Tuluyan ang itinapon na parang basura.”
“Hay naku, nasasaktan ako para sayo. Pero sige tumawag ka pagkarating mo doon okay?”
“Okay, maraming salamat Jenny.”
“Walang anuman.”
Pagkarating sa airport, mabilis siyang naglakad patungo sa departure area. Bawat hakbang palayo ay tila may kung anong pader na nagigiba sa kanyang dibdib. Bago niya tuluyang iabot ang kanyang ticket sa attendant, lumingon siya sa huling pagkakataon.
“Paalam, Mikael. Ang tatlong taon na kinuha mo sa akin, itinuturing ko nang bayad sa limang taong paninilbihan ko. Sa susunod na magkita tayo, baka may mga anak ka na, at ako? Malaya na sa pagmamahal ko sayo.”
Samantala, sa kalagitnaan ng marangyang wedding reception, malakas na tugtog at tawanan ang paligid. Nakaupo si Shaina sa tabi ni Mikael, abala sa pakikipag-usap sa mga mayayamang bisita. Si Mikael naman ay tahimik na nakatitig sa kanyang baso ng champagne. Hindi siya mapakali. Ang kanyang isip ay naiwan sa mansyon—sa kuwarto ng babaeng maysakit na biglang naging malamig ang pakikitungo sa kaniya.
Biglang tumayo si Mikael, na ikinagulat ni Shaina.
“Where are you going, Mikael? Kakain na ang mga bisita,” takang tanong ni Shaina, hinawakan ang kanyang braso.
“May kailangan lang akong balikan sa bahay. Sandali lang ito,” malamig na sagot ni Mikael, sabay bawi ng kanyang kamay.
“Ano?! Ngayong araw ng kasal natin, iiwan mo ako rito para lang sa kung anong bagay sa mansyon?!” medyo may galit na bulong ni Shaina upang hindi marinig ng mga bisita.
“O baka naman ang katulong mo ang babalikan mo?”
Tinitigan siya ni Mikael nang matalim—isang titig na nagpatahimik kay Shaina.
“Huwag mo akong diktahan, Shaina. Mag-asawa tayo sa papel, pero alam mo kung ano ang kasunduan natin.”
Walang lingon-likod na lumabas si Mikael ng venue. Humaharurot ang kanyang sasakyan patungong mansyon. Pagdating niya, patakbo siyang umakyat at marahas na binuksan ang pinto ng kuwarto ni Andy.
“An—”
Natigilan si Mikael nang mabuksan niya ang pinto. Ang kuwarto ay malinis. Ang kama ay maayos na nakatupi ang kumot. Walang kahit isang pirasong damit sa cabinet. Amoy ni Andy ang tanging naiwan at ang lumang uniporme nito na maayos na nakatupi sa ibabaw ng unan.
Agad na kinuha ni Mikael ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang ina.
“Mom! Nasaan si Andy?! Bakit wala siya sa kuwarto niya?!” halos isigaw niya ang bawat salita.
“Mikael? Bakit ka ba nagagalit? Kasal mo ngayon, di ba?” sagot ni Mrs. Dane sa kabilang linya.
“Hindi ko alam kung nasaan siya, ang alam ko next week pa ang uwi niya sa probinsya. Hindi kaya umuwi na siya sa probinsya?” nagtataka din na sabi ni Mrs. Dane
“Anong probinsya?! Bakit ngayon?! Bakit hinayaan mo siyang umalis nang hindi ko nalalaman?!” Galit na sinuntok ni Mikael ang pader ng kwarto, dahilan para magdugo ang kanyang mga kasukasuan.
“Mikael, ano ba ang problema mo?! Bakit ganyan ka kung mag-react?!” nagtatakang tanong ng ina.
Nabitawan ni Mikael ang cellphone. Napaupo siya sa tabi ng maliit na kama ni Andy, hinawakan ang kanyang ulo habang humihinga nang marahas. Ang galit sa kanyang dibdib ay unt-unting napapalitan ng isang matinding takot na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya.
“Ganyan ka ba talaga katapang, Andy?” bulong ni Mikael sa hangin, habang nakatingin sa bakanteng silid. “Umalis ka nang walang paalam… Akala mo ba matatakasan mo ako? Hahanapin kita. Kahit saang sulok ng mundo ka magtago, ibabalik kita sa akin!”
Naiwan si Mikael sa ilalim ng puno ng sampalok, basang-basa sa ulan, kuyom ang kanyang mga kamao habang ang kanyang panga ay nanginginig sa matinding galit at hindi maipaliwanag na takot na tila may tuluyan nang nawala sa kanya ang lahat at sinuntok ng malakas ng puno hangang sa dumugo ang kamay niya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon na ito kung hind imaging sunod-sunuran sa kanyang mga magulang hanggang dumating ang araw na siya na ang may hawak ng lahat.Dumating ang araw ng kasal ni Shaina at Mikael. Ngunit nanatili si Andy sa loob ng kanyang kuwarto dahil isang linggo na rin siyang may sakit na trangkaso.“Andy, hija? Talaga bang hindi mo kayang bumangon? Sayang naman, espesyal ang araw na ito para kay Mikael,” may pag-aalalang sulyap ni Mrs. Dane.Pilit na umubo si Andy at humarap nang may maputlang mukha.“Pasensya na po talaga, Ma'am Dane. Sobrang bigat po ng pakiramdam ko. Baka makahawa pa po ako sa mga bisita sa simbahan.”Huminga nang malalim si Mrs. Dane at naupo sa gil
Ngayon ang araw na magsusukat na ng wedding gown at tuxedo sila Mikael at Shaina. Kinailangan niyang gumawa ng sandwich at Juice para sa mga bisita na nag-aasikaso ng kasal ng dalawa. Lalo pa’t darating din mga malalaking pangalan na designer. “Medyo masikip pa rito sa may baywang, Mikael. Ano sa tingin mo?”Umiikot si Shaina sa harap ng malaking salamin sa sala ng mansyon, suot ang kanyang engranding wedding gown. Ang puting tela ay kumikinang sa ilalim ng chandelier, habang si Mikael ay nakasandal sa dulo ng sofa, hawak sa isang baso ng wine.“Bagay sa'yo,” maikling sagot ni Mikael. Walang emosyon. Walang ningning ang mga mata, ngunit wala ring bakas ng pagtutol.Katabi ni Shaina si Andy, na nakaluhod sa sahig habang inaayos ang laylayan ng gown gamit ang mga aspili. Bawat tusok ng aspili sa tela ay parang tusok din sa sariling puso ni Andy ngunit alam niyang kailangan niyang tiisin ang sakit hanggang masanay na siya dito.Biglang yumuko si Shaina, tinitigan ang tuktok ng ulo ni A
Habang naglalakad siya palayo, naramdaman niya ang matatalim at mapanghusgang tingin ni Mikael na nakabaon sa kanyang likuran—isang tingin na nagpapatunay na kahit anong gawin niya, mananatili siyang isang basura sa mga mata nito.Gabi na ngunit hindi mapakali si Andy sa loob ng kanyang maliit na kuwarto. Ang bawat sulok ng kuwarto ay parang sumasakal sa kanya. Lalo nan ang maalala niya ang nangyari kanina. Hawak niya ang namumulang kamay na napaso kanina. Kahit na binuhusan na niya ng malamig na tubig ay mahapdi pa rin ang balat niya. Biglang bumukas ang pinto nang wala man lang katok siyang narinig.Napatayo siya nang pumasok si Mikael at may hawak ito sa kamay.“Sir Mikael, anong ginagawa niyo dito? Puwede po bang lumabas na kayo.” mabilis na taboy ni Andy,“Hindi kayo puwedeng nandito. Kapag may nakakita sa inyo—”“Maupo ka,” malamig na utos ni Mikael. Binalewala nito ang kanyang pagtaboy. Hinila siya nito sa siko paupo sa kama at marahas ngunit maingat na kinuha ang kanyang napa
Third Person's Point of view...“Maghiwalay na tayo.” Sambit ni Andy na bumasag sa katahimikan ng kuwarto. Walang kahit na anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mga mata dahil pagod na siya at manhid na ang kanyang puso.Bumangon si Mikael mula sa pagkakahiga. Ang kanyang magulong buhok at ang hubad nitong katawan ay bakas pa dahil kakatapos lang nilang angkinin ang isa’t-isa. Kung kanina lang ay sabik na sabik silang dalawa na iparamdam ang pagnanasa nila sa isa’t-isa ngayon ay parang singlamig ng yelo kung tignan ni Mikael si Andy.Hindi siya nagulat sa sinabi nito. Dahil naghihintay pa siyang bawiin ni Andy ang sinabi nito sa kanya ngunit nanatili itong nakatingin sa malayo.“So, is this a farewell sex, Andy? Hindi mo naman sinabi eh di sana nilubos-lubos ko na.” wika ni Mikael at muling naghubad ng damit. Pagkatapos ay hiniga niya ng marahas si Andy at siniil ng mapangahas ng halik sa labi. Ngunit hindi na ito gumanti sa kanya ng halik kaya inangat niya ang katawan at nagbabaga







