تسجيل الدخولHabang naglalakad siya palayo, naramdaman niya ang matatalim at mapanghusgang tingin ni Mikael na nakabaon sa kanyang likuran—isang tingin na nagpapatunay na kahit anong gawin niya, mananatili siyang isang basura sa mga mata nito.
Gabi na ngunit hindi mapakali si Andy sa loob ng kanyang maliit na kuwarto. Ang bawat sulok ng kuwarto ay parang sumasakal sa kanya. Lalo nan ang maalala niya ang nangyari kanina. Hawak niya ang namumulang kamay na napaso kanina. Kahit na binuhusan na niya ng malamig na tubig ay mahapdi pa rin ang balat niya. Biglang bumukas ang pinto nang wala man lang katok siyang narinig.
Napatayo siya nang pumasok si Mikael at may hawak ito sa kamay.
“Sir Mikael, anong ginagawa niyo dito? Puwede po bang lumabas na kayo.” mabilis na taboy ni Andy,
“Hindi kayo puwedeng nandito. Kapag may nakakita sa inyo—”
“Maupo ka,” malamig na utos ni Mikael. Binalewala nito ang kanyang pagtaboy. Hinila siya nito sa siko paupo sa kama at marahas ngunit maingat na kinuha ang kanyang napasong kamay.
“Sabi nang kaya ko, Sir—”
“Manahimik ka kahit isang sandali lang, Andy,” putol ni Mikael habang seryosong pinapahiran ng cream ang kanyang nasaktan na balat. Ang lamig ng mga daliri nito ay kabaligtaran ng mariing titig na ipinukol niya sa sugat. “Bakit kailangang dumaan pa sa ganito? Para patunayan na kaya mo akong tiisin?”
Tinitigan ni Andy ang seryosong mukha ni Mikael. Masakit. Mas masakit ang bawat dampi ng gamot dahil alam niyang bukas-makalawa o sa susunod na mga araw, iba nang mga kamay ang hahawakan ni Mikael.
“Gusto ko lang makalaya.” sambit ni Andy na ikinatigil ni Mikael.
Nahuli ni Mikael ang kanyang titig. Huminto ang pagpahid nito ng cream.
“Makalaya? Saan? Sa akin o sa karangyang ibinibigay ko sa'yo? Huwag kang umarte na parang biktima ka rito, Andy. Ginusto mo rin ang bawat gabi natin—”
“Tama ka, ginusto ko. Dahil naging tanga ako. Pero ngayon, natauhan na ako. Kaya pakiusap, huwag mo na akong tatapunan ng ibang pakikitungo. Ituring mo akong kagaya ng ibang kasambahay niyo. Dahil gusto ko nang buohin yung natitirang respeto ko sa sarili ko.”
Malamig na binitawan ni Mikael ang kanyang kamay niya at tumayo nang tuwid.
“Walang pumipigil sa'yo, Andy. At huwag kang mag-alala. Hindi na rin kita guguluhin pa. Ibibigay ko ang kalayaan na gusto mong makuha ngunit huwag kang aalis sa pamamahay na ito.”
Walang lingon-likod na lumabas si Mikael, iniwan si Andy na nasaktan dahil sa mabigat na salitang iniwan nito sa kanya.
Kinabukasan, lalong sinubok ang katatagan ni Andy. Dumating kasi ang pamilya Imperial para sa isang pormal dinner upang mapag-usapan ang kasal.
Kinailangang maghanda ni Andy. Lalo na ang mental torture na makikita niya mamayang sigurado siyang magdudulot ulit ng sakit sa kanyang puso.
Lumapit si Andy bitbit ang pitsel ng malamig na tubig upang salinan ang baso ni Shaina. Habang ginagawa iyon, napansin ni Shaina na nakatitig si Mikael sa magandang katulong nito. Hindi nakalagpas ang sulyap na iyon kay Shaina. Pakiramdam ni Shaina may kung anong pagtitinginan ang dalawa. Biglang ginalaw ni Shaina ang kanyang siko, sinadyang tabigin ang kamay ni Andy
Tumapon ang buong nilalaman ng baso sa mamahaling damit ni Shaina. Mabilis na napatayo ang senyorita, umaarte habang pilit na pinapakita ang kanyang pagkadisgusto.
“Oh my God! Hindi ka ba marunong mag-ingat?” bulalas nito. Kahit alam ni Andy na wala siyang kasalanan ay nagpakumbaba siya.
“Pasensya na po, Ma’am Shaina. Pasensya na po, hindi ko sinasadya,” mabilis na paumanhin ni Andy, kumuha agad ng tela para punasan ang mesa.
“You should watch where you’re doing!” bulyaw ni Shaina, ngunit nang lumingon ito kay Mrs. Dane ay biglang lumambot ang boses.
“Sorry Tita Dane. Alam kong natural lang naman sa katulong ang magkamali. Pero pakiramdam ko lang parang sinadya niyang tapunan ako ng tubig.
“Hindi po totoo yan, pasensya na po talaga. Ma’am Shaina.” nakayukong sabi ni Andy na lalong ikinasalubong ng kilay ni Mikael.
“Andy, ano ba namang kawalan ng ingat 'yan?” puna ni Mrs. Dane, halatang nahihiya sa bisita.
“Ihatid mo si Shaina sa kuwarto ng kapatid ni Mikael sa itaas. Ikuha mo siya ng tuyong damit doon.”
“Opo, Ma'am.”
Nang maglakad paakyat sina Shaina at Andy, sinundan sila ng malamig na tingin ni Mikael, na nanatiling walang kibo sa kanyang upuan. Dahil alam niyang hindi basta matatapon ang tubig na yung hindi sinadya ni Shaina.
“Hmmm…katulong ka pala dito pero yung kilos mo parang hindi katulong.” Panimula ni Shaina habang ikinukuha siya ng bathrobe sa cabinet.
“Anong ibig mong sabihin?” maang na tanong ni Andy
“Huwag ka nang mag-feeling innocent. Kahit na sa tinginan niyo pa lang kanina ng Sir Mikael mo alam mong may mali na hindi ba? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Inaakit mo ang amo mong ikakasal na sa harapan ng fiancé niya?”
“Ma’am, wala po akong inaakit—”
Nagulat si Andy nang sampalin siya nito.
“Do I look like a fool to you?”
Kinalma ni Andy ang sarili. “Ma’am, hindi ko alam ang sinasabi niyo. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Kaya puwede po bang makuha na ang blouse niyo?”
Isa-isang kinalas ni Shaina ang buttones ng blouse niya at akmang aabutin na ito ni Andy ngunit binawi ito ni Shaina.
“Mikael is mine, kapag naging hadlang ka sa amin. I’m warning you, hindi ako mabait na kalaban.” Nakairap na banta nito sa kanya. Ngunit nanatiling nakayuko si Andy. Pagkatapos ay marahas niyang idiniin ang damit niya kay Andy.
“Ayusin mo ng laba yan ha? Mahal yan, mas mahal pa yan sa limang taon na sahod mo.”
Pagkatapos ay tumalikod na si Andy at iniwan muna siya sa kuwarto para dalhin sa laundry ang damit nito. Pagbalik niya ay napatigil siya sa pagpasok sa naka-awang ng pinto nang marinig ang boses ni Mikael sa loob. Sumilip siya at naroon si Mikael, nakasandal sa pader, habang si Shaina ay nakapulupot ang mga braso sa leeg nito. Marubdob silang naghahalikan. Ang mga kamay ni Mikael ay nasa baywang ng babae.
Natigalgal si Andy. Pakiramdam niya ay para siyang sinaksak nito sa puso. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya si Mikael na may kasamang ibang babae. Sa gitna ng halik, biglang nag-angat ng tingin si Shaina patungo sa siwang ng pinto. Nakita niya si Andy. Sa halip na lumayo, isang mapang-uyam na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Shaina habang mas lalong hinigpitan ang yakap kay Mikael, na tila ipinapakita ang kanyang teritoryo.
Naramdaman ni Mikael ang pagbabago ng kilos ni Shaina kaya tumigil siya at lumingon ito sa pinto. Agad na umatras si Andy, ngunit huli na.
“Andy.” tawag ni Mikael. Walang gulat sa boses nito, walang bakas ng hiya o pagkabahala na nahuli siya nitong nakikipaghalikan sa ibang babae.
“Pumasok ka.” Utos ni Mikael. Nag-ipon siya ng hangin sa dibdib nanginginig ang mga tuhod na humakbang si Andy papasok, nakatungo ang ulo habang inilalapag ang damit sa ibabaw ng kama. “Ito na po ang damit niyo Ma’am Shaina.”
Lumapit si Shaina, hinaplos ang damit niya kung tuyo na ito bago hinarap si Andy.
“Salamat, Andy. Pero sa susunod sana huwag ka nang patanga-tanga ha?”
Tumingin si Andy kay Mikael, nag-aabang ng kahit kaunting pagtatanggol, ngunit nanatiling blangko ang mukha nito. Tumingin lang ito sa kanya na para siyang kasambahay na walang halaga.
“Pasensya na po sa pag-abala ko sa inyo, Sir Mikael, Ma'am Shaina,” mariing sabi ni Andy, pilit na pinatitigas ang sariling boses kahit nadudurog na ang kanyang kalooban.
“Aalis na po ako.”
“Mabuti pa nga. Kasi may gagawin pa kami.” Nakangiting sabi nito.
Mabilis na tumalikod si Andy at lumabas ng silid. Habang naglalakad siya sa mahabang koridor ng mansyon, bawat hakbang ay may kasamang katotohanang sumasampal sa kanya: Katulong ka lang, Andy. Hindi mo siya pag-aari kaya kailangan mo siyang ipaubaya sa nararapat para sa kanya. Nagpunas siya ng traydor niyang luha. Ang tagpong yun ay hindi nagpatulog sa kanya.
“Andy, napapansin ko parang ang tamlay mo nitong mga nakaraang araw. Saka parang namamayat ka, okay ka lang ba?” usisa ni Lenlen na kasambahay din ng mga Delgado. Ngunit nauna lang siya dito.
“Wala ito, namimiss ko lang si Lolo at Lola.” Tipid siyang ngumiti.
Kahit mabigat ang katawan ay pinilit ni Andy ang magtrabaho. Dahil kung hindi siya kikilos ay lalo lamang siyang mababaliw sa pag-iisip.
Naiwan si Mikael sa ilalim ng puno ng sampalok, basang-basa sa ulan, kuyom ang kanyang mga kamao habang ang kanyang panga ay nanginginig sa matinding galit at hindi maipaliwanag na takot na tila may tuluyan nang nawala sa kanya ang lahat at sinuntok ng malakas ng puno hangang sa dumugo ang kamay niya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon na ito kung hind imaging sunod-sunuran sa kanyang mga magulang hanggang dumating ang araw na siya na ang may hawak ng lahat.Dumating ang araw ng kasal ni Shaina at Mikael. Ngunit nanatili si Andy sa loob ng kanyang kuwarto dahil isang linggo na rin siyang may sakit na trangkaso.“Andy, hija? Talaga bang hindi mo kayang bumangon? Sayang naman, espesyal ang araw na ito para kay Mikael,” may pag-aalalang sulyap ni Mrs. Dane.Pilit na umubo si Andy at humarap nang may maputlang mukha.“Pasensya na po talaga, Ma'am Dane. Sobrang bigat po ng pakiramdam ko. Baka makahawa pa po ako sa mga bisita sa simbahan.”Huminga nang malalim si Mrs. Dane at naupo sa gil
Ngayon ang araw na magsusukat na ng wedding gown at tuxedo sila Mikael at Shaina. Kinailangan niyang gumawa ng sandwich at Juice para sa mga bisita na nag-aasikaso ng kasal ng dalawa. Lalo pa’t darating din mga malalaking pangalan na designer. “Medyo masikip pa rito sa may baywang, Mikael. Ano sa tingin mo?”Umiikot si Shaina sa harap ng malaking salamin sa sala ng mansyon, suot ang kanyang engranding wedding gown. Ang puting tela ay kumikinang sa ilalim ng chandelier, habang si Mikael ay nakasandal sa dulo ng sofa, hawak sa isang baso ng wine.“Bagay sa'yo,” maikling sagot ni Mikael. Walang emosyon. Walang ningning ang mga mata, ngunit wala ring bakas ng pagtutol.Katabi ni Shaina si Andy, na nakaluhod sa sahig habang inaayos ang laylayan ng gown gamit ang mga aspili. Bawat tusok ng aspili sa tela ay parang tusok din sa sariling puso ni Andy ngunit alam niyang kailangan niyang tiisin ang sakit hanggang masanay na siya dito.Biglang yumuko si Shaina, tinitigan ang tuktok ng ulo ni A
Habang naglalakad siya palayo, naramdaman niya ang matatalim at mapanghusgang tingin ni Mikael na nakabaon sa kanyang likuran—isang tingin na nagpapatunay na kahit anong gawin niya, mananatili siyang isang basura sa mga mata nito.Gabi na ngunit hindi mapakali si Andy sa loob ng kanyang maliit na kuwarto. Ang bawat sulok ng kuwarto ay parang sumasakal sa kanya. Lalo nan ang maalala niya ang nangyari kanina. Hawak niya ang namumulang kamay na napaso kanina. Kahit na binuhusan na niya ng malamig na tubig ay mahapdi pa rin ang balat niya. Biglang bumukas ang pinto nang wala man lang katok siyang narinig.Napatayo siya nang pumasok si Mikael at may hawak ito sa kamay.“Sir Mikael, anong ginagawa niyo dito? Puwede po bang lumabas na kayo.” mabilis na taboy ni Andy,“Hindi kayo puwedeng nandito. Kapag may nakakita sa inyo—”“Maupo ka,” malamig na utos ni Mikael. Binalewala nito ang kanyang pagtaboy. Hinila siya nito sa siko paupo sa kama at marahas ngunit maingat na kinuha ang kanyang napa
Third Person's Point of view...“Maghiwalay na tayo.” Sambit ni Andy na bumasag sa katahimikan ng kuwarto. Walang kahit na anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mga mata dahil pagod na siya at manhid na ang kanyang puso.Bumangon si Mikael mula sa pagkakahiga. Ang kanyang magulong buhok at ang hubad nitong katawan ay bakas pa dahil kakatapos lang nilang angkinin ang isa’t-isa. Kung kanina lang ay sabik na sabik silang dalawa na iparamdam ang pagnanasa nila sa isa’t-isa ngayon ay parang singlamig ng yelo kung tignan ni Mikael si Andy.Hindi siya nagulat sa sinabi nito. Dahil naghihintay pa siyang bawiin ni Andy ang sinabi nito sa kanya ngunit nanatili itong nakatingin sa malayo.“So, is this a farewell sex, Andy? Hindi mo naman sinabi eh di sana nilubos-lubos ko na.” wika ni Mikael at muling naghubad ng damit. Pagkatapos ay hiniga niya ng marahas si Andy at siniil ng mapangahas ng halik sa labi. Ngunit hindi na ito gumanti sa kanya ng halik kaya inangat niya ang katawan at nagbabaga







