Share

Chapter 5

Author: PROSERFINA
last update publish date: 2026-06-21 21:27:14

Five years later…

“Andy, thank you for today as well,” mahinang usal ni Tanaka-san, ang walumpung taong gulang na haponesang inaalagaan ni Andy sa isang liblib at tahimik na probinsya sa Chiba, Japan.

Inayos ni Anya ang kumot ng matanda at ngumiti nang may pagmamahal. “No, don't mention it, Tanaka-san. Good night.”

Nang sumara ang pinto ng kwarto ng matanda, naupo si Andy sa tabi ng beranda upang magpahinga. Malamig ang simoy ng hangin ng tagsibol, at ang mga talulot ng sakura ay dahan-dahang nalalaglag sa bakuran na nag-iiwan ng magandang tanawin. Tatlong taon. Tatlong taon na siyang narito. Walang nakakakilala sa kanya, walang nakakaalam ng nakaraan niya. Dito, malaya siya, at malaya na ang kanyang puso.

Kinuha niya ang kanyang cellphone nang tumunog ito at sinagot ang tawag ng kanyang ina.

“Nay, kamusta po kayo riyan? Natanggap niyo po ba ang padala ko noong nakaraang linggo?” tanong ni Andy, pinipilit na maging masigla ang boses.

“Oo anak, salamat. Malaking tulong ito para sa mga gamot ng lolo mo,” sagot ng ina sa kabilang linya, ngunit bago pa man matapos ang usapan ay bumaba ang boses nito. “Anak… nagpunta ulit rito si Sir Mikael.”

Natigilan si Andy. Ang hawak niyang tasa ng tsaa ay bahagyang nayanig, at muntik nang matapon. Dahil kahit na tatlong taon na ang lumipas ay hinahanap pa rin siya nito.

“Ano pong ginagawa niya riyan, Nay?”

“Hinusgahan niya kami, Andy. Tinanong kung nasaan ka, nagdala ng mga tauhan. Sabi ko umalis ka na at huwag ka nang hanapin. Anak, may asawa na ang taong 'yan pero bakit parang baliw pa rin kung maghanap sa'yo?”

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Andy habang nakatingin sa buwan. “Huwag ninyong sasabihin kung nasaan ako, Nay. Paki-usap, magdahilan kayo kapag bumalik siya kahit sabihin niyong may-asawa na ako para tumigil na rin siya.” Bilin ni Andy bago magpaalam sa ina.

Napabuntong hininga na lamang si Andy at pagkatapos niyang ubusin ang kanyang tsaa ay umakyat na siya sa kuwarto ng anak niya. Pinagmasdan niya ito, hawig na hawig ito ni Mikael. Ngunit wala siyang balak na ipakilala ito sa kanyang ama. Dahil ayaw niyang magkaroon ulit sila ng connection ng ama nito. Tahimik na ang kanyang buhay at ayaw niyang maging dahilan ng pagkasira ng ibang relasyon lalo pa’t nakikita pa rin niya sa mga business website kung gaano kasaya ang relasyon ni Mikael sa asawa nitong si Shaina.

Kaya naguguluhan siya kung bakit hinahanap pa rin siya nito at hindi pa rin ito tumitigil na guluhin ang kanyang pamilya.

“Miko…I’m sorry hindi kita mabibigyan ng buong pamilya. Pero pangako ko sayo anak. Kahit na anong mangyari. Magiging mama at papa mo ako. Kakayanin nating dalawa okay?” kausap niya sa anak kahit na alam niyang mahimbing na ang tulog nito.

Nalaman niyang buntis siya nang habang nag-aalaga siya kay Tanaka-san. Humingi siya ng patawad sa kanyang employer at sinabin niyang uuwi na lamang siya ngunit pumayag ang employer na huwag na itong umalis kaya dalawa na ang inaalagaan ni Andy.

Never niyang iniisip na napapagod siya lalo pa’t kasama niya ang kanyang anak at paminsan-minsan naman ay ang Tita Joy niya ang nag-aalaga kay Miko kapag may kailangan siyang puntahan.

“A-andy, wala na ang lolo mo…” paos na sambit ng kanyang ina.

Nanginig ang kanyang labi hanggang sa tuluyan na siyang napahikbi dahil sa pagkawala ng kanyang Lolo na nagpalaki sa kanya. Noong una ang ang lola niya at hindi siya nakauwi dahil manganganak siya noon kay Miko at ngayon hindi maaring hindi niya makita ang kanyang lolo. Kaya naki-usap siya kay Tita Joy na ito muna ang tumingin sa matanda para makauwi silang mag-ina.

“Tita Joy, kayo na po ang bahala kay Tanaka-san. Babalik po kami ni Miko kapag nailibing na ang kanyang lolo.” Paalam ni Andy.

“Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala basta mag-iingat kayo okay?”

“Opo.”

Madaling araw nan ang maglanding ang eroplano sa airport. Kinailangan muna nilang tumuloy sa hotel para makapag-pahinga at makapagpa-book ulit ng ticket pauwi ng Leyte. Mamimili na rin sila ng ilang pasalubong na puwede niyang dalhin pauwi ng probinsya. Pagkatapos na magpabook ni Andy ng ticket ay nagpahinga muna sila.

Hindi maiwasan ni Andy ang mag-alala, dahil baka malaman ni Mikael ang kanyang paguwi at pagtagpuin muli ang landas nilang dalawa kaya hindi siya makakapayag na magpaalipin ulit kay Mikael.

Nagulat ang Ina ni Andy nang dumating sila sa lamay. Napuno ng iyakan ang pagtatagpo nila ng kanyang pamilya. Limang taon din mula nang hindi sila nagkita.

“Kasama na niya si Lola, hindi na malulungkot si Lolo.” May ngiti sa labi ngunit malungkot pa rin na saad ni Andy sa ina.

“Anak, ginawa mo naman ang lahat para maging maayos ang buhay nila. Saka panigurado masaya na ang lolo at lola mo ngayon.” Comfort ng ina niya sa kanya.

Makalipas ang limang araw ay hinatid na rin sa huling hantungan ang lolo ni Andy. Masakit man para sa kanya kailangan na niya ulit bumalik sa Japan para ituloy ang kanyang buhay.

“Mauna na kayo Ma, isabay niyo na muna si Miko. Dito lang muna ako, gusto ko lang mapag-isa kasama sila Lolo at Lola.” Ani ni Andy. Siya lang kasi ang pinakamalapit sa dalawang matanda. Dahil bago siya mapunta sa pamilya Delgado ay ang lolo at lola niya ang nagpalaki sa kanya dahil magkahiwalay na ang kanyang mga magulang at may sarili na rin itong mga pamilya. Kaya din siya kumakayod ng husto para mabigyan ng mga gamot at tagapag-alaga ang dalawang matanda. At ngayon na pareho na itong wala. Mababawasan na rin ang pinagkakagastusan niya at makakaipon na rin siya para sa future ng kanyang anak.

“La, Lo…babalik na po ulit ako sa Japan. Maraming salamat po sa pagmamahal niyo para sa akin. Babaunin ko lahat ng masasayang ala-ala na kasama ko kayong dalawa.” Nangingilid ang luhang sambit ni Andy. Pagkatapos niyang magdasal ay umalis na rin siya at bumalik sa bahay na ipinatayo niya para sa kanyang mga lolo at lola.

“Anong plano mo sa bahay ng lolo at lola mo anak?”

Napabuntong hininga si Andy. Hindi pa rin kasi niya alam kung ano ang plano niya sa bahay lalo pa’t gusto din naman niyang umuwi na sa pilipinas for good kaya lang natatakot siya na baka guluhin ulit ni Mikael ang kanyang buhay lalo pa’t may anak na silang dalawa at hindi siya makakapayag na makuha nila si Miko sa kanya.

“Ma, siguro isara muna natin ang bahay nila lolo at lola. Gusto ko kasi kapag nakauwi na kami for good dito kami titira ni Miko. Pero sa ngayon hindi ko pa talaga alam.” Paliwanag ni Andy na agad namang naunawaan ng kanyang ina.

Kinabukasan ay kinailangan niyang lumuwas para asikasuhin ulit ang flight niya pabalik ng Japan. Pati na rin ang mga papers ni Miko. Pinaiwan na lamang niya ito sa kanyang ina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
update pa authur please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Make Her Mine Again   Chapter 5

    Five years later…“Andy, thank you for today as well,” mahinang usal ni Tanaka-san, ang walumpung taong gulang na haponesang inaalagaan ni Andy sa isang liblib at tahimik na probinsya sa Chiba, Japan.Inayos ni Anya ang kumot ng matanda at ngumiti nang may pagmamahal. “No, don't mention it, Tanaka-san. Good night.”Nang sumara ang pinto ng kwarto ng matanda, naupo si Andy sa tabi ng beranda upang magpahinga. Malamig ang simoy ng hangin ng tagsibol, at ang mga talulot ng sakura ay dahan-dahang nalalaglag sa bakuran na nag-iiwan ng magandang tanawin. Tatlong taon. Tatlong taon na siyang narito. Walang nakakakilala sa kanya, walang nakakaalam ng nakaraan niya. Dito, malaya siya, at malaya na ang kanyang puso.Kinuha niya ang kanyang cellphone nang tumunog ito at sinagot ang tawag ng kanyang ina.“Nay, kamusta po kayo riyan? Natanggap niyo po ba ang padala ko noong nakaraang linggo?” tanong ni Andy, pinipilit na maging masigla ang boses.“Oo anak, salamat. Malaking tulong ito para sa mga

  • Make Her Mine Again   Chapter 4

    Naiwan si Mikael sa ilalim ng puno ng sampalok, basang-basa sa ulan, kuyom ang kanyang mga kamao habang ang kanyang panga ay nanginginig sa matinding galit at hindi maipaliwanag na takot na tila may tuluyan nang nawala sa kanya ang lahat at sinuntok ng malakas ng puno hangang sa dumugo ang kamay niya dahil wala siyang magawa sa sitwasyon na ito kung hind imaging sunod-sunuran sa kanyang mga magulang hanggang dumating ang araw na siya na ang may hawak ng lahat.Dumating ang araw ng kasal ni Shaina at Mikael. Ngunit nanatili si Andy sa loob ng kanyang kuwarto dahil isang linggo na rin siyang may sakit na trangkaso.“Andy, hija? Talaga bang hindi mo kayang bumangon? Sayang naman, espesyal ang araw na ito para kay Mikael,” may pag-aalalang sulyap ni Mrs. Dane.Pilit na umubo si Andy at humarap nang may maputlang mukha.“Pasensya na po talaga, Ma'am Dane. Sobrang bigat po ng pakiramdam ko. Baka makahawa pa po ako sa mga bisita sa simbahan.”Huminga nang malalim si Mrs. Dane at naupo sa gil

  • Make Her Mine Again   Chapter 3

    Ngayon ang araw na magsusukat na ng wedding gown at tuxedo sila Mikael at Shaina. Kinailangan niyang gumawa ng sandwich at Juice para sa mga bisita na nag-aasikaso ng kasal ng dalawa. Lalo pa’t darating din mga malalaking pangalan na designer. “Medyo masikip pa rito sa may baywang, Mikael. Ano sa tingin mo?”Umiikot si Shaina sa harap ng malaking salamin sa sala ng mansyon, suot ang kanyang engranding wedding gown. Ang puting tela ay kumikinang sa ilalim ng chandelier, habang si Mikael ay nakasandal sa dulo ng sofa, hawak sa isang baso ng wine.“Bagay sa'yo,” maikling sagot ni Mikael. Walang emosyon. Walang ningning ang mga mata, ngunit wala ring bakas ng pagtutol.Katabi ni Shaina si Andy, na nakaluhod sa sahig habang inaayos ang laylayan ng gown gamit ang mga aspili. Bawat tusok ng aspili sa tela ay parang tusok din sa sariling puso ni Andy ngunit alam niyang kailangan niyang tiisin ang sakit hanggang masanay na siya dito.Biglang yumuko si Shaina, tinitigan ang tuktok ng ulo ni A

  • Make Her Mine Again   Chapter 2

    Habang naglalakad siya palayo, naramdaman niya ang matatalim at mapanghusgang tingin ni Mikael na nakabaon sa kanyang likuran—isang tingin na nagpapatunay na kahit anong gawin niya, mananatili siyang isang basura sa mga mata nito.Gabi na ngunit hindi mapakali si Andy sa loob ng kanyang maliit na kuwarto. Ang bawat sulok ng kuwarto ay parang sumasakal sa kanya. Lalo nan ang maalala niya ang nangyari kanina. Hawak niya ang namumulang kamay na napaso kanina. Kahit na binuhusan na niya ng malamig na tubig ay mahapdi pa rin ang balat niya. Biglang bumukas ang pinto nang wala man lang katok siyang narinig.Napatayo siya nang pumasok si Mikael at may hawak ito sa kamay.“Sir Mikael, anong ginagawa niyo dito? Puwede po bang lumabas na kayo.” mabilis na taboy ni Andy,“Hindi kayo puwedeng nandito. Kapag may nakakita sa inyo—”“Maupo ka,” malamig na utos ni Mikael. Binalewala nito ang kanyang pagtaboy. Hinila siya nito sa siko paupo sa kama at marahas ngunit maingat na kinuha ang kanyang napa

  • Make Her Mine Again   Chapter 1

    Third Person's Point of view...“Maghiwalay na tayo.” Sambit ni Andy na bumasag sa katahimikan ng kuwarto. Walang kahit na anumang emosyon ang mababakas sa kanyang mga mata dahil pagod na siya at manhid na ang kanyang puso.Bumangon si Mikael mula sa pagkakahiga. Ang kanyang magulong buhok at ang hubad nitong katawan ay bakas pa dahil kakatapos lang nilang angkinin ang isa’t-isa. Kung kanina lang ay sabik na sabik silang dalawa na iparamdam ang pagnanasa nila sa isa’t-isa ngayon ay parang singlamig ng yelo kung tignan ni Mikael si Andy.Hindi siya nagulat sa sinabi nito. Dahil naghihintay pa siyang bawiin ni Andy ang sinabi nito sa kanya ngunit nanatili itong nakatingin sa malayo.“So, is this a farewell sex, Andy? Hindi mo naman sinabi eh di sana nilubos-lubos ko na.” wika ni Mikael at muling naghubad ng damit. Pagkatapos ay hiniga niya ng marahas si Andy at siniil ng mapangahas ng halik sa labi. Ngunit hindi na ito gumanti sa kanya ng halik kaya inangat niya ang katawan at nagbabaga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status