Share

Make Me Your Wife
Make Me Your Wife
Penulis: aeonia

Simula

Penulis: aeonia
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-18 19:07:52

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa itim at eleganteng gate na nasa harapan ko. Ultimo gate na nagpoprotekta sa puti at modernong mansyon ay walang kahit na anong gasgas na mapupuna. Bungad pa lang ng pamamahay ng pamilya Gromeo ay nagsusumigaw na sa karangyaan.

I was once here. Sa isang punto ng buhay ko ay tumira ako rito. Ilang taon na ang nakalipas ngunit narito ulit ako. Suot ang luma at kupas na pantalon at puting t-shirt habang bitbit ang envelope na naglalaman ng medical records, kagat-labi kong pinindot ang doorbell na nasa harapan ko.

Mariin akong napapikit nang ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumubukas ang gate. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa muling pagtaas ng daliri ko upang muling pindutin ang doorbell.

Wala nang oras. Hindi ako maaaring magtagal.

Pinakawalan ko na ang hiyang nararamdaman ko at paulit-ulit na pinindot ang doorbell.

Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong makausap ang kahit sino sa kanila. Kailangan ko ang tulong nila para iligtas ang anak ko.

Kailangan ko ang pera nila.

"M-Ma'am Iyana? Kayo po ba 'yan?” Tila hindi makapaniwala ang lalaki na nasa harap niya ako ngayon. “Naku, pasensya na po at galing po ako sa likod ng mansyon. Kalalabas ko lang po kaya ngayon ko lang po kayo napagbuksan.”

Binuksan ni Kuya Fidel ang maliit na pinto na bahagi ng gate. Isa siya sa mga guard dito sa mansyon ng mga Gromeo.

Maluha-luha akong tumingin sa kaniya. “P-Puwede po ba akong pumasok? N-Nandiyan po ba si Bryant?”

Agad binuksan ni Kuya Fidel ang gate. “Papapasukin kita, Ma'am Iyana, dahil dati ka rin namang nakatira rito. Pero ma'am . . .”

Kung kailan nakapasok na ako sa loob ay saka naman nanghina ang mga tuhod ko sa kaba at pag-aalala.

“K-Kuya, kailangan ko siyang makausap. I-Importante lang po. Puwede mo ba akong dalhin sa kaniya?”

Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Kuya Fidel. “Hindi po ako sigurado kung nandito pa si Sir Bryant ngayon sa mansyon, Ma'am Iyana. P-Pero, puwede po kitang dalhin kay Ma'am E-Elyse.”

Si Elyse, ang kasalukuyang asawa ni Bryant.

Napalunok ako. Matutulungan naman siguro niya ako? Naging mabait naman sa akin ang babae sa huli naming pagkikita. Wala naman kaming naging problema noon.

Desperado akong tumango kay Kuya Fidel. “D-Dalhin mo ako sa kaniya, kuya.”

Labis ang panginginig ng mga kamay at binti ko habang papalapit kami sa matayog na pinto ng mansyon. Walang pinagbago. Gano'n pa rin kaganda ang lugar na 'to.

Kung dati ay masaya ako rito, ngayon ay puro lungkot at masasakit na alaala na lamang ang nakikita ko sa lugar na 'to.

Pagpasok ko sa mansyon ay bumungad agad sa akin ang isang eleganteng babae na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang umiinom ng tsaa sa isang babasaging baso. Agad na tumaas ang isang kilay niya nang makita ako.

“E-Elyse . . .”

She stood up. Nakataas ang gilid ng kaniyang mga labi habang naglalakad papalapit sa akin.

“Iyana, long time no see.”

Tinignan ako ng babae mula ulo hanggang paa. Judgement was visible in her eyes but I had no time to deal with that anymore.

“E-Elyse, nandiyan ba si Bryant? Puwede ko ba siyang makausap? K-Kahit saglit lang.”

Bumuntong-hininga ang babae. “I'm afraid not. My husband is busy. Maybe you can come back next time?”

Napalunok ako at umiling. “E-Elyse, pakiusap. Importante ang sasabihin ko. P-Puwede mo ba siyang tawagan?”

Kumunot ang noo ng babae sa akin. “Why would I disturb my husband in the middle of a meeting for you?”

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. “N-Naaksidente ang anak namin— ang anak ni Bryant. E-Elyse, pakiusap. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ang tulong ng tatay ng anak ko.”

Her lips parted in shock. Hindi makapaniwala ang mga mata niya habang nakatingin sa akin hanggang sa bigla na lang siyang tumawa. Hindi pa siya tapos tumawa nang pagtaasan niya ako ng isang kilay.

“Nahihibang ka na ba? Paano kayo nagkaroon ng anak ng asawa ko?”

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Walang nakakaalam na buntis ako bago ako umalis dito sa mansyon ng mga Gromeo noon.

“P-Pakiusap, Elyse. Tulungan mo ako. K-Kahit ito na lang. Pakiusap, hayaan mo akong makausap si Bryant.”

Mariing umiling ang babae bago iritadong lumingon sa likod ko. “Guard, please, get her out of here. Naghahanap lang ng gulo ang babaeng 'yan.”

“Elyse, nagmamakaawa ako sa 'yo. K-Kailangan ko lang talagang makausap si Bryant.”

“Are you even sure that my husband is the father of your child? Bryant made it clear to me bago kami ikasal. Sinigurado niya sa akin na wala siyang anak sa 'yo.”

Nandidiri ang tingin sa akin ni Elyse nang tuluyan na akong lumuhod sa harap niya habang humahagulgol. Tinanguan niya si Kuya Fidel na marahang hinawakan ang mga braso ko upang itayo ako mula sa pagkakaluhod.

“P-Pakiusap, Elyse! Kailangan ng anak ko ang tulong ng ama niya!”

“Bryant and I are happy with our marriage. Tapos na siya sa 'yo, Iyana. Walang anak sa 'yo ang asawa ko.”

Umiling ako. “H-Hindi! H-Hindi niya alam! Hindi alam ni Bryant!”

“Huwag mo na kami guluhin, Iyana.”

“E-Elyse, pakiusap! Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko!”

“Guard, please. I don't want to be stressed.”

Muli akong nagmakaawa. Sinubukan ko na muling lumuhod sa harapan niya ngunit ang tanging ginawa ni Elyse ay talikuran ako.

Tuluyan na akong nawala sa sarili ko. Namanhid ang buong sistema ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko hanggang sa natagpuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad patungo sa gate ng mansyon.

Bakas ang awa sa mga mata ni Kuya Fidel bago niya ako tuluyang pagsarahan ng gate.

“P-Pasensya na po, Ma'am Iyana.”

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Gromeo. Ginawa ko na ang huling bagay na naiisip kong gawin upang matulungan ang anak ko. Hindi ko na alam kung saan pa ako maaaring pumunta upang humingi ng tulong.

Itinaya ko ang maliit na perang natitira sa akin upang lumuwas para rito.

Paano na ngayon? Hindi ako puwedeng magtagal dahil kailangan na ako ng anak ko.

Kailangan niyang operahan sa utak dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya. Ngunit bago 'yon, kailangan ng pera.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Naging pabayang ina ako. Mas inuuna ko ang trabaho kaysa sa anak ko. Pero, anong magagawa ko? Kung hindi ako kakayod, hindi ko rin siya mabubuhay.

Bakit ba lahat na lang yata ng kamalasan sa buhay ay nasalo ko?

Napasinghap ako nang may marinig na malakas na busina mula sa likod ko. Walang lakas akong lumingon doon at nakita ang lalaking hindi nalalayo ang hitsura kay Bryant.

“Iyana . . .”

He eyed me from head to toe. Hindi katulad ni Elyse ay walang pandidiri na mababakas sa mga mata niya.

“Arden . . .”

Hindi ko alam kung bakit nagsimulang lumakas ang hagulgol ko ngayong nasa harap ko na ang lalaki.

He looked . . . worried for me.

“What happened to you?”

Bigla kong naalala ang mga salitang sinabi niya sa akin noon. Muli akong nakaramdam ng pag-asa.

“I-Is your offer still available?”

Sumeryoso ang mukha ng lalaki.

Nanghihina akong lumuhod sa harap niya habang humahagulgol. “K-Kailangan ko ng tulong, Arden. Kailangan ko ng pera. Pakiusap, t-tulungan mo ako.”

Umigting ang panga ng lalaki. Buong ingat niya akong itinayo mula sa pagkakaluhod bago tumingin nang diretso sa mga mata ko.

“My offer is still available, Iyana. What do you want me to do?”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. “M-Make me your wife . . .”

Handa akong gawin ang lahat, kahit pa ang magpagamit muli para mailigtas ang anak ko.

“Make me your wife for you to get the company from Bryant. I-In exchange, save my son, Arden. P-Please, tulungan mo akong iligtas ang anak ko.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Make Me Your Wife    Kabanata 40

    Custon is Denise's half sibling, according to Rion. Kung hindi ako nagkakamali ay ang sasakyan niya rin ang ginamit ni Arden pauwi noong gabing 'yon na siyang kinuha ni Denise kinabukasan.“I know that car.”Palubog na ang araw nang makauwi kami ni Rion. Agad napataas ang kilay niya nang makita ang pamilyar na kotse na naka-park sa loob ng gate ng bahay. “Nandito yata si Ruhan.”Hindi naman siya nagkamali. Pagbaba namin ng sasakyan ay sakto ang paglabas ni Ruhan at Arden mula sa loob ng bahay. Tila inabangan talaga kami ng dalawa. Nag-message rin kasi ako kanina kay Arden nang pauwi na kami. “Hey, ladies. Saan kayo galing?”“Sa gilid-gilid lang! Ba't ka nandito?” bati ni Rion kay Ruhan na bahagyang natawa. “Wala akong kainuman. Ba't ba?”Nawala ang atensyon ko sa dalawa nang lumapit sa akin si Arden. Kinuha niya ang mga paper bags na hawak ko kasabay ng paghawak niya sa bewang ko at paghalik sa noo ko.“Nagustuhan ko ang mga cupcakes at pastries na 'yan kaya bumili ako ng para sa in

  • Make Me Your Wife    Kabanata 39

    “I came here to say sorry... and to get my brother's car.”Kami ang kausap ni Denise ngunit ang mga mata niya ay naka-focus kay Zara na buhat-buhat ang anak ko papunta sa taas. Bakas ang pagtataka sa mga mata ng babae at mas lumala 'yon nang makita ang magkahawak na kamay namin ni Arden.“I'm sorry for the trouble I caused last night. I was really... really wasted.” She chuckled. “Hindi ko rin alam kung bakit dito ako pumunta. Maybe because I'm used to it? I used to go here back then with you, Arden. I'm really sorry.”“Don't do it again.”“Huh?”“Don't drive wasted so you won't bother me and my wife again like that, Denise.”Her lips formed a thin line. “So the wedding I heard is true? But, how? I was just gone for four months, Arden, and now you're married?”“I am. This woman beside me is my wife—”“She was your brother's wife. How come?”“My wife, Denise. Asawa ko,” may diing saad ng lalaki. “What we had was long over and that gives you no reason to be concerned about my life. Pina

  • Make Me Your Wife    Kabanata 38

    Arden placed a gentle kiss on my neck, then in my forehead. “I know you're tired. I'll let you sleep.”Napalunok ako. “Y-You are satisfied, right?”Hinuli niya ang mga mata ko. His thumb went to carress my lower lip while staring at me intently.“How can I explain it? Gustong-gusto ko ang nangyari sa atin. Thank you for trusting me, Iyana.”Nakagat ko ang ibabang labi ko nang may maisip. Nararamdaman ko ang antok ngunit natatawa talaga ako sa naisip ko.“It's you who thrusted on me, Arden.”Natawa siya sa sinabi ko. Tinanggal niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko bago humabol ng halik sa mga labi ko.“Do you like it?”Nahihiya akong tumango na muling nagpangisi sa kaniya.“That's good. Matulog ka na. I'll clean you up.”Bago pa man siya tuluyang makaalis sa ibabaw ko ay hinawakan ko na ang magkabila niyang braso upang pigilan siya. He looked at me with amusement visible on his eyes, tila nagustuhan ang ginawa ko.“Hmm? What is it?”“I-I'm not experienced when it comes to sex, Arde

  • Make Me Your Wife    Kabanata 37

    I want to replace my memory of that night. This time, gusto kong makita ang lalaking umaangkin sa akin. Sinunod ni Arden ang gusto ko. Ginamit kong pantukod ang mga kamay ko upang iangat ang katawan ko habang nakahiga sa kama. I heard the sound of the switch and the lights turned on. Napalunok ako nang diretso ang naging tingin niya sa akin. From his handsome face, bumaba ang mga mata ko sa buhay na buhay niyang pagkalalaki. Kahit na may suot pa siyang boxers ay tila gusto ko nang umatras nang makita ko kung gaano siya... kagalit. Pinagdikit ko ang mga hita ko nang makaramdam ng hiya dahil nagtagal ang pagtitig niya sa akin.“Don't. Spread your legs wide for me, Iyana.”Napalunok ako. Nanginginig akong umatras sa kama upang ayusin ang puwesto ko nang magsimula siyang lumapit sa akin. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko lalo na nang sumampa na siya sa kama. Nakaluhod na siya sa harap ko ngunit hindi ko pa rin magawang ipaghiwalay ang mga hita ko.The lust in his eyes was so in

  • Make Me Your Wife    Kabanata 36

    “But I shouldn't...” Ilang beses umiling ang lalaki sa akin. “I shouldn't do it.” He sounded like he was convincing himself. Ang mga salitang lumabas sa bibig ni Arden ay tila hindi para sa akin, kundi para sa kaniya. “Matulog ka na, Iyana. I'll stay here.”He looked like he was having a very hard time, and I didn't want to worsen it for him. Dahan-dahan akong tumalikod sa kaniya upang sundin ang gusto niya. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng kusina ay hindi nakaligtas sa tenga ko ang huling mga salitang binitawan ng lalaki na dahilan upang mapalingon ako muli sa kaniya.“Lock the door.”Umiling ako. “I won't. Hihintayin kita, Arden.”I knew what I want, and I stopped lying to myself years ago. I'm not mentioning it but it doesn't mean that I don't feel it. Nararamdaman ko.Sa tuwing kami lang ang magkasama, nararamdaman ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin. His eyes were telling me what he want. Na kahit na pumikit ako ay nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatingin

  • Make Me Your Wife    Kabanata 35

    Nagmamadaling lumabas ng kuwarto si Arden pagkatapos niyon. Naiwan akong mag-isa sa kuwarto habang pilit pinoproseso ang nangyari. It was real. It really happened. Hinalikan niya ako. Hinawakan niya ako. It wasn't just a dream and I reacted to his every kiss and touch. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit tila wala pa rin ako sa katinuan. Pakiramdam ko ay ilang bote ng alak ang nainom ko dahil tila nalasing ang buong sistema ko sa nangyari. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at hinahabol ko pa rin ang paghinga ko.The clock told me that it was exactly midnight when I looked at it.Gusto kong sundan si Arden, so I did.Dali-dali kong nilisan ang kama ko upang lumabas ng kuwarto. Tinahak ng mga paa ko ang malamig na sahig ng bahay hanggang sa makababa ako sa hagdan. Agad akong dinala ng mga paa ko sa kusina nang wala akong madatnan sa sala. And there, I found him.Nakapatay ang mga ilaw ngunit kitang-kita ko ang malaking bulto ng lalaki na nakasandal sa kitchen counter habang may ha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status