Mag-log inMulagat na napatitig si Ariella sa mukha ni Gael matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam niyang sa kanyang Tita Norma nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi niya alam kung paano pero dahil alam niyang nakakapag-usap ang dalawa, hindi malayong mangyaring nabanggit nga ng tiyahin niya rito na nagdadalang-tao siya.Ang tanong na lang, kilala na kaya ito ng kanyang Tita Norma? Ang pakilala ng binata ay Seth ang pangalan nito. Alam kaya ng tiyahin niya na ang lalaking nakakausap nito... ang lalaking bago nitong kapitbahay ay ang lalaking ama ng batang nasa sinapupunan niya?“Y-You knew...” wika niya sa pabulong na tinig. “Alam kong nalaman mo mula kay Tita Norma. A-Alam niya ba na... I mean, kilala ka na ba niya?”For a moment, Gael didn’t say a word. Nakatitig lamang ito sa kanya hanggang sa gumuhit ang isang nahihiyang ngiti mula sa mga labi nito.“Like what I told you, I didn’t mean to lie. Sadyang naghahanap lang ako ng tamang
Mistulang nakuryente na mabilis na humiwalay si Ariella kay Gael. Dalawang hakbang paatras pa ang ginawa niya upang magbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. At dahil sa paglayong ginawa niya ay agad na nitong nabitiwan ang kanang braso niyang hawak nito.She looked at him in disbelief. Parang gusto niya pang isiping nananaginip lamang siya kaya niya ito nakikita roon. O baka dahil lagi niya itong iniisip kaya pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharap. She must be hallucinating and Ariella almost wanted to pinch herself just so she could wake up.Pero alin man sa dalawa ay hindi totoo. Hindi siya nananaginip. Mas lalong hindi rin siya nagha-hallucinate lamang. Totoong kaharap niya nga ngayon si Gael at patunay lamang niyon ang pagwika nito sa kanya pagkaraan ng ilang saglit.“Are you okay, Ariella?” he asked her worriedly.That voice! Ariella swallowed hard. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang tinig na iyon. Nahihinuha niya na nga ngayon na si Gael ang kanyang kaharap.Pero a
Mula sa niluluto niyang almusal ay agad napalingon si Ariella sa may entrada ng kusina nang pumasok ang kanyang Tita Norma. Kagigising pa lamang nito at sa kusina nga dumiretso. Sa tuwina kasi ay naghahanda ito ng makakain nila sa umaga kasabay na ng dadalhin nitong baon sa ospital na pinagtatrabahuan.Ngunit sa umagang iyon ay inunahan niya na ito sa pag-aasikaso sa kusina. Nagluto siya ng bacon, itlog at sausage. Nagsaing na rin siya ng kaunting kanin. May inihanda rin siyang tinapay at ang kapeng para sa kanyang tiyahin ay naisalang na niya sa percolator.“Good morning, Tita,” nakangiti niyang bati rito kasabay ng muli nang pagtuon ng kanyang mga mata sa kanyang niluluto. Kasalukuyan na niyang inilalagay sa isang plato ang mga prinitong sausages. Ang iba namang mga niluto niya ay nakahain na sa mesa.“You woke up early, Ariella. Sana ay ginising mo na lang ako para ako na ang maghanda ng almusal nating dalawa,” wika nito na ngayon ay tuluyan nang nakalapit sa mesa. Isang ngiti pa n
Hindi maiwasang magdikit ng mga kilay ni Ariella nang nakailang pindot na siya sa doorbell ng apartment na nasa kanyang harapan pero hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa ring nagbubukas ng pinto para sa kanya. Marahan pa siyang humakbang palapit sa bintana upang sana ay sumilip sa loob ng naturang bahay. But she wasn’t able to see anything. Sarado kasi iyon hindi katulad kanina pagdaan niya.“Hello...” wika niya pa sa malakas na tinig. “Tao po...”Hindi na siya nag-alangan pang magtawag sa salitang Tagalog. Ayon naman sa Tita Norma niya ay pinoy ang nakatira roon. Nasisiguro niyang mauunawaan naman nito ang mga sinasabi niya.“Tao po!” tawag niya pa sa mas malakas na tinig. Naglakad na rin siyang muli palapit sa may pintuan at doon ay marahang kumatok. She did it repeatedly. Ilang saglit din siyang nanatili roon ngunit hindi man lang nakakuha ng tugon.Hanggang sa wari ay napagod na rin siyang magtawag. Pumihit na siya patalikod at iginala pa ang kanyang paningin sa paligid. Baka
CANADA...Tuloy-tuloy na naglalakad si Ariella pabalik sa apartment na tinitirhan ng kanyang Tita Norma. It was past seven in the morning and she just had her morning walk around the village. Nakaugalian na niya mula nang dumating doon ang maglakad-lakad muna tuwing umaga. It made her feel good before she starts her day.Ilang bahay na lamang bago makarating sa kanilang tinutuluyan nang hindi sinasadyang mapalingon si Ariella sa isa sa mga apartment na naroon. Ang alam niya ay walang nakatira doon dahil ayon sa kanyang tiyahin ay bumalik na sa Europa ang mag-asawang dating nanunuluyan sa naturang bahay.And she didn’t know why but her attention was caught by something on that apartment. Napahinto pa nga siya sa paglalakad at napatitig sa bintana niyon na nakabukas na. Mag-iisang buwan na siyang nasa Canada at waring ngayon niya lang napunang bukas na ulit iyon.She sighed and continued walking. Iwinaksi na niya sa kanyang isipan ang tungkol sa bagay na iyon at tuluyan nang umuwi. Ilan
“Buo na ba talaga ang pasya mo sa pag-alis?”Mula sa paglalagay ng ilang damit sa maleta niyang nasa ibabaw ng kanyang kama ay napalingon si Gael sa direksyon ng pintuan ng kanyang silid. Naroon ang kanyang ina, nakatayo at titig na titig sa kanya. Sa mga mata nito ay hindi maitago ang lungkot na alam niyang dahil sa binabalak niyang pag-alis.Gael shrugged his shoulders then continued what he was doing. Nag-aayos na siya ulit ng kanyang mga damit nang sumagot siya sa kanyang ina.“I just want to take a chance, Mama. If she accepts me, it is worth it. Kung hindi man, at least, I’ve tried.”“You really love Ariella,” sambit pa ni Beatrice sa mahinang tinig. “You are really willing to leave everything behind just to go and follow her.”“And I’ve been so idiot not to realize before how important she was to me, Mama. Mas pinairal ko ang pagsisisi sa kanya sa bagay na hindi niya naman ginustong mangyari.”Tuluyang humakbang palapit sa kanya si Beatrice saka nagsimulang tulungan siya sa pag
Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.
Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s
“I can’t believe you are really wearing this kind of stuff, Lucas,” nakangiting sabi ni Ariella sa kanyang kaibigan habang inaayos pa ang necktie ng suot nitong business suit. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para magbiro pero, to tell you honestly, mukha kang tuod sa hitsura mo.”Marahan pa si
Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang







