Share

CHAPTER 21

last update publish date: 2026-04-16 21:10:04

Ariella was busy checking the list of new supplies of their boutique the next day. Halos dalawang beses sa isang linggo may dumarating na mga bagong damit na paninda sa kanilang establisyemento. At dahil siya ang naroon at nag-aasikaso ng kanilang negosyo ay siya na ang sumuri ng listahan ng mga bagong dating.

Abala nga siya sa kanyang ginagawa nang lapitan siya ng isa sa mga staff ng Arianna’s. Nakangiti pa ito nang magwika sa kanya.

“Excuse me po, Ma’am. May naghahanap po sa iyo.”

Hindi pa ma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
how sad Ariella nakunan Ka Pala🥲
goodnovel comment avatar
Dhenz
ay nakunan pala haist sayang naman bat kaya cya nakunan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Make You Mine   CHAPTER 24

    Bahagyang napaawang ang bibig ni Ariella habang nakatitig pa rin siya kina Justin at Lexie na nang mga sandaling iyon ay kababakasan na ng pagkagulat matapos silang makita ni Gael. Nakalarawan na rin ngayon sa mukha ni Lexie ang pagkaasiwa dahil sa kaalamang naabutan nilang kahalikan nito si Justin. Hindi man ito magsalita ngunit alam niyang nakadarama na ito ngayon ng hiya dahil doon.Then, she stared at Justin. Seryoso ang ekspresyon sa mukha nito sa kabila ng alam niyang nababahala rin ito matapos malamang naroon sila ni Gael sa ospital. Katulad ni Lexie, alam niyang naasiwa ito sa ideyang nahuli nila ito sa ganoong sitwasyon.“A-Ariella...” Justin murmured and was about to walk towards her. Nahinto lang ito sa balak na paglapit sa kanya nang halos iilang hakbang lamang ni Gael ang distansiya sa pagitan nilang apat at mabilis na sinugod ang binata. Isang malakas na suntok ang agad nitong iginawad sa mukha ni Justin na agad nang ikinatili ni Lexie.“Gael!” natatarantang sigaw ni Lex

  • Make You Mine   CHAPTER 23

    “Bakit hindi mo itinama ang mga sinabi ng bata?”Mula sa tahimik na pagmamaneho ay napalingon si Gael kay Ariella. Saglit niya lang itong sinulyapan saka muling ibinalik ang kanyang paningin sa daan. Kasalukuyan na silang nasa biyahe pabalik ng Maynila mula sa lugar kung saan sila nagsagawa ng medical mission.Dahil nga sa nangyari sa ama ni Justin ay sa kanya na sumabay sa pag-uwi si Ariella, bagay na hindi naman problema sa kanya. Sa kabila ng lahat, sang-ayon naman siya sa mga sinabi ni Justin kanina. Mas maigi na ngang hindi nito isama ang dalaga sa ospital kung saan na ito didiretso. Ni hindi nila sigurado kung wala na ngang kapahamakang nakaamba sa abogado nitong ama.He was also worried to Justin’s father. Malapit din sa pamilya nila ang pamilya Manzano at nang marinig niya ang sinapit nito ay totoong nag-alala rin siya. He was even planning to visit his Uncle Drew once he got back to Manila.“Gael...” untag ni Ariella nang hindi siya sumagot sa tanong nito kanina. Napalingon n

  • Make You Mine   CHAPTER 22

    Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Ariella nang maihinto ni Justin ang sasakyan nito sa tapat ng barangay hall ng lugar kung saan nakatakdang magsagawa ng isang medical mission ang Health Well Company. Sa taon na iyon ay mas pinili ng mga Velasquez na gawin ang taunang medical mission ng mga ito sa isang barangay sa bayan ng Tanauan, Batangas.It was already passed nine in the morning. Kararating lang nila sa lugar at kay Justin na siya sumabay sa pagtungo roon. Hindi niya na nga natanggihan ang mga magulang ni Gael nang ayain siyang sumama sa nasabing aktibidad ng kompanya ng mga ito.Sa totoo lang ay wala naman sanang problema sa kanya. Masaya rin siyang makatulong. Katunayan, kahit ang kanyang ina ay nagsasagawa rin ng pamamahagi ng kanilang biyaya sa ilang kapos sa buhay. Kung hindi feeding program ay pamimigay ng ilang school supplies sa ilang piling eskuwelahan ang ginagawa nito. At sa ilang pagkakataong iyon ay sumasama rin naman siya sa kanyang ina.Pero iba ka

  • Make You Mine   CHAPTER 21

    Ariella was busy checking the list of new supplies of their boutique the next day. Halos dalawang beses sa isang linggo may dumarating na mga bagong damit na paninda sa kanilang establisyemento. At dahil siya ang naroon at nag-aasikaso ng kanilang negosyo ay siya na ang sumuri ng listahan ng mga bagong dating.Abala nga siya sa kanyang ginagawa nang lapitan siya ng isa sa mga staff ng Arianna’s. Nakangiti pa ito nang magwika sa kanya.“Excuse me po, Ma’am. May naghahanap po sa iyo.”Hindi pa man niya naitatanong kung sino ang tinutukoy nito ay agad niya nang nakita ang lalaking kasunod nitong naglalakad. It was Lucas. He instantly smiled as he saw her. Si Ariella naman ay napakunot ng noo dahil sa pagdating nito.“Parang hindi ka masayang makita ako, ah,” wika pa nito nang makita ang reaksyon niya.Marahang natawa si Ariella saka nagpasalamat na sa staff nila. Bumalik na ito sa ginagawa at iniwan na nga sila ni Lucas.“I was just curious what you are doing here. Don’t you have work to

  • Make You Mine   CHAPTER 20

    Matuling lumipas ang ilang araw mula nang matapos ang art exhibit na sinalihan ni Ariella. Nakabalik na rin mula sa bakasyon ng mga ito ang kanyang mga magulang at laking tuwa pa, lalo na ng kanyang ina, nang malamang naibenta niya lahat ng paintings na dinala niya sa naturang event.Matapos nga niyon ay muli niya nang inilaan ang kanyang atensyon sa pag-aasikaso sa boutique nila. Ni hindi naging kainip-inip para kay Ariella ang mga nagdaang araw dahil sa totoo lang ay talagang masaya siya sa ideya na natutulungan niya na ang kanyang ina sa kanilang negosyo.Dumating na rin ang araw ng pagdiriwang ng unang kaarawan ng anak na kambal ni Lucas. Of course, she and her family were invited. Nasa dibdib pa sana ni Ariella ang kagustuhang huwag na lang dumalo. Hindi dahil sa hindi niya gusto, kundi dahil alam niyang may posibilidad na muli niya na namang makikita si Gael sa nasabing okasyon. Kamag-anak lang ito ni Lucas. For sure, he would be there.But nevertheless, she decided to go. Hindi

  • Make You Mine   CHAPTER 19

    Dama ni Ariella na maging si Justin ay nabigla sa kanyang mga sinabi. Kahit kasi sabihing suhestiyon nito ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi pa rin nila napag-uusapan nang maigi. Ni hindi pa nga siya sumasang-ayon sa nais nitong mangyari pero hayun at siya pa ang unang nagsabi kay Gael na nobyo niya na ang binata.The truth was, she really didn’t want to accept Justin’s offer. She didn’t want to enter a relationship with him, kahit pa iyon ay parang pagkukunwari lamang. Ang katotohanang malalaman pa rin iyon ng kanilang mga kakilala, lalo na ng kanilang mga pamilya, ay sapat nang rason para tumanggi siya sa alok nito.Hindi gusto ni Ariella na lokohin ang mga taong nakakikilala sa kanila ni Justin. Magkaibigan lamang ang kanilang mga pamilya kaya paniguradong makararating sa mga itong ‘magnobyo’ silang dalawa.And most especially, she didn’t want to use him. Sa mangyayari kasi ay mistula bang gagamitin niya ito upang malaman kung may tiyansa ba sila ni Gael. Justin was nice to her.

  • Make You Mine   CHAPTER 14

    “I advise you to stay here for at least two to four hours for observation. Anaphylaxis cases have a biphasic reaction sometimes, so we need to monitor your condition. I also advise you to always carry your EpiPens at all times wherever you go. Mas maigi nang laging handa, Miss Certeza,” mahabang pa

  • Make You Mine   CHAPTER 9

    Matulin na lumipas ang ilang araw. Marami pa ang nangyari matapos makilala ni Ariella ang kasintahan ni Gael. Dahil sa malapit na magkakaibigan ang kanilang mga pamilya ay hindi pa maiwasang makaharap niya ulit ang dalaga.Sa tuwing nakakasama niya nga sina Gael at Lexie ay hindi niya pa mapigilang

  • Make You Mine   AUTHOR'S NOTE

    Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s

  • Make You Mine   CHAPTER 6

    Apat na araw ang mabilis na lumipas mula nang mangyari ang gabing iyon sa pagitan nilang dalawa ni Gael. Apat na araw na rin siyang nagbabakasaling makatanggap ng tawag o mensahe mula rito. Pero halos bumagsak ang mga balikat ni Ariella nang wala man lang siyang matanggap kahit isa mula sa binata.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status