Share

PKM - Kabanata V

Tahimik lang si Jomari buong byahe namin pauwi. Hindi ako sanay ng ganito. Minasama yata niya yung pagkatulala ko bigla kanina. Nagsalita na lang siya nang makarating na kami sa lugar namin.

Pinilit ni Jomari na pumasok na ako sa bahay namin. Hindi ko siya sinunod. Gaya ng sinabi ko kay Jude, ipaliliwanag ko kung ano yung nangyari sa akin kanina.

Inaayos ko sa isip yung mga sasabihin ko: kung paano ako magsisimula, kung paano ako magpapaliwanag, pero hindi ako mapakali sa naka-sambakol na mukha ni Jomari kaya sinabihan ko siya,

"It's not what you think."

Tumingin siya sa akin kasama ang mukhang ngayon ay 'di ko mabasa kung ano tunay na emosyon, kung malungkot ba, inaantok o pagod, at siya'y nagtanong, "Bakit, ano bang iniisip ko?"

"Yung tungkol kanina... Na sinasabi ni Jude... Na natulala ako."

Gusto kong sabihin kung ano yung nakita ko, pero parang nagbibingi-bingihan lang siya sa mga pahayag ko. 'Pag ganitong may tampuhan kaming madalas di

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status