Share

Kabanata 25

"Dumating na ba si Shaina?" ang tinanong ni Roan kay Troy habang nagpupunas naman ito ng mga lamesa.

"Si Shaina?" aniya sabay nilibot niya ng tingin ang kanilang paligid.

"Wala pa yata siya. Hindi ko pa siya napapansin magmula kaninang umaga pa." Ang tinugon niya sa dalaga at muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagpupunas.

Napadaan naman si Karen sa gawi ng binata at napansin niya sa hindi kalayuan si Roan na tila ay may hinahanap at may bakas ng pangamba sa kaniyang mukha.

Napalingon naman bigla si Troy sa kaniya at gumuhit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi.

"Bakit, Karen? may kailangan ka ba?" usisa nito sa dalaga.

Nabaling naman ang atensyon ni Karen kay Troy na nakangiti pati na ang mga singkit nitong mga mata.

"Si Roan iyon, hindi ba?" turo niya gamit ang kaniyang nguso.

Sinundan naman iyon ng tingin ni Troy at napansin niya na balisang-balisa ang dalaga.

"Oo, bakit?" ang tinuran niya na
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status