Share

Kabanata 41

"Oo, nakukuha ko nga ang nais mong ipabatid sa akin. Pero kahit patayin man kita o hindi, papatayin pa rin niya ako at isusunod niya kayong dalawa." Mahinang sambit nito sa sariling bibig, sabay napatingin siya kay Shaina na nakatitig sa hawak niyang baril.

Kung kaya't napangiwi ito sa kaniyang labi at umiral ang pagkapilya niya. Tipong pipindutin na sana niya ang gatilyo, subalit naunahan naman siya kaagad ni Aubrey at inasinta siya sa kaliwang braso niya dahilan para mabitawan niya ang hawak na baril at magmanhid ang braso niyang iyon.

"Aubrey, takbo!" sigaw ni Shaina sabay hinatak siya sa kanang kamay.

"Sh*t!" gigil namang sigaw ni Roan habang sinusundan niya ng tingin ang dalawang dalaga. Tinakpan niya ng sariling kamay ang sugat na kaniyang natamo at sinundan niya ito hanggang sa makapasok ng exit stairs, kung saan dumaan sina Shaina at Aubrey.

&

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status