Share

Chapter 2

HINDI yata magandang ideya na naglayas si Marilyn ng hindi naman talaga totally na handa siya. Ngayon ay naglalakad siya sa isang masukal at madilim na daan na hindi niya mawari kung ano nang lugar iyon.

Epic fail talaga ang ginawa niyang paglalayas pero no choice naman siya kundi ang panindigan ang naging desisyon niya. Ayaw niyang maikasal sa baliw at obsessed niyang best friend at hindi na rin siya papayag na madiktahan na naman ng kaniyang mga magulang ang buhay niya.

22 years is enough. She's already an adult at pwede nang magkaroon ng magandang trabaho. Hindi man kursong Education ang tinapos niya ay masaya pa rin siya at nakapagtapos siya ng pag-aaral.

Ngayon ay at takot na takot siya habang naglalakad sa daan. Parang daan sa pinapanood niyang Wrong Turn movie ang ambiance ng dinadaanan niya ngayon. Baka bigla nalang may sumulpot na lalakeng defective ang mukha sa harapan niya at may hawak itong chainsaw tapos pagpira-pirasuhin ang gorgeous and sexy body niya.

Nakakatakot dahil baka magkatotoo nga 'yon!

And it's speaking of her thoughts ay namalayan nalang niya ang kaniyang sarili na binibigay na ang purple wallet niya sa isang matangkad na lalakeng may black mask na gawa sa bonnet at may hawak itong balisong na nakatutok sa leeg niya.

"Ayan lang po talaga ang pera ko, manong. Mukha lang po akong mayaman pero mas mahirap pa po ako kay Princess Sarah na nagbabalat ng patatas." umiiyak na sabi ni Marilyn sa kaniyang holdapper na tila natigilan nang masilayan ng buo ang pagmumukha niya.

Hindi man makita ni Marilyn ng buo ang mukha ng holdapper niya dahil sa suot nitong bonnet na maskara ay alam niyang gwapo ang lalakeng ito dahil sa ganda ng kulay brown nitong mga mata. Matangkad rin ito at may malaking pangagatawan.

Pero teka? Bakit ba siya humahanga ngayon sa physical appearance ng holdapper niya? Heller? Papatayin at nanawakan na nga siya nito, oh!

Hindi sumagot ang holdapper sa sinabi ni Marilyn at itinulak lang siya nito at umalis na parang walang ginawang holdapan ang naganap.

Ayon na 'yon? Hindi niya ba ako papatayin at pagkatapos niya akong patayin ay itatapon niya ang bangkay ko dito sa liblib na parte ng daan?

May mabuting puso naman pala kahit papaano ang holdapper niya pero nang maisip niya muli na wala na siyang pera dahil ninakaw na ng lalakeng 'yon ay lubos na nanlumo si Marilyn sa kaniyang sinapit.

Nang mapagod na siyang maglakad ay sandali muna siyang huminto at umupo sa gilid ng daan. Itinabi niya ang dalang backpack sa likuran niya at bumuntong-hininga nalang.

Kanina pa may tumatawag sa cellphone niya pero pinatay niya ito. Alam niya ring sobra nang nag-aalala sa kanya si Gabriel at nang muli niya itong maalala ay unti-unti na namang pumatak ang mga luha sa mata niya.

Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa buhay niya ngayon. At kung makalimutan man siya ni Gabriel at makahanap na ito ng ibang babae magmamahal sa kanya dahil baka mawala siya ng matagal ay maiintindihan niya iyon.

Natigil lang sa pag-iyak si Marilyn nang may makita siyang grupo ng mga kalalakihan na nagtatawanan habang may hawak na flashlight ang mga ito. Napansin rin niya na may bitbit na dalawang sako ang mga ito at hindi niya alam kung ano ang laman nun.

Unti-unti nang nakakalapit ang mga ito sa kanya at tila natigilan sila sa pagtatawanan nang makita siya.

Bigla namang kinabahan si Marilyn dahil baka mga holdapper ulit ang mga lalakeng ito at nakawan rin siya. For sake! Pulubi na siya ngayon at wala nang maibibigay pa!

"Miss?" banggit nang lalakeng matangkad at may morenong kutis na naglalakad papalapit sa kanya.

Iniwasan ni Marilyn na mapasinghap nang tuluyan na niyang makita ang mukha ng apat na lalakeng nasa harapan niya ngayon.

Holy moly! These guys are too handsome and masculine, too. Are they foreign? Bakit mukha silang mga taga ibang bansa dahil sa banyaga nilang mga itsura?

Hindi niya mawari kung ano ang sasabihin niya hanggang sa nagsalita naman ang isa pang lalake.

"Dis oras na ng gabi, ah? Naliligaw ka ba? May maitutulong ba kami sa'yo?"

Nagtatagalog sila! At ang ibig sabihin nun ay hindi sila mga foreigner. Base sa suot ng mga ito ay mukhang mga farmer o fisherman pa sila.

Nahihiyang ngumiti si Marilyn sa apat na lalake at tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng daan.

"I'm lost, actually. H-hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon." mahina niyang sabi.

Natigilan ang mga lalake sa sinabi niya at nagkatinginan pa ang mga ito. Doon lang napansin ni Marilyn na magkakamukha ang mga lalake at baka magkakapatid nga ang mga ito.

"Ganon ba? Delikado para sa'yo ang maglakad mag-isa dito lalo na't babae ka pa man din. Ganito nalang, sumama ka nalang sa amin at doon ka muna magpalipas ng gabi." nakangiting sabi sa kanya ng lalakeng medyo kulot ang buhok at may nakaka-intimidate na ngiti.

"Hindi naman kami masamang tao, Miss. Masama maging ganon sabi ng lolo at lola namin." sabi pa ng isang lalakeng mukhang kaedad niya lang yata.

Dahil mukha namang harmless at mapagkakatiwalaan ang apat na naga-gawapuhang mga lalake sa harapan niya ay tumango nalang siya sa sinabi ng mga ito. Ayaw na niyang maglakad pa ng mag-isa ngayong gabi sa nakakatakot na daang tinatahak niya at baka sa isang iglap nalang ay pinaglalamayan na siya.

Akmang kukunin na sana niya ang kanyang backpack sa lapag nang kunin ito nang isang lalake.

"Ang bigat nito. Ako nalang ang magdadala para sa'yo. Gael nga pala." pagpapakilala nito sa kanya at naglahad ito ng isang kamay.

Ngumiti at tumango naman si Marilyn kay Gael at tinanggap ang isang kamay nito. Para pa siyang nakuryente nang magdampi ang kanilang mga palad pero ipinagsawalang bahala nalang niya iyon.

"I'm Lady Marilyn Ayala. Nice to meet you." pagpapakilala niya in a full name dahil proud siya at maganda ang pangalan niya.

"Wow! Ang ganda naman ng pangalan mo, Marilyn. Pang foreigner, ah? Ako naman si Israel, kakambal ko si Gael." pagpapakilala naman ng isang lalake na ngayon lang niya napansin na kamukhang-kamukha ni Gael.

"Nice to meet you din, Israel." nakangiting sabi ni Marilyn sa lalake.

Nag-umpisa na silang maglakad at habang naglalakad sila ay nagpakilala na rin ang dalawa pang lalake na mukha namang mas nakatatanda sa kanila nina Israel at Gael.

"Ako si Exodus at ito namang nasa tabi ko ay si Diego." sabi nang lalakeng may morenong kutis na si Exodus.

Ngumiti at kumaway lang si Diego kay Marilyn dahil abala ito sa pagbubuhat ng dalawang sako na naglalaman pala ng mga inani nilang carrots sa bukirin ng kanilang lolo at lola.

Lubos na ipinagpapasalamat ni Marilyn na may mabubuting puso ang nakakita sa kanya. Bukod sa gwapo na nga at matatangkad pa ang mga ito ay ubod pa ng pagka gentleman. Malayong-malayo sa mga kalalakihan sa Maynila na walang ibang ginawa kundi ang i-flex ang kanilang mga mamahaling gamit at itrato ang mga babae na parang isang laruan lang nila.

"Matagal na ba kayong mga farmer?" tanong ni Marilyn kay Exodus.

"Mga bata palang kami ay nagtatanim na talaga kaming magkakapatid. Nangingisda rin kami. Inabot lang kami ng gabi ngayon dahil nag-ani pa kami ng mga kakaunting carrots sa bukirin. Bukas ay babalik kami ulit doon." sabi ni Exodus sa kanya.

Ang sisipag naman ng mga lalakeng ito.

"Ahm, nag-aaral ba kayo o graduated na?" tanong ulit ni Marilyn.

"May mga trabaho na kami, Marilyn. Sina Israel at Gael ay kakagraduate lang ng kolehiyo noong March. May mga naipatayo na rin kaming bahay at business para kina Lolo at Lola pero mas gusto pa rin naming magtanim at mangisda at tulungan sila dito sa farm at dagat kahit na medyo successful na kami sa buhay." sagot sa kanya ni Exodus.

Gosh! Ngayon lang ako nakakilala ng mga lalake na may ganitong mindset. They are matured and well mannered, too.

Ilang minuto rin silang naglakad hanggang sa makarating na sila sa isang bahay na malawak at simple lang ngunit malinis ito at maganda.

"Sila kuya ang nagpagawa ng bahay na 'yan para sa lolo at lola namin. Last month lang ito natapos." sabi ni Gael at inakbayan nito si Marilyn na namula naman sa ginawa niya.

"I-I like the vintage design of the house." sabi ni Marilyn nang nakangiti.

"Salamat, halika na at pumasok na tayo sa loob. Nasa loob sina lolo at lola." sabi naman sa kanya ni Israel hanggang sa hinila na siya ng kambal papasok sa loob ng bahay ng mga ito.

Naiwan naman sa labas sina Exodus at Diego na mukhang aayusin pa ang mga dalang carrots.

Pagkapasok nila sa loob ay mas lalo pang namangha si Marilyn sa vintage and aesthetic look ng bahay. Gawa sa kahoy at mga muwebles ang kasangkapan sa loob at presko itong tignan.

Nakita naman niya sa isang cabinet na gawa sa kahoy ang mga medals, trophy at graduation pictures ng magkakapatid tanda na nakatapos na ng kolehiyo ang mga ito.

Nakita niya ang apat na magkakapatid sa isang larawan at tatlo pang lalake na hindi pa pamilyar sa kanya.

"Pito kaming magkakapatid, Marilyn. Gusto kong makilala mo rin ang iba pa naming mga kapatid. Monroe ang apelyido namin. Scottish ang ama namin at filipino naman ang ina namin." sabi ni Gael nang mapansin nitong nakatingin siya sa larawan nilang magkakapatid na nasa isang picture frame.

So that's why they look like a foreigner dahil taga Scotland pala ang father nila.

"Where's your mother and father?"

Sa tinanong ni Marilyn ay malungkot na ngumiti sa kanya si Gael.

"Mga dalawang taong gulang palang kami ni Israel ay aaksidente sina Inay at Itay. Road accident 'yon nang pauwi na sila dito sa San Lorenzo dahil nagpunta sila sa bayan para magpa check-up si Inay sa ospital. Nabangga ng isang ten wheeler truck ang sinasakyan nilang pick up van at iyon ang ikinamatay nila."

"I'm sorry for your loss, Gael." malungkot na saad ni Marilyn.

Mahina namang ginulo ni Gael ang buhok niya. "Ayos lang 'yon, Marilyn. Sigurado rin naman kaming masaya na sa langit sina Inay at Itay lalo na't nakagraduate na kami ni Israel ng kolehiyo at ang mga kuya namin."

"Sigurado akong proud sila sa inyo." sabi ni Marilyn na ikinangiti naman ni Gael.

Nakilala na rin ni Marilyn sina Lolo Defonsi at Lola Adele na grandparents ng magkakapatid na Monroe. Mababait ang mga ito sa kanya at pinakain pa siya ng dinner dahil doon lang niya naalala na hindi pa pala siya kumakain magmula pa kaninang umaga nang maglayas siya sa kanila.

Ikwinento niya sa mga ito at sa apat pang magkakapatid ang dahilan kung bakit napadpad siya sa San Lorenzo na pangalan pala ng probinsyang napuntahan niya. Nakita niya ang awa at simpatya ng mga ito sa kanya.

"Nako, Marilyn. Kung ako ang nasa kalagayan mo rin ay talagang maglalayas ako huwag lang maituloy ang balak na pagpapakasal sa akin sa lalakeng hindi ko naman mahal. Hindi ko lang talaga maintindihan na bakit may mga magulang na mas inuuna pa ang pagpapayaman kaysa sa sariling kalayaan at kasiyahan ng kanilang anak." umiiling na sabi ni Lola Adele na sinang-ayunan naman ni Lolo Defonsi.

"Mabuti at ang mga apo namin ang nakakita sa'yo dito sa probinsya namin, hija. Marami pa namang masasamang loob ang gumagala sa paligid tuwing gabi dito sa San Lorenzo at baka ikapahamak mo pa iyon." sabi naman ni Lolo Defonsi.

Opo, lolo dahil kanina lang ay nanakawan pa ako nung lalakeng naka bonnet na maskara.

"Kaya nga po very thankful ako kila Exodus, Diego, Israel at Gael dahil sila po nakakita sa akin kanina sa daan." sabi ni Marilyn at nakangiting binalingan ang apat na gwapong magkakapatid na tila namula pa yata dahil nginitian niya ang mga ito.

"Mga single pa iyang mga apo ko bukod kay Leviticus na araw-araw yata ay may bago kaagad na kasintahan." sabi ni Lola Adele at umiling ito.

Leviticus? Isa yata iyon sa magkakapatid na Monroe.

"Ano pa bang aasahan natin sa buhong 'yon, lola? Buti nalang at palagi siyang nahuhuli ni Kuya Abraham sa mga kalokohan niya kaya hindi siya nakakaligtas do'n." tumatawang sabi ni Exodus na ikinatawa rin ng tatlo pang magkakapatid.

"Kung ano ang ikinababaero ni Levi ay ayon naman ang ikinawalang interes sa babae ni Hakim. Opposite na opposite talaga ang dalawang 'yon." sabi naman ni Diego.

"Narinig yata namin ang mga pangalan namin dyan, ah?"

Bigla namang napalingon si Marilyn sa tatlong gwapo at matatangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa kanila.

Katulad sa naging reaksyon niya nang makita sila Exodus, Diego, Israel at Gael ay hindi niya mapigilan na humanga at bumilib sa gwapo at magagandang itsura ng mga lalakeng nasa harapan niya ngayon.

May mga maputi at moreno sa kanila ngunit mahahalata pa rin na magkakapatid dahil nagkakamukha lamang ang mga ito.

Moreno sina Exodus at Diego samantalang mapuputi naman sina Israel at Gael. Ang tatlo naman sa dumating na mga lalake ay may dalawang maputi at isang moreno.

"Mga kuya!" pagsalubong ng magkambal na Israel at Gael sa tatlong lalake.

Tumingin sa kanya ang isang maputing lalake na mukhang iyon ang pinakapanganay sa magkakapatid na Monroe at bigla ay nanlaki ang mga mata nito nang makita siya.

"Mga bros, siya nga pala si Marilyn. Dito muna siya titira sa atin hangga't gusto niya." biglang sinabi ni Exodus sa kaniyang tatlong mga kapatid na dumating at inakbayan siya nito.

What? Dito na ako titira sa kanila? Hindi ko naman sinabi 'yon, ah?

-Ajai_Kim

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status