Share

Chapter 1

"YOU'RE going to marry Euzon as soon as possible."

Hindi makapaniwala si Marilyn sa narinig niya sa kaniyang ama na si Don Philip. Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait pero ang sinabi nito ang siyang nagpapabaliw ngayon sa kanya.

"What? Are you serious, Dad? Ipapakasal niyo ako sa best friend ko?" gulat na tanong ni Marilyn sabay lingon sa best friend niyang si Euzon na kanina pa tahimik magmula ng kausapin sila ng Mom at Dad niya.

"Yes, hija. That's our final decision. Napag-usapan na rin namin 'to ng mga magulang ni Euzon. We want to expand our growing business at kung magpapakasal kayong dalawa ay mas lalo pang lalakas at uunlad ang business natin." sabi naman ni Don Philip na ikinailing nalang ni Marilyn.

So, it's the business thing after all?

"This is ridiculous! Ni hindi nga namin mahal ni Euzon ang isa't-isa dahil magkaibigan lang kami tapos ipapakasal niyo pa kaming dalawa? Hindi niyo man lang ba naisip ang nararamdaman ni Euzon?" naiinis nang sabi ni Marilyn dahil mukha yatang tatanda na siya ng maaga sa konsumisyon na ibinibigay sa kanya ng sariling ama.

"Euzon, do you agree with our plan? Para rin naman 'to sa future niyong dalawa ni Marilyn." pagbaling ni Mom kay Euzon na mukhang nagulat pa nang tinanong siya nito.

"O-of course, Tita Mercedes. Okay lang po 'yon sa akin."

Napanganga na sa pagkagulat at pagkabigla si Marilyn dahil sa sinabi ni Euzon.

Papayag itong matali sa kanya? Hindi naman nila gusto ang isa't-isa, ah?

"Euzon, alam kong naiipit ka lang sa sitwasyon ng pamilya natin dahil sa business nila pero 'wag kang papayag na magpakasal sa babaeng hindi mo naman gusto. Paano na 'yung girlfriend mong si Jessica? Masasaktan siya sa oras na malaman niya 'to." Pakiusap ni Marilyn kay Euzon na tinignan naman siya ng mariin.

"Marilyn, matagal ko nang alam na naka arrange marriage tayong dalawa at tinanggap ko nalang 'yon dahil wala na rin tayong magagawa pa dito. And about Jessica, nagbreak na kami kahapon so I'm now basically single at handa na akong pakasalan ka." seryosong sabi ni Euzon na ikinagulat ni Marilyn.

Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kaniyang matalik na kaibigan. Handa siyang pakasalan ni Euzon kahit alam rin naman nitong may gusto siya sa pinsan nitong si Gabriel na ngayon nga ay nililigawan na siya.

Paano nalang ang mararamdaman ni Gabriel sa oras na malaman nitong gusto siyang pakasalan ni Euzon na pinsan pa niya?

"W-what? You're insane, Euzon! I didn't even love you kaya bakit kita pakakasalan? I love your cousin-"

"Is that Gabriel? Hija, what do we expect from their family? They are rich but not as rich as Euzon's family at isa pa ay mas palagay ang loob namin kung si Euzon ang makakatuluyan mo. Cut your connection with that bastard or else ay grounded ka na sa bahay natin!" may pagbabantang sabi ni Donya Mercedes kay Marilyn.

Hindi na napigilan ni Marilyn ang emosyon niya at tuluyan na siyang umiyak sa harapan ng mga magulang niya at kay Euzon.

Para bang pinagkakaisahan siya ng mga ito at wala na siyang ibang magagawa kundi ang sundin ang mga ito.

Hindi na niya kinaya pa at patakbo na siyang umalis papunta sa loob ng kaniyang kwarto. Narinig pa niyang tinawag ng mga magulang niya ang kanyang pangalan pero hindi na niya pinakinggan pa ang mga ito.

Ibinuhos ni Marilyn ang sari-saring emosyon na gusto niyang pakawalan. Nag-uumpisa pa nga lang sila ni Gabriel na matagal na niyang gusto simula pagkabata palang nila ay saka pa mangyayari ang arrange marriage na hindi niya hiniling sa buong buhay niya.

Habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok sa loob ng kanyang kwarto si Euzon na nakapamulsa.

Tinitigan niya ng masama ang lalake na hindi naman natinag sa kaniyang ekspresiyon.

"You're a traitor! I thought you are my best friend pero nagkakamali pala ako doon." puno ng hinanakit niyang sabi.

"Oh? Best friend? Ganyan lang naman palagi ang tingin mo sa akin, e. I tried different girls including Jessica but I still want you, Marilyn."

Biglang tumindig ang balahibo ni Marilyn sa mahinang sinabi ni Euzon at unti-unti itong lumapit sa kanya. She can't figure out on what's wrong with his best friend. Iba ang ikinikilos nito ngayon.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni Marilyn na ikinangisi naman ni Euzon.

"Isn't that obvious? I love you, my dearest best friend and I want us to get married as soon as possible like what your Mom and Dad said."

Parang malalagutan ng hininga si Marilyn sa sinabi ni Euzon at hindi niya inaasahan na masasabi nito ang mga ganitong bagay sa kanya.

He loves me? But I thought we're just only best friends like what he said before?

"Baliw ka na, Euzon. Your cousin Gabriel is now courting me-"

"I don't care! Inaagaw ka niya sa akin dahil ano pa bang papel niya sa buhay ko kundi agawin ng agawin sa akin ang lahat ng gusto ko! Kahit pa ikaw ay naagaw na rin niya kaya hindi ako papayag na magkatuluyan kayong dalawa." madiin nitong sabi sa kanya.

Sa tagal nilang magkaibigan ni Euzon ay hindi akalain ni Marilyn na may lihim na inggit at insecurities pala si Euzon kay Gabriel. Magkasundo naman kasi ang magpinsan sa tuwing nakikita niya ang mga ito pero ayon pala ay palihim ang galit at pagkamuhi ni Euzon kay Gabriel.

"Kailangan mo na siguro ng Psychiatrist para sa tama dyan sa utak mo. Ikaw lang yata ang may imaginary hater dahil hindi ka naman inaano ni Gabriel!" singhal niya kay Euzon na hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"What did you say? Don't talk to me like that, Marilyn because I'm now your future husband at wala ka nang magagawa pa dahil ipapakasal na tayong dalawa. Forget your Gabriel dahil hindi kayo uubra sa akin. Sa akin ka na mapupunta at itatak mo 'yan sa kukote mo!" sigaw ni Euzon at pagkatapos ay malakas nitong isinara ang pintuan niya nang lumabas na ito sa loob ng kaniyang kwarto.

Sa inis ni Marilyn sa damuhong iyon ay pinagtatapon niya ang mga unan niya sa sahig. Ngayon lang siya nainis kay Euzon nang ganito at kung makapagsalita ito ay para na itong obsessed sa kanya.

Ang akala niya ay lubos na niyang kilala si Euzon pero nagkakamali pala siya. His true colors were now showing kaya kailangan niyang mag-ingat sa best friend niya at sa binabalak ng pamilya nila na ipakasal silang dalawa.

Hating gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makatulog si Marilyn ng maayos. Kanina pa siya tinatawagan sa cellphone ni Gabriel pero hindi niya ito magawang sagutin.

Natatakot siyang kausapin ito lalo na't paniguradong may ideya na si Gabriel sa arrange marriage na mangyayari sa kanilang dalawa ni Euzon. May problema nang pinansyal ang Pastry business ng pamilya nila Gabriel at ayaw na niya itong abalahin pa sa kinakaharap niyang problema.

Kinabukasan ay maagang dumating sa bahay nila si Euzon at ang mga magulang nito. Nagpapasalamat siya at walang pasok sa trabaho ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Genesis kaya may karamay siya sa pagpipigil ng arrange marriage na pinagpaplanuhan ng mga ito.

"Mom and Dad, Marilyn is only 22 years old at kakagraduate niya palang ng college. We don't need to force her on their marriage dahil masyado pang maaga para doon." Genesis said to their parents.

"Hijo, Marilyn and Euzon are not a teenager anymore. Pwede na silang magpakasal at para na rin mapabilis na ang-"

"Mapabilis ang ano? Ang expansion at pagpapatayo ng buildings niyo para sa business niyo? At ang kapalit? Ang kalayaan ni Marilyn. I can't believe you!" hindi makapaniwalang ani Genesis sa harap ng kaniyang mga magulang at mga magulang ni Euzon.

Mabuti pa ang kaniyang kapatid ay naiintindihan ang kaniyang nararamdaman samantalang sarado na ang utak at puso ng mga magulang nila maituloy lang ang kasal na ayaw niyang mangyari.

"Genesis, its for Marilyn and Euzon's sake. Nag-iisang anak lang rin namin si Euzon kaya siya lahat ang magmamana ng mga ari-arian at business namin na pwedeng pagtulungan nila ni Marilyn. Isa pa, Euzon admitted to us that he loves Marilyn kaya gagawin ng anak ko ang lahat mapabuti lang ang lagay ng kapatid mo after their marriage." nakangiting sabi ni Donya Silvana na ina ni Euzon.

"Tita Silvana, walang nararamdaman si Euzon para kay Marilyn dahil girlfriend niya si Jessica-"

"We broke up, Genesis and I didn't love her." bigla namang pagsabat ni Euzon sa sinasabi ni Genesis.

Napailing nalang si Genesis sa sinabi ni Euzon at tinitigan niya ito ng masama.

"Well, if you didn't love Jessica then mahal ka ba ni Marilyn? You know that she loves your cousin, Gabriel so please don't agree with this fucking arrange marriage!" Tumaas na ang boses ni Genesis sa galit na nararamdaman nito kaya kaagad itong pinakalma ni Marilyn.

Her brother was so overprotective with her at alam niyang hindi ito papayag na madiktahan at gawin lang siyang parang robot ulit ng mga magulang nila. Genesis wants to secured her freedom ngayong nakagraduate na siya ng kolehiyo at kahit may nobya na ito ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras para damayan siya sa lahat ng problema niya.

"Shut up, Genesis. Don't be rude to your brother-in-law!" galit nang sigaw ni Don Philip na ikinatawa ng sarkastiko ni Genesis.

Si Euzon naman ay nanatili lang na tahimik at hindi nagsasalita.

"Brother-in-law? I will never consider that moron to be my brother-in-law at alam niyo 'yon kung bakit!" Huling sabi ni Genesis at umalis na nga ito sa harapan nila.

Nanghihina si Marilyn sa mga nangyayari ngayong araw at hindi na niya yata kakayanin pang manatili sa bahay nila dahil sa isang linggo ay kasal na raw nila kaagad ni Euzon.

Ganon ka-atat ang parents nilang dalawa para ipakasal na kaagad sila. Ano pa nga bang bago doon? Sa buong buhay niya ay palagi nalang siyang minamanduhan ng kaniyang mga magulang maging isang perpekto at Prim in Proper lang siyang dalaga.

Magmula sa mga susuotin niya hanggang sa kursong kinuha niya na business management ay utos iyon sa kanya ng kaniyang mga magulang. Kahit gusto niyang maging guro ay hindi niya iyon magawa dahil tutol ang mga ito sa pangarap niya. Ganoon rin ang nangyari sa kapatid niyang si Genesis pero mabuti nalang at ang naging nobya nito ay kasundo ng pamilya ng mga magulang niya.

Nag-usap lang ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Euzon para sa gaganaping kasal nila sa susunod na linggo habang siya naman ay nag-iisip ng paraan para lang hindi ito matuloy.

Nagpunta si Marilyn sa kaniyang kwarto para mag-impake na ng mga kakaunting damit at gamit para sa gagawin niyang paglayas ngayong araw.

Simula nang manligaw sa kanya si Gabriel ay pinutol na ng mga magulang niya ang koneksyon ng credit cards niya kaya apat na libong piso nalang ang natitira sa kaniyang wallet.

'Di bale nang maligaw ako sa gagawin kong pagtakas mamaya. Basta't makaalis lang ako sa impyernong lugar na ito at makahanap ng matutuluyan ay ayos na sa akin 'yon.

Walang kaibigan si Marilyn na mahihingan ng tulong dahil wala naman siyang naging kaibigan sa pinapasukan niyang unibersidad kundi si Euzon lamang. Ayaw niya ring hingan ng tulong ang kapatid niya dahil paniguradong iuuwi lang rin siya nito sa kanilang bahay sa oras na malaman nito ang plano niya.

Nagsuot ng face mask at itim na cap si Marilyn bago sukbitin ang dala niyang itim na backpack na naglalaman ng kaniyang mga damit at gamit.

Dahan-dahan siyang lumabas sa kaniyang kwarto at kaagad tumakbo papuntang exit back door ng kanilang bahay. Mansyon ang bahay nila pero mas gusto pa rin niyang bahay lang ang tawag doon dahil masyado siyang nao-over exaggerated kapag mansyon ang tawag sa tinitirhan nila.

Dahil marunong sumabit at umakyat sa puno si Marilyn noong bata pa lamang siya ay madali na sa kaniyang naakyat ang pader ng bahay nila papalabas. Hindi rin siya napansin ng mga security guards nila na abala sa kung sinumang ka-chatmate ng mga ito sa cellphone nila.

Sinasahuran sila ng malaki nina Mom at Dad para magbantay ng bahay namin tapos pagce-cellphone lang ang alam gawin ng mga manong na 'to? Pero mabuti na rin iyon dahil natakasan ko naman sila mwehehehe!

Nang tuluyan nang makalabas si Marilyn sa ekslusibong subdivision nila ay tila nakahinga siya ng maluwag doon at dito na mag-uumpisa ang bagong kabanata sa kaniyang buhay.

Kung saan man siya dalhin ng mga paa niya ay ipinapanalangin niyang mapadpad siya sa lugar na payapa at mga taong may mabubuting kalooban.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status