Share

Kabanata 3

Matagal ko ng gusto si Theo Reed Ong Montemayor. Oo, full name para cute. Paano ko nga ba ulit siya napansin? Yung grade six kami at lagi niya akong pinapakopya ng mga homeworks o yung grade five kami at lagi kaming naglalaro ng bato bato pik? Simula noon, kahit simpleng kilos lang ni Theo ay maganda na sa mga mata ko. Well, ganun naman ata talaga pag in love diba? Kahit mangulangot man yung crush mo sa harapan mo ang pogi pogi paring tignan pero pag ibang tao na nakakadiri, dugyot, walang manners. Lahat na! 

"Team A up! Team B dock!" Sigaw ni Sierra. Ang Emcee dito sa Syferath's park. 

Nandito ako ngayon sa Syferath park cause it's Syferath's day. Actually, hindi ko alam sa lolo ko kung bakit ginawang November 2 ang mahalagang araw ng Syferath. Naka katol ata siya nun or naka singhot ng medyas. 

"Cadence. We're going to Board ground, you wanna come?" Anyaya sa akin ni Sevhire. Board Ground ang tawag sa Skate Park. 

Umiling ako. I don't know how to skate, magmumukha lang akong tanga dun. 

Sa wakas ay hinayaan na rin ako ng tatlo na maglibot dito. Pagmamay-ari namin ang subdivision kung saan kami nakatira. Ang lawak nga ng lupain doon, sa sobrang lawak nagkaroon na ng park. At iyon ang Syferath Park, where my grandfather met my beautiful grandmother. Eventhough I didn't get a chance to see them, sa picture pa lang alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. 

At doon ako naniwala sa forever.

Naupo nalang ako sa isa sa mga bench dito sa may ilalim ng puno. Tuwing Syferath's day kasi, lahat ng mga nakatira sa subdivison ay kailangan pumunta sa park. Of course you can bring your whole family! Kayanga yung other term nito ay para naring family day.

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang grupo ng Skaters Diva. Ah! I forgot to tell you. Tuwing Syferath's day din kasi nagkakaroon ng contest. Tulad niyan. Yung mga marunong mag skateboard. At ang mga pamangkin ko ang laging nananalo. Not that they are the great grandsons of my lolo, may talent talaga sila sa pag skate. 

Dumaan sa harapan ko si Jessa. As far as I know she's the leader of the group. She looked at me from head to toe, I raised a single brow. Problema nito? 

"Cadence? Bakit nandito ka? Nasaan na yung mga demigod mong pamangkin?" Aniya sa isang plastik na pananalita. 

Schoolmate ko din yang si Jessa. Magkaparehas nga kami na grade 9 pero iba naman yung section namin. And we're not close! Ewan ko nga kung bakit nakikipag-usap ito sa akin ngayon, e. 

Probably because of my nephews. Ganun naman talaga minsan yung ibang babae. Nakikipag close lang sa akin to gather informations. Laging ganun, dahil lang kina Stan. Kayanga pili lang talaga yung mga tao dun na tinatawag kong kaibigan talaga. At isa dun si Daile, kayanga bestfriend ko siya, e. Kahit na malandi yun, alam kong totoo siya sa akin. 

I faked a smile. "Nasa board ground, nagprapractice ata." Puntahan mo na at lumayo ka sa harapan ko. 

"Talaga? Sasali nanaman sila sa competition?" Hindi makapaniwalang saad ni Jessa. 

May sumulpot na babae mula sa likuran niya. Colene ang pangalan nun, well, iyon ang pagkakatanda ko. Inakbayan niya si Jessa at nginitian niya ako. 

Another plastic alert! 

"Siguro, sila nanaman yung mananalo. Itutuloy pa ba natin 'to Jess? Alam mo naman sina Syche, Sevhire at Stan." Kibit balikat ni Colene. 

Tumango tango naman si Jessa. "Oo naman no! Halos lahat na ata ng mga stunts sa skateboard alam na nila." 

Sa totoo lang, balak ko talagang pumirmi sa lugar na 'to dahil wala masyadong tao, tahimik at malayo sa mga nagprapractice sa contest o laro. Kaso nga lang, dumating 'tong mga feeling close kaya sige, ako nalang ang aalis. 

"Cadence! Opps! Wait lang. Sorry ha, mukhang nakagulo pa kami sayo." Pigil sa akin ni Jess nang akmang tatayo na ako. 

Buti alam mo. "Okay lang, aalis naman na talaga ako."

"Jess!" Agaw pansin nanaman ni Colene. "Paano yan? Bea is not around. Isa pa naman siya sa pambato natin. Baka hindi na tayo mag 2nd place gaya nung isang taon." 

Nakita kong lumungkot bigla ang mukha ni Jessa, pati na rin yung ibang babae sa likuran niya. Okay, what's the meaning of that? Bakit pinaparinig nila sa akin?

"I know Colene, I know. Kung pwede lang sana si Cadence para pumalit kay Bea." Biglang tumingin sa akin si Jessa at ngumiti.

WAIT? WHAT? Sabi ko na, e. Hindi talaga maganda kung saan patungo ang usapan na 'to. 

Tumikhim ako sa kanila. "Sorry pero hindi ako interesado at hindi ako marunong." 

"Wala ka naman kasi ata talagang alam diba? Bukod sa magbasa, wala na talaga?" Nag-iba na ang aura ni Jessa kung kanina halos tubuan na siya ng halo sa itaas ng ulo niya sa sobrang kaplastikan, ngayon naman lagpas mount Everest ang kanyang sungay.

"What do you mean?" Tumayo na ako sa kinauupuan ko para magpantay ang tingin namin. 

"Jess! Don't tell her. Baka masaktan siya." Ani Colene pero ngumisi sa akin. 

Ang mga kasamahan niya sa likod ay nakataas na ang kilay sa akin. Wow, we're not going to have a cat fight, right? Umiling nalang ako at bumuntong hininga. 

"No, Colene. She needs to know." Ani Jessa sa kaibigan at bumaling sa akin. "Alam mo bang kinahihiya kang tita ng mga pamangkin mo?" 

Kumunot ang noo ko. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. 

"Of course, you don't know. Bakit nga ba nila sasabihin sayo diba?" Tumawa pa siya. 

"I don't want a kitten fight, so please, back off, Jessa." Kalmadong pakiusap ko sa kanila. Para lang sa mga taong childish ang kitten fight. Yung mga taong gusto lang gumawa ng gulo kahit tabingi ang rason. 

"Wow, ayaw mo talagang maniwala sa amin? Look, hindi ka marunong mag skateboard. E, yung mga pamangkin mo halos sambahin na dahil sa galing nila. Pag tinatanong ka nga namin sa kanila-" 

"Ang sinasabi nila, nagbabasa ka lang daw ng libro. Puro ka daw basa, basa, basa at basa. Wala ka daw ibang alam gawin kundi puro pagbabasa." Putol ni Colene sa sinasabi ni Jessa. 

Lalong kumunot ang noo ko, totoo yun. Wala akong ibang alam gawin kundi ang magbasa ng mga pocketbooks or di kaya sa W*****d. Pero sasabihin ba talaga nila Syche yun?

Humakbang palapit sa akin si Jessa at ako naman ang inakbayan niya. "Cadence, we are not here to have an argument with you. In fact, we wanted to help you!" 

"Bakit hindi mo ipakita sa mga pamangkin mo na kaya mo rin ang ginagawa nila? Palitan mo si Bea. Don't worry. Wala ka namang stunt na gagawin." Ani Colene sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Ano ba ang ginagawa nila? Talaga bang gusto nilang tumulong? Peste! pinipigilan ko lang ang luha ko. My nephews are like my bestfriends too. Sinabi ba talaga nila yun? 

"Look, 12:00pm na. Thirty minutes na lang at magsisimula na ang competition. Sumali ka na, Cadence. Don't worry. Hindi ka namin pababayaan." Tinignan ni Jessa ang relos niya. 

Naestatwa na ata ako sa kinatatayuan ko. I don't know what to say! May parte sa utak ko na baka niloloko lang nila ako pero mas malaki ang parte na gusto ko ring patunayan ang sarili ko, hindi lang kina Stan kundi na rin para sa ibang tao. 

Mataray nga ako but it does not mean na kilalang kilala na ako sa school. Baka nga kilala lang nila ako dahil ako ang tita ng mga lalaking kinababaliwan ng mga babae dun. Ako kasi yung tipong shy type sa ibang tao, mababa ang self confidence ko. Si Daile nga lang ata nagtuturo sa akin ng mga kabulastugan, e. Ihiwalay nalang natin yung sa mga pamangkin ko. Puro kamanyakan naman yung naririnig ko sa kanila. 

"Cadence, what? Kailangan na namin ng desisyon mo. Please, pumayag ka na. Ikaw rin naman din ang makikinabang!" Halos ipadyak na ni Colene ang paa niya sa damuhan sa sobrang frustration.

Hindi na ako nakasagot nang hilahin ako bigla ni Jessa. Teka, saan kami pupunta? Tinulak tulak ni Jessa ang alon ng mga tao. Shit, hindi ako sanay sa maraming tao! Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harap ng board ground. 

"T-Teka! Hindi pa ako nakakapag-isip! Ayoko! Ayoko." Iniwakli kong pilit ang braso ko kay Jessa pero hindi niya 'yon pinapakawalan. 

"Arte mo ha? Ikaw na nga 'tong tinutulungan." Isa sa mga kasamahan nila ang nagsabi nun, lilingunin ko na sana kung sino yun pero nagsalita si Jessa. 

"Nakikita mo yang mataas na surface na yan?" Turo ni Jessa sa isang mataas na parte ng playground. "Cadence, sasakyan mo lang yung skateboard at ibaba mo lang tapos ibabalanse mo ang sarili mong hindi mahulog. Yun lang!" 

Ano? E, ang taas taas niyan! Pang professional na ata yan! "H-Hindi ko kaya." 

"Come on! Parang pinatunayan mo nalang din sa amin na wala kang ibang alam sa mga bagay bagay!" 

"Kaya nga nila Sevhire, ikaw pa kaya?" Panggagatong ni Colene. 

"Malamang! Lalaki sila." Depensa ko. 

"Babae kami, Cadence, at kaya namin. Huwag ka ngang mag-alala ikaw naman pinakahuli. Yun lang gagawin mo." 

Hindi na ako nakapagsalita pa. Nakita kong umakyat na si Sierra sa maliit na stage sa harapan ng playground. Nakangiti ito sa mga tao. Ang iba naman ay hinihiyaw ang apelyido ng mga pamangkin ko. 

Wow, talagang sikat na sikat sila. 

"Kilala mo ba yung laging kasama nila Sevhire na babae?" Nadinig kong nag-uusap yung mga babae sa harapan ko. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kanila para lalo ko silang madinig. 

"Yung tita nila? Si Cadence?" Sagot naman ng katabi niya. 

"Oo, balita ko. Tanga tanga daw yun. Walang alam. Buti nga napakikisamahan siya nila Sevhire, tita pala nila yun?" 

"Kaya siguro pinakikisamahan nila. Kahit na tatanga tanga. Tita kasi nila. Woooah! Go Sevhire! We love youu!!!" 

Naikuyom ko ang kamao ko at lumayo na sa kanila. Kumpara kina Stan, anino lang nila ako. 

"And for our first contestant! Drum rolls!" Humalakhak si Sierra. "Arrhenius brothers!!" 

"Wooah! Arrhenius! Arrhenius! Arrhenius!" The girls chanted their last name. 

Pumalakpak nalang ako at tumingkayad para makita ko sila, hindi ko muna inisip yung gagawin ko mamaya. Baka nga talagang concern lang sa akin sina Jessa. 

Unang tumuntong ay si Syche na naka itim na sando at patalon na may nakalaylay na chain sa bulsa, lalo namang lumakas ang tili ng mga babae nang kasunod niyang tumuntong sina Stan at Sevhire na parehong topless at may dogtag na suot suot. 

Naman, ang ingay! Kulang nalang malaglag lahat ng tutuli ko sa sobrang ingay! 

Sinakyan ni Syche ang skateboard niya at pinaikot ikot ito, isinampa niya pa ito sa isang bako bakong parte ng playground dahilan para mapatili ulit ang mga babae, si Sevhire naman ay tumakbo at naunang inilapag ang skateboard niya bago sinakyan, sa ginagawa niyang pag apak sa magkabilang gilid ng skateboard ay para itong sumasayaw. Sa mga pagpapasikat ng dalawa ay talagang parang kaibigan na nila ang skateboard. 

Huling gumalaw si Stan. Habang ginagawa ng mga kapatid niya ang iilang stunts ay tulad ng ginawa ni Sevhire nauna niyang pinatakbo ang skateboard bago siya sumunod, napanganga ako nang tumambling siya at saktong paglapag niya ay ang pag apak niya sa skateboard. 

"Tayo na ang sunod." May bumulong sa akin pero hindi na 'ko nakasagot. Abala ako sa panunuod sa mga pamangkin ko.

Marami silang ginawang iba't ibang stunts, at ito na siguro ang panghuli. Nasa magkabilang itaas sina Syche at Sevhire habang nasa gitnang ibaba naman si Stan, nagtaka ako dahil may extrang tatlong skateboard malapit sa edge ng playground. kasabay ng pagtunog din ng rock music ay mabilisang pag baba ng dalawa at sinalubong din iyon ng pag abante ni Stan. Halos magwala ang mga babae nang sabay sabay na nagbackflip ang tatlo at umalis sa naunang skateboard nila na nahulog na sa lupa. Sakto namang may tatlong bakanteng skateboard sa harapan nila at yun ang pinaglandingan ng tatlo. 

"Arrhenius!! The best!!! Woah! I love you! Stan, Syche at Sevhire! Anakan niyo ako!!" Sigaw ng babae. 

Meron na kayang fans club ang mga pamangkin ko? 

"Wow! That was a resplendent performance, guys!" Pumalakpak pa si Sierra at parang aliw na aliw talaga sa napanuod niya. "Very hard to beat, huh? Okay! The next one! Oh, ang laging nakakalaban nila Stan." Tawa ni Sierra. "The Skaters Diva!"

Dinaluhan agad ako ng kaba. Kami agad? I mean sila featuring me, agad? Hindi na ako nakahuma nang hilahin ako ni Colene papunta sa playground. Walang nakakakita sa akin dito. Kasi natatakpan nang matatayog na harang. 

"Akyat ka pagtapos mag skate ni Chen." Tinuro niya yung babaeng may pulang buhok. "Okay?" 

Tumango tango nalang ako, bigla niyang binigay sa akin yung board na dala dala niya. God! Paano 'to?! 

"Colene, s-sandali!" Pero hindi na niya ako pinakinggan at nauna nang umapak sa ground. 

Namamasa na yung palad ko. Bakit ba ako napasok dito? Hindi naman ako pumayag, a? Basta nalang nila akong hinila. Lalong nagpatindi ng kaba sa akin nung tumugtog na ang isang korean song. Medyo rock ang kanta nito, at nagsigalawan na sina Jessa, Colene at ang ibang mga babae.

Marami rin silang ginawang stunt pero walang wala ang mga 'yon sa ginawa ng mga pamangkin ko. Tingin ko nga ay naglalaro nalang sila siguro kasi alam nilang hindi na sila mananalo. 

Sa kalagitnaan na ng kanta ay bigla nalang umakyat si Jessa sa stage, kinuha niya ang mikropono ni Sierra. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tinatawag ako ni Colene kaya nilingon ko siya. 

"Up! Now!" She mouthed.

Kaya kahit natataranta ako ay umakyat nalang din ako dala dala ang skateboard. 

"Hello madlang people!" Boses ni Jessa iyon. "As you can see, Bea is not around due to not-so-important reason. Syempre nahirapan kami kasi, isa siya sa pinakamagaling sa grupo namin. Pero syempre! Walang problemang hindi nasusulusyunan! A beautiful lady volunteered and asked us if she can take the place of our bitch friend, Bea. Kami pa ba ang tatanggi? You kidding me?" Tumawa si Jessa. 

Kumunot ang noo ko. Volunteered? 

"She wants to prove herself. Kaya kahit hindi siya marunong mag skate ay gusto niyang masubukan. God! I'm so talkative!" Maarteng wika ni Jessa. "Okay madlang people! Please welcome, Cadence Calliope Syferath!" 

Mariin kong pinikit ang mata ko. Cadence, aapak ka lang sa board tapos ibabalanse mo ang sarili mo, tapos okay na! Kaya mo 'to! 

Katahimikan ang namayani sa buong park. Para bang hinihintay nila ang gagawin ko. Bumuntong hininga muna ako tapos ay sinakyan ang skateboard, itinulak ko ang isa kong paa sa lupa para tuluyan akong bumaba. 

Balance yourself, Cads. Balance yourself. 

Maganda na sana yung pagbaba ko. Smooth, nababalanse ko na ang sarili ko pero nang malapit na ako sa ibaba ay parang nakita ko si Colene na hinarang ang kanyang skateboard kung kaya't nabangga nito ang sinasakyan ko at tumilapon ako. 

Nauna ang tuhod ko. Ang sakit! Shit! Parang kinukuryente ang tuhod ko sa sakit! Parang na graground! 

"O my gosh! I'm sorry, Cadence." Ani Colene at naituptop pa ang kamay sa kanyang bibig. 

Hindi ko na alintana ang bulong bulungan ng mga tao. Talagang ang sakit ng tuhod ko! Hawak hawak ko yun habang napapangiwi na lang sa sobrang sakit at nakapikit. Sa isang iglap ay ang maingay na mga tao ay biglang nagsitahimik. 

Anong nangyari? 

Dinilat ko ang mata ko at hindi ko na nakita pa sina Colene, Jessa at ang mga kagrupo nila. Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao pero nakanganga lang sila at nakatingin lahat sa likod ko. 

Bigla nalang akong umangat sa kinauupuan ko. Rumehistro sa akin ang pagkagulat lalo na nang makita kong buhat buhat ako ni Stan. 

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" Malamig na tanong niya. Sa likod niya ay sina Syche at Sevhire na parehong walang ekspresyon ang mga mukha. 

Umalis kami sa Board Ground, inupo ako ni Stan sa bench na inuupuan ko kanina. Ganun parin ang mga mukha nila. Mga hindi maipinta. 

"I think I need to talk to Sierra." Ani Syche at umalis na. 

"Kakausapin ko yung putanginang diva." Ani Sevhire at umalis na rin. 

Ngumuso ako at nag-angat ng tingin kay Stan na nag-iigting ang bagang. He look so mad at me! 

"S-Stan." Iyon lang ang tangi kong nasabi. 

Napatingin siya sa tuhod ko pagkatapos ay sa akin. "Stay." Aniya at iniwan na rin ako. 

Pipigilan ko na sana siya kaso natatakot akong masigawan niya ako, kaya tinignan ko at pinagmasdan na nawawala siya sa paningin ko. 

"Cadence?" 

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nandito siya? Nakita niya kaya yung kanina? Ugh! Bad shot na ako sa kanya! Pero agad bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak hawak na alcohol at bulak. 

Dinudugo nga pala yung tuhod ko!

Lumapit siya sa akin at lumuhod. "A-Anong gagawin mo?" Tanong ko kay Theo.

Ngumiti lang siya sa akin. Kumuha siya ng bulak at binuksan niya ang alcohol. "Gagamutin kita." 

ANO? Gagamutin niya ako? OMG. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status