Share

Kabanata 4

Pinagmamasdan kong mabuti si Theo habang ginagamot niya ang sugat ko sa tuhod. Ang cute cute niya! Lalo na pag nakakunot ang noo tapos seryoso. Teka, lalo ata akong naiinlove sa kanya!

"Bakit mo ba kasi sinubukan yun? Paano kung may iba pang nangyari sayo?" Tumaas ang tingin niya sa akin.

Talagang nakita niya?! Naku naman. Bakit ba hindi ko naisip na parehas kami ng tinitirhan na subdivision ni Theo at pwede siyang pumunta dun!

"A-Ano kasi, kaya ko naman talaga kaso humarang lang yung skateboard!" At talagang yun pa pinagbintangan mo, Cadence ha?

Ngumisi si Theo. "Kasalanan pala ng skateboard, e."

Lumabi ako. Nakisakay siya sa akin! "Oo, ang sama nung skateboard."

"Bugbugin na ba natin?" Aniya kaya lalong humaba ang nguso ko.

Naman, e. Kinikilig ako! "Huwag na, kawawa yung skateboard."

Maya maya lang ay nadinig ko na yung tawa niya. "You're too cute." Tumayo na siya sa pagkakaluhod niya at umupo na sa tabi ko. "Hatid na kita sainyo?"

Tatango na sana ako kaso naalala ko si Stan. "Hindi pa pwede, e. Hihintayin ko pa yung pamangkin ko."

"So, dito muna tayo?" Tanong niya.

Lalo kong pinigilan ang sarili ko. Kinikilig ako! Sasamahan niya ako! Parang naging maganda pa yung nangyari kanina, ha? Sana lagi nalang akong tanga, kaso kawawa naman yung tuhod ko pag ganun.

"Kayo nila Sev, close na close kayo, no?" He asked out of nowhere.

Biglang naalala ko yung sinabi nila Jessa at Colene sa akin. Hindi ko pa naitatanong sa tatlo kung totoo nga 'yon o hindi at hindi ko pa rin alam kung itatanong ko pa ba, knowing Stan and Syche, pumapatol sila talaga sa babae.

"Syempre, kami kami lang yung magkakasama. Madalas wala pa si Ate. She's a very busy woman." Sabi ko.

Totoo yun, wala siyang oras sa mga anak niya. Gusto niya lang gawin ay ang magtrabaho. Sa sobrang pagka workaholic niya nalalayo na ang loob sa kanya nila Syche. That's why I'm not blaming them kung sobra sobra ang pagka protective nila sa akin. Siguro sa akin lang nila binubuhos yung paglalambing na gusto nila ibigay kay Ate.

"I see." Tinignan ko bahagya si Theo at nakita kong nakatingala siya at nakatingin sa punong lumililim sa amin. "Hindi ka ba nasasakal?"

"Nasasakal?" Tanong ko.

"Yeah. They're too possesive. Kulang na lang sila ang kumontrol sayo." Sagot niya.

Umiling ako. "Nasa lugar naman yung pagiging ganun nila. Tsaka sanay na ako."

"Does it mean na kapag naging possesive ako sayo, hindi ka magagalit sa akin kasi sanay ka na?" Tumingin siya sa akin.

Umakyat na ata lahat ng dugo sa pisngi ko. Ano ba 'tong pinag-uusapan namin? Nagpaparamdam na ba siya? Hindi ka agad ako naka sagot sa kanya.

"No, you don't need to answer. I'm sorry for making you feel.. Ugh! Sorry talaga, Cadence." Sinseridad na pagkakasabi niya sa akin.

"H-Hindi ako galit. Okay lang."

Bakit parang napalitan ng awkward moment 'tong sa amin ni Theo? Pero, awkward naman talaga. Theo is my crush since grade 5. Pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na liligawan niya ako at magiging kami.

That's too good to be true.

Nadinig kong tumikhim si Theo. "Naalala mo noong mga bata pa tayo?" Tanong niya para siguro mabawasan yung nakakailang na feeling.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Ano 'yun?"

"Sa tuwing naglalaro tayo ng bato bato pik. Umiiyak ka." Pasaring niya.

"Ano? Hindi ha!" Depensa ko.

Tumawa si Theo. "It's true! Sa tuwing natatalo kita. Kaya nga minsan takot na akong kalaruin ka, e."

Napayuko ako sa hiya. Kainis! Bakit yun pa ang naalala niya? Bakit hindi yung sumali ako sa UN tapos ang ganda ganda ng pagkakarampa ko dun?!

"Syempre, . I do have a tendecy to cry, lalo na pag natatalo, bata pa ako noon, e." Sabi ko nalang ulit.

"Pero hindi naman umiiyak si Daile. Binabatukan nga niya ako, e. Babaeng yun talaga." Ani Theo.

Nakadama nanaman ako ng selos. I envy Daile. Because she's stronger than me. Kaya din niyang tumawa sa kabila ng problema, masyado rin siyang kalog at natural, kaya siguro halos lahat ng lalaki sa school gusto rin siya. Pumapangalawa siya kay Althea, e. While me? Wala. Itchipwera lang ako lagi, okay lang naman. Mas trip ko pa ang pagbabasa.

Tumayo na ako sa bench at medyo napangiwi dahil dama ko ang kirot sa tuhod ko. Nasaan na ba kasi si Stan?

"Why? Hahatid na ba kita?" Tumayo na rin si Theo.

Sasagot na sana ako sa kanya na ako nalang uuwi mag-isa kaso biglang may umakbay sa akin. Nag-angat ako ng tingin para sana sapakin si Stan kaso si Syche pala 'to.

"Cadence, diba sabi ko sayo, don't talk to strangers?" Aniya at tinignan si Theo na ngayon ay nakangiwi.

"Syche! He's not a stranger!" Singhal ko.

"Theo Montemayor, man!" Nakipag apir si Sevhire sa kanya. "Can we have our auntie, now?"

"Sevhire!" Ano ba 'tong pinagsasabi ng lalaking 'to?

Nagkamot ng ulo si Theo tapos ay ngumiti sa akin. "Oo naman, sino ba naman ako p-para humindi diba?"

"Yeah. Sino ka nga ba?" Maangas na pagkakatanong ni Syche kaya siniko ko siya. "What?"

Pinandilatan ko siya ng mata. "Umuwi na tayo!"

Ngumiti lang siya sa akin at walang ka ano ano ay hinila na ako palayo kay Theo. Ang bastos talaga! Sa kanya nag mana si Stan ng kabastusan, e!

"Hey Syche, what the hell? Ano bang pinagsasabi mo kanina? Stop scaring Theo!" Sabi ko nang medyo nakakalayo na kami.

"So he's Theo? Your long time crush? Bakit ano bang masama sa sinabi ko?" Patay malisyang tanong niya.

Halos mag cartwheel na yung kilay ko sa sobrang pagka-inis. "You're too arrogant! Angas angas mo pa!"

He grinned at me. "He have to deal with that." Aniya. "Bakit ka nga pala sumali sa-- ano bang tawag dun? Putanginang diva?"

"Skaters Diva." Nagulat ako! Nakasunod na pala sa amin si Sevhire. "I wanna know the reason too."

"I thought you already talked to them, Sev." Sabi ni Syche sa kapatid.

Tumango naman si Sevhire. "Yeah. But still, I want to hear it from her."

Huminga ako ng malalim at ikwinento sa kanila yung nangyari at yung totoo na hindi naman talaga ako nag volunteer sa kanila. Nakikinig naman sila sa akin pero walang ekspresyon ang mga mukha nila. Kahit nga inis na inis pa rin ako kina Jessa kailangan ko pa ring i filter yung mga sinasabi ko dahil baka mapuno si Syche at sumugod dun.

"Fuck that bitch! Sinong kinakahiya? Hindi ka namin kinakahiya!" Galit na wika ni Syche.

"Mauna na kayo." Biglang huminto sa paglalakad si Sevhire.

"Bakit?" Tanong ko, nakita ko ang pag taas baba ng balikat nya na parang may kinokontrol siya.

Tumalikod siya sa amin at naglakad na, nagulat ako dahil bumitaw sa pagkaka-akbay sa akin si Syche at sumunod kay Sevhire.

"Where are you guys going?!" Sigaw ko dahil nakakalayo na sila sa akin.

"I'm gonna kill that shit." Galit na sigaw pabalik ni Sevhire.

Tinakbo ko na ang layo naming tatlo at hinila sila sa kanilang braso. Sevhire's fuming mad. Minsan lang siya ganito, madalas hindi siya pumapatol sa mga babae o sa kahit na kanino. You won't like him when he's mad, not only him. Lahat sila!

"Sev! Syche! Control yourself! Mga babae sila! Hayaan niyo na! Hindi naman ako napano, e!" Pilit ko pa rin silang pinapabalik kahit na alam kong mas malakas sila sa akin.

Kinalas ni Sevhire ang hawak ko sa kanya at humarap siya sa akin. "Hindi ka napano? Look at yourself!"

Napapikit ako. God! He yelled at me! God!

"Hey, Sev. Don't. She's our auntie." Dinig kong saway ni Syche. "Ahhhh! I need cold water."

Dinilat ko na ang mata ko, medyo hindi na tense ang muscles nila. Naaalibadbaran nga lang ako kay Sev kasi naka topless siya, si Syche naman kasi kahit papaano may sando.

"Guess what?" Ani Sevhire at tumingin kay Syche. "We're on the same page."

Hindi ko ma gets kung ano pinagsasabi nila at bigla nalang silang nagtawanan.

Napagdesisyunan na namin na umuwi at kumain na dahil mag aalas tres na ng hapon at wala pang laman ang tiyan namin.

Bigla ko naalala si Stan. Dumating kaya yun dun? Nasaan na kaya yun? Bakit kasi ang tagal tagal niya? Narinig ko ang bahagyang pag kulog sa kalangitan.

"Mukhang uulan pa ata." Sabi ko, gaya ng dati pinagbuksan kami ni Mag Kanor at binati niya kami.

"Nah. Mas nauna ang kulog, e." Ani Sevhire at siya naman ang umakbay sa akin.

Pumasok na kaming tatlo sa loob ng bahay. Laking gulat ko na prenteng naka de kwatrong upo si Stan habang nanunuod ng tv. Kung ano ang hitsura niya kanina sa park ay iba na rito. Naka suot na siya ng itim na jersey shorts na may nakalagay sa gilid sa ibaba na numerong 05, birthdate niya. Yung pang-itaas? Wala pa rin. Topless. Nakatuon ang atensyon niya sa tv habang ang isang kamay ay naka akbay sa sofa at ang isa naman ay hawak hawak ang cellphone niya.

Nakadama ako ng galit sa kanya. Paano na lang kung naghintay ako sa kanya dun?! Tapos hindi niya pala ako babalikan? What an asshole!

Naramdaman niya ata ang presensiya naming tatlo kaya pinatay niya bigla ang tv at tumayo na siya. Basta nalang niyang binato yung remote sa sofa, mabilis na lumanding ang malamig na titig niya sa akin pero sandali lang 'yon dahil umakyat na siya sa itaas.

"Cadence, mag shower lang ako. Ang lagkit ng pakiramdam ko!" Reklamo ni Sevhire at pumunta na rin sa itaas.

"Tangina, buti pa yang si Stan." Sang-ayon ni Syche at nag martsa na din papunta sa itaas.

Umiling nalang ako sa dalawa at nagtungo sa kusina. Nadatnan ko si Manang Hilda. Yung katulong namin, nag-aayos siya ng mga pinggan.

"Ako na po diyan, Nang." Paalam ko, matanda na kasi si Manang. At para ko na rin siyang nanay. Siya na rin kasi ang nagpalaki sa akin simula ata pagkabata, hindi ko na talaga nakita ang mga magulang namin ni Ate.

Tumawa naman siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak na sa mga pinggan. "Anak, huwag na. Naku, iyang pamangkin mo na ba iyan ay umiibig na?"

Naguluhan ako sa tanong ni Manang. "Sino po, Nang?"

Inilagay niya na ang iilang pinggan sa lalagyanan nito, ako naman ang kumukuha at nag aabot sa kanya. "Iyang si Cohen."

"Si Stan? Maiinlove? Naku, Nang!" Natawa na lang din ako. Parang napaka imposible. Teka paano ba nasabi yun ni Manang?

Itatanong ko na sana kay Manang kung ano yung nalaman niya kaso may padabog na naglagay ng baso sa gilid ko, e lababo pa naman yun.

Tiningala ko si Stan, wala paring emosyon ang mukha niya at hindi niya ako tinitignan. Tinalikuran na niya ako at lumayas na siya, nandito lang pala yung kupal para uminom.

"Sige, Nang. Mukhang may dalaw yung pamangkin ko, samahan ko po muna, ha? Baka magpatiwakal, e." Sabi ko kay Manang Hilda at hinalikan siya sa pisngi. "Love you, Nang!"

Lumabas na ako sa kusina at naabutan ko pa si Stan na paakyat sa hagdan. What's with him? Bakit ganun na lang siya? Sinundan ko si Stan, hinawakan ko ang kamay niya para matigil siya sa pag-akyat.

Nilingon niya ako. "Ano?" Iritadong tanong niya sa akin.

Mabilis kong binitawan ang kamay niya. "Bakit ganyan ka?"

"Anong ganyan?" Tanong niya pa pero hindi na ako nakapagsalita kasi nauna nanaman siyang umakyat.

Laking pasasalamat ko na malawak ang hagdan dito kaya tinakbo ko ang pag-akyat at hinarangan siya. Iritado nanaman niya akong tinignan.

"Cadence, move." Maawtoridad na wika niya.

Hindi ako nagpatinag. "Ikaw pa may karapatan na magalit? E hindi ka nga-"

"Theo was there. Hindi mo na ako kailangan dun." Putol niya sa akin at nilagpasan nanaman ako.

Hindi ko siya maintindihan! "What if he was there? What's the problem with that?"

Nakita ko ang pagbuga niya ng hangin. "Cads, I'm tired. I want to sleep. Leave me alone."

Hindi na niya ulit pinansin ang tawag ko, kahit nga sinundan ko siya papunta sa kwarto niya, pumasok nalang siya basta at sinarado yun.

Umangat ang isang sulok ng labi ko. Bakit ba ganun yun? Sala sa init sala sa lamig? Bipolar ata si Stan, e. Naagaw ng pansin ko yung skateboard sa may tabi ng pintuan ni Stan.

Sa kanya 'to ha?

Tinignan ko muna yung kaliwa't kanan ko. Sa kwartong katabi ni Stan ay sa akin at ang kay Syche. Bale nasa gitna siya ng kwarto namin ni Syche, mukhang nagshoshower pa rin yung isang 'yon. Si Sev naman ay malakas ang tugtog sa kwarto, busy siya. Pinakiramdaman ko yung kwarto ni Stan. He said he's tired and sleepy. Tingin ko ay patulog na rin yun.

Pasimple kong kinuha ang skate board ni Stan. Mabilis akong bumaba ng hagdan, tinanong pa nga ako ni Manang Hilda kung anong gagawin ko, ang tanging nasagot ko lang ay wala. Ayokong pati siya ay mag-alala.

"Mang Kanor, pabukas naman po." Pakiusap ko.

Kumunot ang noo ni Manong Kanor. "Saan ka pupunta senyorita? Baka po mapagalitan ako ng mga pamangkin mo at ni Madam Stella, pauwi na rin ho kasi 'yun, e."

Umiling ako sa kanya. "Sa park lang po. Mag practice lang."

"Ano ho? E, may sugat pa ho kayo ha? Natandaan ko nga ho kanina si Senyorito Stan na nagmamadaling umuwi dito sa mansyon niyo. Pawis na pawis nga siya tapos nakita ko ho na may dala siyang bulak at betadine. Tinanong ko nga ang senyorito pero pangalan niyo lang ang nasagot niya." Mahabang sabi niya.

Wala akong ibang alam na sasabihin. Kung ganun pala ang nangyari, bakit hindi siya nagpakita? Bakit nadatnan ko siyang nakaupo lang sa loob ng bahay at nanunuod ng tv?

"Senyorita! Mukhang may manliligaw kayo ha." Nakangiting saad ni Mang Kanor.

Nilingon ko yung tinitignan niya sa likod at nakita ko si Theo. Naka itim na shirt siya at naka pantalon. Ngumiti siya sa akin at kumaway.

"T-Theo!" Ako na ang lumapit sa kanya. "What are you doing here?"

"Visiting you?" Nagtaas siya ng kilay. "You're not replying to my texts." Aniya pa.

"Ha?" Nasa kwarto pa yung cellphone ko! "Sorry."

"No, it's okay." He laughed. "Oh, skateboard nanaman?" Napansin niya ata yung yakap yakap ko ang skateboard ni Stan.

"Ah, oo." Mahinhin na sagot ko.

"Sayo?"

Umiling ako. "Kay Stan."

Tumango siya sa akin. "Tuturuan ka niya? Where's Stan?" Tumingin pa siya sa likod ko.

Ayun sa itaas natutulog. Tinopak, e. "Wala. Gusto ko matuto mag-isa. Pwede naman yun diba?"

"That's hard." Pinasadahan ako ni Theo ng tingin mula ulo hanggang paa kaya lalo akong nahiya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko. "Ako na lang ang magtuturo sayo."

Oh damn! Damn! Damn! Bakit ba napaka swerte ko ngayon?! Yeess!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status