Share

Mark Me All Over
Mark Me All Over
Author: Rdkwl

Foreword

"Hey, miss." Nakita ko sa gilid ng aking mata si Stan na nakikipag-usap sa Pharmacist. Hinayaan ko nalang iyon at nagpatuloy sa paghahanap ng kakailanganin ko.

"Yes, sir?" 

"Where can I fit this one?" 

Natigilan ako at nabitawan ang Vitress na hawak hawak ko. Did I heard him right? Nasa Mercury drug kami. Ano kamo ang isusukat niya? Sana naman hindi 'yong nasa isip ko! 

"S-Sir hindi po kasi pwedeng--" 

"But why? I just want to check. Malaki kasi itong akin, e." 

That's it! Hinarap ko na yung babaeng halos binigyan ng mag-asawang sampal sa pula ng pisngi at si Stan na may hawak na condom at nakangising pinagmamasdan ito. 

"Stan!" Nangagalaiti kong tawag sa kanya. "What the hell are you doing?" 

"Nevermind, miss." Binigay niya sa babae ang condom na hawak hawak niya at humarap sa akin. "I'm not doing anything."

Hinablot ko agad ang braso niya at hinila palabas doon! Nakakahiya! Ang dami daming tao doon tapos 'tong lalaking 'to. Maka tanong akala mo kinagwapo niya, e! 

"Ikaw! Nakakahiya kang kasama minsan!" Pinagalitan ko siya. Nahinto kami sa tapat ng Rusty Lopez. 

"Atleast minsan." Kibit balikat niya. 

"Nasaan na ba kasi sina Syche ng mawala ka na sa paningin ko?" Luminga linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling mahagilap ang mga dalawang kapatid niya.

"Buttfucking random girls, I guess?" Walang ka abog-abog na sabi ni Stan. 

Mabilis ko siyang binigwasan. "Hoy! Ang rumi ng bunganga mo ha? Sa susunod nga pag nagsimba tayo, magmumog ka gamit ang Holy water! Nahiya imburnal sayo sa pagkadumi ng bunganga mo!" 

"It's normal! I'm an Arrhenius. I can talk shit whenever and wherever I want!" Utas ni Stan habang hinihimas ang likod ng ulo niya. 

Pagak akong napatawa. "Trademark niyo yang magkakapatid no? Magkaron ng maruming bunganga." 

"Grabe ka naman. Gustong gusto nga ng mga babae 'tong bunganga namin. Especially the tongue." Ngisi niya.

Ngumuwi ako sa pandidiri. Di kaya may AIDS or HIV na 'to?

"Oy, regular ka namang nagpapacheck-up diba?" Tanong ko kay Stan. 

Kumunot naman ang noo niya. "Yeah. Why?" 

"Anong nakita? Wala? Walang AIDS? Herpes? HIV?--"

Napatigil ako sa pagtatanong ng malakas siyang tumawa. Aba bastos 'to, a? "You're crazy! Naisip mong may ganun ako?" 

"Of course! Daig mo pa aso sa kung sino sinong sinasampahan, e!" 

Hindi pa ako natatapos sa pagtabla ko kay Stan nang may umakbay sa akin. Si Sevhire na may magulong buhok! Kasunod niya ay si Syche na ganun din ang hitsura! 

Bakit parang binagyo ang mga 'to? 

"Ang layo layo pa lang dinig na ingay niyo." Ani Syche habang inaayos ang butones ng damit. 

"Let me guess, you're hungry?" Tanong naman sa akin ni Sevhire. 

"Ano? How's the girl? Was she good in bed?" Kaswal na tanong ni Stan. 

"She was not good in bed." Ani Syche. "She was good in stairs." 

Tinapik ni Stan ang balikat ni Syche at nagtawanan ang tatlo, pagtingin ko kay Sevhire ay kinindatan na niya ako. 

Mabilis kong tinignan yung paligid at nakita ko ang mga babaeng halos napapahinto at nagbubulungan. Lahat sila ay nakatingin sa tatlo. 

"What if that girl wants another round again?" Tanong ni Stan, nagulat nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. 

"Hindi ako nagrerecycle." Mahangin na wika ni Syche at ngumisi. 

"Kuya, talaga!" Ani Sevhire at pabirong sinuntok ang kapatid niya. 

"What?! Kayo rin naman, a? You're not banging the same girl--" 

Agad kong tinakpan ang tainga ko at lumakad palayo sa kanila. Sabi ng mga kaklase ko at ibang schoomates na babae, swerte daw ako dahil lagi kong nakakasama ang tatlo. Swerte daw kasi nakakausap ko sila at close na close pa. Gusto ko sanang makipag palit ng pwesto sa kanila at tignan kung masabi nilang swerte pa ako. 

Damn to have pervert nephews like them! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status