Share

Kabanata 1

"God! I'm so excited! Halloween party na mamaya. Meaning?" Natatawang wika ni Daile, bestfriend ko. Nandito kami ngayon sa bahay ng tita niya sa may Delia.

Tuwing nagkakaron kasi ng kung ano mang may kinalaman sa costume ay dito kami nagpupunta. Bukod kasi sa magaganda ang tela sa paggawa ay libre pa sa pag arkila.

"Ano bang susuotin mo? I can't choose." Itinaas ko ang dalawang hanger. Isa ay costume na pang Demonya habang ang isa naman ay isang Anghel.

Kinuha nalang basta ni Daile ang hawak kong hanger na may costume na pang Demonya. "This. You look forbidden kasi and a sinner, ya know?"

Tinaas ko ang kilay ko at hinablot ulit iyon sa kanya." Yes to sinner but forbidden? You serious?"

Natawa na lang siya at inangat sa akin ang costume na sailormoon. "Cute nito diba?"

Umiling nalang ako at tinabig 'yon. Kahit kailan baliw kasama ang isang 'to. Pumunta ako sa malaking salamin dala dala ang costume na napili ko, tinapat ko pa iyon sa akin. Mukhang okay naman. Sige na nga. Ito na nga lang.

"Nakapili na ako ng sa akin. Bilisan mo na at baka malate tayo, memake up-an pa tayo ng tita mo!" Sabi ko kay Daile.

Itinapon niya ang kanyang sarili sa couch. "Come on, you're pretty. We're pretty. Bakit ba kabado ka diyan?"

Oo nga naman. Why am I suddenly nervous? Dahil ba makikita ko ulit siya? No, scratch that! Makikita ko naman talaga siya so I need to be really pretty!

"Ilang anak na ang iniluwal mo sa kaka daydream mo?" I was suddenly interrupted by my bestfriend's voice. "Hay nako, Cadence. Why so dense? Can't you see? Theo likes you! Subukan mo muna kasi mag lie low sa mga pamangkin mo."

"What? How can I avoid them? Lumaki kaming magkakasama. Tsaka, problema ba yun? Kung talagang gusto niya ako hindi siya matatakot kina Stan." Depensa ko naman.

Nagkibit balikat lang siya at tinawag ang tita niya na mag-aayos sa amin. Tumingin ako sa orasan. Isang oras na lang, kailangan nandun na kami sa school. Although the school is ours hindi pwedeng malate ako dun.

Kinuha ko ang shoulder bag ko na niregalo sa akin ni Ate last birthday ko, kinuha ko ang aking cellphone. May isang hindi pamilyar na number ang nag text.

Mensahe:

Cadence, this is Theo Reed Montemayor. Anong oras daw kayo dadating ni Daile?

My heart skip a beat. Shit! Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Theo ba talaga ang nag text sa akin? Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko at pinakatitigan ang text niya. Kulang na nga lang makabisado ko ang number niya!

"Babae."

Napalundag ako bigla sa takot. "Jeez! Bakit ka ba nanggugulat?"

Nagtaas ng kilay sa akin si Daile. "Hala siya, bawasan mo nga yang pakakape mo! Tara na dun!"

Hinila na niya ako sa kwarto ng tita niya. Magaling kasi ang tita ni Daile, sa pag make up at paggawa ng costumes kaya malakas din itong shop niya sa Delia.

Nilagyan lang ako ng tita niya ng konting make up sa mukha dahil mas titingkad ang kulay nun kung light lang. Maputi kasi ako. Well, weird diba? Kasi dapat medyo dark pag maputi. Hayaan na nga. Si Daile naman ay naglagay pa ng Contacts sa mata. Maarte ako pero I hate wearing contact lenses, nakakasira kasi sa mata.

Buti naman at kasya sa akin ang napili kong damit. Inikot ko pa ang sarili ko sa salamin.

Okay, kahit light lang ang make-up ko pero dahil sa talim ng mata ko ay nagmumukha itong makapal.

"Oh ano, tara na! Kuya Max is here!" Tinuro ni Daile ang isang itim na Honda na naghihintay sa labas. Dinampot ko ang shoulder bag ko at nagpatangay sa kanya.

Naupo si Daile sa front seat habang ako naman ay sa likod. Nakita ko agad ang ngisi ni Kuya Max.

"You look so pretty Cadence kaya naman pala bantay sarado ang mga pamangkin mo sayo." Ani Kuya Max at binuhay na ang makina.

"Maganda talaga yan! Pero yung buntot ng prince charming niya nababahag sa mga pamangkin!" Nakisama pa ang bruhang si Daile sa kapatid niya. "Hayaan mo kasing landiin ko si Stan."

"Oh please not Stan. He's a heartbreaker." Natatawang sabi ko.

"All of them are." Sang-ayon ni Daile.

Ilang minuto rin kaming nagbiruan at medyo nakikisali pa sa amin si Kuya Max. Parehas ng year level sina Syche at Kuya Max.

"Kuya, you're not going to attend the party?" Tanong ko.

Inihinto na niya ang kotse sa tapat ng school.

"Yeah. Boooring." Pinahabang salita niya. "Pupunta ba si Syche?"

Tumango ako, lumabas siya sa kanyang sasakyan at pinagbuksan niya kaming dalawa ni Daile. Nagpasalamat ako sa kanya.

"Nako, mukhang mapapaaway ang mga Arrhenius." Ani Kuya Max bago pumasok sa kanyang sasakyan.

Anong meron dun? Pinabayaan ko nalang ang sinabi niya at sabay na kaming pumasok ni Daile sa school. Wala pa kami sa Oval pero dinig na dinig na namin ang ingay at ang magulong mga ilaw.

"It's more fun in Feranithy University!! Woooah. Proud to be Feranian!" Hiyaw ni Daile at hinila na ang kamay ko papasok sa Oval.

"Ticket muna, mga bata." Hinarang kami ni The Rock. Okay, not literally. But katawang The Rock mukhang Rock.

Parehas kaming natigilan.

"Jeez, I forgot." Bulong sa akin ni Daile.

Binuksan ko ang shoulder bag ko at hinalughog ang ticket na sinasabi ng lalaking bato sa harap namin. Shit! Nakalimutan ko din!

Nagkatinginan kaming dalawa ni Daile.

"Heyyo macho gwapito. Let us pass please? She's the granddaughter of Mister Juancho Syferath." Turo sa akin ni Daile.

Umiling lang ang lalaki at mas lalong hinarang ang katawan sa pintuan. "Hindi bebenta sa akin yan, bata."

"It's not for sale kasi." Umirap si Daile. "Kuya, I'm telling the truth! Itong babaeng katabi ko ay apo ni sir Juancho!"

Dumilim ang titig sa amin nung lalaki kaya napatahimik nalang kaming dalawa ni Daile.

"Umuwi na kayo. No ticket no entry." Tinuro niya pa ang karatula.

Hay! Sino ba kasing nagpauso niyan at ipabobotcha ko?! Wala kaming nagawa ni Daile kundi ang maupo sa gilid. Nakabusangot ang mukha niya habang ako ay naiirita.

"Itext mo nga yang mga pamangkin mo! Ipapabugbog natin yang kwagong yon!" Pagmamaktol ni Daile sa akin.

Oo nga no! Kaya lang... "They're busy. Alam mo naman ang mga 'yon. Lights off. Sluts everywhere. Baka nga nakikipag tensome na sila ngayon."

"Tensome? Really? Tibay ng stamina. Hindi nauubusan ng katas?" Biro ni Daile kaya nahampas ko siya bigla.

"Saan mo ba natututunan yang mga yan? Grade 9 pa lang tayo." Saway ko.

Humalakhak siya. "Try mo magkaron ng balahurang kapatid."

Sa gitna ng tawanan namin ay may naaninag akong isang lalaking paparating din. Nakasuot siya ng isang mahabang kapa. Nanlaki ang mata ko nang matapat ang mukha niya sa ilaw.

Si Theo!

"Daile! Daile! Daile!" Paulit ulit na sabi ko habang hinihila ang manggas ng uniform niya.

"Ano? Ano? Ano?" Iritang wika niya. "Huwag mo ngang hilahin yan! I'm not Maria Ozawa just Maria Dalia." At binanggit niya pa ang kanyang buong pangalan.

Dahil hindi ako makapagsalita ay tinuro ko ang lalaking nakatayo sa harap ni The Rock ka-body-alike.

"Kapag sineswerte ka nga naman." Hinila ako patayo ni Daile at pumunta ulit kami kung saan nandun na si Theo.

"Theodore ng chipmunks." Tawag ni Daile. "Sabihin mo nga sa kalbong 'to kung sino si Cadence, ayaw kami papasukin, e."

Halatang nagulat si Theo nang makita kami. Ako naman ay hindi alam kung saan titingin. God! He's so hot! Like a so hot vampire! I want him to bite me!

Great Cadence, nahahawa ka na sa bestfriend mo!

Tumikhim muna si Theo na hanggang ngayon ay gulat pa rin. "Kuya, this is Cadence Calliope Syferath. The granddaughter of Mr. Juancho Rodrigo Syferath. I think pwede mo sila papasukin dahil pagmamay-ari naman ni Cadence ang school."

Napaatras kaming tatlo nang humalakhak iyong lalaki. What the? Nasisiraan na ba 'to?

"At nagsama pa kayong dalawa ng kasama?" Turo niya sa amin ni Daile. "Hijo, pumasok kana. Kayong dalawa. Uwi na."

"Aba! Bwisit ka palang tikbalang ka—" Inilayo ko na agad si Daile sa lalaking bantay at dinala siya sa gilid. "Let me go, Cadence. Makakatikim sakin yan!"

"Hush. Remember the fourth floor in College building? It is connected to the Oval. Iikot lang tayo dun. But we have to be careful. Sa tingin ko naman hindi nila sinara yung building." Paliwanag ko sa kanya.

Kumalma naman si Daile at tumango. Siya na ang humawak sa kamay ko at palihim kaming pumunta sa college building.

"Uy, anong ginagawa niyo?"

"Ay pogi ka!" Singhal ni Daile. "What are you doing here pogi?"

Si Theo! Bakit siya sumunod sa amin? Diba pinapapasok na siya nung bantay?

"S-Sasama sana ako sainyo. Okay lang ba?" Medyo nahihiyang tanong ni Theo.

Nilingon ako ni Daile at binigyan ng isang makahulugang ngiti. "Ano, bitch? Okay lang diba?"

Kinunot ko ang noo ko. Ang lakas naman mang-asar ng isang 'to! Maingat kong binuksan ang gate pagkatapos ay sumenyas na pumasok na sila. Agad kaming umakyat sa tatlong palapag. Medyo nakakahingal dahil sa taas ng hagdan. Nang nasa ikatatlong palapag na kami ay bahagya naman kaming yumuko na tatlo. Dahil salamin ang nagsisilbing pader dito ay naglalakad kaming nakayuko para makaikot sa Oval. Para na nga kaming palaka dito, e. Kung hindi lang kasi nakatapat yung salamin sa guard.

"Tangina, sandali." Hingal na sabi ni Daile at napasandal sa pader. "Ayoko na. Tae."

"Gusto mo pasan kita?" Tanong ni Theo sakanya. Agad akong umiwas ng tingin.

"Lul. Huwag na."

Hinayaan ko na lang ang dalawa. Medyo nakakaselos nga lang. Pero, kung si Daile naman ang gusto ni Theo edi hayaan ko na lang. Nauna na akong bumaba, alam ko kasing nakasunod na sa akin yung dalawa. Kahit malayo pa lang kami sa Oval ay tanaw na namin yung mga ilaw. Nang nakarating na kami sa dulo ay si Daile na ang nagbukas ng pinto.

"Hello world!!!" Hiyaw niya. Tapos ay nakisali na sa mga nagsasayaw.

Why am I suddenly with Theo? Shit ka talaga Daile!

Lumabas na ako sa pinto kasunod ko si Theo. Teka paano ko ba sisimulan 'to? Gosh. I can't think. Magpapasalamat ba ako or—

"Hey Cadence, that was a great mini adventure." Siya na ang unang nagsalita. Mas lalo akong nasilaw sa kagwapuhan niya nang tapatan siya ng ilaw.

"O-Okay lang. Ako nga dapat ang mag sorry kasi nakapasok ka pa sa komplikadong pamamaraan." Teka? Diba nagtext nga pala siya sakin kanina? "I-Ikaw ba yung?"

"Nag text? Yes. Gusto ko lang hintayin kayo ni Daile so I lied to you na hinahanap na kayo dito." Diretsyang sabi niya.

Kasabay nun ay ang pagtunong ng isang romantikong kanta. Nakikisabay ba ang tadhana? O gosh!

"Can I have this dance?" Nagulat ako nang biglang naglahad si Theo ng kanyang kamay.

So talagang mabait lang siya kaya tinanong niya si Daile? Did I misunderstood his actions? Wala ba talaga siyang gusto sa bestfriend ko? Walang dapat ikaselos?

At bakit naman ako magseselos?

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinanggap ko na ang kamay ni Theo. Ngumiti siya sa akin at dinala niya ako sa gitna ng Oval. Thank God dahil hindi ko pa nakikita sina Sevhire!

Nakatingin lang ako sa kanya sa buong pagsasayaw namin. Ganun din siya sa akin. So I guess progress na 'to ng relationship namin?

Sa malayo ay natanaw ko agad si Stan na may kahalikang babae. Agad kong kinalas ang braso ko sa leeg ni Theo, halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Cadence?" Nagtatanong ang kanyang mga mata.

"T-Theo, sorry ha? Wait lang." Nahihiya man ay nilagpasan ko siya para puntahan ang malandi kong pamangkin.

"Stan—Ohmy!!!" Napatakip ako sa aking mata. He's with Sevhire and Syche! Both french kissing a girl!

"Cads! Dammit!" I heard Stan cursed. Naramdaman ko nalang na may kamay na humila sa akin palayo sa nakakairitang lugar na 'yon.

"What are you doing there, Cads?" Tinanggal na ni Stan ang kamay ko sa aking mata.

"I should be the one asking you that! Halloween party 'to! Pero ano? Buhay na buhay yang mga ano niyo! Wala ba kayong pang Sogo?!" Sigaw ko sa kanya.

"Cadence. We. Can't. Control. Our. Hormones." Binigyan niya ng bawat diin ang sinabi niya.

Nagsalubong ang kilay ko nakita ko nalang din sina Sevhire at Syche na nasa likod ni Stan. "Yeah? You're only sixteen pero mukhang pagtungtong mo ng seventeen ay marami ng iba't ibang babae na sasabihing nabuntis mo sila."

"We're using condo—"

Pinutol ko ang sasabihin sana ni Syche dahil ayoko marinig ang bagay na yon. "I don't care! Pag yun ang nabutas tatay na kayo bukas! What the hell is wrong with you guys? Riding different girls, hurting their feelings and your reason is what? Man have needs? Bakit? Wala ba tayong internet connection sa bahay at hindi kayo makanuod sa Youjizz? Hindi ba sapat ang kamay niyo para makapag jack en poy? Come on! We are not your sex machines! Okay lang sana kung lahat ng nasasakyan niyo ay binibigyan lang kayo ng free ride. Pero paano yung iba na nanghihingi ng feelings sainyo? Na kaya lang sila nagpapasakay dahil nag eexpect sila na tubuan kayo ng feelings bigla?!" I blurted out.

Hindi sila nagsasalita na tatlo. Sana naman may pumasok sa berde nilang utak diba? Naubos ata ang mantika sa utak ko dahil sa kanila!

"You know what? Dapat pala hindi kayo pinalaki ni Ate ng ganyan. Just imagine me being fucked by random guys na pareho ng prinsipyo at paniniwala niyo." Tinalikuran ko na silang tatlo.

Nakakabanas, ang hirap kasi sa panahon ngayon konti nalang ang mga babaeng iniingatan ang sarili nila. Nagiging laruan nalang sila ng mga lalaki. Basta lang masabihan ng sweet pick up lines. Payag na agad. They don't know that guys can fake feelings just to have what they really want. Masyado lang kasi talagang uto-uto ang ibang mga babae. Hindi ba nila alam ang ibig sabihin ng actions speak louder than words? Wala na ba talaga yun? Basta lang mahila ka ng gwapong lalaki, papayag kana agad? Pero pag pangit kulang nalang tawagin mo ang presidente ng Pilipinas para lang makulong ang lalaking 'yon. Yes, wala na nga talagang tumitingin sa ugali. Puro mukha, mukha, mukha.

"Peste, bahala sila. Uuwi na ako."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status