LOGINTahimik ang gabi. Sa maliit na condo ni Celestine, tanging tunog ng wall clock at hum ng aircon ang maririnig. Nakaupo siya sa harap ng laptop, sinusubukang tapusin ang mga reports para sa trabaho, ngunit hindi mapigilan ng isip niyang bumalik sa mga nangyari nitong mga araw.
Ang lalaking naka-hood. Ang mga misteryosong sulat mula sa Cruz Enterprises. At ang kotse na lagi niyang nakikita tuwing gabi. Minsan napapaisip siya—coincidence lang ba talaga ang lahat? Pero bago pa siya tuluyang malunod sa pag-iisip, biglang nag-vibrate ang phone niya. Isang unknown number ang nag-text. Unknown: Good evening, Mrs. Navarro. Napakunot ang noo niya. “Mrs. Navarro?” Iilan lang ang tumatawag sa kanya ng gano’n. Agad niyang nireplyan. Celestine: Who is this? Unknown: Someone who’s been watching over you. Napaatras siya sa upuan. Ang puso niya biglang bumilis ang tibok. “Watching over me?” Celestine: Nakakatakot ka, kung trip mo ako, irereport kita. Unknown: You don’t need to. I’m not here to hurt you. Unknown: I gusto ko lang malaman na ligtas ka. Tahimik siyang napatingin sa bintana. Sa labas, nakita niyang andoon na naman ang itim na kotse sa tapat. Ang parehong sasakyan na palaging naroon. Celestine: ikaw ba yung nasa black car? Unknown: Maybe. Unknown: Pero pinapangako ko sayo Mrs. Navarro, wala ka sa kapahamakan, binabantayan kita pata protektahan. May kakaibang init na gumapang sa dibdib ni Celestine. Hindi niya alam kung bakit parang may tiwala siyang naramdaman sa hindi kilalang taong ito. Ang tono ng mga salita ay hindi nakakatakot, bagkus ay may halong pag-aalala. Celestine: Why are you calling me “Mrs. Navarro”? Unknown: Kasi ayun ang dapat itawag ko sayo. My wife. Napahawak siya sa bibig. Hindi siya agad nakasagot. Wife? Hindi kaya—? Celestine: Sino ka ba talaga? Unknown: isang lalaki na hindi ka dapat tinitext ngayon. Unknown: Pero hindi ko mapigilang itext ka. Pinindot niya ang message, binasa ulit—paulit-ulit. May kung anong kilig na sumundot sa kanya, kahit gusto niyang sabihing hindi ito tama. Celestine: asawa kita hindi ba? Unknown: You can think of me that way. Unknown: But for now… let’s just keep it between us. Please trust me, Celestine. Hindi niya alam kung bakit parang may kilig sa mga salitang iyon, kahit formal ang dating. Tahimik siya sandali bago sumagot. Celestine: If kung talagang asawa kita, bakit ayaw mo mag pakita saakin sa personal? Unknown: Because the world you live in isn’t kind yet. Unknown: And I don’t want them to hurt you just because you’re mine. Sa kabilang dulo ng lungsod, nasa loob ng kanyang pribadong opisina si Adrian, nakasandal sa upuan habang hawak ang cellphone. Ang mga daliri niya ay mabigat sa bawat pindot ng mga letra. Hindi niya talaga balak magpakilala pa sa ngayon. Pero mula nang makita niyang muling ininsulto ni Margarita at Veronica si Celestine, hindi na siya mapakali. “At least sa ganitong paraan,” bulong niya, “malaman man lang niyang may nag-aalala sa kanya.” Hindi niya alam kung paano nagsimula ang kagustuhan niyang protektahan ito. Noong una, awa lang—nang makita niyang pinapahiya siya sa harap ng mga bisita ng Navarro. Pero nang tumingin si Celestine pabalik, hindi umiiyak, kundi matatag—doon siya tinamaan. Hindi siya makapaniwala na sa isang simpleng tao lang siya magkakaroon ng ganitong urge na maging tagapagtanggol. Hindi bilang CEO. Hindi bilang Cruz. Bilang lalaki. Napangiti siya nang makita ang reply ni Celestine sa screen: Celestine: ang seryoso mo pero… thank you. Celestine: I don’t even know who you are, pero naninibago ako, feeling ko ligtas ako lagi kapag kausap ka. Tumaas ang sulok ng labi ni Adrian. Hindi niya sinasadyang mapangiti, pero ang damdamin ay totoo. Adrian: That’s all I need to know for now. Adrian: Good night, Mrs. Navarro. Sleep well. Don’t worry about anything tonight. Pinatay niya ang phone. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niyang lalong lumalalim ang emosyon na dapat ay tinatago niya. Habang nakahiga si Celestine, hindi niya mapigilang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit tila nagiging magaan ang loob niya sa bawat text na natatanggap niya mula sa hindi kilalang “husband.” May pag-aalaga sa paraan nito magsalita. Hindi gaya ng ibang lalaki na puro palabida. Ang mga mensahe nito ay diretso, kalmado, pero may halong init—parang laging sinasabing “You’re safe with me.” Napahawak siya sa dibdib. “Who are you really?” mahina niyang tanong sa dilim. Sa labas, patuloy pa ring naka-park ang itim na sasakyan. Sa loob nito, nakaupo si Adrian, tahimik na nakamasid sa liwanag mula sa bintana ng unit ni Celestine. Pinagmamasdan niya ang silhouette ng babaeng mahal na niyang hindi pa niya kayang lapitan. “One day,” mahina niyang sabi, “makikilala mo ako, Celestine. Hindi bilang lihim mong asawa, kundi bilang lalaking pipiliin mong mahalin.” Kinabukasan, habang nag-aalmusal si Celestine, nag-vibrate ulit ang phone niya. Parehong unknown number. Unknown: Did you sleep well? Celestine: Yes, Binabantayan mo talaga ako hanggang umaga? Unknown: I told you, I’ll always make sure you’re safe. Ngumiti siya. “Masyadong sweet to, hindi ko naman kilala kung sino talaga.” Celestine: If you keep texting me like this, I might get used to it. Unknown: Then let me make it a habit. Hindi niya napigilan ang tawa. Para sa unang pagkakataon, naramdaman niyang may koneksyon siya sa taong ito, kahit hindi pa niya nakikita ang mukha niya. Habang nasa elevator si Adrian papunta sa board meeting, tinignan niya ulit ang cellphone. May notification: Celestine: Take care today, whoever you are. Napangiti siya. Simple lang ang mensahe, pero ramdam niya ang init sa bawat letra. Hindi niya maiwasang mag-type ng reply. Adrian: I will. Thank you, Mrs. Navarro. Adrian: And remember—if they hurt you again, I’ll know. Always. Pagka-send niya, napasandal siya sa elevator wall, bahagyang natawa. “Kainis,” bulong niya, “Mas nahuhulog ako, hindi ko to inaasahan”CHAPTER: What Power Sounds Like When It’s QuietUmaga pa lang, ramdam na ni Calestine ang pagbabago.Hindi dahil may nagsalita.Kundi dahil wala.Ang hallway papunta sa office floor ay dati laging may bulungan—mga paanas na tawa, mga tingin na may halong panghusga. Ngayon, ang tunog lang ay ang maingat na yabag ng sapatos at ang mahihinang pag-click ng keyboard mula sa loob ng mga cubicle.Hindi siya minamadali ng oras. Hindi rin siya hinahabol ng kaba.Huminto siya sandali sa harap ng salamin sa restroom. Tinitigan ang sarili—ang postura niya, ang linya ng balikat, ang steady na mga mata. Hindi ito ang Calestine na dati niyang nakilala. Hindi na siya yung marahang umiiwas ng tingin.She adjusted her blazer. Isang maliit na galaw, pero may bigat.Paglabas niya, naroon na si Adrian sa dulo ng hallway, nakatayo malapit sa bintana. Hindi siya tumingin agad. Parang alam na niya ang presensya nito.Magkasabay silang naglakad papunta sa executive floor—walang hawak-kamay, pero magkasing-hak
CHAPTER: The Weight of SilenceTahimik ang opisina pagkatapos ng announcement. parang tumatak sa mga empleyado ang mga sinabi ni adrian. Walang nag tangka, walang sumuway, pero bakas sa mukha nila na gusto nilang mag usap, gustong may pag usapan, pero bawal.Hindi yung normal na tahimik—kundi yung klase ng katahimikan na may iniwang bakas sa hangin. Parang may dumaan na bagyo, tapos lahat ng tao nagkukunwaring normal kahit ramdam pa rin ang pinsala.Naglalakad si Calestine papunta sa desk niya, hawak ang tablet, tuwid ang likod, steady ang hakbang. Pero sa loob niya, ramdam pa rin niya ang tibok ng puso—hindi mabilis, hindi magulo—kundi mabigat. Parang bawat hakbang ay may kasamang alaala ng mga panahong hindi siya ganito kalakas.Napansin niya ang mga mata.Hindi na mapanuri.Hindi na mapanghusga.Kundi maingat.May ilan na umiwas ng tingin. May ilan na biglang nagkunwaring busy. May ilan na hindi alam kung paano siya titingnan—parang gusto magsalita pero natatakot.At sa unang pagk
Hindi agad sinabi kay Adrian.Hindi direkta.Hindi harapan.Dumating lang sa kanya ang chismis sa paraan na kinaiinisan niya—pira-piraso, pabulong, palihim.Mga mata na biglang umiilag kapag papalapit siya.Mga boses na biglang tumitigil sa kalagitnaan ng pangungusap.At isang katahimikan sa opisina na masyadong pilit para maging normal.Napansin niya iyon bago pa man may magsabi.At nang kumpirmahin ni Calestine—hindi sa reklamo, kundi sa isang mahinahong ulat—doon tuluyang nagdilim ang mukha ni Adrian.“Hindi na bago,” sabi ni Calestine, kalmado habang inaayos ang files sa tablet niya. “Pero mas malakas ngayon. Mas lantad.”Hindi siya galit.Hindi rin nasasaktan.Pero si Adrian?Hindi umupo. Hindi huminga nang malalim.Tumayo lang siya sa gitna ng opisina niya, nakapamewang, tahimik—yung klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigaw.“How long?” tanong niya.“Since yesterday afternoon,” sagot niya. “After the announcement.”Napangiti si Adrian. Hindi dahil amused—kundi dahil n
Sa umaga pa lang, alam na ni Calestine—hindi ito magiging tahimik na araw.Hindi dahil sa schedule. Hindi dahil sa workload.Kundi dahil sa hangin sa opisina.Yung klase ng hangin na punô ng bulungan, ng mga matang kunwari busy pero palihim na sumusunod sa bawat galaw mo. Yung klaseng presensya na ramdam mo sa batok kahit hindi ka nililingon.Habang naglalakad si Calestine papunta sa desk niya sa labas ng opisina ni Adrian, diretso ang tindig niya. Walang ni isang hakbang ang nagbago. Walang bakas ng pag-aalinlangan.Pero sa paligid—Huminto ang mga daliri sa keyboard.Bumagal ang paghinga.At sabay-sabay na nagsimula ang tahimik na usapan.“Siya na ’yon…”“Diretso sa tabi ni Adrian.”“Grabe ang tiwala.”Hindi sila nag-uusap tungkol sa trabaho.Nag-uusap sila tungkol sa kapangyarihan.At mas lalo silang nag-uusap dahil hindi na sila makalapit.Binuksan ni Calestine ang tablet niya, sinimulang ayusin ang mga files. Kalma ang galaw. Eksakto. Walang sayang na kilos.Pero sa loob niya, al
Tahimik ang executive floor—mas tahimik kaysa dati. Hindi dahil walang tao, kundi dahil walang gustong magkamali. Lahat ay alam na: may nagbago na sa balanse ng kapangyarihan.At ang sentro ng pagbabagong iyon ay ang babaeng kasalukuyang naglalakad sa hallway, diretso ang likod, hawak ang tablet, at walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata.Si Calestine.Unang araw niya bilang executive secretary ni Adrian Cruz.Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat. Hindi dahil sa pressure—kundi dahil sa mga matang sumusunod sa kanya. Dati, ang mga matang iyon ay mapangmataas. Ngayon, halo na ng pag-iingat at takot.Sa likod niya, ilang hakbang ang layo, naglalakad si Adrian. Hindi niya kailangang magmadali. Ang presensya niya mismo ang nag-uutos sa mundo na magbigay-daan.Huminto si Calestine sa harap ng opisina. Automatic na bumukas ang pinto. Pumasok siya, inayos ang mesa—malinis, maayos, walang kahit anong personal na gamit. Propesyonal.“Schedule?” tanong ni Adrian, isinara ang pinto sa li
Tahimik ang umaga sa loob ng opisina, pero hindi iyon yung uri ng katahimikan na kalmado. Ito yung katahimikang may nakaambang tensyon—parang alam ng buong gusali na may mangyayaring babago sa takbo ng lahat.Magkatabi sina Adrian at Calestine habang papasok. Pareho silang naka-formal attire, pero kitang-kita ang kaibahan. Si Adrian, dominante ang aura—isang lalaking sanay sundin, sanay katakutan. Si Calestine naman, tahimik pero matatag, hindi na yung babaeng yumuyuko sa bigat ng mga mata ng iba.Ngayon, sila ang iniiwasan tingnan ng mga tao sa company.Habang naglalakad sila sa hallway, ramdam ni Calestine ang mga bulong—hindi na bastos, kundi puno ng pagtataka.“Siya ba talaga…?”“Kasama niya lagi si Mr. Cruz…”“Grabe, ibang iba na siya ngayon.”Hindi na iyon nakakabawas ng loob. Sa halip, parang bawat bulong ay kumpirmasyon ng isang bagay na matagal na niyang ipinaglaban—narating niya ito.Huminto si Adrian sa gitna ng floor. Isang simpleng kilos lang, pero sapat para tumigil ang







