LOGINMakalipas ang ilang araw mula nang lumabas ang balitang kasal ni Celestine Navarro sa isang anonymous businessman, unti-unti nang bumabalik sa dati ang takbo ng buhay niya—o iyon ang akala niya.
Walang nagbago sa bahay ng mga Navarro. Ang mga sulyap ni Margarita ay nanatiling malamig, at si Veronica naman ay palaging may mapanuyang ngiti tuwing nakikita siya. Kahit alam nilang kasal na siya, tinitingnan pa rin siya ng mga ito na parang wala siyang halaga. At para kay Celestine, ayos lang. Mas mabuti na ang manahimik kaysa makipagsagutan. Pero minsan, hindi rin talaga siya makatiis. “Celestine!” sigaw ni Margarita habang pababa sa hagdan, suot ang robe at may hawak na tasa ng kape. “Nasaan na ‘yung reports na pinagawa ko kahapon? Kanina pa ako naghihintay!” Kalma lang si Celestine, suot ang simpleng blouse at jeans, habang nakatayo sa gilid ng mesa. “Nasa office drawer, Ma’am. I sent it already through email.” Tumaas ang kilay ni Margarita. “Ma’am? Since when did you start calling me that? Nakakatawa ka rin, ha—akala mo porket kinasal ka na eh iba ka na? Please, Celestine, wag mong kalimutan kung saan ka nanggaling.” Tahimik si Celestine, ngunit mahigpit ang kapit niya sa papel na hawak. Hindi niya gustong bumaba sa antas ng mga ito, pero minsan, ang pang-aapi nila ay parang lason na gusto niyang ibalik. “Hindi ko nakakalimutan,” mahinahon niyang sagot, “pero sana, kayo rin. Hindi ko utang ang respeto ko, pero binibigay ko dahil magulang kayo sa mata ng iba.” Napataas ang kilay ni Veronica na kararating lang. “Wow, may tapang ka na ngayon, sis? Did your mystery husband teach you that?” sabay tawa. “Oh please. Kahit sino pa ‘yan, hindi magtatagal. I’m sure he’ll regret marrying you.” Tumingin lang si Celestine kay Veronica, tahimik pero matalim. “Kung gano’n man, at least ako, pinakasalan. Ikaw, kelan ka pa kaya mapapansin?” Napanganga si Veronica, bago mabilis na namula sa galit. “How dare you!” Pero bago pa siya makasagot, narinig nilang bumukas ang pinto ng gate. Isang black SUV ang huminto sa labas, at may lalaking bumaba—nakasuot ng mahabang dark coat, may hood, at sunglasses. Hindi mo kita ang mukha, ngunit halatang matikas at malakas ang presensya. Tahimik na napatingin si Celestine. Walang nagsalita, pero may naramdaman siyang pamilyar na lamig ng presensyang iyon. Lumapit ang lalaking naka-hood, dahan-dahan, hawak ang envelope. Inabot niya ito kay Margarita. “Delivery for Mrs. Navarro.” Kinuha ni Margarita, nagdududa. “Sino ka?” Hindi sumagot ang lalaki. Bahagya lang siyang yumuko. “Just doing my job.” Pagkatapos noon, umalis siya—iniwan ang tahimik na bakas ng presensyang mahirap kalimutan. Nang buksan ni Margarita ang envelope, nakita niya ang pirma ng isang kilalang kumpanya: Cruz Enterprises. This document certifies that Navarro Textiles is officially under review for strategic partnership consideration, pending internal evaluation. Napahinto siya. “Cruz Enterprises... sila na naman?” Nagkatinginan silang mag-ina. “Mom... baka coincidence lang ‘yan,” sabi ni Veronica, pero halatang kinakabahan. “Baka supplier lang sila.” Ngunit sa isip ni Margarita, may tanong na paulit-ulit: Bakit laging Cruz? At bakit tila bawat pagkakataon na may kaugnayan sa anak-anakan niyang si Celestine, biglang may lilitaw na koneksyon sa Cruz Enterprises? Nang gabing iyon, habang nakaupo siya sa balcony ng unit niya, napansin ni Celestine ang itim na kotse na madalas nakaparada sa kanto. Parehong kotse, parehong lugar. Parang bantay. Napahawak siya sa tasa ng kape, tinapunan iyon ng sulyap. “Hindi kaya… siya ‘yon?” Naalala niya ang lalaking naka-hood kaninang umaga. May paraan ito ng paglalakad—matatag, confident, ngunit tahimik. Ang ganung presensya, hindi mo basta makakalimutan. “‘You’re under my protection now,’” mahinang sambit niya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon naaalala palagi. Hindi siya sigurado kung natatakot ba siya o... may kakaibang pakiramdam tuwing naaalala niya ang lalaking iyon. Sa loob ng kotse, tahimik lang si Adrian, nakatingin sa monitor sa dashboard. Ang bawat galaw ni Celestine ay nasa screen, hindi bilang pagsubaybay, kundi bilang pagtiyak. Alam niyang hindi siya pwedeng makita. Hindi pa oras. Hindi rin niya gustong malaman ng pamilya ni Celestine na siya ang lalaki sa likod ng kasal na iyon. Sa ngayon, mas mainam na manatili siyang “lihim na protektor.” Pinatay niya ang makina ng kotse at nagsindi ng sigarilyo, habang pinagmamasdan sa malayo ang mga ilaw ng building. “You’re stronger than you think, Celestine,” mahinang sabi niya. “But I’ll be here… kahit hindi mo ako kilala.” Kinagabihan, inimbitahan ni Margarita si Celestine sa hapunan. Pormal ang setup, pero ramdam niya ang tensyon sa bawat sandali. “Celestine,” panimula ni Margarita habang nagbubuhos ng alak, “narinig ko may bagong investor na interesado sa negosyo natin. Mabuti naman, kahit papaano, may silbi rin pala ‘yang kasal mo.” Tumaas ang kilay ni Celestine. “Ano pong ibig niyong sabihin?” “Wala,” ngisi ni Veronica. “Baka kasi koneksyon ng asawa mong ‘anonymous tycoon,’ kung sino man ‘yon. Pero wag kang umasa, ha? Baka pati ‘yan, scam lang. You’re so naïve sometimes.” Tahimik lang si Celestine. Alam niyang hindi siya dapat lumaban—pero minsan, nakakainit ng dugo ang pangungutya ng mag-ina. “Kung gusto niyo po, Ma’am,” sabi niya kalmado, “pwede ko kayong ipakilala kapag siya mismo ang nagsabi. Pero sa ngayon, confidential pa lahat.” Tumawa si Margarita ng mapait. “Ha! Confidential daw! Ibig sabihin wala talaga. Pinagtatakpan mo lang kasi nahihiya kang sabihin na walang kwenta ang lalaking ‘yon.” At bago pa siya makasagot, isang malakas na thud ang narinig nila sa labas. Parang may bumagsak. Natahimik silang tatlo. Lumabas si Celestine para tingnan—at sa labas ng gate, nakita niya ang isang lalaking naka-hood, nakatayo sa dilim. Hindi siya lumalapit, pero nakatitig lang. Isang tingin lang, alam niyang hindi iyon ordinaryong tao. “Who are you?” tanong niya, bahagyang nanginginig ang boses. Walang sagot. Tumingin lang ito sa kanya, bago tumalikod at naglakad palayo, nakalubog sa anino ng gabi. Nang bumalik siya sa loob, pinagtawanan siya ni Veronica. “See? Even ghosts can’t stand you.” Pero habang pinipilit ni Celestine na maging kalmado, sa likod ng isip niya ay may naglalarong tanong: Bakit tuwing inaapi ako, bigla siyang lumilitaw? At bakit tila alam niya palagi kung kailan ako kailangan protektahan? Hindi niya alam na sa kanto ng kalye, sa ilalim ng poste ng ilaw, ay nakatayo muli si Adrian—tahimik, nakamasid, at may bahagyang ngiti sa labi. “Not today, Margarita,” mahina niyang sabi habang binababa ang hood. “Hindi niyo siya masasaktan hangga’t ako ang humihinga.”Maagang gumising si Adrian bago pa sumikat nang tuluyan ang araw. Hindi siya sanay magising nang ganito kaaga, pero pagtingin niya sa tabi niya—si Calestine, nakadikit pa rin sa kanya, payapang natutulog—worth it lahat.Nasa loob na sila ng room ng resort. Kagabi, halos ayaw pa ni Adrian siya patulugin sa beach dahil gusto niya siyang bantayan buong gabi, pero siyempre, hindi pumayag si Calestine. Sa huli, kinarga niya itong parang princess papunta sa room kahit nagreklamo pa ang dalaga.At ngayon, he was watching her sleep.Literal na naka-side lay si Adrian, isang braso nakapulupot sa bewang ni Calestine, habang yung isa nakasapo sa likod ng ulo niya dahil gusto niyang maging comfortable ito. Nakatapat sa mukha niya ang buhok ng dalaga, kaya dahan-dahan niya itong inayos para makita ang cheeks nito.“Ang ganda mo talaga…” bulong niya, barely audible.Calestine, kahit tulog, kumunot nang konti ang ilong, parang nakakaramdam ng lamig.Agad siyang tinakpan ni Adrian ng comforter hangga
Hindi agad bumangon si Adrian kahit ramdam niya na unti-unting bumibigat ang paghinga ni Calestine—sign na inaantok na ito. For a moment, Adrian just watched her. Not in a creepy way—pero yung tingin na punong-puno ng admiration, relief, at deep affection. The type of look na hindi niya kayang ibigay sa kahit kanino. Only to her. Dinahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ni Calestine, sinusundan ang strands nito gamit ang mga daliri niya. Bahagyan tumingin si Calestine pataas, half-awake. “Adrian…” bulong niya, inaantok pa. “Are you not sleepy?” “No,” sagot niya agad. “I’m watching you.” “Wag ka muna tumingin,” sabi niyang nakapikit pa, “nakakahiya.” “Why?” lumambing ang boses ni Adrian. “You’re beautiful when you’re sleepy.” She groaned. “Stop flattering me.” “It’s not flattery,” sagot ni Adrian, hinahaplos pa rin ang ulo niya. “It’s the truth.” Calestine opened one eye, tumingin sa kanya. “Kung hindi kita mahal, sinampal na kita sa pagka-cheesy mo.” Adrian smirked. “Good t
Pagkapikit ni Calestine, akala niya ay hahayaan lang siya ni Adrian na magpahinga. Pero hindi. Ramdam niya ang dahan-dahang paggalaw ng kamay nito sa likod niya—yung tipo ng lambing na hindi nang-iistorbo pero hindi rin mawawala. Tahimik lang ang paligid, maliban sa alon at maliliit na tawa ni Adrian na nagpapakitang nakatingin pa rin siya sa dalaga. “Babe,” mahina nitong sabi habang nakapikit din. “Hm?” sagot ni Calestine, hindi pa muling nagbubukas ng mata. “I’m thinking.” “About what?” “You,” sagot niya agad, walang kahesitasyon. “Always you.” Napangiti si Calestine kahit hindi nakikita ni Adrian. “Di ka ba napapagod kakaisip sakin?” “No,” sagot niya, sabay bahagyang higpit ng yakap. “Mas napapagod ako pag hindi kita kasama.” Binuksan ni Calestine ang mata niya, tiningnan si Adrian mula sa ibaba ng kanyang posisyon. The way Adrian looked down at her—pure softness, pure devotion—parang nagpainit sa dibdib niya. “Adrian…” bulong niya, halos nahiya sa sweetness ng
Pagkatapos ng halik nila na halos nagpahinto sa oras, nanatili lang sila sa buhangin, magkadikit ang noo, parehong ngumiti nang hindi nila napapansin. Ang dagat humahampas ng marahan, parang background sound lang sa mundo nilang dalawa.Hinawakan ni Adrian ang pisngi ni Calestine gamit ang magkabilang kamay, hinahagod ang gilid ng mukha nito gamit ang hinlalaki niya. “You know…” bulong niya, mababa pero malinaw, “I still want to carry you back kanina para hindi ka titigan ng kung sino man.”Napailing si Calestine, pero nakangiti. “Adrian, wala namang tumitingin.”“Meron,” mabilis niyang sagot. “Kahit hindi mo napapansin.”“Hmmm. Baka imagination mo lang.”“Nope.”Inilapit niya lalo ang mukha nito. “Everytime you walk… napapatingin talaga sila. And I hate it.”“Adrian—”“I hate it,” ulit niya, “pero I love that I’m the one beside you.”Tumawa si Calestine nang mahina, sinubsob ang mukha sa chest niya. “Ang intense mo kasi.”“I’m intense about you.”Napa-secondhand embarrassment si Cale
Pagkatapos ng buong araw nila sa beach—pawisan, arawan, pero sobrang saya—naglakad sina Adrian at Calestine sa shoreline, hawak-kamay, habang hinahampas ng maliliit na alon ang kanilang mga paa. Golden hour pa, kaya parang ang aesthetic ng buong paligid. As in pang-Wattpad cover level.Si Adrian, tahimik lang habang nakatingin sa mukha ni Calestine, pero halata sa mga mata niya na may iniisip.“Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ni Calestine, tumitig sa kanya.“Wala,” sagot ni Adrian pero halatang nagsisinungaling. “I’m just… checking something.”“Checking what?”“Kung may tumingin pa sa’yo hanggang ngayon.”Napakunot ang noo ni Calestine. “Ha?! Adrian—”Pero pinutol niya agad.“I’m serious, babe. Kanina habang naglalakad tayo papunta sa cabana? Lahat ng lalaki nakatingin sa’yo. Especially dun sa guy na naka-blue shorts. If nagtagal pa yung tingin niya ng half a second, baka nilapitan ko na.”Napahinto si Calestine. “Adrian! Grabe ka naman. Hindi mo pwedeng awayin lahat ng tao sa bea
Mainit ang sikat ng araw sa beach, pero mas mainit ang tingin ni Adrian habang nakatingin kay Calestine na naglalakad pa-punta sa shoreline. Suot nito ang white flowy cover-up, naka-bikini sa ilalim, at sobrang fresh tingnan dahil sa hangin na naglalaro sa buhok niya. “Adrian, ang tahimik mo,” sabi ni Calestine habang inaayos ang tali ng hair tie niya. “Gutom ka ba? O inaantok?” “No,” sagot ni Adrian, pero hindi umaalis ang tingin sa dalawang lalaki sa gilid na halatang nanliliskis ang mata habang pinapanood si Calestine. Parang automatic na nag-init ang tenga ni Adrian. Automatic ding sumikip ang panga niya. At automatic ding lumapit siya kay Calestine, hinila siya sa baywang, at ibinaba ang ulo para bulungan ito. “Babe… bakit ang rami nilang tingin sa’yo?” mababa at may init ang boses. Napakurap si Calestine. “Ha? Sino?” “Don’t look,” sabi ni Adrian sabay tulak ng ulo niya papunta sa dibdib niya, para hindi makita. “Nakakainis. Lahat sila nakatingin.” Napangiti si Calestine







