Share

Chapter 6

Penulis: Akiyutaro
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-28 12:38:58

Tumunog ang cellphone ni Celestine habang nasa café siya, pinagmamasdan ang mga taong nagmamadali sa labas. Weekend, pero siya, nakaupo lang sa corner table, may laptop sa harap, at isang half-empty coffee

Unknown Number:

Good morning, Miss Navarro. This is Adrian’s associate. Mr. Cruz asked me to check if everything’s fine on your end.

Napakunot ang noo niya.

“Associate?” bulong niya sa sarili. “Bakit hindi siya mismo?”

Matagal na mula nang huli siyang makabalita kay Adrian. No calls. No messages. No sign of anything—maliban sa kotse na minsang nakaparada sa labas ng building niya.

Nag-type siya ng mabilis na sagot:

Celestine:

I’m fine. Please tell Mr. Cruz I’m doing well.

Halos isang minuto lang ang lumipas, nag-reply agad ito:

Unknown Number:

He’ll be glad to know that. By the way, he mentioned you’ve been avoiding social gatherings related to the Navarro Group. Any reason why?

Napatingin siya sa labas ng bintana, pinigilan ang buntong-hininga.

Celestine:

I don’t see the point in showing up sa events na puro tao lang na nagmamarunong. They never liked me anyway.

Unknown Number:

You don’t have to please anyone. Just be yourself.

Napahinto siya. Napatitig sa text.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kakaibang lalim ang simpleng mensaheng iyon. Hindi tunog assistant o associate. Tunog… personal.

Celestine:

That’s easy to say. Pero mahirap gawin. Especially if they’re your own family.

Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nakatanggap ng reply.

Unknown Number:

Family isn’t always defined by blood. Sometimes, may mga taong kaya kang protektaha kahit hindi mo sila kadugo.

Napatitig siya sa screen. Biglang bumigat ang dibdib niya.

“Protect me…” mahina niyang sambit, at sa isang iglap, bumalik sa isip niya ang malamig pero matatag na boses ni Adrian noong araw ng kasal.

“You are under my protection now.”

Napakapit siya sa phone, tila biglang bumilis ang tibok ng puso.

“Hindi kaya…” bulong niya, pero agad niya itong inalis sa isip.

Hindi. Imposible. Bakit naman siya magte-text sa kanya gamit ang ibang number?

Sa kabilang panig ng lungsod, sa loob ng glass-walled office ng Cruz Enterprises, nakaupo si Adrian, hawak ang cellphone, tahimik na binabasa ang mga sagot ni Celestine.

Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa tuwing magrereply ito. Sanay siya sa mga high-level negotiations, board meetings, investors—pero iba si Celestine.

Sa kanya, bawat text ay parang paghawak sa apoy: simple pero nakakapasong sa loob.

Nakangiti siya nang bahagya.

Hindi niya masabi ang totoo. Hindi pa ngayon. Pero gusto niyang makilala siya ni Celestine sa paraan na walang halong takot o utang na loob. Gusto niyang makita nito kung sino siya, hindi dahil sa pangalan niya bilang CEO, kundi bilang taong marunong ding makinig.

Muli siyang nag-type:

Unknown Number:

Would you like to have dinner sometime? Nothing formal. Just to talk.

Nagulat si Celestine. Tumigil siya sa ginagawa, napatingin sa screen. Dinner? With an “associate”?

Napailing siya, nag-type:

Celestine:

I don’t usually meet people I barely know. Especially sa ganitong setup.

Unknown Number:

Fair enough. I just thought you might want a break. You’ve been working hard lately.

Napakunot ang noo niya.

“Working hard?” Paano niya alam iyon?

Celestine:

You seem to know a lot for an associate.

Unknown Number:

Let’s just say… I’m someone who’s been paying attention.

Napahinto siya. Hindi niya alam kung matatakot o matutuwa.

May halong misteryo ang tono ng bawat mensahe—parang laging may tinatago, pero hindi nakakapanlumo.

Na-curious siya, kaya nag-reply ulit:

Celestine:

Okay then. Just coffee. Public place. Tomorrow, 5 PM.

Unknown Number:

Deal. I’ll be there.

Maaga siyang dumating sa café sa may BGC. Nakaupo siya sa corner, simple lang ang suot—white blouse at beige slacks.

Nag-text siya:

Celestine:

I’m here.

Walang reply.

Lumipas ang limang minuto, sampu, labinlima. Wala pa rin.

Pero napansin niya ang isang lalaking nakaupo sa kabilang mesa, naka-black hoodie at baseball cap. Tahimik lang ito, may hawak na phone, tila nakamasid.

Nang tumingin siya rito saglit, agad itong umiwas ng tingin.

“Hindi kaya siya yun…” bulong niya sa isip.

Tama siya. Si Adrian iyon.

Hindi siya lumapit. Hindi siya nagpakilala. Pinagmamasdan lang niya si Celestine mula sa distansya. Nakikita niya kung paano ito tahimik na nag-aayos ng buhok, kung paano nito pinipigilan ang pagtingin sa pinto tuwing may pumapasok.

May parte sa kanya na gustong tumayo at sabihing, “Ako ‘to.”

Pero pinigilan niya.

Gusto niyang makita kung anong klaseng mundo ang ginagalawan ni Celestine—yung totoo, hindi yung mundong nababalot ng yaman o negosyo.

Makalipas ang tatlumpung minuto, tumayo si Celestine, binayaran ang order, at lumabas.

Agad din siyang tumayo, sinundan siya mula sa di kalayuan.

Paglabas ni Celestine, dumaan ito sa gilid ng kalsada, tinutukan ng isang lalaki na mukhang lasing.

“Miss, pwede bang makausap ka sandali?” sabi ng lalaki, sabay lapit.

Napaatras si Celestine, halata ang takot. “Sorry, I’m in a hurry.”

Pero hinawakan siya nito sa braso. “Sandali lang naman—”

Bago pa siya makasigaw, may isang lalaking biglang humarang. Malaki ang katawan, suot ang dark coat na may hood.

Isang mabilis na galaw, at napaatras ang lalaki.

“Leave,” malamig na utos ng bagong dating.

Nagulat si Celestine, pero hindi niya makita nang buo ang mukha ng lalaki. Naka-hood ito, nakayuko, pero ramdam niya ang lakas ng presence nito—parang pamilyar.

“Salamat,” mahina niyang sabi.

Tumango lang ito, saka tumalikod.

“Wait!” tawag niya, pero mabilis na umalis ang lalaki.

Naiwan siyang nakatayo sa gilid ng kalsada, hawak pa rin ang braso niyang kanina lang ay hinawakan ng estranghero.

May kakaibang pakiramdam—hindi takot, kundi parang… ligtas.

Habang nasa kwarto niya, nakahiga sa kama, tumunog ulit ang phone niya.

Unknown Number:

I heard you had an unpleasant encounter earlier. Are you alright?

Biglang kinilabutan si Celestine.

Paanong alam niya?

Celestine:

How did you know that? Were you there?

Matagal bago ito sumagot.

Unknown Number:

Let’s just say I keep my promises.

At doon siya natahimik.

Bumalik sa isip niya ang boses ni Adrian — “You are under my protection now.”

Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman.

Takot? Kaba? O… ginhawa?

Sa kabilang banda, si Adrian naman ay nasa study ng penthouse niya, hawak pa rin ang cellphone, habang nakatingin sa malaking larawan ni Celestine sa phone screen.

Hindi siya mapakali. Alam niyang hindi pa tamang panahon para ipaalam ang totoo.

Pero sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang koneksyon nila — kahit sa mga simpleng mensahe lang.

At alam niyang darating ang araw na hindi na niya ito kayang itago.

Pero hindi pa ngayon.

Hindi pa siya handa na makita sa mga mata ni Celestine ang gulat, ang tanong, at ang posibilidad na magbago ang lahat kapag nalaman nitong siya ang mister na tinatago niya sa papel.

Tinignan niya muli ang huling mensahe niya kay Celestine.

“Let’s just say I keep my promises.”

Napangiti siya ng mahina.

Because it was true.

He promised to protect her—kahit sa anong paraan.

At sa tahimik na gabi, habang tinitingnan ang mga ilaw ng lungsod sa labas, isang linya lang ang umikot sa isip ni Adrian Cruz:

“Soon, Celestine. Soon, you’ll know who I really am… but not until I’m sure you’ll stay.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Roberts
more chapter, silent reader here
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 178

    CHAPTER: What Power Sounds Like When It’s QuietUmaga pa lang, ramdam na ni Calestine ang pagbabago.Hindi dahil may nagsalita.Kundi dahil wala.Ang hallway papunta sa office floor ay dati laging may bulungan—mga paanas na tawa, mga tingin na may halong panghusga. Ngayon, ang tunog lang ay ang maingat na yabag ng sapatos at ang mahihinang pag-click ng keyboard mula sa loob ng mga cubicle.Hindi siya minamadali ng oras. Hindi rin siya hinahabol ng kaba.Huminto siya sandali sa harap ng salamin sa restroom. Tinitigan ang sarili—ang postura niya, ang linya ng balikat, ang steady na mga mata. Hindi ito ang Calestine na dati niyang nakilala. Hindi na siya yung marahang umiiwas ng tingin.She adjusted her blazer. Isang maliit na galaw, pero may bigat.Paglabas niya, naroon na si Adrian sa dulo ng hallway, nakatayo malapit sa bintana. Hindi siya tumingin agad. Parang alam na niya ang presensya nito.Magkasabay silang naglakad papunta sa executive floor—walang hawak-kamay, pero magkasing-hak

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 173

    CHAPTER: The Weight of SilenceTahimik ang opisina pagkatapos ng announcement. parang tumatak sa mga empleyado ang mga sinabi ni adrian. Walang nag tangka, walang sumuway, pero bakas sa mukha nila na gusto nilang mag usap, gustong may pag usapan, pero bawal.Hindi yung normal na tahimik—kundi yung klase ng katahimikan na may iniwang bakas sa hangin. Parang may dumaan na bagyo, tapos lahat ng tao nagkukunwaring normal kahit ramdam pa rin ang pinsala.Naglalakad si Calestine papunta sa desk niya, hawak ang tablet, tuwid ang likod, steady ang hakbang. Pero sa loob niya, ramdam pa rin niya ang tibok ng puso—hindi mabilis, hindi magulo—kundi mabigat. Parang bawat hakbang ay may kasamang alaala ng mga panahong hindi siya ganito kalakas.Napansin niya ang mga mata.Hindi na mapanuri.Hindi na mapanghusga.Kundi maingat.May ilan na umiwas ng tingin. May ilan na biglang nagkunwaring busy. May ilan na hindi alam kung paano siya titingnan—parang gusto magsalita pero natatakot.At sa unang pagk

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 172

    Hindi agad sinabi kay Adrian.Hindi direkta.Hindi harapan.Dumating lang sa kanya ang chismis sa paraan na kinaiinisan niya—pira-piraso, pabulong, palihim.Mga mata na biglang umiilag kapag papalapit siya.Mga boses na biglang tumitigil sa kalagitnaan ng pangungusap.At isang katahimikan sa opisina na masyadong pilit para maging normal.Napansin niya iyon bago pa man may magsabi.At nang kumpirmahin ni Calestine—hindi sa reklamo, kundi sa isang mahinahong ulat—doon tuluyang nagdilim ang mukha ni Adrian.“Hindi na bago,” sabi ni Calestine, kalmado habang inaayos ang files sa tablet niya. “Pero mas malakas ngayon. Mas lantad.”Hindi siya galit.Hindi rin nasasaktan.Pero si Adrian?Hindi umupo. Hindi huminga nang malalim.Tumayo lang siya sa gitna ng opisina niya, nakapamewang, tahimik—yung klase ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sigaw.“How long?” tanong niya.“Since yesterday afternoon,” sagot niya. “After the announcement.”Napangiti si Adrian. Hindi dahil amused—kundi dahil n

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 171

    Sa umaga pa lang, alam na ni Calestine—hindi ito magiging tahimik na araw.Hindi dahil sa schedule. Hindi dahil sa workload.Kundi dahil sa hangin sa opisina.Yung klase ng hangin na punô ng bulungan, ng mga matang kunwari busy pero palihim na sumusunod sa bawat galaw mo. Yung klaseng presensya na ramdam mo sa batok kahit hindi ka nililingon.Habang naglalakad si Calestine papunta sa desk niya sa labas ng opisina ni Adrian, diretso ang tindig niya. Walang ni isang hakbang ang nagbago. Walang bakas ng pag-aalinlangan.Pero sa paligid—Huminto ang mga daliri sa keyboard.Bumagal ang paghinga.At sabay-sabay na nagsimula ang tahimik na usapan.“Siya na ’yon…”“Diretso sa tabi ni Adrian.”“Grabe ang tiwala.”Hindi sila nag-uusap tungkol sa trabaho.Nag-uusap sila tungkol sa kapangyarihan.At mas lalo silang nag-uusap dahil hindi na sila makalapit.Binuksan ni Calestine ang tablet niya, sinimulang ayusin ang mga files. Kalma ang galaw. Eksakto. Walang sayang na kilos.Pero sa loob niya, al

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 170

    Tahimik ang executive floor—mas tahimik kaysa dati. Hindi dahil walang tao, kundi dahil walang gustong magkamali. Lahat ay alam na: may nagbago na sa balanse ng kapangyarihan.At ang sentro ng pagbabagong iyon ay ang babaeng kasalukuyang naglalakad sa hallway, diretso ang likod, hawak ang tablet, at walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata.Si Calestine.Unang araw niya bilang executive secretary ni Adrian Cruz.Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat. Hindi dahil sa pressure—kundi dahil sa mga matang sumusunod sa kanya. Dati, ang mga matang iyon ay mapangmataas. Ngayon, halo na ng pag-iingat at takot.Sa likod niya, ilang hakbang ang layo, naglalakad si Adrian. Hindi niya kailangang magmadali. Ang presensya niya mismo ang nag-uutos sa mundo na magbigay-daan.Huminto si Calestine sa harap ng opisina. Automatic na bumukas ang pinto. Pumasok siya, inayos ang mesa—malinis, maayos, walang kahit anong personal na gamit. Propesyonal.“Schedule?” tanong ni Adrian, isinara ang pinto sa li

  • Marreid to the secret Billionaire   Chapter 169

    Tahimik ang umaga sa loob ng opisina, pero hindi iyon yung uri ng katahimikan na kalmado. Ito yung katahimikang may nakaambang tensyon—parang alam ng buong gusali na may mangyayaring babago sa takbo ng lahat.Magkatabi sina Adrian at Calestine habang papasok. Pareho silang naka-formal attire, pero kitang-kita ang kaibahan. Si Adrian, dominante ang aura—isang lalaking sanay sundin, sanay katakutan. Si Calestine naman, tahimik pero matatag, hindi na yung babaeng yumuyuko sa bigat ng mga mata ng iba.Ngayon, sila ang iniiwasan tingnan ng mga tao sa company.Habang naglalakad sila sa hallway, ramdam ni Calestine ang mga bulong—hindi na bastos, kundi puno ng pagtataka.“Siya ba talaga…?”“Kasama niya lagi si Mr. Cruz…”“Grabe, ibang iba na siya ngayon.”Hindi na iyon nakakabawas ng loob. Sa halip, parang bawat bulong ay kumpirmasyon ng isang bagay na matagal na niyang ipinaglaban—narating niya ito.Huminto si Adrian sa gitna ng floor. Isang simpleng kilos lang, pero sapat para tumigil ang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status