Share

C4: Kristine Del Castillo

Kristine’s POV

One month na ako sa bagong company na pinapasukan ko. Mula sa Manila pumunta ako ng Rizal para mag-trabaho. Umalis ako sa trabaho dahil one-week na akong hindi pumapasok at hindi ko kayang tagalan ang lugar na iyon dahil pakiramdam ko ay kinandidirihan na ako at pinagtatawanan ng iba. Iba-iba na ang naiisip ko at kung ipipilit ko pa ay baka lalo ko lamang hindi kayanin ang lahat.

Iyong pinsan kong tagarito ang nagsabi sa akin na mag-apply ako sa kanilang office dahil naghahanap ng mga bagong office personnel dahil marami raw tinanggal ang may-ari. Pansamantala ay sa kanila muna ako habang naghihintay ng resulta at sa kabutihang palad ay natanggap naman ako dahil mukhang iyong nag-i-interview ay gustong-gusto ng makapag-hire dahil marami pang kulang at tambak na rin ang kanilang mga gawain.

Ang asawa ng pinsan ko ay nag-ta-trabaho bilang foreman sa planta.  Inalam ko muna kung ano ang tungkol sa company na ito para naman makapasa ako sa interview dahil hindi naman malaki ang ipon ko kaya isa ako sa mga bagong employee.

Ang Anderson Development Corporation ay kilala sa Pilipinas maging sa maraming bansa sa Asya dahil sa mataas na kalidad ng kanilang produkto. Malapit ang office namin sa mismong steel fabrication plant ng kompanya kung saan nagta-trabaho ang asawa ng pinsan ko. Kilala sila sa pagbibigay ng magagandang kalidad ng produkto at serbisyo katulad ng mga de-kalidad na magagamit na bakal sa mga tulay, airports, at iba pa. Maging sa structural steel katulad ng fabrication, design, at installation ay pulido sila. Ang kanilang mga customer at mga long-term partners ay hindi nabibigo sa performance, service at product ng company. Bukod do’n, halos lahat ng tagarito sa  bayan ay dito na nagta-trabaho dahil nga maraming opportunity mula sa contruction worker hanggang sa mga licensed Architects, at mechanical and civil engineers.

Sa HR department ako napasok.

Isang buwan na ang nakalilipas pero sariwa pa rin halos ang lahat sa akin.

Para na nga akong patay na pilit na lang kumikilos. Mas gusto ko rin ang pakiramdam na matutulog na lamang ako pag-uwi sa aking apartment at matutulog. Gigising at muling magpapakapagod sa trabaho.

Araw-araw masaya naman sila sa office, hindi sila ganoon kaseryoso pero ginagawa naman nila ang trabaho nila. Maraming nagpapatulong sa akin lalo kapag natatapat na may mahalaga silang gagawin at hindi puwedeng mag-overtime. Pero ngayong araw, nagtaka ako nang pumasok ako na tahimik sila at seryoso sa mga ginagawa.

“Good morning,” bati ko sa kanila.

Hindi sila halos sumagot sa akin. Samantalang araw-araw ay masisigla sila at kung bumati ay tila mga nagkakagulo sa classroom.

Naupo na lamang ako sa puwesto ko.

Si Gretchen sa aking tabi ay pabulong lamang na nagsalita.

“Natapos mo ba?” tanong niya.

“Oo, natapos ko.”

Nakahinga siya nang maluwag. Inabot ako hanggang 9:00 ng gabi habang siya ay nakipag-date dahil anniversary raw nila ng asawa niya. Pareho lamang kaming twenty-six years old.

Hindi lang siya ang nagpapatulong sa akin maging iyong iba kahit hindi ko na linya ay ibinibigay nila sa akin. Mukha ring hindi nila alam ang tungkol sa akin, isa sa rason bakit ginusto kong lumayo sa lugar kung nasaan ako. Kung nakita man nila iyong video, mabilis lang mabubura sa isipan nila ang hitsura ko dahil hindi naman nga nila ako kilala noon. Nagpagupit din ako ng buhok hanggang balikat at nagpa-itim kahit pangkaraniwang brown ang kulay niyon.

“Tahimik yata kayo,” puna ko.

“Nariyan ang C.E.O! No’ng huling punta no’n dito ay napakaraming tinanggal! Doon iyon sa Manila nag-stay madalas,” aniya na pabulong. “Mas mabait pa iyong ama kesa sa anak! Dapat doon na lamang siya sa kabila palagi. Kahit anong guwapo niya ay hindi ko siya gustong nakikita!”

“Gretchen!” sita ni Rosita na nasa likuran ko naman. “May meeting na nga mamaya puro ka pa daldal!”

“Meeting?” tanong ko.

“Oo, mag-me-meeting daw lahat! Jusmio! Kanina pa nga ako nanlalamig dahil noong huling pumunta iyan dito para siyang bagyong rumaragasa!”

Hindi na ako nagkomento pa at gumawa na lamang ng gawain ko. Nahihilo rin ako kaya may pagkakataong napapahinto ako sa harapan ng computer.

“Tine, tara na,” hinawakan ako ni Gretchen sa balikat.

Tumango na lamang ako, mukhang meeting na dahil nang ilibot ko ang paningin ko ay naglalabasan na sila.

“Kristine, pakidala mo nga ito,” tawag sa akin ni Mrs. Lopez.

Kaagad ko namang kinuha ang tila dalawang ream na mga papeles.

“Dalhin mo sa meeting room,” ani Mrs. Lopez.

Paglabas ko dala-dala iyon ay nakita ko naman si Mr. Faustino, doon siya sa kabilang department.

“Sa meeting room ka pupunta?” tanong niya sa ‘kin.

“Yes, sir,” sagot ko.

“Tamang-tama, puwede mo bang isabay ito dahil may tinatapos lamang ako saglit?”

Hindi pa man ako sumasagot ay may makapal na siyang mga papel na ipinatong sa daladala ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at binalewala iyon.

Papasok pa lamang ako sa meeting room ay narinig ko na ang sigaw sa loob.

“Behave yourselves! The CEO is here!”

Nabibigatan ako sa aking dala-dala isama pa na parang umiikot ang paningin ko. Natigilan ako bago pumasok sa pintuan. Mayroong nagmamadali at nabunggo ako sa balikat dahilan para magbagsakan ang mga daladala ko. Pupulutin ko sana pero bago pa ako makatungo ay bumigay na ang katawan ko hihimatayin na yata ako. Alam ko nang babagsak ako pero imbis na sa lapag ako bumagsak ay may nakasalo sa ‘king likuran. Bago tuluyang magdilim ang paningin ko ay napansin kong pamilyar ang lalaking iyon.

Iyong ang hitsura ng lalaking gustong-gusto kong kalimutan.

Halatang nagulat din siya at mukhang nakilala rin ako.

...Is that the man I slept with a month ago?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status