Share

C5: Greyson Anderson

Compared to the last time, mas tahimik na ang hallway. Marunong na ring bumati ng maayos ang mga employee at tumahimik kung kinakailangan. Nang una akong pumunta rito para akong nasa isang magulong eskuwelahan kung saan ang mga bata ay nagkakagulo at mas marami pang oras makipagkuwentuhan.

Tatlo ang kompanya namin at isa ito sa bago ko lamang nakuha dahil nagalit ang lola ko dahil sa scandal na kumalat tungkol sa akin. Sa ngayon, dito muna ako mas magdadalas dahil naiirita na ako sa paulit-ulit na sinasabi ng pamilya ko sa akin. Mas takot pa sila tuwing nadadagdagan ang edad ko at wala pa rin akong seryosong relasyon. Matanda na ba talaga ang thirty?

Lumala pa ang kanilang pag-aalala sa akin dahil sa scandal kasama ko ang isang babae. Tinamaan na pa naman ako ng konsensiya dahil hindi niya tinanggap ‘yong five million, at ayoko namang makasuhan ng rape, iyon pala ay iba ang laro na ilalatag niya. Ginawa niya lang umiyak para mabilis siyang makalabas. Mas mataas siguro ang offer sa kanya ng gumawa nito sa akin.

Si Lena, nawala rin bigla ang babaeng iyon. Isa siyang escort ng mga kilalang tao. Kumbaga sa prostitute, sila iyong high-end. Iyong ikama sila ay malaking halaga, at wala naman iyong kaso sa akin. What is money? It’s paper only.

Naglahong parang bula si Lena kasabay ng scandal na ‘yon. Pero wala akong planong gawing big deal na iyon dahil ayokong magmukhang apektado. Sa mga nakakakilala sa akin idinahilan ko na lamang na ex-girlfriend ko ang kasama ko. Hindi ko rin gustong malaman nino man na nagkakama ako ng prostitute.

Paniguradong nasisiraan na ng ulo ang nagplano no’n para sirain ako. Wala akong pakialam at nagpapatuloy ang buhay ko. Kahit nagngingitngit na ako nang husto dahil one month na akong walang naikakama.

Pero kapag naaalala ko kung gaano ako naligayahan sa babaeng iyakin na ‘yon, parang gusto ko siyang hanapin at alukin uli ng isa pang gabi.  How can I fantasize and hate her at the same time?

“Sir, mayroon ka pang meeting na susunod,” paalala sa ‘kin ni Mr. Cruz, ang kaedaran kong secretary.

Nang nasa pintuan na ako ng meeting room ay may nakaharang na babae. Nagkalat ang mga papel sa lapag pero wala man lang kumikilos para pulutin iyon. Akmang dadamputin na iyon ng nakaharang na babae nang bigla siyang himatayin.

Dahil ako ang pinakamalapit ay nasalo ko siya sa pagkabigla ko.

Nagkatitigan pa kaming dalawa.

Ganoon kaliit ang mundo? Hindi ko siya hinanap kahit may kasalanan siya sa akin pero magtatagpo pa rin pala kami kahit hindi ko siya hanapin?

“Sir,” ang secretary ko ‘yon na nag-aalala.

Inutusan ko siyang dalhin niya ang babae sa hospital na malapit lamang dito. May company clinic naman pero dahil sobra ang pamumutla niya kaya baka kung anong sakit niya.

Iniisip ko pa naman na gawain niya ang pagbebenta ng katawan. Hindi ko naisip na makikita ko siya bilang isang normal employee.

Pinagalitan ko lang sila dahil walang kumilos sa kanila para tulungan si Cinderella—I don’t know her name. Galit ako sa kanya pero hindi ko mapapalampas ang pagiging bulag ng mga taong ito. Napakaraming nagkalat pero wala kahit isang tumayo man lamang para tumulong.

Kung hindi lang mahalaga ang oras ko ay baka binalasa ko pa sila ng mabawasan. Pero pinagalitan na ako ng lola ko dahil doon, lalo at karamihan daw ng nagta-trabaho ay magmula sa ama hanggang sa mga anak na. Imbis na mas matinong meeting ang maibigay ko sa kanila ay nagalit lamang ako hanggang maubos ang oras ko.

Nasa meeting na ako with some important business partners at nakatutok sa presentation nang makatanggap ako ng message ni Mr. Cruz.

“Sir, she’s pregnant.”

Pregnant? What?

Napatayo ako at nagmamadaling umalis sa conference room.

Isang buwan no’ng may nangyari sa amin, hindi iyon akin…hindi iyon dapat maging akin! Ano ‘yon lalabas na naman siya para sirain na naman ako?

 I didn’t use protection, dahil alam ko na ‘yong high-end escort na si Lena dahil bago may mangyari sa amin noon ay pinasamahan ko siya sa aking assistant para magpa-birth control shot. Iwas na iwas ako sa issue kaya kahit bed warmer plano ko nang maging month ang term ng s*xual relationship sa ‘kin.

“Sir?” Mabilis sumunod sa akin ang driver ko nang makita ako.

“To the nearest private hospital.”

Namasahe ko ang ulo ko nang makasakay ako.

Matagal ko pang malalaman kung akin iyong bata kaya marami pa siyang chance na mag-pretend na akin iyon. Kailangan magawan ko na kaagad siya ng paraan at mabayaran nang mabilis.

Binalikan ko ang message para siguraduhin ang room number, kaagad naman akong nai-guide ng natanong kong nurse. Pagbukas ko ng pintuan nabigla ako nang makilala ko kung sino ang babaeng nakatayo.

“Why are you in a rush, Greyson?”

“I’m sorry, sir.” Tungong-tungo si Mr. Cruz na malapit sa pintuan.

“What are you doing here, grandma?” gulat na gulat ako. Sa lahat, bakit siya pa?

Imposibleng tawagan siya ni Mr. Cruz. Tulog rin ang babaeng sinadya ko rito.

“This woman is pregnant, marry her as soon as possible.”

“What?!” Napalakas na tanong ko.

“Greyson, she’s having your child—”

“Grandma, supporting her is the only thing I can do. And why are so sure that she’s having my child? She’s whoring herself—”

“Greyson, nasisiguro ko na anak mo ang dinadala niya. Pakasalan mo siya o pag-uusapan natin muna ang mga nailipat sa iyo?” Galit na galit na naman siya sa akin. “Kung may iba lamang akong apo, siya ang pipiliin ko dahil pinasasakit mo ang ulo ko nang sobra-sobra!”

“Ano na lang ang sasabihin sa atin kapag pinakasalan ko ang katulad niya?!”

“I’ll make the preparation for your wedding. Maging katulad ka ng lolo mo at ama mo na parehong responsableng lalaki. At hindi ko malalaman na tinatawag mo ang mapapangasawa mo sa mga bastos na pananalita dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo.”

“Responsable akong tao, pero hindi sa katulad nitong babaeng—”

Natigilan ako dahil sa matalas na tingin sa akin ni lola.

“Greyson, stop fooling around. You are thirty, stop acting as if you are still in your high school. Edad mo lang ang tumatanda pero iyang pag-uugali mo hindi pa rin!”

Lalong nadagdagan ang galit ko sa babaeng ito. Nagkukunwari pa ba siyang tulog kahit nagtatalo na kami rito?

“Bago mahalata ang tiyan niya pakakasalan mo na siya. I’m giving you a month para kumbinsihin siyang pakasalan ka or else, matatapos ang pagiging acting C.E.O. mo. As of today, hindi ko pa ginagawang official kang C.E.O. dahil usaping pampamilya natin iyon. Kung hindi mo ako susundin, sa palagay ko tama ng piliin ko ang apo ko sa aking kapatid para palitan ka. Paano ko na lamang iaasa sa iyo ang pinaghirapan ng lolo mo at ama mo kung sa ganitong bagay hindi mo magawang maging isang responsableng tao.” Galit na galit siya kaya hindi ako nakakibo.

Bumaling siya kay Mr. Cruz. “Ihatid mo ako, hayaan mo munang makapag-isip si Greyson.”

“Y-yes, mada’am!” tumalima naman si Mr. Cruz.

Nang makalabas sila’y gusto kong magwala pero himbing na himbing itong babaeng ito.

Si grandma ang de facto leader sa aming pamilya. Siya ang nagpasimula ng mga businesses namin at ito ngang steel fabrication ang pinakamalaki at palaging ipinapakiusap sa akin ng daddy ko na pilitin kong makuha dahil pinaghirapan niya ito. Nagbabago raw ang isip ng lola ko dahil mukhang wala naman akong matinong plano sa buhay ko.

Tatlong arrange marriage ang tinanggihan ko kaya lalong nag-iinit ang dugo niya sa akin.

Wala siyang pakialam kung influential or hindi ang mapapangasawa ko, ang gusto niya lang magkaapo sa akin kaagad at mas marami raw dahil isa na nga ang anak niya, maging ang apo niya ay iisa rin kaya wala siyang mapagpilian.

Napansin kong nagmulat na si Sleeping beauty.

Nang makita niya ako ay napatitig pa siya sa akin at biglang napaupo. Mukhang natakot siya sa akin at palingon-lingon na tila gustong humingi ng tulong.

“How are you? It’s been a month, wh—” naalala ko bigla ang lola ko na pinagbabawalan akong tawagin siya sa hindi mangandang pananalita. Tsk.

Hinila ko ang upuan at naupo malapit sa kanya. Parang lalo lamang siyang namutla habang pinagkakatitigan ako na para bang siya iyong na-trauma at hindi ako—well, hindi naman ako na-trauma dahil kahihiyan iyon para sa akin. Ang trauma ko ay dahil sa araw-araw na galit ng lola ko na kailangan kong saluhin. Hindi naman ako kayang ipagtanggol ng magulang ko dahil takot din sila. Isang Alpha female si lola, hinding-hindi magpapatalo.

“Bakit ka narito?”

Wala pa akong ginagawa sa kanya ay umiiyak na siya.

Naalala ko na naman kung gaano siya kagaling umarte no’n at nadala pa ako.

“You look prettier when I first saw you.” Napailing ako. “How can I marry someone as pale as you? Are you a ghost? Perhaps a zombie?”  Nangisi ako.

Hindi siya sumagot at siya pa ang may ganang tingnan ako ng may galit.

“Are you a rapist? Perhaps you are Satan?” tanong niya sa akin na tila gusto akong patayin sa titig pa lamang niya.

“What?!”  

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status