"Before this semester ends, you will be given a one-week training related to your course, Diploma in Community Service. This whole class—" Umikot ang paningin ng professor nila nang isa-isahin nito ang mga estudyante. "Will reshuffe schedules and each group will be assigned in different areas as part of your training. Alphabetical tayo sa groupings. Are you excited, class? If you have any questions, raise your hand." Wala siyang naiintindihan dahil okupado ang utak niya sa kalbong iyon. Ang kalbong iyon na babaguhin ang lahat-lahat sa kanya. Matapos nilang kumain sa restaurant kahapon, marami pang ipinangako ang aspiring politician sa kanya. Kaya pala ito kilala ng karamihan dahil isa itong batang-bata pang pulitiko na tumatakbo sa mataas na antas ng gobyerno. Iyon lang naman ang pagkaka-explain nito sa kanya kahapon pero kakaunti lang ang pumapasok sa kukote niya. Minsan, nahihirapan siyang intindihin ang lahat sa tagal ng pagkakatingga ng utak niya pero unti-unti na siyang nae-expo
Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay ng katipan sa hita niya paakyat sa hindi dapat tumbukin ng kamay nito. Agad niyang hinuli ang kamay nito at nagbigay siya ng warning look sa babae na ikinangiti lang nito. "S-stop, Venice," anas niya sa punong tenga nito. "Not here, sweetheart." Inikot niya ang paningin. They've gathered here to celebrate this much-anticipated surprise, and he'll break the good news to everyone shortly. Kahinaan man niya ang sexy at magagandang babae, hanggang tingin lang naman siya, and he made a promise to never despise his fiancee. He cherished Venice dearly, and during their official engagement, their dearest ones and close friends graced the occasion with their presence. "Yes." Excited na anunsyo niya sa lahat sabay taas ng kamay ni Venice na may suot-suot nang singsing. "We're getting married." Hiyawan at palakpakan ang kasunod nito at 'di maampat na pagbati sa kanila. Dahil sa flasback na nangyayari noon sa kanilang dalawa ng dalaga, napuno ng tawana
"Fuck this, Blake," inis niyang sigaw habang kausap ang pamangkin sabay iling. "Kinulong niya 'ko sa kwarto kaya hindi na'ko nakalabas para istimahin ang mga bisita." Inis niyang natingnan ang cellphone nang tumawa nang malakas ang lalaki sa kabilang linya. "Dude, don't laugh at me like that." Napatingala siya sabay iling nang sunod-sunod. "Ok, bye." Hindi niya na hinintay na makasagot pa ang kausap dahil pinatayan na niya ito ng phone. "That boy..." Ano ba ang ine-expect niyang response ng siraulo niyang pamangkin? 17 years old lamang si Blake pero malaking bulas ito. Ni wala nga itong naibigay na advice sa kanya. Sabagay, bata pa ito at siya itong matanda pero minsan kapag involve si Venice, nawawalan ng laman ang utak niya dahil ayaw niyang manakit ng damdamin nito kapag nagtatangka siyang kausapin ito. "Damn it, Venice." Naihilamos niya ang mukha sa inis dahil ang nangyari kahapon, parang bangungot sa kanya ngayon. "I love you, girl.... I just love you kaya titiisin ko ang kabal
Gusto niyang maiyak nang maalala na naman ang pagkukrus ng landas nila ng walanghiya niyang asawa. Hindi siya nito nakilala? Bakit? Mas pinaganda lang naman niya ang sarili pero ang siraulo, ni hindi siya nito pinagtuunan ng pansin. "Nakuha mo ba, Maria?" Inayos ng doctor ang salamin sa mata at muling tiningnan ang lahat ng anggulo ng litratong nakuha sa kanya. "Marami tayong babawasan at idadagdag sa'yo at mahaba-haba itong pagpapagaling mo." Napatingin ito sa katabing lalaki nang iharap nito ang monitor sa lalaki. "Look at this, Jacob." "Do whatever you think is right, Doc, I'll leave it in your good hands. You're one of the best surgeons in the Philippines and I believe the result will definitely be very beautiful." Napatingin siya kay Jacob nang sabihin ito ng lalaki. Bukod sa pag-aaral sa pinapasukan niyang institusyon, may isang training center din siyang pinapasukan para naman ma-improve ang pagsasalita niya pati ang social skills niya sa tulong ng butihing si Jacob. Hindi pa
Liposuction. Ito ang unang ginawa ng doctor na may hawak sa kanya. Facial surgery naman ang kasunod ng unang procedure na ginawa ng surgeon niya. Inuna ang pagpapatangos ng ilong niya at pagpapaliit ng mukha kaalinsunod ang iba pang facial procedures kapag umayos na ang pakiramdam niya. Lahat ng ito ay ine-explain sa kanya ng doctor bago pa man siya isalang kanina. May sarili rin siyang dentist na nag-ayos ng sungki at sira-sira niyang ngipin. Akala niya madali lang pero hindi pala dahil halos himatayin siya sa unang procedure na ginawa sa kanya. Weekend ngayon at tuluyan nang dumating ang sem break nila. Ang plano niyang pag-uwi sa probinsya, naudlot dahil nais ipagawa ni Jacob ang procedures na ito. "Yes, Maria, huwag tayong magsayang ng oras. I can't wait to see the result of your transformation and this—" Ipinakita ng lalaki ang papeles sa harap niya bago nito dahan-dahang inangat ang kamay niya. "You need to sign this to make sure na hindi mo tatalikuran ang napagkasunduan natin
"Oh my God, Ate!" Namimilog ang mata ni Moira nang ikutan siya nito. "Pumapayat ka na at"—Napatili ito at nagtatalon sa sobrang tuwa sa bagong outfit niya. Suot lang naman niya ang mga pinamili ni Jacob. Isang sexy shawl collar flap detail blazer and pants set ang suot niya ngayon na tinernuhan niya ng 3 inches shoes na kakulay din ng damit niya. Nagmukha siyang businesswoman sa attire niya kaya gandang-ganda siya nang sipatin niya ang sarili. Kailangang i-apply niya ang lahat ng natutunan dahil nang huling bisitahin siya ni Jacob, nagalit ito sa kanya at nasigawan siya. "Ang kupad mo, Marie." Malungkot niyang saad na napalakas pa. Kinalabit siya bigla ni Moira nang makita siyang nagsasalita mag-isa at lalo itong nagtaka nang pahiran niya ng tissue ang luha. "Ano, Ate? Makupad? Sino? Tsaka ba't ka umiiyak? Grabe! Ang ganda-ganda mo na kaya hindi kita nakilala agad kanina nang tawagin mo'ko." Bakas pa ang papahilom niyang sugat sa mukha pero hindi iyon nakapigil sa kanya para hindi
Hindi siya mapakali nang makabalik na ng classroom. Natigilan siya nang pumasok na dahil natuon ang lahat ng tingin sa kanya. "Your name, please?" nagtatakang tanong ng kanyang prof. "You're late, Miss." Napangiti siya nang alanganin nang huminto na sa upuan niya. Pa'no ba kasi, wari'y pinag-aaralan ng lahat ang bawat galaw niya at hinihintay din ng mga ito ang pagsagot niya. "Miss?" muling pukaw ng prof niya. "M-Maria Bahaghari po." Nagulat ang matandang lalaki pero kagyat itong napangiti nang muling mapatingin sa hawak nitong attendance sheet, "Maria Bahaghari." Nang i-check nito ang pangalan niya sa papel, muli itong napatitig sa kanya. "I'm not going to ask you but you look great, Ms. Bahaghari. Sit down." Muling napuno ng ingay ang loob ng classroom nila at siya na ang sentro ng usap-usapan ng mga ito. Nang makaupo, bigla siyang kinalabit ni Moira. "Ate, sa'n ka ba nanggaling?" anas nito nang iusog nito ang upuan palapit sa kanya. Napangiti siya nang ipakita ang hawak kay
Hindi niya mawawaan ang lahat ng napakinggan dahil kanina pa niya hinahanap si Moira pero hindi niya ito makita. Halos 30 minuto lang ang itinagal ng presscon ni Benjamin. Katabi ng asawa niya si Venice at ang mga guest, nasa loob na sila ng isang napakalaking bulwagan. Parang isang kasalan ang magaganap dahil sa design ng lugar; may mga bulaklak kada mesa at may isang stage na may kalayuan sa kanya kung nasaan ang lalaking kinamumuhian niya. Kailangang matigil na ang kataksilan nito. Kokomprontahin na niya ang asawa. "M-Moira, nasa'n ka?" anas niya nang ikutin ang paningin. May mga nagse-serve naman sa table niya pero bakit hindi niya makita ang babae? Malaking palatanungan pa kung pa'no ito nakapasok. Napatayo siya nang marinig ang masigabong palakpakan pero napatda siya—nang halikan ni Venice ang asawa sa harap ng maraming tao. Nagtayuan na ang ilan sa kanila at muling nagpalakpakan ang mga ito pero siya, nakuyom niya nang mariin ang mga kamao. Ang taksil niyang asawa, ngiting-n