Share

Episode 81: Wedding Day

Maria's POV

Napaka-stressful ng nangyari kahapon kaya nagkagulo na ang lahat ng ka-tribo niya. Sa 'di niya maintindihang rason, nagkaro'n ulit ng sunog sa isla. Ang mga container house na dinonate sa kanila ay naging yupi-yupi na at nagkulay itim. Lahat ng bahay ay nasunog pati na ang facilities na makakatulong sa kanila; ang maliit na clinic at ang Brgy. Hall. Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa islang ito? Para itong sinumpa sa rami ng trahedyang nagaganap.

Mahinang iyakan ang kanyang naririnig mula sa mga ka-tribo niya pero dumalo ang lahat sa napakaespesyal na araw na ito kahit pa humaharap sila sa malaking dagok. Malapit sa dalampasigan ang kanyang napili na venue ng kanilang kasal dahil 'di na rin naman maaasahan ang venue na malapit sa kanilang Brgy. Hall. Naging abo ang lahat ng naipundar nila.

"Kasalanan 'to ni Maria, eh." Maktol ng isang matandang katutubo. "Simula nang umuwi 'yan dito, ang dami nang nagaganap na kamalasan."

Bigla namang sumabat ang kanyang tiyahin sa sinabi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status