Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran niya; ang maikasal sa pinakagwapong lalaki. Mula pagkabata ba naman, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagwapo na nilalang. "Salamat, Benjamin ko, sa pagtanggap mo at pagbigay ng pangalan mo sa'kin." Hindi niya mabitaw-bitawan ang kamay ng lalaki dahil pakiramdam niya, handa itong agawin ng malalandi niyang kapitbahay na dalaga. "Akin ka lang..." Buong pusong anas niya nang pagharapin na sila ng pastor sa isa't isa."Sige!" yamot na saad ng pastor. "Oh, ano pang hinihintay mo, Maria?" May pagtataka sa mukha ng pastor nang 'di siya kumilos. "Pwede mo na siyang halikan. Ang bagal naman, oo."Nakita niya ang biglang pagtingin ng asawa sa pastor at ang panlalaki ng mata nito. Napadila siya at inikot ito sa buong bibig niya. Kahit man lang lipstick, hindi siya makabili kaya simpleng-simple lang ang mukha niya ngayon. Nakasuot siya ng malong mula balikat niya pababa ng sakong. May bulaklak na puti sa ulo niya at syempre ang nanay
"Yes... of course!" nanggigigil niyang anas sa mukha ng lalaki. "Kailangan ko ng tulong mo, n-ngayon na! Gustong-gusto ko nang makauwi. P-please, help m-me." Nagsalubong ang kilay ng kaharap niya at wari'y nayamot pa ito sa kanya. Nakalahad agad ang kamay nito habang nakatitig sa kanya. Nang taasan niya ito ng kilay, nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. "Pera." Mahinang saad nito habang nakalahad pa rin ang kamay. "Akin na muna ang bayad dahil nakakaistorbo ka. May nakita akong perlas na ginagawa nilang palamuti rito pero hindi ko alam kung ano'ng klase 'yon. Kailangan nating kilatisin—" "I'm not interested." Napataas ang boses niya pero muli niyang kinontrol ito para walang makarinig sa kanila. "Mayaman ako at kaya kong tapatan 'yang perlas na sinasabi mo." Nanggigigil na siya sa lalaking 'to dahil kanina pa siya nakikipagnegosasyon pero ayaw nitong maniwala na kaya niyang bayaran ito ng malaki. Napailing na siya nang gumalaw ang kamay nito para iabot niya ang kabayaran. "Look,
"D-dito?" Hindi siya makapaniwala nang hawakan niya ang isang bamboo stick, "N-nasa'n ang bangka mo?" Pigil ang pagtaas ng boses niya nang wala siyang makita sa paligid. Nakalublob na sila sa dagat at halos leeg na ang lalim kaya takang-taka siya. "Ang daming satsat, eh." Inis na pakli ni Pancho. Pagkasabi niyon, pwersahang nilubog nito ang ulo niya sa tubig. Sumenyas ang lalaking sundin ang ginagawa nito sa ilalim kaya wala siyang nagawa nang ilagay niya ang kapirasong bamboo stick sa bunganga at do'n pansamantalang huminga sa instruction na rin nito. Hindi niya makita ang taas sa rami ng sangang nagkalat. Nagkalat ang mga dahon at sanga ng punong naanod sa dagat na siguradong bagyo ang may kagagawan. Alam niyang wala siyang kakayahan na salagin ang anumang pinapagawa ng kasama dahil mas kabisado ng lalaki ang lugar na ito kaysa sa kanya. Naririnig pa niya kanina ang ingay ng mga taong naghahanap sa kanila pero naglaho na ito nang pumailalim na sila ng tubig. Halos pagkapusan siya
"I will wholeheartedly marry you to save my life, woman!" He snorted when he got his chance to blame it on her. "You had no idea how much I hated this forced marriage kahit walang namagitan sa'tin kagabi." "Pero Benjamin—" Naiiyak man, abot hanggang langit naman ang pasasalamat ng dalaga sa pagpayag niyang maikasal sila. "Papakasalan kita dahil ikaw ang katuparan ng pangarap ko. Hulog ka ng langit kagabi. Hindi ka na makakawala kahit ano pang sabihin mo dahil ikaw—ikaw ang itinadhana para sa'kin." Sumabay ang pag-iyak ng babae sa kulog kaya nagulat siya at agad napabalikwas. Panaginip. Isang panaginip lang pala pero napakapangit na pangitain 'yon sa kasagsagan ng bagyo. Bagyo? Basang-basa pa rin siya sa pinagkukublian niyang iyon. Diyata't bumabagyo na naman sa labas? Nakaramdam siya ng lamig sa pinagtataguan. Agad niyang naalala ang kasama, "P-Pancho?" mahina lang nang una ang pagbigkas niya sa pangalan nito pero nang wala siyang marinig, agad siyang sumigaw. "Panchoo!" Nakakaini
Wala naman siyang kasalanan sa batas pero grabe ang ginagawa nilang pagtatago para hindi mahuli ng mga tumutugis sa kanila. Napapikit siya nang mariin at napakapit nang mahigpit sa isang sanga ng puno. Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang papalayong ingay ng mga ito."Kapit lang, boss. Parang si Maria lang 'yan, mahigpit ang kapit sa'yo." Tinanguan siya ng lalaki sabay ngiti nang nakakaloko. "Mag-uumaga na, baka iba na naman ang maghahanap sa'yo. Palitan sila."It was his second day. Bagot na bagot siya sa pagtatago niyang ito. Bakit siya pinipilit ng mga ito sa babaeng ayaw niya? Mamatay muna siya bago niya gawing legal na asawa ang babaeng iyon. Hindi ba alam ng mga tao na walang bisa ang kasal nila kaya bakit pa naghahabol ang mga ito? This is wrong and he can sue them anytime."Bumaba na tayo rito, Pancho."Puno ng balete ang inakyat nilang dalawa nang muling magkrus ang landas nila sa gubat. Papunta siya sa direksyong tinuro ni Pancho kanina pero nang malapit na siya, ila
"What happened?" Nagulantang na sigaw niya nang lumundo nang malakas ang kinahihigaan. Halos mahulog siya sa sunod-sunod na pag-alog na iyon na sinundan ng tawanan ng mga kaibigan. "May lubak, bro." Nakangising napalingon sa kanya si Clyde, "Well, I thought you were just pranking us but when I saw you were forcibly dragged back to the boat, we decided to talk to them. Nakinig naman sila." Napalingon naman siya kay Clint nang ito naman ang tumawa nang malakas at magsalita, "Is it true, dude, that you married an island girl? Well, according to them, you need to speak to your wife about your wedding. I promised them we'll take you back to that island after meeting your parents." Napabangon siya sa kinahihigaan niya sabay sigaw nang malakas, "Hell, no!" Nasa loob siya ng isang pampasaherong sasakyan at nasa kabila naman nakaupo ang mga kaibigan. Nakatingin ang lahat ng ito sa kanya. "Where are we, mga dude?" Panay ang linga niya sa bintana ng sinasakyan nang makitang puro puno ang nada
"Ano ka ba, magmumukmok ka na lang ba diyan?" galit na singhal ng kanyang nanay nang mangulambaba siya sa kanyang bintana. Tahimik lamang siyang umiiyak habang nakatanaw sa kawalan. "Maria, isang taon na ang nakalipas pero wala ka pa ring pinagbago. Ba't ka ba nagpapakabaliw sa lalaking 'yon?" Hindi siya sumagot. Naririnig naman niya ang kanyang nanay pero paulit-ulit lang ito kahit ano pang sabihin niya. Hindi matatawarang sakit sa puso niya ang naiwan ng lalaking iyon. Masakit pa rin ang nangyaring iyon sa kanya nang iwan siya ng kanyang asawa at hindi na rin ito bumalik kahit pa naghintay siya nang matagal. Marahas na bumuntong-hininga ang kanyang nanay nang 'di niya ito pansinin. "Maria, ang papel na 'to, hindi ko alam kung ano ito pero magandang balita raw ito, anak." Malumanay nang nagsalita ang babae nang iwasiwas nito sa mukha niya ang ilang pirasong papel. "Tanda mo pa ba noong isang buwan, may sinulatan ka para sa scholarship ba 'yon nang may mag-ikot na mga tao rito?" Tu
Ben's POV Nang makapa niya ang maliit na box sa loob ng coat, napangiti siya bago ito nilabas. Tinaas niya ang hawak kasabay ng pagtikhim para pukawin ang pansin nito. "Will you marry me, Venice?" Agad itong napatingin sa kanya at hindi ito makapaniwala nang buksan niya ang maliit na box, "Sweetheart?" He shares an exceptional bond with the woman he loves, one that surpasses any other relationship he's ever had. Their love for each other has exceeded all expectations, and on their first anniversary, he surprised her with a proposal. Their love has been extraordinary over the past months, and he plans to take it to the next level by marrying her soon. "Venice..." Nagniningning ang mata niya kasabay ng pagkislap ng singsing na hawak, ang white gold engagement ring na may hugis-bilog na diamond. "My dear Venice, will you marry me? I want to spend the rest of my life by your side, and I dream of starting a family with you. Let us make our commitment official and legal, bound together f