Share

Episode 7: Just married(Maria's POV)

Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ang kapalaran niya; ang maikasal sa pinakagwapong lalaki. Mula pagkabata ba naman, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kagwapo na nilalang.

"Salamat, Benjamin ko, sa pagtanggap mo at pagbigay ng pangalan mo sa'kin." Hindi niya mabitaw-bitawan ang kamay ng lalaki dahil pakiramdam niya, handa itong agawin ng malalandi niyang kapitbahay na dalaga. "Akin ka lang..." Buong pusong anas niya nang pagharapin na sila ng pastor sa isa't isa.

"Sige!" yamot na saad ng pastor. "Oh, ano pang hinihintay mo, Maria?" May pagtataka sa mukha ng pastor nang 'di siya kumilos. "Pwede mo na siyang halikan. Ang bagal naman, oo."

Nakita niya ang biglang pagtingin ng asawa sa pastor at ang panlalaki ng mata nito. Napadila siya at inikot ito sa buong bibig niya. Kahit man lang lipstick, hindi siya makabili kaya simpleng-simple lang ang mukha niya ngayon. Nakasuot siya ng malong mula balikat niya pababa ng sakong. May bulaklak na puti sa ulo niya at syempre ang nanay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status