Pagkasara ng pinto ng penthouse, para akong nawalan ng hininga. Masyado itong tahimik, mas nakakatakot pa kaysa sa ingay ng press conference kanina. Sa sobrang lawak ng sala, naririnig ko ang sariling pagtikhim at ang marahas na tibok ng puso ko.
Habang ako’y nakatayo pa rin malapit sa entrada, si Leandro naman ay parang walang pakialam. Dire-diretso siyang naglakad papunta sa mini-bar, tinanggal ang coat niya at ikinawit iyon sa likod ng upuan, parang wala kaming pinagdadaanan. Binuksan niya ang isang bote ng scotch, inilagay sa baso, at walang tanong-tanong na nilagok. “Cheers to us,” aniya, malamig ang boses, na para bang isa itong biro na siya lang ang natatawa. “Kung iinom ako, hindi dahil may dapat tayong ipagdiwang,” sagot ko, sabay lakad palapit sa sofa. “Kundi dahil gusto kong makalimot.” Tinignan niya ako, nakataas ang isang kilay, bago ngumisi ng pamilyar niyang mapanuksong ekspresyon. “Nakakatuwa. Wala pa tayong isang araw bilang engaged, gusto mo na agad lumimot.” Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa, nakapamewang. “Ikaw ang dahilan kung bakit kailangan kong makalimot. Ang swerte ko nga’t hindi pa ako nababaliw.” Napatawa siya nang mahina, inilapag ang baso, at itinukod ang siko sa armrest habang nakasandal. “Sabi ko na eh. You hate me, pero sobra kang invested.” “Invested? Don’t flatter yourself. Ang iniinvest-an ko lang ay ang katinuan ko, para hindi ako bumigay sa kalokohang ‘to.” Sumeryoso ang mga mata niya, parang biglang tumalim. “You think this is a joke? Arielle, lahat ng mata sa high society nakatutok sa atin ngayon. Isa lang ang maling galaw mo, at hindi lang pangalan mo ang mabubura. Pati pamilya mo.” Napakagat ako sa labi, pigil ang mga salitang gusto kong isigaw. “Alam ko,” mahina kong sagot. “Hindi mo na kailangang ipaalala.” Lumapit siya ng konti, halos madikit ang tuhod niya sa akin. “Then play your role. Be my fiancée. Smile when I say smile. Hold my arm when I tell you to. Wala kang ibang choice.” “Choice?” napatayo ako, hindi na nakatiis. “Lahat ng tao may choice. Ikaw lang ang nag-aakalang kaya mong diktahan ang mundo.” Sumunod din siyang tumayo, mas mataas, mas nakaka-intimidate. “At ikaw lang ang babaeng nakikipag-argumento pa rin kahit alam mong matatalo ka.” “Huwag kang magpakasigurado.” Tinapangan ko ang tingin ko, kahit na kinakabahan ako. “Hindi lahat ng laban mo kayang bilhin ng pera.” Bahagya siyang ngumisi, yumuko nang kaunti para makatingin diretso sa mga mata ko. “Pero kaya kong bilhin ang lahat ng nasa paligid mo. At kapag nagawa ko ‘yon, saan ka tatakbo?” Hindi ako agad nakasagot. Totoo ang sinabi niya, at iyon ang pinakamasakit. Ilang sandali kaming parehong tahimik, pero mabigat, parang may bagyong nakabitin sa ere. Siya, nakatitig sa akin na para bang may binabasa sa mga mata ko. Ako, pilit na nagtatago ng takot sa likod ng matapang na mukha. “Leandro…” mahina kong sabi, halos ayaw ko pero kailangan. “Kung sa tingin mo matatakot mo ako para sumunod, nagkakamali ka.” “Hindi kita tinatakot.” Lumapit pa siya, halos magdikit ang balikat namin. “Sinusubukan lang kitang turuan ng realidad.” “Reality?” natawa ako nang mapait. “Ikaw lang ang reality na hindi ko gustong harapin.” Mula sa malapit, ramdam ko ang init ng hininga niya. At kahit galit na galit ako, hindi ko maitago ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pinilit kong umatras, pero mabilis niyang naipit ang daan—isang kamay sa gilid ng sofa, isa sa dingding. Cornered. “Anong ginagawa mo?” halos pabulong, pero puno ng poot ang boses ko. Hindi siya agad sumagot. Pinagmasdan niya lang ako, parang sinusuri bawat detalye ng mukha ko. “Gusto ko lang makita kung hanggang saan ang kaya mong tapang,” aniya, mababa ang boses. “Kung akala mo matatakot ako—” “Hindi ko kailangan ng takot,” putol niya, mas malapit pa. “Gusto ko makita kung hanggang kailan mo maitatanggi na apektado ka.” Nanginginig ang mga kamay ko, pero hindi ko pinakita. “Hindi ako apektado.” Ngumisi siya, mabagal, parang alam na niya ang sagot bago ko pa sabihin. “Kung ‘di ka apektado, bakit nanginginig ang labi mo?” Parang naubusan ako ng hininga. Hindi ko alam kung galit o kaba, pero gusto ko siyang itulak. Ang problema, hindi kumikilos ang katawan ko. At sa isang iglap, umatras siya. Parang walang nangyari. Kinuha ang baso ng alak at muling uminom. “Relax, Arielle,” sabi niya, kalmado na ulit. “Hindi ako hahalik sa’yo ngayong gabi. Hindi pa.” Nagpantig ang tainga ko. “Bastos ka.” “Honest lang,” sagot niya, parang wala lang. Lumipas ang ilang minuto, at parehong nanahimik. Ako, nakaupo na ngayon sa gilid ng kama sa kabilang kwarto, hawak-hawak ang unan, halos mapiga ko na sa higpit ng kapit. Siya, nakahiga sa sofa, parang kampante, parang wala siyang ginawang mali. Nakatitig ako sa kisame, pilit nilulunok ang lahat ng emosyon na parang sasabog sa dibdib ko. Galit. Takot. At isang bagay na hindi ko matanggap. “Hindi, Arielle,” bulong ko sa sarili, pilit na pinipigil ang luha. “Hindi ka pwedeng mahulog sa lalaking ‘yon.” Pero habang inaalala ko ang bilis ng tibok ng puso ko kanina, habang naiisip ko ang titig niyang parang kaya akong hubaran ng kaluluwa, lalong bumibigat ang dibdib ko. At doon ko napagtanto ang pinakanakakatakot na parte ng lahat. Hindi lang galit ang dahilan kung bakit kumakabog ang puso ko. Kinabukasan, bago pa pumasok ang liwanag sa bintana, ramdam ko na agad ang bigat ng sitwasyon. Tahimik ang buong silid, pero parang sumisigaw ang bawat sulok na wala na akong ligtas na daan. Napatingin ako sa tabi ng kama, si Leandro, nakahiga pa rin, mahimbing, parang walang iniintinding problema. Lalong uminit ang dugo ko. “Ang kapal ng mukha mo,” mahina kong bulong, halos ako lang ang nakakarinig. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakakulong dito. Kung bakit miserable ang buhay ko." Napairap pa ako, ngunit ang kaninang kunot na noo ko ay unti-unting nawala ng mula sa kaniya mga nakapikit na mata ay bumagsak ang aking tingin sa kaniyang labi. At sa unang gabi namin bilang fiancés, may isang bagay akong natutunan: Hindi palaging ang sigaw ng kaaway ang nakakatakot. Minsan, mas malakas ang bulong na hindi mo kayang itanggi. Pero imposible, imposibleng mahalin ko ang katulad niya.Tahimik ang buong opisina ni Leandro nang gabing iyon. Nasa mesa pa rin ang mga papel ng kompanya pero ni hindi niya magawang tignan. Ang paulit-ulit lang niyang naririnig ay ang sariling boses, malupit, malamig, at nakakasugat. "Whore." Napakuyom siya ng kamao. Napahampas sa mesa hanggang sa natumba ang baso ng alak na hawak niya kanina pa. “Damn it!” mariin niyang mura, mariin ang bawat hinga. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing hindi niya makontrol si Arielle, lagi siyang nauuwi sa salita o galaw na siya mismo ang kinamumuhian. Gusto niyang magalit sa kanya, pero mas galit siya sa sarili. Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Arielle kanina, yung paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, puno ng sakit at galit, pero may halong takot. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi siya kailanman gustong katakutan nito. Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang nagtulak dito palayo. Napahiga siya sa swivel chair, pinikit ang mga mata. “Anong
Sa labas ng hotel, sa fountain area… Malamig ang hangin, sumasabay sa lamig na gumagapang sa balat ko. Ang mga ilaw mula sa ballroom ay natatakpan na ng gabi, pero rinig pa rin ang mahihinang tugtog mula sa loob. Sa paligid, may iilang guests pang naglalakad palabas, pero sa may fountain, halos kami lang ni Marcus ang tao. “Arielle.” Tinawag niya ulit ang pangalan ko, seryoso ang tono. Hindi kagaya ng madalas niyang banayad na boses, ngayon, may bigat. “Marcus…” halos bulong ko. “Bakit mo ako pinatawag dito? Alam mong delikado, baka may—” Hinawakan niya ang kamay ko bago ko pa matapos ang sinasabi. Mainit ang palad niya, mariin ang pagkakahawak. Para bang gusto niyang ipaalam na hindi niya hahayaang kumawala ako. “Because I can’t stand seeing you with him anymore,” diretso niyang sabi. “Hindi mo kailangang tiisin si Leandro. You can choose me.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. “Marcus… hindi ito gano’n kasimple. May pinanghahawakan siyang kondisyon, a
“Leandro, kailangan nating mag-usap.” Ramdam ko ang panginginig ng boses ko habang magkasabay kaming lumalayo sa ballroom. Kumikinang pa rin ang mga ilaw mula sa gala, rinig ang mahihinang halakhakan ng mga bisita na nagmi-mingle, pero bawat hakbang ko papunta sa mas tahimik na pasilyo, mas bumibigat ang dibdib ko. Hindi ako tiningnan ni Leandro. Naninigas ang panga niya, isang kamay nakasuksok sa bulsa ng tuxedo, gaya ng dati,perpekto ang itsura pero nakakasakal ang presensya. “Mag-usap? Kanina pa nga kayo nag-uusap ni Marcus. Mukhang mas marami pa kayong napag-usapan kaysa sa atin.” Napakagat ako ng labi. “Huwag mong gawing biro. Si Marcus ang kasama ko kasi ayokong palaging magmukhang laruan mong fiancée na wala man lang sariling desisyon.” Huminto siya. Dahan-dahan siyang lumingon, matalim ang mga mata. “At ano bang ibig mong sabihin, Arielle? Na may choice ka pa?” Pinilit kong itaas ang ulo ko, kahit nanghihina ang tuhod ko. “Oo. Siguro may paraan pa. Pero hindi ito. Hindi
“Marcus, please sagutin mo…” nanginginig ang boses ko habang hawak ang cellphone. Ilang ulit na akong nag-ring pero wala pa rin siyang sagot. “Damn it, Marcus… kumusta ka na ba? Okay ka lang ba?” Napapikit ako, pinipigilan ang luha. Sobrang bigat ng lahat. Yung eksenang sumugod si Leandro kanina, parang pelikula pero ako ang bida sa bangungot. At si Marcus… napahawak ako sa dibdib ko habang naaalala ang pagkakahila sa akin ni Leandro palayo. “Please, kahit isang text lang. Tell me you’re fine,” bulong ko, parang umaasa sa hangin na makarating ang dasal ko sa kanya. Pero tahimik ang kabilang linya. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang phone. Nakatingin lang ako sa kawalan, sa mismong repleksyon ko sa salamin ng bintana. Galit. Yun dapat ang nangingibabaw. Galit kasi wala namang karapatan si Leandro na i-control ang buhay ko. Galit kasi ginagamit niya lang ako para sa sariling laro niya. Galit kasi pinahiya niya si Marcus, at ako pa ang nadamay. Pero bakit may parte sa
“Asshole!” boses na parang kulog, at bago pa ako makareact, ay dumampi na ang kamao ni Leandro sa pisngi ni Marcus. “Leandro, tama na!” halos mapalakas ang sigaw ko, pero wala na siyang pakialam. Ang mga mata niya, parang naglalagablab habang nakatutok kay Marcus. Makailan ulit akong napalunok, ngayon ko lamang siya nakita na ganito. Tumayo si Marcus, agad na sumalubong sa kanya. “Ano ba problema mo?! You barge in here like you own everything—” “Because I do,” singhal ni Leandro, hinila agad ako sa braso. “At wala kang karapatang halikan ang fiancée ko.” Parang sumabog ang paligid. Mga tao sa restaurant nagsimula nang maglabasan ng phone, nagre-record ng eksena. “Leandro, bitawan mo siya!” sigaw ni Marcus, pilit na hinahawakan ang kabilang braso ko. “Fuck you, dude! Hindi nga siya sa'yo!" Nanginginig na halos ang katawan ko sa tensyon. “Stop it, both of you! Nakakahiya!” pero parang wala silang naririnig. “You think you can just swoop in after all these years?” malamig pero ma
“Relax ka lang, Ari. Promise, hindi kita dadalhin sa kung anong sobrang formal o nakaka-intimidate,” bulong ni Marcus habang binubuksan niya ang pinto ng isang maliit na resto na may fairy lights sa labas. “Marcus…” napahinto ako sandali, nakatingin sa paligid. Cozy, may soft music, walang masyadong tao. “Ano ba ‘to?” “Surprise,” ngumiti siya, at parang ang gaan ng buong atmosphere dahil sa ngiti niya. “I figured you needed this. Just one night na wala kang iniisip kundi ikaw lang. Wala si Leandro, wala ang family pressure, wala lahat ng toxicity. Just us.” Napatingin ako sa kanya, pinipilit na alisin sa akin isipan ang nakaraan niyang pag-amin sa akin. “Hindi mo naman kailangan gawin ‘to.” “I know,” seryoso ang tono niya habang hinahawakan ang upuan para makaupo ako. “Pero gusto kong gawin. For you.” Umupo ako, pinakiramdaman ang bawat pagpatak ng pagkakataon. He sat across me, leaning forward a little. Hindi siya ‘yung typical na intense na Marcus sa office, mas gentle,