Home / Romance / Married By My CEO Enemy / Kabanata 6: Sumama Ka Sa Akin

Share

Kabanata 6: Sumama Ka Sa Akin

Author: authorj_
last update Last Updated: 2025-09-16 17:28:33

“Arielle?”

Napalingon ako mula sa hawak kong reports nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Doon, sa pintuan ng opisina ko, nakatayo si Marcus, nakangiti pero bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

“Marcus…” mahina kong sambit, nagulat ako pero may kung anong gaan sa dibdib ko. “Anong ginagawa mo rito?”

Pumasok siya, dala ang isang paper bag. “Dinalhan kita ng kape. Alam kong malamang wala ka na namang tulog.” Inilapag niya iyon sa mesa ko.

Napatawa ako, pilit na tinatakpan ang bigat na nararamdaman. “Alam mo pa rin ang timpla ko, ha.”

“Of course,” sagot niya, naupo sa harap ko. “Best friend mo ‘ko since grade school. Alam ko lahat ng ayaw at gusto mo.”

Sandali kaming natahimik. Naramdaman ko ang titig niya, mas seryoso kaysa dati. Para bang binabasa niya ako.

“Bakit ka nandito talaga, Marcus?” tanong ko, nakayuko na lang sa mga papeles para umiwas sa mga mata niya.

Humugot siya ng malalim na hininga. “Because I saw the news. Ari, engaged ka na kay Leandro Vergara? Sabihin mong joke lang ‘yon. Please.”

Parang kinurot ang puso ko. Ang sakit pakinggan mula sa kanya, kasi wala naman akong lusot. “Hindi siya joke,” sagot ko sa wakas, mahina pero diretso. “It’s… complicated.”

“Complicated?” mariin ang boses niya. “Ari, this isn’t complicated. This is wrong. Alam mo kung sino si Leandro—lahat ng ginawa niya sa pamilya mo, sa’yo. Tapos ngayon, engaged ka sa kanya?”

Napapikit ako, pilit na pinipigil ang luha. “Marcus, wala akong choice.”

“Lagi kang may choice!” Napalakas ang boses niya. “Hindi ikaw ‘to. Hindi ikaw ‘yung susuko ng ganito.”

Tumayo ako at lumapit sa bintana, tinitigan ang lungsod na abala sa labas. “Kung ikaw lang ang pagbabasehan, oo, gusto kong tumakbo. Pero Marcus, pamilya ko ‘to. If I don’t do this, we lose everything. And I can’t let that happen.”

Tahimik siya sandali, pero naramdaman ko ang paglapit niya. “Ari, hindi p’wede na ikaw lagi ang nagbabayad ng lahat para sa kanila. Paano naman ikaw?”

Nanginginig ang labi ko. “This is bigger than me.”

Hinawakan niya ang kamay ko, marahan pero matatag. “Then let me make it about you. Ari… what if I told you I have a way out?”

Napatitig ako sa kanya, naguguluhan. “Anong ibig mong sabihin?”

Ngumiti siya, bittersweet. “I can take you away. Itatakas kita. Kung ayaw mong ikasal kay Leandro, you don’t have to. May mga kaibigan ako abroad, may connections. We can leave anytime. Hindi mo na kailangan magdusa dito.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Marcus… are you serious?”

“Dead serious,” sagot niya, sabay haplos sa pisngi ko. “Arielle, I should’ve told you this a long time ago… pero matagal na kitang mahal.”

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Matagal na kitang mahal.

“Marcus…” bulong ko, halos hindi makapaniwala.

“Totoo ‘to,” patuloy niya. “Kahit noong umalis ako abroad, ikaw pa rin ang laman ng isip ko. And seeing you now, trapped sa sitwasyong ‘to, it breaks me. Kaya please… pumayag ka na. Let me fight for you. Let me love you the way you deserve.”

Napaupo ako sa sofa, hawak-hawak ang sentido ko. Sobrang bigat ng lahat. Safe. Warm. Familiar—si Marcus iyon. Pero ang pamilya ko, ang responsibilidad ko… hindi ko basta p’wedeng talikuran.

“Marcus, hindi siya ganun kasimple,” nanginginig kong sagot. “Kung gagawin ko ‘yan, parang tinalikuran ko lahat ng pinaghirapan ng pamilya ko. Lahat ng sakripisyo nila.”

“Pero Ari, isipin mo rin sarili mo,” giit niya, sabay dahan-dahang lumuhod sa harap ko, para bang sinisikap niyang abutin ang puso kong pilit kong tinatago sa likod ng mga dahilan. “Bakit kailangan mong sirain ang buhay mo para sa kanila? You deserve happiness, hindi sakripisyo.”

Napatitig ako sa kanya, at doon ko nakita ang sakit sa mga mata niya, hindi lang simpleng awa, kundi genuine, raw pain. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang bitbit niya, para bang bawat letra’y tumatama sa mga pader na itinayo ko sa sarili ko.

“Marcus…” mahina kong bulong, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin. “Hindi ito gano’n kasimple. Hindi puwedeng sarili ko lang ang isipin ko. Hindi ako pinalaki ng pamilya ko para lang talikuran sila sa oras na kailangan nila ako.”

Umiling siya, ramdam ang desperasyon sa boses niya. “Ari, lagi kang gano’n, laging sila muna bago ikaw. Pero kailan mo naman pipiliin ang sarili mo? Kailan mo hahayaang mahalin ka sa paraang hindi nakatali sa tungkulin, hindi dahil sa utang na loob o pressure?”

Naramdaman kong lumambot ang puso ko sa mga tanong niya. Totoo...Wala pa yata ni isang beses na sarili ko ang inuna ko. Lagi kong iniisip ang pamilya, ang kumpanya, ang expectations nila Mama at Papa.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, halos nanginginig. “Alam kong natatakot ka,” dagdag niya, halos pabulong, parang baka mabasag ako kapag tumaas pa ang boses niya. “Pero hindi ka nag-iisa. Nandito ako."

Napapikit ako, pinipigilan ang luhang nagbabadya. Ang init ng kamay niya sa balat ko ay kabaligtaran ng lamig na palagi kong nararamdaman kapag kaharap ko si Leandro. Kay Marcus, may ginhawa. May kapanatagan.

“Ari,” marahan niyang tawag, hinihintay ang sagot ko. “Kung sasama ka sa akin, hindi mo na kailangang tumingin pa sa likod. Hindi mo na kailangan isipin kung sino ang masasaktan o kung anong kumpanya ang malulugi. Ako ang bahala. I’ll take care of you.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Marcus, hindi mo alam kung gaano kabigat ‘to. Ang pamilya ko… ang pangalan nila… lahat nakatali sa desisyon ko. Paano kung tumakas ako at mas lalo silang masira?”

“Kung talagang mahal ka nila, hindi nila ipapasan lahat sa balikat mo,” mabilis niyang sagot, mahigpit ang titig. “Hindi mo responsibilidad na ayusin lahat ng pagkakamali nila. Hindi ikaw ang dapat magsakripisyo ng kalayaan mo.”

Hindi ko alam kung paano sasagutin. Ang puso ko, hinihila ng kaginhawaan na dala niya. Pero ang isip ko, nakakadena sa responsibilidad.

Bago pa man ako makapagsalita muli, biglang bumukas ang pinto ng opisina.

“Enjoying my fiancée’s company, Marcus?”

Parang yelo ang bumalot sa buong silid sa boses na ‘yon.

Napatayo si Marcus, agad na sumeryoso ang mukha. Ako naman, napahinto ang hininga ko.

Si Leandro.

Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng itim na suit, matalim ang titig. Walang kahit anong emosyon kundi lamig at awtoridad.

“Ms. Velasco,” malamig niyang sambit, hindi man lang tumingin sa akin ng matagal. “We need to talk. Alone.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 28: From Daniella

    Mag-isa si Arielle sa kama nang gabing iyon. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng aircon at mahihinang ingay ng lungsod sa labas ang maririnig. Nakayakap siya sa unan, mahigpit, para bang doon niya ibinubuhos lahat ng damdaming hindi niya masabi.Paulit-ulit pumapasok sa isip niya ang mga nangyari kanina, ang arcade, ang simpleng tawanan, ang sunset na parang biglang nagbukas ng ibang mundo para sa kanilang dalawa. At higit sa lahat, ang tanong ni Leonardo tungkol sa bulaklak.Napapikit siya, napangiti nang mahina. “Ang weird mo talaga…” mahina niyang bulong, pero may lambing sa boses niya.Hindi niya alam kung kailan nagsimula. Kung kailan naging masaya ang mga simpleng bagay basta kasama ito. Kung bakit biglang nagiging espesyal ang mga sandaling dati’y normal lang.Naramdaman niyang bumigat ang dibdib niya. Hindi na niya kayang itanggi, hindi lang siya basta naaapektuhan, hindi lang siya basta naguguluhan.“Sh*t… Arielle, ano ba ‘to…” bulong niya sa sarili, napapikit pa lalo haban

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 27: Together

    “Let’s eat.”Napalingon si Arielle kay Leonardo. Akala niya diretso na silang uuwi pagkatapos ng arcade, lalo na’t medyo pawisan at nagulo ang buhok niya sa paglalaro. Pero seryoso ang tono nito, parang walang room para tumanggi.“Restaurant?” tanong niya, expecting na isa na namang mamahaling fine dining ang pupuntahan nila.Pero nagulat siya nang dinala siya nito sa isang simpleng kainan sa gilid ng mall, parang casual diner lang na may maliwanag na ilaw, amoy grilled food, at halong tawanan ng ibang customers. Hindi iyon typical na lugar para kay Leonardo.“Dito?” hindi makapaniwala niyang tanong.“Why? Ayaw mo?” mabilis nitong balik, parang nagtatanggol agad sa choice niya.“Hindi naman sa ayaw…” she trailed off, still staring around. “Nagulat lang ako. Hindi kita in-expect na tumatambay sa ganito.”Umupo si Leonardo sa table na pinili niya, diretso lang ang kilos. “Para makita mo rin kung saan ako minsan pumupunta.”Umiling na lang si Arielle, pilit pinipigil ang ngiti. Para bang

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 26: Mga Lihim na Sugat

    Lumipas ang ilang araw, at sa bawat pagkakataong nagtatagpo ang landas nila sa loob ng kompanya, si Leonardo ay tila estatwa, walang tingin, walang salita, parang hindi siya kilala.Ramdam ni Arielle ang bigat ng katahimikan. Sa bawat pagdaan nito sa hallway, sa bawat pintig ng sapatos niya sa sahig, naroon ang kaba sa dibdib niya. Gusto niyang magsorry. Gusto niyang humingi ng tawad sa mga salitang hindi niya napigilan noong huli silang nag-usap. Pero paano? Kung ni hindi siya nito binibigyan ng kahit isang tingin?Napahawak siya sa mesa sa sariling opisina, mariing pumikit. Bakit ba kasi ang dali kong madala ng emosyon? Bakit ko pa siya hinamunan ng salita na alam kong masakit?Samantala, sa kabilang panig ng gusali, nakaupo si Leonardo sa loob ng sariling opisina. Tahimik siyang nakatitig sa isang lumang kahon na nakalagay sa ilalim ng bookshelf. Parang ayaw niya itong buksan, pero para bang hinahatak ng damdamin.Dahan-dahan niyang inilabas ang kahon, at mula roon ay lumantad ang

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 25: Mga Bulaklak

    Pagbukas ni Arielle ng pinto ng opisina niya that morning, napahinto siya.The entire space was transformed.Vases of fresh white roses lined the window sill, red petals scattered across her desk, and in the center, isang malaking bouquet na halos hindi niya mabuhat. Attached to it was a small card with nothing but two words, written in Marcus’ familiar, neat handwriting:“For you.”Her breath caught in her throat.“Ms. Velasco?” her assistant poked her head in, eyes wide. “Iba rin pala ang sweet side ni Mr. Vergara? Grabe, parang isang buong flower shop!”Hindi nakasagot si Arielle. She just walked slowly inside, her fingers brushing over the petals. It was overwhelming. Beautiful. But also… terrifying.Hindi siya sanay sa ganitong klase ng gesture. Hindi mula kay Leonardo. Hindi kailanman.At that moment, a soft melody filled the room. Napalingon siya.Her assistant quickly pointed to a small black box on her desk. “May iniwan din po siya. Parang music player.”"Salamat, iwan mo mun

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 24: Nalilito at Nasasaktan

    Nakatitig si Arielle sa bintana ng hotel café habang hinihintay si Leonardo. The business trip was finally over. Sa loob ng ilang araw, she had been forced to spend time with him, meetings, dinners, long silences, and the unexpected moments na minsan ay naglalabas ng ibang side ni Leandro.At doon siya nagkamali.She had seen him laugh, kahit saglit lang. She had seen him step in when things got messy sa presentation. She had even seen him show a flicker of softness, kahit ayaw nitong ipahalata. And now… now she couldn’t stop herself from remembering every little detail.“Thinking too much?” Leonardo’s voice broke her thoughts.Napalingon siya. Nakatayo ito sa harap niya, freshly pressed suit, calm as ever, parang wala lang. He sat across from her, placing his phone on the table.“Hindi naman,” she lied softly, taking a sip of her coffee.“Good,” he said simply. “Don’t think. Just move.”Her brows knitted. “Ganun lang? Parang… parang laro lang ba talaga ang lahat sa iyo, Leonardo?"Le

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 23: Damdamin na Hindi Maikubli

    Maaga pa lang ay gising na si Arielle. Buong gabi halos hindi siya nakatulog, iniisip kung narinig ba talaga ni Leandro ang mahinang bulong niya kagabi. Habang nag-aayos siya ng sarili, pinilit niyang huwag ipahalata ang bigat ng iniisip. Pero ramdam niya, lalabas at lalabas ito sa kilos niya.Pagbaba niya sa dining area ng hotel, nandoon na si Leandro, nakaupo habang binabasa ang ilang papeles. Nakasuot pa rin ito ng puting polo na parang bagong plantsa, neat as always, at hindi mo aakalain na pareho silang halos walang tulog.“Good morning,” tipid na bati ni Arielle, sinubukan ang casual tone.Tinapik ni Leandro ang lamesa sa harap niya. “You’re late. Akala ko ikaw ang laging maaga.”“Excuse me? Five minutes lang ‘to.” Inirapan siya ni Arielle habang umupo. “Ikaw kaya ang naunang bumaba. Hindi ibig sabihin late na ako.”Nagtaas ng kilay si Leandro, inilapag ang hawak na tasa ng kape. “Sensitive.”“Annoying,” balik niya agad, sabay kuha ng tinapay.Pareho silang natahimik pagkatapos

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status