Maingay ang bar. Tawanan, kantiyawan, tunog ng mga basong nagbabanggaan. Pero sa pinakadulong booth, mag-isa lang si Leonardo, nakatitig sa baso ng alak na para bang nando’n lahat ng kasagutan na matagal na niyang hinahanap. Mabigat ang bawat lagok. Masakit ang bawat lunok. Para bang bawat patak ng whiskey ay may kasamang alaala na ayaw na ayaw na niyang balikan. Pero gano’n yata talaga ang sakit—kahit anong pilit mong lunukin, bumabalik pa rin. Mas matalim. Mas malupit. Flashback. “Leo, hindi mo naman kailangang gawin ‘to,” mahinang sabi ni Daniella noon, habang nagkakapatong ang mga librong binili niya mula sa sahod na halos wala na siyang itinira para sa sarili. Ngumiti siya noon, kahit ramdam na ramdam ang pagod. “Gusto ko. Huwag mong isipin na tinutulungan lang kita. Isipin mo na ini-invest ko ‘to para sa atin. Para sa future na bubuuin natin.” At sa sandaling iyon, nakita niya ang mga mata ni Daniella, puno ng ningning, puno ng pangako. Hanggang sa araw na iyon.
Hinawakan ni Leonardo ang manibela nang mas mahigpit kaysa kinakailangan, ang kanyang panga ay umigting, ang mga mata ay nakatutok sa daan. Malabo ang mga ilaw ng lungsod sa ilalim ng ambon, ngunit hindi siya makapag-focus. Something felt… off. He had left the office hours ago, but the image of Arielle, ang katigasan ng ulo, ang distansya, ang tingin na ibinigay niya kanina. Sa bawat pagtatangkang itaboy ang alaala, mas matindi at mas nakakainis itong bumabalik. “Damn,” he muttered under his breath, shaking his head. “Bakit ba kailangan mo na lang palagi gawing komplikado ang lahat?" And then, out of nowhere, he saw her. There she was, standing in the middle of the sidewalk, wala siyang payong, basang-basa na ng ulan, mag-isang niyayakap ang sarili. Leonardo’s chest tightened, hindi dahil sa galit kun'di dahil sa iritasyon at paga-alala na ayaw niyang tanggapin. He slammed the brakes. The tires screeched slightly on the wet asphalt, drawing a few glances from passersby. N
“Mr. De Vergara, pasensya na, pero kailangan naming sabihin nang diretsahan,” malamig pero may kaba ang boses ng isa sa mga investors. “Ang engagement mo kay… kay Miss Velasco, sa totoo lang, hindi magandang tingnan. The press is buzzing. Her background, hindi siya galing sa mundo natin. I mean yes, may background sa industry ang pamilya niya pero hindi gano'n katibay. It might damage your image, and by extension, the company’s.” Napatigil si Arielle sa paglalakad nang marinig ang sariling pangalan mula sa loob ng conference room. Dumaan lang siya para kunin ang naiwan niyang folder, pero biglang nanlamig ang katawan niya. “Hindi personal,” dagdag ng isa, halatang nahihirapan maghanap ng tamang salita. “Pero… she doesn’t belong. Walang koneksyon, walang credibility.” Tahimik saglit. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Leandro. “What did you say?" Isang salita lang, pero parang kumidlat sa loob ng silid. Mabilis na natahimik ang lahat. “Kung may sasabihin kayo, siguradu
Simula nang bumalik si Arielle sa mansyon, parang nag-iba ang himig ng buong paligid. Dati, kahit puno ng tensyon, maririnig pa rin ang pagtatalo nila, ang mga sigaw, o kahit ang mga mabibigat na salita ni Leandro. Pero ngayon, ang katahimikan ang siyang umuukit ng lamat sa hangin. Tahimik si Arielle. Walang pagtingin, walang salita. Kung makikita siya ni Leandro sa dining table, palaging nakatungo, kumakain lang kung kinakailangan, walang kahit anong pagtutol. Kung may utos, susunod siya. Kung may tanong, maikli ang sagot. “Handa na,” sabi niya minsan habang inihahain ang kape. Walang emosyon, walang tingin. Nakatitig lang si Leandro sa tasa, kinuha iyon na para bang hindi siya naroroon. Wala siyang sinabi, wala ring reaksyon. Parang wala silang koneksyon kundi ang hangin sa pagitan nila. At kahit na ganyan, ramdam ni Leandro ang pagbabago. Oo, bumalik si Arielle. Oo, nasa mansyon pa rin siya. Pero ang katahimikan nito ay hindi kapareho ng dati. Kung dati, pinupuno niya ang bahay
Tahimik ang buong opisina ni Leandro nang gabing iyon. Nasa mesa pa rin ang mga papel ng kompanya pero ni hindi niya magawang tignan. Ang paulit-ulit lang niyang naririnig ay ang sariling boses, malupit, malamig, at nakakasugat. "Whore." Napakuyom siya ng kamao. Napahampas sa mesa hanggang sa natumba ang baso ng alak na hawak niya kanina pa. “Damn it!” mariin niyang mura, mariin ang bawat hinga. Hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit, sa tuwing hindi niya makontrol si Arielle, lagi siyang nauuwi sa salita o galaw na siya mismo ang kinamumuhian. Gusto niyang magalit sa kanya, pero mas galit siya sa sarili. Bumalik sa alaala niya ang mukha ni Arielle kanina, yung paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, puno ng sakit at galit, pero may halong takot. At iyon ang pinaka-ayaw niya. Hindi siya kailanman gustong katakutan nito. Pero anong ginawa niya? Siya mismo ang nagtulak dito palayo. Napahiga siya sa swivel chair, pinikit ang mga mata. “Anong
Sa labas ng hotel, sa fountain area… Malamig ang hangin, sumasabay sa lamig na gumagapang sa balat ko. Ang mga ilaw mula sa ballroom ay natatakpan na ng gabi, pero rinig pa rin ang mahihinang tugtog mula sa loob. Sa paligid, may iilang guests pang naglalakad palabas, pero sa may fountain, halos kami lang ni Marcus ang tao. “Arielle.” Tinawag niya ulit ang pangalan ko, seryoso ang tono. Hindi kagaya ng madalas niyang banayad na boses, ngayon, may bigat. “Marcus…” halos bulong ko. “Bakit mo ako pinatawag dito? Alam mong delikado, baka may—” Hinawakan niya ang kamay ko bago ko pa matapos ang sinasabi. Mainit ang palad niya, mariin ang pagkakahawak. Para bang gusto niyang ipaalam na hindi niya hahayaang kumawala ako. “Because I can’t stand seeing you with him anymore,” diretso niyang sabi. “Hindi mo kailangang tiisin si Leandro. You can choose me.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. “Marcus… hindi ito gano’n kasimple. May pinanghahawakan siyang kondisyon, a