Share

Married To A Cold-Hearted Billionaire
Married To A Cold-Hearted Billionaire
Author: Matteo Lucas

CHAPTER 1

Author: Matteo Lucas
last update Last Updated: 2023-01-10 06:35:58

Mainit pa rin ang panahon sa Manila sa buwan ng Setyembre at sa umaga at gabi lamang mararamdaman ang lamig ng huling bahagi ng tag init.

Madaling araw pa lang ay gising na si Aurora para maghanda ng almusal para sa pamilya ng kanyang nakakatandang kapatid. Tapos nagliligpit ito ng mga laruan sa sala, at nagwawalis ng sahig. Nang matapos ay, kumuha siya ng dalawang mainit na pandesal, dala niya rin ang kanyang mga personal na mga dokumento at tahimik na umalis sa bahay ng kanyang kapatid. .

"Mula ngayon, ang mga gastusin natin, maging ito man ay living expenses, o mortgage at car loan, ay ang mahal na. At ang iyong kapatid na babae na nakikitira dito ay kailangan magbayad na din, hindi na pwede ang libre sa panahon ngayon!”

Ito ang narinig ni Aurora sa sinabi ng kanyang bayaw nang mag-away ito ng kanyang Ate kagabi.

At upang hindi mahirapan ang kanyang ate, kinailangan niyang umalis sa bahay ng kanyang kapatid, naisip niya rin upang maging maayos ang Ate niya ay napagdesisyunan niyang magpakasal.

Ngunit ang problema ay gusto niya mang magpaksal ngayon ay wala naman siyang kasintahan kaya nagpasya siyang pumayag sa hiling ni Lola Gloria na pakasalan ang nakakatandang apo nito na si Franco Montefalco. Ang sabi ng Lola Gloria nahihirapan daw itong makahanap ng tamang babaeng pakakasalan dahil sa mahirap itong pakisamahan.

Habang naglalakad sa kalsada ay nagkataong may bus na nakaparada sa gilid nito. Humakbang si Aurora at nakita niya na ang rota nito ay dadaan sa City Civil Registry Department, sumakay siya ng bus.

Pumili siya ng upuan sa tabi ng bintana at umupo. Nang umandar na ang sasakyan, nanatili siyang nakatingin sa tanawin sa labas ng bintana.Makalipas ang dalawampung minuto, bumaba si Aurora mula sa bus sa harap mismo ng City Civil Registry Department.

"Aurora."

Pagbaba ng sasakyan, narinig ni Aurora ang isang pamilyar na boses, si Lola Gloria iyon.

"Lola Gloria."

Mabilis na naglakad si Aurora at nagbigay galang siya dito sa pamamagitan ng pagmamano, nang matapos ay napansin niya ang isang matangkad at seryosong lalaki na nakatayo sa tabi ni Lola Gloria, na maaaring si Franco Montefalco, ang taong pakakasalan niya.

Dahil sa halos malapit sila sa isa’t-isa ay mas nakita rin ni Aurora nang malinaw nitong mukha nitong Franco Montefalco, at hindi niya maiwasang hindi mamangha dito.

Ayon kay Lola Gloria, tatlumpu’t limang taong gulang na ang kanyang panganay na apo na si Franco Montefalco, subalit nahihirapan itong makahanap ng karelasyon, at hindi man lang magka nobya. Samantalang nagkakilala naman sina Lola Gloria at Aurora sa isang daan ng inalalayan at tinulungan ni Aurora ito papunta sa hospital. Nakita niya kasing bigla itong nahilo at muntik ng matumba sa gilid ng kalsada.

Matapos makilala ang isa't isa, labis na hinangaan ni Lola Gloria ang personalidad ni Aurora, at nang malaman niyang walang kasintahan si Aurora sa edad na bente syete, ay iminungkahi nito na bakit hindi na lang siya magpakasal sa apo nitong si Franco.

Simula noon ay laging iniisip ni Aurora na si Franco Montefalco ay nasa thirties na at hindi man lang nagkaroon ng kasintahan, siguro ay pangit ito. Kasi kung tutuusin, ayon kay Lola Gloria, ay isa itong executive ng kumpanya nila kaya impossible ang bagay na hindi ito makahanap ng kasintahan.

Sa kabilang banda naman kasi ang mga lalaking successful sa career kadalasan ay single pa rin, either mataas ang vision at masyadong mapili, o sobrang pangit, pangit na kahit mga gold digger ay hindi kayang patulan ito.

At ang buong akala ni Aurora ay ubod ng pangit si Franco Montefalco.

Ngunit ngayong nagkita na sila ay napagtanto niya na nagkakamali pa la siya, dahil si Franco Montefalco ay napaka gwapo, ngunit may malamig na ugali, nakatayo lang sa tabi ni Lola Gloria, na may malungkot na mukha, napaka-cool ng dating, pero nagpapalabas ng aura na hindi dapat malapitan ng mga estranghero.

Sa hindi kalayuan ay may nakaparada na itim na sasakyang pang negosyo, ang logo ng sasakyan ay M Corporation, hindi ito isang marangyang sasakyan na may milyun-milyong peso ang halaga, kaya naramdaman ni Aurora na posibleng magkasundo sila nito.

Alam ni Aurora na sobra siyang dependent sa Ate niya, siguro dahil sa ayaw niyang mawalay dito at sa mga pamangkin niya,Kaya siya may lakas ng loob at kapal ng mukha ng manirahan kasama ng kapatid niya. Sa katunayan, hindi naman masama ang kanyang kita sa bookstore. Siya at ang dati niyang kaklase at kaibigan ay nagbukas ng bookstore sa harap ng eskwelahan ng sa lungsod ng Maynila.

Sa kanyang mga bakanteng oras, ay may mga gadgets siya na pinamimili at binebenta ang mga ito online, at naging maganda ang bentahan.

Sa loob ng isang buwan, pagkatapos ibawas ang lahat ng mga gastos at gastos sa bookstore, ang mga kita ay ibinabahagi ng pantay-pantay sa kanya at sa kaibigan niya. Kaya kasama ang kita mula sa kanyang online na tindahan, ang kanyang buwanang kita ay pumapalo higit sa 20,000 pesos.

Gayunpaman, hindi alam ng kanyang bayaw ang kanyang kinikita. Ang akala nito ay hindi kumikita ang bookstore niya dahil masyadong maraming kompetensya, kaya hindi niya ito nagustuhan kahit na kailan.

Sa katunayan, binibigyan niya ang kanyang kapatid ng 10,000 pesos sa isang buwan, na ginagamit para sa pagkain at bayad sa upa. At pinakiusapan niya rin ang kanyang kapatid na itabi ang kalahati para magamit sa emergency, at huwag ipaalam sa kanyang bayaw.

Alam ng kapatid niya ang isa o dalawang bagay tungkol sa kanyang kita, at laging sinasabi sa kanya na huwag gumastos ng pera kung hindi naman kinakailangan at mag-ipon ng pera para makabili ng bahay sa loob ng dalawang taon upang magkaroon siya ng sariling matitirhan.

"Aurora, ito ang panganay kong apo na si Franco isang matandang binata at walang nobya sa edad na 35. Gayunpaman, kahit medyo malamig siya, maalalahanin naman ito. Iniligtas mo ang buhay ko at halos tatlong buwan na rin tayong magkakilala kaya, maniwala ka sa akin, hindi kita ipagkakalulo sa aking apo kung masama itong tao.”

Nakikinig si Franco sa paglalarawan ng kanyang lola tungkol sa kanya, at tumabi kay Aurora na may malalim at malamig na mga mata, ngunit hindi umimik.

Malamang sa sobrang daming beses na akong ni-reject ng lola ko kaya may immunity ako.

Alam ni Aurora na si Lola Gloria ay may tatlong anak na lalaki, at bawat isa sa tatlong anak na lalaki ay nagbigay sa kanya ng tatlong apo. Si Lola Gloria ay may siyam na apo sa kabuuan, ngunit wala siyang apo na babae. At ng sa panahon na iniligtas siya ni Aurora, ay nahulog ang loob niya dito at magkasundo sila sa isa’t-isa. Kaya itinuring niya si Aurora na parang tunay niya ring apo.

"Lola Gloria."

Bahagyang namula ang mukha ni Aurora, ngunit iniabot pa rin niya ang kanyang kanang kamay kay Franco, at nagpakilalang nakangiti: "Mr. Montefalco, hello, ako po si Aurora."

Subalit imbes na abutin nito ang kanyang kamay ay ang matatalim na mga tingin ni Franco Montefalco ay ibinigay nito kay Aurora na halos pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik-balik pa. At dahil dun ay pasimpleng tumikhim ng mahina si lola Gloria para paalalahanan ito. Kaya napilitan si Franco na abutin ang kamay ni Aurora at kinamayan ito.

Mahina at malamig din ang boses: "Franco Montefalco." pakilala nito.

Pagkatapos makipag kamay, itinaas ni Franco ang kanyang kamay. Sa pagtingin sa relo gamit ang kanyang kaliwang kamay, sinabi niya kay Aurora "Napaka-busy ko, bilisan natin."

Huminto si Aurora.

Nagmamadaling sinabi ni Lolo Gloria: "Pumasok na kayong dalawa at para maging pormal at legal ang lahat, maghihintay ako dito sa inyo.”

"Lola, sumakay ka na sa kotse, ang init sa labas."

sabi naman ni Franco habang tinutulungan si Lola Gloria pabalik sa sasakyan.

Habang pinagmamasdan ni Aurora ang mga kilos ni Franco, naniniwala si Aurora sa mga salita ni Lola Gloria. Si Franco Montefalco ay parang kakaiba, ngunit siya rin ay maalalahanin.

Samakatuwid dahil sa parehos na estranghero sa isa’t-isa sina Franco at Aurora ay sinabi ni Lola Gloria na mayroon siyang bahay sa ilalim ng kanyang pangalan, at ito ay bayad na ng buo. Kung pakakasalan niya si Franco, maaari siyang umalis sa bahay ng kanyang Ate, at makati tiyak ang kanyang kapatid na hindi niya kailangang patuloy na makipagtalo sa kanyang asawa ng dahil sa kanya.

Hindi nagtagal, bumalik si Franco sa tabi ni Aurora at sinabi sa kanya, "Tara na."

Nagsimula silang maglakad at huminto si Aurora sandali, pagkatapos ay tahimik na sinundan si Franco sa loob ng City Civil Registry Department.

Sa opisina ng pagpaparehistro ng kasal, pinaalalahanan din ni Franco si Aurora: "Miss Aurora, kung napipilitan ka lang ay pwede ka namang umatras, at kalimutan ang mga pinagsasabi ng aking lola, alam mo naman na ang kasal ay isang malaking bagay, hindi isang biro. "

Umaasa naman si Franco na aatras si Aurora dahil sa mga sinabi niya. Dahil ang totoo ay ayaw niyang magpakasal, lalo pa't magpakasal sa kakaibang babae na unang beses niya pa lang naman nakilala.

Si Aurora ay tulad ng inilarawan ng lola niya, bata, maganda, at medyo matalino, ngunit hindi sila magkakilala.

Ilang buwan na siyang kinausap ng kanyang lola tungkol dito. Siya ay pinalaki ng kanyang lola mismo, dahil masyadong abala naman ang kanyang mga magulang noong bata pa siya. Sa kanilang lahat na mga apo ay siya ang pinaka-matulungin sa kanyang lola. At sa paulit-ulit na hiling ng kanyang lola, wala siyang choice kundi pumayag at pumunta sa lugar kung saan siya ngayon.

"Dahil sa pumayag na ako, kaya’t hindi ko na babawiin pa ang mga sinabi ko."

Ilang araw din itong pinag-isipan ni Aurora bago siya magdesisyon, at ngayong nakapag desisyon na siya, hindi na niya ito aatrasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 56

    MAS lalong naramdaman ni Franco at pagsiksik ni Aurora sa kanya at humigpit ang yakap nito. Bigla niya tuloy naramdaman ang pagdikit ng dibdib nito sa braso niya that makes him feel awkward and stiff at the same time. Kaya naisip niya that he needs to do something para makaalis sa tabi ni Aurora dahil baka kung hindi ay di niya mapigilan ang sarili at bumigay siya. And he can't let that happen. "Tsk, bitawan mo na nga ako at pumasok ka na sa loob ng silid mo at doon matulog. Hindi unan ang balikat ko ano! " Pagkasabi ni Franco ng ganun ay agad itong tumayo at syempre nakita niya ang mga nabasag na piraso ng mga tasa at isa-isa niya itong pinulot. Tumayo naman kaagad si Aurora at naaalala ang mga nabasag na tasa at kumuha ng dustpan at walis. "Ito ilagay mo dito at ako na maglilinis niyan." sabi pa ni Aurora. Pero kinuha lang ni Franco sa kanya ang dust pan at walis, "ako na sige na bumalik ka na sa kwarto mo." Pero hindi sumunod si Aurora at hinintay niyang matapos si Franco. "

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 55

    MGA ilang minuto pa lang nakalipas ng marealized ni Franco na hindi dapat siya ganito kay Aurora pero bago pa man ito makapag react ay bumangon si Aurora at humarap upang tingnan si Franco. Di naman sinasadya na timing rin ang pagtingin ni Franco sa kay Aurora.In that moment ay nagtama ang kanilang mga tingin. Nakaramdam ng tensyon si Franco ng mangyari iyon. Matagal bago ito nag-iwas ng tingin at nagsalita, "Tinitingnan mo ba ako ng ganyan dahil sa iniisip mo ba kung may katotohanan ang aking mga sinasabi?" Kahit na malamig ang personalidad ni Franco pero maayos ang pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanilang magkakapatid. Ang lalaki sa kanilang pamilya ay mapagmahal sa asawa at lumaki siyang inuulit iyon ng kanyang lolo sa kanila.Naalala niya pa na minsang sinabi ng kanyang ama na ang lalaking marunong lamang mang-abuso sa kanyang asawa ay hindi mabuti at hindi totoong lalaki!"Mr. Franco.""Hmm..." Sabi ni Aurora, "Maraming salamat at naniniwala ako sa iyo."Nag-atubiling

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 54

    ALAM na alam ni Elsa na sobrang dehado siya sa sitwasyon kaya naniniguro lang din siya. Halata naman noon pa lang na ang pamilya ni Anton ay interesado sa kanilang bahay at lupa. Gusto nilang makihati. Kaya nga sobrang pagsisisi rin ang naramdaman ni Elsa dahil sa nagtiwala siya ng lubos kay Anton sapagkat ang bahay at lupa ay nakapangalan lamang kay Anton dahil ng binili ito ay di pa sila kasal. Itim ang mukha ni Anton sa mga narinig niya mula sa kay Elsa, "Ang isang bata ay 5,000 pesos; bakit hindi ka na lang magnakaw sa bangko? Maghiwalay? Akala mo ba ay bata ka pa rin at labing-walong taong gulang? Alalahanin mo ikaw ay kasal na, may anak na, walang trabaho, mataba na parang baboy, at sobrang pangit na kahit sino ay walang magkaka interest! At kaya mo bang supurtahan ang sarili mo!?"Nagpintig ang tenga ni Elsa ng marinig ang mga sinabi sa kanya ni Anton. Nasaktan siya at nainsulto. Hindi niya inakala na maririnig niya ang mga bagay na iyon sa kay Anton. Mas lalong bumilis ang p

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 53

    BAGO pa makapagsalita si Elsa ay nagsalita ulit si Anton na mas lalong ikinagalit nito. " Nagsabi rin sina Ate na kung pupwede sa kanila muna ipangalan ang titulo ng bahay dahil sa loan na plano nilang eh proseso at syempre may hati rin tayo doon dahil dito mag sta-stay ang mga pamangkin ko sa bahay natin."Nang marinig iyon ni Elsa ay tila umuusok na ang kanyang ilong at tenga sa sobrang gigil dahil sa mga pinagsasabi ni Anton.Sinabi ni Elsa nang malamig, "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Anton? Akala mo ba nandito lang ako sa loob ng bahay at kumakain lang? Halos lahat ng mga gawain dito ay ako pati na rin ang pag-aalalaga kay Boyet, lahat ng iyon Anton tinitiis ko para sa anak natin at sa pamilyang ito pagakatapos may mga ganyan kang desisyon!?."Taas baba ang dibdib ni Elsa sa sobrang gigil na nararamdaman dahil sa mga naging desisyon at pag sang ayon ni Anton sa kapatid nito."Pero ang dalawang anak ng kapatid mo ay wala akong kinalaman; hindi ko sila responsibilidad, at hind

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 52

    Kalaunan ay nagtipon ang pamilya ni Anton upang kumain at ubusin ang pakwan na hiniwa niya kanina at nanood ng TV sandali, at pagkatapos ay pumasok na rin sila sa kuwarto upang magpahinga. Mananatili sila dito ng ilang araw. Ngayon na lumipat na si Aurora, may isa pang kuwarto na bakante, sapat para sa pamilya ng ate niya sa oras na manirahan na sila sa bahay nila. Papasok na sana si Anton sa kwarto nila ni Elsa ng biglang bumulong si Luisa sa kanya, "Alam mo bang maraming binili si Aurora at ang kanyang asawa kanina. Tapos itong asawa mo galit na galit nang dalhin niya lahat ng mga iyon sa kuwarto niyo. tapos nakita ko puno ng magagandang bagay ang paperbags. May mga mamahaling sigarilyo at masarap na alak; bigyan mo ng konti ang iyong kuya ha. Isa pa hindi naman umiinom o naninigarilyo si Elsa kaya hindi niya iyon kailangan. At hindi pa nakakainom ng masarap na alak si Papa kaya bigyan mo rin siya." Ngumiti lang si Anton sa tinuran ng kanyang ate, "Ate, ano ba kung gusto mo ang

  • Married To A Cold-Hearted Billionaire   CHAPTER 51

    Si Luisa ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi kalayuan ang paaralan dito, at hindi labis sabihin na hindi magiging problema kung dito mananaitili ang mga bata pag lumipat sila dito sa syudad".Hindi nagsalita si Anton kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Luisa."Siguro ay okay lang naman kay Elsa ang pag-aalaga sa dalawang bata, maglaba at magluto lang naman ang hinihingi namin, at kung ang gastusin sa pagkain ay..."Pinutol ni Anton ang sasabihin pa ng Ate Luisa niya, "Ate, pamangkin ko 'yun; hindi na kailangan magbayad sa pagkain. Hahanap ako ng makakatulong sa dalawang bata sa proseso ng paglipat nila ng paaralan at si Elsa na lang ang mag-aalaga sa kanila araw-araw. Isa pa wala rin naman siyang ginagawa sa bahay."At dahil sa naging tugon ni Anton ay natuwa si Luisa at ang kanyang asawa. Akala pa nga ni Luisa ay baka hindi ito pumayag dahil natahimik ito.Agad namang sumabat ang Mama nila na si Dolores, "Anton, kailangan mong pag-usapan ito kay Elsa. At alalahanin mo may parte rin si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status