Accueil / Romance / Married To My Evil Boss: Instant Mommy / Chapter 10: Meeting the Kontrabida

Share

Chapter 10: Meeting the Kontrabida

Auteur: jhowrites12
last update Dernière mise à jour: 2025-08-07 21:34:34
Justine's Point of View

"Ho?"

Muntikan ko ng mabitiwan ang baby nang bigla na lang ibigay iyon sa akin ni Sir Xander. Pero nang titigan niya ako nang masama ay nagets ko agad ang ibig niyang sabihin. Nga naman, nagpapanggap na pala kami at kailangan kong sumunod sa agos.

Napatitig ako sa sanggol na nasa bisig ko. Wala sa usapan namin ang ganito. Instant mommy ako agad ni wala siyang sinabi.

Wala nga ba? Baka nasa kontrata na naman iyon? Lagot na talaga ako nito! Sa pagiging mukhang pera ko, inilubog ko yata sa kumunoy ang sarili ko.

"Xander..." muli siyang tinawag ng magandang babae. Hindi na maipinta ang hilatsa ng mukha nito. Parang maiiyak na...galit?

"Mary Jane, meet my wife, Justine..."

"Tin na lang," sabat ko. Nakangiti pa ako pero lalong nalukot ang mukha ng babae.

"Wife?" Tila hindi ito makapaniwala. Napatingin muli sa akin. "Siya ang ginawa mong asawa?"

Kumunot ang noo kong napaangat ang tingin kay Sir Xander. Nakatitig siya sa babae. Seryoso ang mukha ni Sir Xand
jhowrites12

Buti na lang palaban ang bida natin dito.

| 14
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (6)
goodnovel comment avatar
Nemia Estrada Santos
Anu b nagyari ikot nalang ikot
goodnovel comment avatar
Teresita Reynaldo
Ms a dapat consistent Ang pagihing palaban gang dulo
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ayan na nga at makakapapel pa rin si Mary Jane sa buhay nina Xander at Tin.
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 50

    Justine's Point of View Wala akong naiintindihan sa nangyayari ngayon. Basta ang alam ko, kailangan ako ni Sir Xander gaya ng sabi ni Grandma Teresa kagabi. Kinausap niya ako at iyon nga ang sabi niya, huwag kong pabayaan si Sir Xander. Ibinilin niyang manatili ako sa tabi niya kahit anong mangyari. Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng matandang ngayon ay nakatalikod na at paalis sa harapan namin. Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Sir Xander. So ibig sabihin, hindi siya tunay na apo ni Grandma? Hindi daw siya tunay na Dela Vega eh. Kaya ba gusto siyang patalsikin bilang boss sa kompanya na pinamamahalaan niya?Ang gulo nila. Pero kung malilito ako ay hindi ko magagawa ang misyon kong ibinigay ni Grandma kagabi. Kaya dapat ay mag-focus ako doon."Okay ka lang Sir Xander?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya at bumulong. Mahirap nang marinig ako sa tawag ko sa kanya. Hinila niya ang kamay niyang hawak ko pero hindi ko binitiwan. Ramdam ko pa rin ang panlalamig ng mga palad

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 49: Hindi Tunay na Dela Vega

    Xander's Point of View A rare view. Biglang nawala ang kayabangan ng kamag-anak ni Grandma nang malaman na may asawa na ako. Para silang mga maamong tupa na natakot sa Leon na maaaring lumapa sa kanila. Sa tingin kasi nila ay hindi lalai ang kuting na minamaliit nila noon. I knew it! Ikinakatakot nila ang pagkakaroon ko ng asawa. Paano pa kaya kung nalaman nilang may anak na ako? Lalo silang pinagbagsakan ng langit at lupa kung nagkataon. Hindi ko na mahintay makita iyon. It is because I have an heir to pass the throne. Mas lalo silang mawawalan ng pag-asang makuha ang kompanya sa amin dahil may anak na akong susunod sa akin. As long as Grandma Teresa have me as her family, us I should say. Wala silang magagawa kundi ang umasa lamang na makuha ang kompanya. "Ate, is this a joke? If you want to make us laugh? Wow! You did it!" aniya ni Lolo Zaldy na tumawa pa pero halata naman na napipilitan lamang. Ang ilan sa mga kamag-anak na sa kanila kampi ay tumawa rin. Nakitawa si

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 48: Meet the family

    Justine's Point of View Mas istrikto. Mas nakakainis. At lalong hindi ako makareklamo kay Sir Xander. Talagang kailangan kong matanggal ang halos kinagawian ko na habang kumakain. Kung si Grandma ay mahinang pinapalo lamang ang tuhod ko kapag umaangat iyon, siya pinipitik pa talaga iyon. Kulang na lang ay balian niya ako ng buto para makuha ang gustong postura ko. At sa ilang araw nilang pagtuturo sa akin. Nagawa kong isaulo at kahit nahihirapan ay natanggal ko iyon habang nasa hapag kami. Ngayon nga ay ang oras na ng family gathering nila at sa tingin ko naman ay ready na ako.May kaba akong nararamdaman pero hindi ko iyon ipinapahalata. Ang sabi ni Grandma, kung makikitaan nila ako ng takot ay lalo nila akong lalamunin ng buhay. Kaya lalaban ako. Bilang asawa ni Sir Xander at apo ni Grandma. Para na rin sa milyones na makukuha ko siyempre. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi. Paano ay halos lahat kami ay nakaputing damit. Hindi ayon sa motifs na sinabi mula sa invitati

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 47: Do I like her

    Xander's Point of ViewI told them to give her the simplest gown they have. Pero bakit lahat ng iyon ay umaangat sa tuwing suot ni Tin? Napakaganda niya sa lahat ng gown at kailangan ko pang pilitin ang sarili ko na sabihing hindi maganda ang mga iyon para lang palitan niya. And yet every gown, mas nagiging angat ang ganda niya.I was looking at my phone when she went out of the fitting room again. Parang ayaw ko na ngang tumingala."Last na ito Sir Xander. Bahala ka na sa buhay mo kapag hindi mo pa ito nagustuhan. Magsusuot na lang ako ng pamunas ng sahig para mas matuwa ka!" Natawa ako habang inaangat ang aking paningin mula sa cellphone. Naisip kong mas maigi na nga yatang basahan ang ipasuot ko para hindi siya mapan—..."Ano na? Ayaw mo pa rin ito? Ito na ang huling simpleng damit!" ika niyang nawawalan na ng pasensiya sa akin.Kumibot ang mga labi kong nakanganga nang bahagya. Kung hindi ko lang naramdaman na tila tutulo ang laway ko ay hindi ko pa iyon ititiklop. I was...Am

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 46: Nakakainis

    JUSTINE'S POINT OF VIEW "Sinasabi ko na nga ba!" Marahas na binitiwan ni Sir Xander ang kamay kong hawak niya. Kahit na ganoon ay hindi naalis ang ngisi sa labi ko. Mukhang pagkatapos ng tatlong taong kunwaring kasal namin ay baka mas mayaman na ako kay Sir Xander. "Wala bang ibang nasa utak mo kundi ang pera?" May yamot sa tinig na ika niya. "Pera ang bumubuhay sa tao, Sir Xander. Kung walang pera, baka namatay na ang nanay ko. Kung walang pera, baka hanggang ngayon, lubog pa rin kami sa putikan. Aminin mo man o hindi, Pera ang nagpapatakbo sa lahat..." ika ko. Sa nakikita ko sa mundo simula noong namulat ako sa hirap ng buhay ay napantanto kong pera ang mas importante. Lalo na sa katulad kong hindi naman ipinanganak na mayaman. Mahirap lang kami at kay hirap kitain ang pera. Pera na halos ipagkait sa amin dahil mahirap lang kami. "Money is the root of evil. Tingnan mo ang mga politiko dito sa Pinas, they become more evil because of their hunger for money. Kayamanan at kapangya

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 45:Ticking bomb

    Xander's Point of View"Tin, can you make me a coffee..."Agad siyang tumayo at humarap sa akin nang mag-request ako ng kape. "Hot or cold Sir Xander?" aniyang parang waitress na nagtatanong ng order. "Hot..." sagot kong iniiwas ang tingin sa kanya dahil may importante akong binabasa ngayon. Kontrata iyon sa magiging boutique na ipapatayo namin."How hot, Sir Xander, high, medium or low?""Medium..." sagot ko kahit ang weird ng tanong niya. Parang steak lang na kailangan may nga level pa ng pagkakatimpla. "Black, with cream and sugar or just..."Tumaas ang tingin ko sa kanya na salubong ang mga kilay. What's with her today? Bakit parang kakaiba ngayon ang kinikilos niya?"You know what I prefer, right? Bakit kailangan mo pang tanungin?" medyo may inis na sa boses ko pero nagpigil pa rin ako. "Ah...sorry sir Xander, nakalimutan ko na. Medyo alam mo, makakalimutin na ako, tumatanda na eh..."Tinaasan ko siya ng kilay. Iniinis ba niya ako? Parang sinasadya niyang inisin ako sa araw

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status