Share

Kabanata 11

Si Marcus, na nasa kabilang linya ng phone, ay nanahimik.

Kahit na nasa kabila siya ng phone, alam ni Josiah na blanko at malamig ang ekspresyon ng mukha ni Marcus. Signature skill na ni Marcus ang panatilihin ang blankong ekspresyon sa kanyang mukha.

“Z…” Umubo si Josiah. “Wala ka bang sasabihin?”

“Ano?” Para bang nakangisi si Marcus base sa tunog ng boses niya. “Binigay ko ‘yun sa kanya. Sa kanya na ‘yun. Desisyon niya kung anong gagawin niya dun.”

“Pero ‘yun ang Le Esse. Sinuot ‘yun ng great-grandmother mo noon!”

Nanatiling tahimik si Marcus at dinagdagan niya ang timbang ng mga dumbbell. Nanginig ang mga muscle niya noong binuhat niya ang mga ito, binuhos niya ang lahat ng lakas niya.

“Magkano niya binenta yung pulseras?”

“Hmm…” Tumawa si Josiah. “Hindi niya ‘to binenta!”

Kumunot ang mga kilay ni Marcus. Nakita niya ang babae na paulit-ulit na sumilip sa drawer kagabi. Nahulaan na niya na ibebenta ni Cordelia ang alahas. Kung sabagay, ninakaw ni Yelena ang $40,000 wedding gift niya mula sa kanya, at nagmamadali siyang bayaran ang mga medical bill ng kanyang ina.

Saan siya kukuha ng ganun kalaking halaga ng pera kung hindi niya ibebenta ang alahas?

Ang hindi inasahan ni Marcus ay pumunta na siya sa mag-aalahas at lalabas siya ng dala pa rin ang pulseras.

“Z, nagkataon na nandito ako ngayon, kaya nakilala ko agad ang Le Esse noong nilabas niya ito. Akala ko ninakaw ‘to sa’yo ng isang magnanakaw na malakas ang loob, pero sis-in-law ko pala ang may dala nito!”

Tumawa si Josiah. “Kakaiba siya, Z. Akala ko nangangailangan siya ng pera kaya sinabihan ko ang tauhan ko na bigyan siya ng mataas na presyo… Syempre, hindi ito maikukumpara sa halaga ng Le Esse, pero siguradong magandang presyo ‘yun para sa kanya!”

“Hmm, at?”

“At…” Kinamot ni Josiah ang kanyang ulo. “Hindi ko inasahan na hindi niya ‘to ibebenta!”

May kakaibang naramdaman si Marcus. Muling sumagi sa isip niya ang nag-aalalang itsura ni Cordelia kagabi.

Mag-asawa na sila. Wala ba siyang balak na magsabi sa kanya? May problema siyang kinakaharap ngunit hindi niya sinabi sa kanya at pinili niyang pasanin ito ng mag-isa…

Tumalim ang mga mata ni Marcus at ngumiti siya.

“Bahala na,” ang sabi niya ng may malalim na tono. “Bantayan mong maigi yung lupa na ‘yun. Ayaw kong makuha ‘yun ng mga Jenner! Ipitin mo din si William Jenner. Sa madaling salita, gawin mo silang miserable.”

“Hindi ba father-in-law mo ‘yun?” Bumuntong-hininga si Josiah. "Z, ano binabalak mong gawin? Hindi maintindihan…"

"Gawin mo na lang ang sinasabi ko kung hindi mo maintindihan. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol dito!"

Nilabas ni Josiah ang kanyang dila.

Magkasama silang lumaki, at matagal na siyang sanay sa pabago-bagong timpla ni Marcus, at umasa siya na may isang babae na magpapasakit sa ulo ni Marcus balang-araw. Para kay Josiah ay nasa harap na nila ang babaeng iyon, pero…

Sumimangot si Josiah. "Z, isa pa nga pala. Sa tingin mo ba na magtatagal kayo ng Cordelia Jenner na 'to… hanggang sa huli?"

Hindi nagsalita si Marcus.

"Ni hindi nga ikaw si Marcus Grist at hindi ka mananatili ng matagal na nayon na 'yan. Hindi magtatagal ay babalik ka din sa Centrolis. Ano nang gagawin ni Cordelia Jenner kapag nangyari 'yun? Matatanggap ba siya ng pamilya mo?"

Matagal na nanahimik ang lalaki sa kabilang linya bago nagsalita ang isang malalim na boses.

"Huwag mong pangunahan ang mga mangyayari sa hinaharap."

"Pinapaalalahanan lang kita. Huwag kang masyadong mahumaling sa kanya…"

"Huwag kang mag-alala. Alam ko kung anong ginagawa ko."

Para bang sinasadya ni Marcus na magwalang bahala.

"Wala akong pakialam sa kasal na 'to. Isa lang 'tong pagkatao na ginagamit ko para magtago."

"Sige." Bumuntong hininga si Josiah. "Sana hindi magbago ang isip mo bago ka bumalik sa Centrolis balang-araw!"

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status