Share

Kabanata 4

"Nilabhan ko 'to!" Ang agad na sinabi ni Cordelia. "Pangako, malinis 'to! Walang problema dito!"

"Hah, nilabhan mo 'to?" Suminghal ang sales assistant. "Miss, bakit mo 'to nilabhan kung isang araw mo lang 'tong nirentahan? Nirentahan mo 'to para magpakasal, hindi para magsaka, tama?"

Namula si Cordelia sa sobrang hiya.

Sa katunayan, hindi gaanong nalalayo sa isang taniman ang kondisyon ng paligid noong kinasal siya. Nilakad niya ang maputik na daan sa nayon sa gitna ng ulan, nadungisan ang kanyang puting wedding dress at sapatos, at nagasgas din ang kanyang mga paa.

Paulit-ulit na inangat ng sales assistant ang palda ng wedding dress at tumingin siya ng masama kay Cordelia.

"Miss, kahit na labhan mo pa 'tong wedding dress na 'to, dry clean lang dapat 'to!

"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng dry cleaning?"

Sinadya siyang insultuhin ng sales assistant nang makita kung gaano siya kainosente. "Hayy, sunud-sunod na nabenta ang mga wedding gown namin mula noong nagbukas kami. Ito ang unang beses na pinarentahan namin ang wedding gown namin… Hah, huwag kang magpakasal kung hindi mo man lang kayang bumili ng isang gown!"

"Hindi ba pwedeng magpakasal ang isang tao ng hindi bumibili ng wedding gown? May batas ba na nagababawal na gawin 'yun?"

Napalingon si Cordelia nang marinig niya ang boses na iyon at nakita niya na pumasok sa boutique si Marcus. Para bang lumamig ang hangin sa paligid ng kanyang mga mata, at napakabigat ng kanyang presensya.

Bahagyang nakasimangot ang kanyang mukha habang palapit siya kay Cordelia at pinulupot niya ang kanyang braso kay Cordelia. Sininghalan niya ang sales assistant, "Sa tingin mo ba puro bulag ang mga taong dumadaan dito para hindi nila makita yung malaking karatula na 'wedding dresses for rent' sa shop niyo?"

"Ikaw—"

"Isa pa, pangkaraniwan lang ang mga style na mayroon kayo dito, at hindi rin naman ganun kaganda ang kalidad ng mga gown niyo. Hindi namin kailangang bumili ng gown!"

Halos tumirik ang mata ng sales assistant sa sobrang inis, "Aminin niyo na lang na hindi niyo kayang bumili! Kapag nakipag-away kayo sa'min… Hah… May designer haute couture din kami!"

Nagtaas ng kilay si Marcus at napansin niya ang isang wedding gown sa isang mannequin sa gitna ng boutique. Isa itong fishtail dress na magpapalabas sa hubog ng katawan ng isang babae. May gintong sinulid na nakatahi sa damit na ito, at may mga dyamante rin na nakakalat sa dibdib nito.

Agaw pansin ang disenyo nito ngunit hindi ito maikukumpara sa magagandang bagay na nakita niya noon.

"Pft, tigilan mo ang pagtingin sa gown na 'to!" Nainis ang sales assistant, "Hindi mo 'to mabibili kahit na titigan mo 'to! Hayy, miss, naaawa ako sa'yo. Napakaganda mo, pero hindi ka namili ng maayos bago ka nagpakasal. Sayang naman ang ganda mo!"

"Walang kinalaman ang isang tagalabas na gaya mo sa anumang namamagitan sa'min ng asawa ko!"

Nagulat si Marcus. Madalas mahinhin at mabait si Cordelia, ngunit agresibo siyang nakikipagtalo ngayon.

Humakbang paharap si Cordelia, at tiningnan niya ng masama ang sales assistant. "Dadalhin ko ang wedding gown sa dry cleaner at ibabalik ko ito dito. Pero kailangan mong humingi ng tawad sa asawa ko para sa mga sinabi mo!"

"Ano?"

Mabait si Cordelia—depende sa taong kausap niya. Matitiis niya kapag inaapi siya ng iba, ngunit kapag inapi ang mga tao sa paligid niya, lalaban siya gamit ang lahat ng mayroon siya—kahit na para sa asawa niya, na ngayon lang niya nakilala at kakakasal lang sa kanya.

Namumula ang mukha niya noong inulit niya ang sinabi niya. "Ang sabi ko, humingi ka ng tawad sa asawa ko!"

Inirapan siya ng sales assistant at hindi siya pinansin nito.

"Hindi ko kailangan ng paghingi niya ng tawad," Ang sabi ni Marcus ng nakangisi habang nakatingin siya sa kanya.

"Gusto mo ba ang wedding gown na 'yun?"

“Huh?”

Sinundan ni Cordelia ang direksyon ng kanyang daliri at nakita niya ang wedding gown na kumikinang ng ginto sa gitna ng boutique. Nabighani siya, ngunit hindi niya maintindihan kung anong gustong gawin ng lalaki.

Nakangisi pa rin si Marcus noong nilabas niya ang card niya at nilapag niya ito sa counter. "Gusto ng asawa ko ang gown na 'yun. Kukunin ko 'to."

Para bang lumamig ang hangin sa paligid. Nanlaki ang mga mata ng sales assistant, at hindi alam ni Cordelia ang kanyang gagawin.

"Marcus, anong ginagawa mo…" Hinila ni Cordelia ang damit ng lalaki at pinaalalahanan niya siya, "Kasal na tayo!"

"Pwede naman tayong bumili para lang may alaala tayo," ang sagot ni Marcus. "Isa 'yang designer haute couture, kaya kailangan siyang sukatan. May mga staff ba ang boutique niyo para sukatan siya?"

Pagkatapos, nahimasmasan ang sales assistant sa kanyang pagkagulat at ngumisi siya. Pinagdikit niya ang kanyang mga kamay at magalang siyang yumuko.

"Sir, talaga bang kukunin niyo 'to?"

"Oo, sukatan mo na ang asawa ko."

"Tatawagin ko lang ang designer…"

"Miss," Ang sabi ni Marcus habang nakataas ang kanyang kilay. "Hindi mo ba kayang gawin 'yun?"

Nanigas ang sales assistant.

"Hindi ko ito kukunin kung hindi ikaw ang magsusukat sa asawa ko."

Nagsimulang mataranta ang sales assistant sa harap ng lalaking ito na may malakas na presensya. Bihira ang may bumili ng ganito, at responsibilidad siya na kunin ang sukat ng mga customer, kaya lumapit siya kay Cordelia pagkatapos niyang kunin ang medida.

"Miss, kukunin ko…"

"Masusukat mo ba ang palda ng ganito?" Suminghal si Marcus habang nakatingin ang madilim niyang mga mata sa sales assistant.

"Para masukat mo ang palda, kailangan mong lumuhod!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status