Share

Kabanata 5

Penulis: Breaking Wave
Biglang nanahimik ang buong boutique. Naawa ang iba sa sales assistant habang sumimangot naman ang huli. Sa kabila nito, tinitigan siya ng dumating na manager, inudyukan siya nito na gawin ang gusto ng customer. Kung sabagay, isa itong mamahaling wedding gown.

Mahinahon si Marcus, at hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti sa kanyang masungit na mukha.

Hindi mapigilan ni Cordelia na humigpit ang kanyang hawak sa kamay ni Marcus.

"Hayaan mo na, huwag na nating bilhin 'yan," ang sabi niya kay Marcus. "Napakamahal ng wedding gown na 'to, at hindi naman natin 'to magagamit…"

"I-swipe mo na ang card." Malamig ang tono ng boses ni Marcus. "

Sa huli, ang manager ng boutique at ang designer ang namagitan sa sitwasyon.

Tumayo si Marcus sa may pinto at nanigarilyo habang sinusukatan si Cordelia sa loob ng boutique. Sa pagkakataong ito, walang sinuman ang nangahas na insultuhin siya. Tumayo sa isang tabi ang sales assistant pagkatapos siyang sermonan ng manager, at paulit-ulit na pinuri ng designer ang hubog ng katawan ni Cordelia. Maging ang manager ay trinato siya ng parang isang VIP, ginawan niya siya ng kape at ikinuha niya siya ng tubig.

Noong umalis na sila sa bridal boutique, malungkot si Cordelia habang pauwi sila. Higit pa sa $4,000 ang halaga ng wedding dress na ito… Kinagat niya ang kanyang labi at tumingin siya sa lalaki sa tabi niya. Walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha at mukha siyang kasing lamig ng isang iceberg.

"Marcus." Hindi na napigilan ni Cordelia ang kanyang sarili paglipas ng ilang oras. "Kailangan nating mag-usap."

Napahinto sa paglalakad si Marcus. Seryosong tumingin sa kanya ang babae gamit ang malalaki niyang mga mata at nakatikom ang kanyang mapupulang mga labi.

"Masyado kang… Masyado kang nagpadalos-dalos kanina."

"Ano?" Kumunot ang mga kilay ng lalaki.

"Noong nasa boutique tayo kanina. Hindi naman kailangang umabot ng mga bagay sa ganun… Bakit kailangan mo pang gumanti at bilhin 'yung gown? Higit sa $4,000 ang halaga nito. Alam mo ba kung gaano katagal tayong mairaraos ng halagang 'yun?"

Hindi niya alam 'yun. Malamang ay napakaliit na halaga lang nito para sa kanya noon.

Sumilip si Cordelia sa kanya, ngunit blanko pa rin ang gwapo niyang mukha.

"H… Hindi kita sinisisi." Naging malumanay siya at sinabing, "Ang ibig sabihin ko lang ay kasal na tayo. Kailangan nating isipin ang hinaharap. Alam ko na gumaganti ka lang para sa'kin, pero pigilan mo ang sarili mo kapag kinakailangan. Mas marami tayong kailangang gastusin sa bahay natin…"

Bahay? Sa hindi malamang dahilan, agad na tumaas ang gilid ng mga labi ni Marcus noong narinig niya ang salitang iyon.

"Isa pa, hindi ko pa nakukuha ang wedding gift ko. Marami pa tayong ibang pwedeng paggamitan nito. Hindi tayo pwedeng gumastos ng malaki."

Pahina ng pahina ang boses ni Cordelia. Napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha nang maisip niya ang kanyang ina, na nasa ospital, at ang kapatid niya, na naghihintay pa rin ng kanyang allowance. Ngunit, hindi niya hinayaan na malaman ito ni Marcus. Siya si Yelena para sa kanya.

"Gumastos ng malaki?" Inulit ng lalaki ang mga salitang ito ng pabulong, may bahid ng tuwa ang tono ng kanyang boses.

"Hindi ba ikaw ang tagapagmana ng mga Jenner? Bakit parang napakatipid mo sa pera?"

Nanlaki ang mga mata ni Cordelia habang kumakabog ang kanyang puso. Agad niyang binago ang usapan. "Nauuhaw ka ba? Bibili ako ng milk tea," ang sabi niya, at nagtungo siya sa isang milk tea parlor sa may kalye.

Natawa si Marcus habang pinapanood niya na natatarantang tumakbo si Cordelia. Nagvibrate ang kanyang phone kasabay nito, at nanigas ang ngiti sa kanyang mukha noong nakita niya ang number.

"Anong problema?"

"Mr. Z," sumagot ang taong nasa kabilang linya ng may malakas na boses. "Malapit nang matapos ang imbestigasyon. Mayroong nagsabotahe sa private jet noong araw na naaksidente ka. Wala pa kaming sapat na ebidensya sa ngayon, pero malaki ang posibilidad na yung taong pinaghihinalaan mo ang may kagagawan nito."

"Magaling." Seryoso ang tono ni Marcus. "Ituloy niyo ang imbestigasyon!"

"Masusunod. Pero… Gaano katagal ka pa mananatili sa nayon na 'yan sa Jangasas, Mr. Z? Sigurado ka ba na ayaw mo pang bumalik sa Centrolis?"
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oo nga mr.z iuwi mo na ang iyong asawa sa mansyon mo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1219

    Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1218

    Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1217

    ”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1216

    Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1215

    ”Lina…” Ngumisi si Gia, nang mapansin niya ang galit sa mga mata ni Lina. Akala niya ay ang galit na ito ay nakatuon kay Linda. “Lina, nauunawaan ko na masama ang loob mo, pero isa itong seryosong bagay. Dapat mong hanapin si Mrs. Thompson para klaruhin ang bagay na ito! “Lina, sa tingin mo ba ay binalak ito ni Mrs. Thompson? Sinadya niyan itago sayo ang bagay na ito, para magdusa si Tita Melissa. At kapag nawala na ito, si Mrs. Thompson na lang ang maiiwan…”“Tapos ka na ba!?” Singhal ni Lina. Ang kape na dala ni Lina ay humulas sa kanyang mga kamay, na nalaglag at bumuhos ang mainit na kape sa likod ng paa ni Gia. Napasigaw si Gia, tumalon-talon na parang payaso. “Lina, ikaw…”“Nilinaw ko na ang sarili ko kanina.” Binitawan ni Lina ang kolyar ni Gia, na naging dahilan para matumba si Gia. “Tutulungan kitang isara yang mabaho mong bibig kung wala kang masasabing maganda!”Nanlaki ang mga mata ni Gia na may halong pagkabigla at takot sa kanyang mukha. Naniniwala siya na a

  • Married a Secret Billionaire   Kabanata 1214

    [Maraming salamat!]Sagot ni Toph: [Hindi mo kailangan maging pormal magkapatid tayo! Sana maging maganda ang iyong gabi~]Kung wala lang si Zuko sa opisina, tiyak na dinala na niya si Toph sa hardin para mag-sparring. -Makalipas ang dalawang araw, nung nasa ibaba si Lina para bumili ng. kape, ng bigla siya may nakitang pamilyar na imahe. “Lina, ang tagal nating hindi nagkita.”Nagulat si Lina, hindi maganda ang itsura ni Gia, hindi na siya kasing sigla nang gaya ng dati sa suot niyang damit at istilo. Tila mas mukha siyang pagod.Gayunpaman, may isang bagay na hindi nagbago—ang katusuhan sa kanyang mga mata.Ngumiti si Lina at sinabing, “Hindi pa naman gaanong matagal. Isang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang matanggal ka.”“Pero hindi naging maganda ang buong linggo ko,” sabi ni Gia, at ibinaba niya ang tingin niya. Nagmukha siyang kaawa-awa dahil sa maputla niyang ekspresyon.Ngunit hindi na tinatablan ng ganito si Lina.“Gia, hindi kita pinapahirapan,” sabi ni Lina

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status