LOGINNagbalik sa isip ni Isabela ang mga putol-putol pero mainit at matinding alaala ng nagdaang gabi dahil sa sinabi ni Rita.
“Anong petsa na ba ngayon? Aksidente lang ’yon.”
“Isabela, namumula ka! Ikaw na yata ang pinaka-inosenteng babae na nakilala ko, hahaha!”
“…” Paano ba naman siya hindi mamumula?
Lalo na’t ang lalaking mukhang pihikan, laging naka-suit at sobrang disente, ay napaka-init pala pagdating sa kama, sa pagiging sensual.
Hindi pa rin niya maisip kung paano nangyaring ang isang cold-hearted na lalaking gaya ni Rafael ay naging gano’n ka attracted..
At habang iniisip niya, lalo lang siyang namumula.
Madiing inalis ni Isabela sa isip ang magulo at medyo malaswang mga larawan sa utak niya at iniikot ang manibela para iparada ang kotse sa tabi ng Rolls-Royce.
Lumapit ang lalaking naka-suit at gentleman na binuksan ang pinto para sa kanya.
Namula agad ang tenga ni Isabela pag-angat niya ng tingin.
Sobra kasi ang tikas ng lalaki.
Simple lang ang suot niyang dark gray na suit, may puting polo sa ilalim, at taglay niya ang isang uri ng tahimik pero makapangyarihang presensya.
“Magaling ka palang mag-drive. Kailan ka kumuha ng lisensya?” tanong niya, habang hinahawakan ang likod ng ulo ni Isabela at ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tainga.
Tumigil ang tibok ng puso ni Isabela.
Gustong-gusto niyang umiwas kaya saglit siyang lumayo, pero hinawakan niya agad ang pulso niya.
“Bakit?”
Sumagot si Isabela, “College ko pa kinuha ’yong lisensya. Wala naman… medyo mainit lang.”
Tinitigan siya ni Rafael nang mariin.
Biglang dumating si Rita na parang official third wheel at agad pumagitna.
“Dad! Kahit maghanap ka ng gulo, tatahimik na sana ako. Pero ngayon bibigyan ko ng wedding gift ang best friend ko, kaya dapat hindi mo kalimutan ’yong gift mo ha!”
Tinuruan niya nang husto ang Daddy niya sa labas ng library noon.
Dahil kung may nangyari na sa kanila ng best friend niya, dapat managot ito.
Napansin ni Isabela ang patama sa mga salita ni Rita at mabilis siyang nasamid.
“Rita! Huwag kang magsalita ng kung anu-ano.”
“Huwag ka nang mahiya. Responsible ang dad ko. Sigurado akong mananagot siya sa ginawa niya. Right, Dad?”
Mahina ngunit malinaw ang pag-sang ayon ni Rafael.
Tumama ang mabigat niyang tingin sa kiss mark sa leeg ni Isabela.
Para siyang tinupok ng init sa sobrang hiya, gusto niyang lumubog sa lupa.
“Tara na!” sabi niya, halos tumakbo na.
Susunod dapat si Rita pero marahan siyang itinulak paatras ni Rafael.
“Ha?” gulat niya.
Ni hindi man lang siya nilingon ni Rafael at mabilis na sinundan si Isabela.
Ang amoy ng cedar sa katawan ng lalaki ay umaabot kay Isabela kaya lalo siyang nataranta at napabilis ang lakad.
“Daddy! Mommy! Hintayin n’yo ako!”
Halos matumba si Isabela sa kahihiyan nang marinig ang “Mommy.”
“Huwag mo nga akong tawaging Mommy.”, nakasimangot na sabi ni Isabela.
“Mabuti nga at magalang siya.”, malamig na sagot ni Rafael.
Kahit awkward na sa sitwasyon, nagpacute pa rin si Rita.
“Tsk, ang ganda-ganda ng mommy ko. Nakakaproud lumabas kasama siya.”
Habang nag-uusap, tatlo silang dumating sa isang lawa.
Itinuro ni Rita ang lawa sa tapat nila.
“Nandito na tayo! My new pretty Mommy, ito ang wedding gift ko para sa’yo!”
Napatingala si Isabela.
Ang Wildflower Lake Garden na bumungad sa kanya ay halos hindi nagbago mula noong bata pa siya.
Pero ang gumising sa puso niya ay ang pinakamainit na alaala ng kanyang kabataan.
Sumingit ang malalim na boses ni Rafael sa tainga niya:
“May rose garden sa kabila ng lawa.”
Napakuyom ang kanyang kamao at mahina niyang tanong:
“Rita… paano mo naisipang bilhin ang lugar na ito?”
Naka-focus sana si Rita sa pagkuha ng pictures pero nang marinig iyon, agad siyang napatingin kay Rafael.
Kalma namang sumagot ang lalaki:
“Narinig niya akong nag-uusap tungkol sa pagde-develop nitong area kasama ang business partner ko. Ginamit niya ang koneksyon ko para bilhin ang lupa, at siya mismo ang nagpagawa ng rose garden.”
Alam ni Isabela na hindi kayang asikasuhin ni Rita ang ganoong kalaking ari-arian nang mag-isa.
Kaya malinaw ang lahat sa kanya ngayon.
“Ide-develop ba ito ng pamilya Santillan?” tanong niya.
“Nasa pangalan na ito ni Rita. Ibinigay niya sa’yo, kaya sa’yo na ito. Ikaw na ang bahala kung gusto mong i-develop o hindi.”
Napatingin siya sa malalim na mga mata ni Rafael at hindi agad nakapagsalita.
Mabilis na lumapit si Rita para magpaliwanag.
“Pasensya na, bestie. Nabanggit mo ang Wildflower Lake Garden noong lasing ka… kaya ako na ang nagdesisyon! Tungkol naman sa Rose Garden…”
Saglit siyang tumingin sa kanyang ama.
“Alam ko kasing mahilig ka sa blue roses, at gusto sana kitang regaluhan ng bulaklak. Pero hindi ko puwedeng ibigay sa’yo ang mga bulaklak na madaling malanta, kaya ibinigay ko na sa’yo ang buong Rose Garden. Habang nandiyan ang garden, hinding-hindi malalanta ang mga rosas!”
Mainit na ang mata ni Isabela, puno ng luha.
Mahigpit niyang niyakap si Rita.
Rita: *Hindi ba siya masyadong madrama?*
Tahimik siyang sumulyap sa ama niya: *Uh… dapat kaya sa Daddy ko ibinibigay ang ganitong klaseng saya?*
Si Rafael naman ay tahimik na nakatingin sa dalawang magkaibigan na magkayakap.
Ang lawa ay matagal nang obsesyon ni Isabela at isa ring alaala ng pagmamahal ng kanyang mga magulang na hindi niya natupad.
Kaya normal lang kung ganoon siya kaemosyonal.
“Pupuntahan ko muna doon,” sabi ni Rafael at umalis na.
Pagkaalis na pagkaalis ng lalaki, agad nagtanong si Isabela kay Rita,
“Rita, magkano ang ginastos mo sa lupang ito?”
Oo nga’t ginamit nila ang koneksyon ni Rafael, pero paano ang pera?
Malaki ang allowance ni Rita, pero dahil lagi siyang napapagalitan, madalas naka-freeze ang mga bank account niya, kaya hindi siya basta may malaking pera.
“Hindi naman gano’n kalaki… mga 35,000,000 lang.”
“Paano naging posible ‘yon? Noong bata pa ako, narinig kong pinag-uusapan ng mga magulang ko na mga walong milyon daw ang lupa. Siyempre mas mahal na ngayon!”
At hindi pa kasama ang Rose Garden, na halatang super mahal!
Matagal na niyang sinusubaybayan ang presyo ng lupa dito. At siguradong aabot iyon sa limampung milyong piso pataas. Ni hindi niya maiisip kung magkano ang nagastos sa pag-patayo ng rose garden.
Mabilis namang tinaas ni Rita ang kamay, parang nanunumpa.
“Totoo! I promise! Nagmamadali kasi ang may-ari noon parang aalis papuntang abroad para umiwas sa utang. Kaya nakuha ko nang mura! Siyempre, dahil binigyan nila ng respeto si Daddy, kung hindi, hindi nila ibebenta sa gano’n.”
Kagat-labi si Isabela, at ang munting duda niya ay parang nagkaroon ng kasagutan nang makita niya ang matangkad na pigurang nasa unahan.
“Kailan mo ito binili?”
“Mga… hindi pa matagal. Siguro noong naghiwalay kayo ni Marco.”
Naalala niyang noong nag-break sila ni Marco, si Rita ay todo-piliit sa kanya na maghanap na ng mapapangasawa.
Posible bang noon pa lang ay kinukumbinsi na ni Rita si Rafael tungkol sa pagpapakasal nila?
Kung gano’n… ang lupang ito… ang rose garden…
“Anong iniisip mo, bestie? Ayaw mo ba sa regalo ko?”
Nabura ang biglang sulyap na pumasok sa isip ni Isabela, hindi niya na naabutan.
Tumango siya. “Gusto ko, pero sobrang mahal.”
“Best friends tayo! Maliit na regalo lang ‘yan!” Palihim na nagpunas ng ‘pawis si Rita at biglang nag-iba ng usapan. “Halika na! Maglakad tayo sa rose garden, ang ganda ng tanawin!”
“Rita…”
“Ano?”
“Gustong-gusto ko ang regalo, pero hindi ko puwedeng tanggapin.”, may kaunting hikbi pa rin sa bawat salita ni Isabela.
“Pero nakapirma ka na sa kontrata! Ikaw na ang may-ari ng lupa!”
“Kailan!?”
Umiling-ngiti si Rita.
“Alam kong tatanggi ka. Yung pinapirma ko sa’yo noong inaayos mo ang paper mo, kontrata pala ‘yon.”
“…” Malalim ang hiningang binitawan ni Isabela. “Kung gano’n, babayaran kita. Bibilhin ko.”
Sa totoo lang, ayaw naman niyang tumanggi sa regalo.
Dahil ito ang bagay na gustong ibigay ng mga magulang niya noon, pero hindi nila nagawa.
Ito rin ang huling masasayang alaala niya kasama sila.
“Wala pa talaga akong pera ngayon, pero puwede tayong pumirma ng kasunduan. Magbabayad ako taon-taon kapag nakapagtrabaho na ako. Alam kong hindi ka naghihirap, pero kung ayaw mo, mas gugustuhin kong huwag na lang tanggapin.”
Kung 35 milyon nga ang halaga, kahit swertihin siya, sampung taon niyang babayaran iyon. Kaya taunang hulugan lang ang kaya niya.
Napabuntong-hininga si Rita.
“E ikaw ang Mommy ko, kaya susunod ako! Anyway, kung ano ang akin ay sa’yo, kung ano ang kay Daddy ay sa’yo, at kung ano ang sa’yo… ay sa’yo pa rin!”
“…”
May isang magarang glass building sa loob ng Rose Garden, pitong palapag ang taas.
Habang nasa restroom si Isabela, naglibot-libot si Rita sa paligid sa ibaba ng rose garden—unang beses niya rin itong masilip nang malapitan.
Si Rafael naman ay umakyat gamit ang elevator papunta sa rooftop, hawak nang mahigpit ang sorpresa na inihanda niya.
Pero pagdating niya roon… may taong hindi dapat naroon.
Isang tao… na sobrang natural at parang sanay na sanay…
na nakahawak ng mahigpit ang kamay sa bagong kasal niyang asawa.
---
Nagbalik sa isip ni Isabela ang mga putol-putol pero mainit at matinding alaala ng nagdaang gabi dahil sa sinabi ni Rita.“Anong petsa na ba ngayon? Aksidente lang ’yon.”“Isabela, namumula ka! Ikaw na yata ang pinaka-inosenteng babae na nakilala ko, hahaha!”“…” Paano ba naman siya hindi mamumula?Lalo na’t ang lalaking mukhang pihikan, laging naka-suit at sobrang disente, ay napaka-init pala pagdating sa kama, sa pagiging sensual.Hindi pa rin niya maisip kung paano nangyaring ang isang cold-hearted na lalaking gaya ni Rafael ay naging gano’n ka attracted..At habang iniisip niya, lalo lang siyang namumula.Madiing inalis ni Isabela sa isip ang magulo at medyo malaswang mga larawan sa utak niya at iniikot ang manibela para iparada ang kotse sa tabi ng Rolls-Royce.Lumapit ang lalaking naka-suit at gentleman na binuksan ang pinto para sa kanya.Namula agad ang tenga ni Isabela pag-angat niya ng tingin.Sobra kasi ang tikas ng lalaki.Simple lang ang suot niyang dark gray na suit, may
“May dalawang matalik na kaibigan si Daddy na palihim akong iniimbitahan sa dinner. Sinasabi nilang isama ko raw ang hot kong stepmom. Hehe, sasama ka ba?”Nagtanong si Rita sa kaibigang nagmamaneho habang relaxed itong naglalaro sa phone niya.Nakunot ang noo ni Isabela,“Kailangan ko ba talagang magpunta sa mga ganyang dinner?”Bago pa man sila ni Rafael magpa–marriage certificate, nagkasundo na sila na hindi siya pipilitin nitong pumasok sa social circle nito. Itatago muna ang kasal nila para magkakilala pa sila nang mas mabuti.Pero may clause sa supplementary agreement na kapag tungkol sa “career” nito, maaari siyang “pumasok” bilang Mrs. Santillan kung kinakailangan.Nagmadaling nag-explain si Rita. “Mukhang magalang at refined ang Daddy ko, pero sa totoo lang… malamig ang puso no’n. Dalawa lang talaga ang naging kaibigan niya buong buhay niya, si Tito Mike Solano—isang second-generation Red Army soldier na mataas ang posisyon sa military, at si Tito Allan Ramos—isang second-gene
“Mr. Villamor, tapos na tayo!”Noong araw na iyon, pumunta siya sa club para hanapin siya.At nadatnan niyang magkasama sina Marco at ang fiancée nitong si Samantha Arevalo.Si Samantha ay halos nakapulupot na sa kanyang mga braso, at halatang puno ng malisya at tensyon ang pagitan nila.Narinig niya si Marco na sinabi ang pangalan niya kay Samantha,“Si Isabela ay ulilang inampon ng mga magulang ko. Tinatrato ko siya na parang nakababatang kapatid.”“Kung naiirita ka, lalayo ako sa kanya mula ngayon.”“Mahina ang loob niya at halos walang sariling paninindigan, huwag mo na syang masyadong pansinin at bigyan ng atensyon.”Hanggang ngayon, sariwa pa rin kay Isabela ang itsura ni Marco Villamor noon—hambog at puno ng kaplastikan.Nang mapagtanto ni Marco na narinig niya ang lahat, sinundan siya nito papuntang restroom.Doon, siya mismo ang nag initiate ng break up.Hindi nagdalawang isip pa na pumayag si Marco.Iniisip ni Isabela na baka gusto rin talaga niyang makipaghiwalay at hinihin
Kabanata 2"Uh… dapat sa bahay at sa labas, bestie pa rin ang ating tawagan.", mahinang sabi ni Isabela kay Rita.“But my Dad told me so”, sagot nito ng may ngiting mapang-asar.“Kung hindi mo siya tatawaging “mama,” mawawalan ka ng allowance.”, ito ang bilin ng kanyang ama.Sobrang strikto ng Daddy niya na kapag nagkakamali o sumusuway siya, agad nitong i-freeze ang kanyang bank accounts.Noon, nung nagka-crush siya nang maaga at muntik pang maloko nang sobra, na-freeze ang bank account niya nang isang buwan.Sa buwan na iyon, araw-araw siyang kumakain lang ng loaf bread at ginisang gulay at halos ikadepress niya iyon.Isang araw, umuwi siya nang gabi at wala nang kahit anong pagkain. Si Isabela ang nag-abot sa kanya ng isang malapit nang mag-expire na sandwich.Hanggang ngayon, hindi niya malilimutan ang lasa ng sandwich na iyon.Hindi nagtagal, gumawa na naman siya ng gulo, pero sinamahan siya ni Isabela at pareho silang napagalitan at nagtiis ng gutom. Doon niya tuluyang itinurin
Nakabukas ang malamlam na mga mata ni Isabela nang medyo nahihilo, mangha at napatigil sa kanyang kinatatayuan sa malamig at marangyang aura ng kwarto.Biglang dumaloy sa isip niya ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Bahagya nyang ikinilos ang kanyang mga hita… Aray!Parang pinagbagskan s’ya ng langit at lupa!Nakatulog siya… kasama ang ama ng best friend niya na si Rafael Santillan!–Nagsimula ang lahat sa isang blind date tatlong araw na ang nakalipas.Katatapos lamang niya sa isang relasyon.At ang ex niyang si Marco Villamor, nalaman nyang engaged na agad sa iba!Kung kaya’t sa mga panahong lugmok na lugmok sya, sa sandaling iyon na padalos-dalos sa desisyon, heto siya at nakipag blind date kung kanino-kanino… kasama doon ang ama ng best friend niya.Si Rita Santillan, ang kanyang beloved best friend!Sabi ni Rita, mayaman, guwapo, maayos, matipuno ang katawan at walang bisyo ang ama niya ngunit umiiwas sa romantic relationship na daig pa ang isang misyonero sa lugar nila.At k







