Share

Kabanata 4

Author: A. P. Goldwyn
last update Last Updated: 2025-12-16 02:49:55

“May dalawang matalik na kaibigan si Daddy na palihim akong iniimbitahan sa dinner. Sinasabi nilang isama ko raw ang hot kong stepmom. Hehe, sasama ka ba?”

Nagtanong si Rita sa kaibigang nagmamaneho habang relaxed itong naglalaro sa phone niya.

Nakunot ang noo ni Isabela,“Kailangan ko ba talagang magpunta sa mga ganyang dinner?”

Bago pa man sila ni Rafael magpa–marriage certificate, nagkasundo na sila na hindi siya pipilitin nitong pumasok sa social circle nito. Itatago muna ang kasal nila para magkakilala pa sila nang mas mabuti.

Pero may clause sa supplementary agreement na kapag tungkol sa “career” nito, maaari siyang “pumasok” bilang Mrs. Santillan kung kinakailangan.

Nagmadaling nag-explain si Rita. “Mukhang magalang at refined ang Daddy ko, pero sa totoo lang… malamig ang puso no’n. Dalawa lang talaga ang naging kaibigan niya buong buhay niya, si Tito Mike Solano—isang second-generation Red Army soldier na mataas ang posisyon sa military, at si Tito Allan Ramos—isang second-generation official na buong pamilya ay nasa gobyerno.”

“Hindi masamang tao ang dalawang ’yon, at sobrang galante. Literal na nakita nila akong lumaki.”

“Alam nila ang Daddy ko na parang “kamagong” (known for its “iron-like” hardwood), ay nakahanap na ng pag-ibig. Dahil do’n binigyan nila ako ng red envelope na may maraming pera kasi gusto lang nila makilala ang stepmom ko.”

“Chika chika lang, kain-kain lang, tapos hati tayo sa lagay nila. Okay?”

Umiling si Isabela, napapangiti at walang magawa. “So… nauto ka ng lagay nila.”

“Ay bakit ba! Tsaka mababait naman sila at sobrang close kay Daddy.”

“Pero siguro dapat hintayin muna natin. Hindi pa ako gaanong pamilyar sa Daddy mo, hindi pa yata tama na makita ko na agad ang mga kaibigan niya.”

Hindi pa siya nakapagdesisyon kung magiging seryoso ba sa relasyon kay Rafael.

Impulsive ang naging kasal.

Handa siyang panindigan ito, pero may ibang tao pa rin na nasa puso niya.

Ayaw niyang lokohin si Rafael, at ayaw din niyang bigyan ng maling pag-asa si Rita.

“Sige na, kakausapin ko sila.”

Dahan-dahan ni Rita ipinress ang refund button sa bank application niya. Nasasaktan ang puso niya, pero kay tatag ng message ang itinype niya:

【Hindi kayo karapat-dapat makita ang stunning beauty ng stepmom ko. Magsend muna kayo ng mas malaking suhol, saka ko pag iisipan.】

Sa office ng Santillan Company.

Kinuha ni Allan ang kahon ng cigar sa mesa, kumuha ng isa, inamoy, sabay napakunot-noong nakita ang reply sa phone niya.

“Kainis! Ganito na ba talaga si Rita? Kaya na niyang tanggihan ang pera?”

Tahimik na sabi ni Mike, “True best friend siguro.”

Kinuha ni Rafael ang kape niya, ang mahahabang daliri nito ay bahagyang kinakatok sa mesa. “Tinext ko na, pero wala pa ring sagot?”

Naiinis si Allan, “Wala akong experience sa pagpapasaya ng asawa! Ang alam ko lang ay manligaw, magbigay ng mga bulaklak, pero walang napupulot ni isang talulot! Principle ko ’yon!”

Umupo si Mike sa kabilang side ng sofa, mukhang proud. “Ako may experience d’yan! Nung nililigawan ko si Arianna, marami akong ginawang paraan para mapalapit sa kanya! Kahit ’yong inosente at hindi malapitan na beauty, nakuha ko! Ikaw pa kaya na college student lang ang wife mo? Tuturuan kita!”

Tumawa si Allan sabay dugtong, “Nung nililigawan mo si Arianna, halos buong syudad alam na pa-cute ka! Umiyak ka, nagwala ka, nagbanta ka pa ng suicide! Ano’ng ipinagmamalaki mo d’yan?”

Masamang tumitig si Mike Solano sa plastic brother niya. “Masaya ’yon! FUN!”

Sumingit ang malamig na boses ni Rafael, may halong babala:

“Magsalita ka pa ng isa, lumabas ka na.”

Nagkibit-balikat si Allan. Hindi matanggal ang mapang-asar na ngiti sa mukha.

Sanay na siya. Tinanggap na niyang ikinasal ang iceberg nilang kaibigan pero ginagawa pa ring lahat para mapasaya ang asawa nito. Enjoy pa nga siyang panoorin ang drama.

Sabi niya sa sarili, *Wala namang may gustong tumandang binata ang best friend nila.*

At kahit bata pa ang asawa, sapat na ang conditions at assets ng kaibigan nila para maging karapat-dapat.

Napansin ni Mike na seryoso si Rafael, at natuwa siya para dito.

At least, hindi lang ito nagpakasal para i-please ang pamilya, maganda na ’yon.

Kaya nagsimula na siyang magturo nang maigi:

“Una, dapat galante ka. Bilhan mo siya ng kotse, bahay, mga alahas!”

“Pangalawa, dapat romantic ka. Huwag puro overtime! Maglaan ka ng oras para sa candlelight dinner, mag-stargazing, mag-moon viewing.”

“Huli… at pinaka-importante, kailangan mong—”

Napalunok nang malalim si Mike at bigat ng boses niyang sinabi:

“Matutong mang-akit!”

Nanigas ang mukha ni Rafael.

Nanlaki ang mga mata ni Allan, at makalipas ang ilang segundo ay hindi na niya napigilan tumawa ng malakas,

“Hahaha! Master Mike, pinapatay mo ’ko sa kakatawa!”

Tiningnan sila ni Mike nang seryoso. “Sinong scientist ba’ng nagsabi no’n? Sabi nila, ang katawan ng babae… kayang magbukas ng puso ng babae. May scientific basis ’yon! Tapos na kayong dalawa, kaya ituloy mo na! Sa itsura at katawan mo, kahit hindi na batang babae—kahit madre pa—malalaglag sa paanan mo.”

Nag-umpisang maging madaldal ni Allan.

Tahimik lang si Rafael, umiinom ng kape.

Hindi rin naman mali ang sabi ni Mike.

May ibang lalaki sa puso nito.

Pero ang katawan niya… hindi tumatanggi kay Rafael. Sa totoo lang, sobrang tugma nila.

Biglang nag-vibrate ang phone niya.

Mensahe mula kay Rita:

[Dad, nandito na kami! Nasaan ka?]

“Pauwi na ako.”

Tumayo si Rafael at siya ang naunang umalis.

“Uy, ang aga mong umalis! Hoy! Saan ka pupunta? At ano’ng ibig sabihin mo kanina na ibenta ko raw kay Rita ’yong lupa?” reklamo ni Mike.

Napakunot-noo si Allan, saka inakbayan si Mike, sabay tanong, “Nag-invest pala kayo nang palihim? Ilang bilyon? Sali ako, magdadagdag ako!”

“Lumayas ka!” asar na sabi ni Mike. Hindi na niya maintindihan si Rafael. Ang nararamdaman ba nito para sa senior ni Rita… ay matagal na palang plano?

Natawa si Allan. “Kailangan ko talagang humanap ng chance pumunta sa villa para makita ko ang sister-in-law natin!”

---

Habang papalapit sila, napapahigpit nang hindi namamalayan ang hawak ni Isabela sa manibela.

“Rita… saan ba ito…?”

“Wildflower Lake Garden! Ang ganda dito, perfect for development. Pero ewan kung bakit may misteryosong taong bumili ng lupa sa paligid ng Wildflower Lake Garden at ayaw ibenta sa construction company, kaya nanatili siyang natural na natural hanggang ngayon.”

Nagpakita ng misteryosong ngiti si Rita.

“Hehe, nandito ang wedding gift ko para sa’yo. Malapit na, lumiko ka lang sa kaliwa.”

Unti-unting bumagal ang paghinga ni Isabela.

Wildflower Lake Garden.

Bago mamatay ang kanyang mga magulang, ito ang lupang pinag-uusapan nila.

Plano nilang magtayo ng rose garden para sa kanilang nag-iisang anak.

Pinuntahan niya iyon kasama ang mga magulang niya at  na-inlove sya sa ganda ng lawa.

Pero nang mabigo ang negosasyon, ilang araw lang pagbalik nila… namatay ang kanyang mga magulang sa aksidente.

Sinamsam ng tiyuhin niya ang yaman ng pamilya gamit ang will ng kanyang ina. Halos napunta siya sa ampunan.

Hanggang sa inampon siya nina Uncle Jun Villamor  at Aunt Len Villamor, magulang ni Marco.

Nagkakagulo ang mga alaala niya nang biglang sumigaw si Rita, puno ng tuwa:

“Bestie! Tingnan mo—’di ba si Daddy yon?”

“Ah!” gulat ni Isabela. At tama nga, nakita niya ang pamilyar na sasakyan sa may kanto.

Ito ang black Rolls-Royce na minamaneho ni Rafael noong araw na nagpa-marriage certificate sila.

“Ang bilis talaga ni Daddy!” bulong ni Rita.

“Alam n’yang may gift ako para sa’yo, kaya hinabol ka niya hanggang dito.”

“Huwag kang magpaloko sa edad niya, reliable ’yon at gwapo pa! Mas mabuti kaysa sa hindi makapagdesisyong Marco na ’yon!”

Tumingin si Isabela sa best friend niyang patuloy na ipinupush ang sariling ama, at napabuntong-hininga.

“Rita… fixed marriage lang ang meron kami ng daddy mo. Hindi mo na sana kailangan pang imbitahin siya. At itong gift…”

Mabilis na sumabat si Rita.

“Impotent si Daddy noon! Prenup guarantee ko ’yon para sa ’yo! Pero bigla na lang siyang gumaling tapos ayun, nagawa pa niya… kaya kailangan niyang managot!”

“Magugustuhan mo ’yong gift ko, promise. At si Daddy, kung ayaw mo naman sa kanya, pwede mo pa rin siyang pagkakitaan. Basta wala kang talo sa pera at sa love!”

“…”

*Anak ba talaga siya ni Rafael?*

“Since natulog na kayo ng magkatabi, dapat may kapalit!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 5

    Nagbalik sa isip ni Isabela ang mga putol-putol pero mainit at matinding alaala ng nagdaang gabi dahil sa sinabi ni Rita.“Anong petsa na ba ngayon? Aksidente lang ’yon.”“Isabela, namumula ka! Ikaw na yata ang pinaka-inosenteng babae na nakilala ko, hahaha!”“…” Paano ba naman siya hindi mamumula?Lalo na’t ang lalaking mukhang pihikan, laging naka-suit at sobrang disente, ay napaka-init pala pagdating sa kama, sa pagiging sensual.Hindi pa rin niya maisip kung paano nangyaring ang isang cold-hearted na lalaking gaya ni Rafael ay naging gano’n ka attracted..At habang iniisip niya, lalo lang siyang namumula.Madiing inalis ni Isabela sa isip ang magulo at medyo malaswang mga larawan sa utak niya at iniikot ang manibela para iparada ang kotse sa tabi ng Rolls-Royce.Lumapit ang lalaking naka-suit at gentleman na binuksan ang pinto para sa kanya.Namula agad ang tenga ni Isabela pag-angat niya ng tingin.Sobra kasi ang tikas ng lalaki.Simple lang ang suot niyang dark gray na suit, may

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 4

    “May dalawang matalik na kaibigan si Daddy na palihim akong iniimbitahan sa dinner. Sinasabi nilang isama ko raw ang hot kong stepmom. Hehe, sasama ka ba?”Nagtanong si Rita sa kaibigang nagmamaneho habang relaxed itong naglalaro sa phone niya.Nakunot ang noo ni Isabela,“Kailangan ko ba talagang magpunta sa mga ganyang dinner?”Bago pa man sila ni Rafael magpa–marriage certificate, nagkasundo na sila na hindi siya pipilitin nitong pumasok sa social circle nito. Itatago muna ang kasal nila para magkakilala pa sila nang mas mabuti.Pero may clause sa supplementary agreement na kapag tungkol sa “career” nito, maaari siyang “pumasok” bilang Mrs. Santillan kung kinakailangan.Nagmadaling nag-explain si Rita. “Mukhang magalang at refined ang Daddy ko, pero sa totoo lang… malamig ang puso no’n. Dalawa lang talaga ang naging kaibigan niya buong buhay niya, si Tito Mike Solano—isang second-generation Red Army soldier na mataas ang posisyon sa military, at si Tito Allan Ramos—isang second-gene

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 3

    “Mr. Villamor, tapos na tayo!”Noong araw na iyon, pumunta siya sa club para hanapin siya.At nadatnan niyang magkasama sina Marco at ang fiancée nitong si Samantha Arevalo.Si Samantha ay halos nakapulupot na sa kanyang mga braso, at halatang puno ng malisya at tensyon ang pagitan nila.Narinig niya si Marco na sinabi ang pangalan niya kay Samantha,“Si Isabela ay ulilang inampon ng mga magulang ko. Tinatrato ko siya na parang nakababatang kapatid.”“Kung naiirita ka, lalayo ako sa kanya mula ngayon.”“Mahina ang loob niya at halos walang sariling paninindigan, huwag mo na syang masyadong pansinin at bigyan ng atensyon.”Hanggang ngayon, sariwa pa rin kay Isabela ang itsura ni Marco Villamor noon—hambog at puno ng kaplastikan.Nang mapagtanto ni Marco na narinig niya ang lahat, sinundan siya nito papuntang restroom.Doon, siya mismo ang nag initiate ng break up.Hindi nagdalawang isip pa na pumayag si Marco.Iniisip ni Isabela na baka gusto rin talaga niyang makipaghiwalay at hinihin

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 2

    Kabanata 2"Uh… dapat sa bahay at sa labas, bestie pa rin ang ating tawagan.", mahinang sabi ni Isabela kay Rita.“But my Dad told me so”, sagot nito ng may ngiting mapang-asar.“Kung hindi mo siya tatawaging “mama,” mawawalan ka ng allowance.”, ito ang bilin ng kanyang ama.Sobrang strikto ng Daddy niya na kapag nagkakamali o sumusuway siya, agad nitong i-freeze ang kanyang bank accounts.Noon, nung nagka-crush siya nang maaga at muntik pang maloko nang sobra, na-freeze ang bank account niya nang isang buwan.Sa buwan na iyon, araw-araw siyang kumakain lang ng loaf bread at ginisang gulay at halos ikadepress niya iyon.Isang araw, umuwi siya nang gabi at wala nang kahit anong pagkain. Si Isabela ang nag-abot sa kanya ng isang malapit nang mag-expire na sandwich.Hanggang ngayon, hindi niya malilimutan ang lasa ng sandwich na iyon.Hindi nagtagal, gumawa na naman siya ng gulo, pero sinamahan siya ni Isabela at pareho silang napagalitan at nagtiis ng gutom. Doon niya tuluyang itinurin

  • Married to My Best Friend’s Billionaire Dad   Kabanata 1

    Nakabukas ang malamlam na mga mata ni Isabela nang medyo nahihilo, mangha at napatigil sa kanyang kinatatayuan sa malamig at marangyang aura ng kwarto.Biglang dumaloy sa isip niya ang nakakahiyang pangyayari kagabi. Bahagya nyang ikinilos ang kanyang mga hita… Aray!Parang pinagbagskan s’ya ng langit at lupa!Nakatulog siya… kasama ang ama ng best friend niya na si Rafael Santillan!–Nagsimula ang lahat sa isang blind date tatlong araw na ang nakalipas.Katatapos lamang niya sa isang relasyon.At ang ex niyang si Marco Villamor, nalaman nyang engaged na agad sa iba!Kung kaya’t sa mga panahong lugmok na lugmok sya, sa sandaling iyon na padalos-dalos sa desisyon, heto siya at nakipag blind date kung kanino-kanino… kasama doon ang ama ng best friend niya.Si Rita Santillan, ang kanyang beloved best friend!Sabi ni Rita, mayaman, guwapo, maayos, matipuno ang katawan at walang bisyo ang ama niya ngunit umiiwas sa romantic relationship na daig pa ang isang misyonero sa lugar nila.At k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status