مشاركة

Chapter 220

مؤلف: Michellara
last update تاريخ النشر: 2026-09-11 23:58:52

Jane POV

Napadako ang tingin ko sa babaeng nagbukas ng pìnto. Nagtagpo ang mga mata namin ng aking ina. Malamig ang titig niya sa akin, at sa sandaling iyon, parang may malamig na hanging humaplos sa balat ko. Nanikip na naman ang dibdib ko at nanuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan siya.

“Ma,” usal ni Rocky at dahan-dahang lumapit sa ina, nagbabakasakaling mayakap man lang ito pagkatapos ng mahabang biyahe.

Ngunit sa halip na yakap ang isalubong sa kapatid ko,
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق
تعليقات (1)
goodnovel comment avatar
Analyn Tijol
more update nmn po
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 223

    Jane POVMabilis akong lumabas ng pangunahing bahay para salubungin siya.Pagkalapag ng sleek black helicopter sa bakanteng lote ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko, agad na bumaba si Aviv.Habang naglalakad siya palapit sa akin, napangiti ako nang bahagya. Nakasuot pa rin siya ng tailored formal suit, may suot na sunglasses, at seryosong-seryoso ang mukha.Pagkarating na pagkarating niya sa harapan ko, mabilis niyang hìnubad ang sunglasses at isinuksok iyon sa bulsa ng kanyang suit jacket bago ako matalim na tinitigan.“Akala ko, bukas ka pa pupunta?” ani ko bago dahan-dahan lumapit para amuyin siya. “Mukhang hindi ka pa naliligo, ha,” biro ko sa kanya.Napawi ang ngiti ko nang mapansin kong lalong dumilim ang mga mata niya. Did I piss him off? Dahil hindi ko siya hinintay bago ako pumunta rito sa probinsiya?“Ilang beses akong tumawag sa iyo, pero out of reach ka,” aniya, mabigat at seryoso ang boses.“Mahirap ang signal rito,” paliwanag ko. “Ilang ulit ko ring sinubukang

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 222

    Jane POV“Good morning po, Ma’am Jane!” magkasabay na bati nina Tope at Sid paglabas ko ng maliit na kubo. Pareho silang may hawak na kani-kaniyang tasa ng mainit na kape.“Nakausap niyo ba si Aviv kagabi?” tanong ko habang napapahilot sa balakang ko. Ang hirap palang matulog nang walang malambot na kutson. Kung alam ko lang na ganito katigas ang hihigaan ko rito sa probinsiya, sana ay nagdala na ako ng sarili naming kama.“Tinawagan po namin siya kagabi, Ma’am, pero naka-off po ang phone niya,” tugon ni Tope.Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpasyang maglakad patungo sa pangunahing bahay. Pagpasok ko pa lang sa loob, naabutan ko na si Lola Alicia na nagtitimpla ng kape habang kausap si Lolo Esteban.“Oh, apo, gising ka na pala. Gusto mo ba ng mainit na kape? Ipagtitimpla na kita,” alok ni Lola.Napatango ako nang may tipid na ngiti bago napadako ang tingin ko kay Mama na kakapasok lamang mula sa likod-bahay, bitbit ang isang basket ng sariwang gulay at isda.Dinaanan niya lang

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 221

    Jane POVTumayo ako at hinarap siya nang may kalmado ngunit matatag na ekspresyon.“Tingnan niyo naman ang sitwasyon, Ma. Si Rocky, dapat Grade 11 o 12 na ngayon pero kinailangang huminto. Sina Ricky at Rica, nahuhuli na rin dahil sa hirap ng buhay. Gusto ko lang tumulong para hindi na kayo sumalo ng ganitong kabigat na pasanin para lang mapag-aral sila.”“Makakapagtapos din sila sa tamang panahon,” pagmamatigas niya. “At sila mismo ang nagdesisyong tumulong sa sakahan kasama ang ama nila.”“Ma, puwede po bang ibaba niyo muna kahit kaunti ang pride ninyo?” hindi ko na napigilang pakiusapan siya. “Hindi ko isusumbat ang tulong na ito. Anong silbi ng mga narating ko at ng perang mayroon ako kung ang sarili kong pamilya ay naghihirap nang ganito?”Inis siyang lumabas at lumapit sa may pintuan, tahimik na pinapanood ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.“Noong nagdesisyon akong ipaampon ka kay Diana, pinutol ko na ang koneksyon natin sa isa’t isa,” malamig niyang wika bago dahan-dahan

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 220

    Jane POVNapadako ang tingin ko sa babaeng nagbukas ng pìnto. Nagtagpo ang mga mata namin ng aking ina. Malamig ang titig niya sa akin, at sa sandaling iyon, parang may malamig na hanging humaplos sa balat ko. Nanikip na naman ang dibdib ko at nanuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan siya.“Ma,” usal ni Rocky at dahan-dahang lumapit sa ina, nagbabakasakaling mayakap man lang ito pagkatapos ng mahabang biyahe.Ngunit sa halip na yakap ang isalubong sa kapatid ko, isang malakas at mariing sampal ang dumapo sa pisngi ni Rocky.Lahat kami ay napatigil at napasinghap sa gulat sa ginawa niya. Napaatras si Rocky habang sapo ang namumulang pisngi at tahimik na yumuko.“Sinabi ko na sa ’yo, Rocky, na huwag na huwag mong dadalhin ang babaeng ’yan dito, pero hindi ka nakinig,” galit na turan niya bago dahan-dahang ibinaling ang tingin sa akin. Ang mga mata niya ay tila nagliliyab sa poot. “At anong kasinungalingan ang sinabi mo sa ate mo para pi

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 219

    “Aalis ka?” salubong sa akin ni Kian nang mapansin niya ang dalawang maleta na hila-hila ni Sid palabas ng mansiyon habang ako naman ay may hawak ding isang maliit na maleta.“Yeah,” maikli kong sagot nang lingunin ko siya.Nakisabay na siya sa akin sa paglalakad patungong bukana ng mansiyon kung saan naghihintay ang sasakyan.“Papasok ka ngayon?” Mabilis ko siyang sinulyapan mula sa gilid ng mga mata ko. Halatang hindi pa rin siya maayos dahil sa lalim ng eyebags niya at pagod na mukha.“Ilang araw na akong hindi pumapasok sa opisina. Hindi ako yayaman at magiging bilyonaryo katulad ng uncle ko kapag pinabayaan ko ang trabaho ko. Dapat maging masipag na ako,” aniya, bakas ang matinding determinasyon sa boses kahit halatang pagod pa rin siya.“Yeah, ganyan nga. Huwag kang tatamad-tamad. Kung gusto mong higitan ang uncle mo, dapat ayusin mo ang buhay mo. Total, nagbago ka na rin lang, dapat lubusin-lubusin mo na rin. Pag-aralan mo nang mabuti ang pagnenegosyo. Para naman may ipagmamaya

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 218

    Jane POV“Good morning, Jane!” magiliw na bati ni Rochelle nang magkasalubong kami sa hallway.“Late ka na,” ani ko sa kanya nang sulyapan ko ang suot kong relo.“Hoyy, hindi pa!” Halos patakbo siyang naglakad para makahabol sa time-in bago pa magsara ang log-in system.Napailing na lamang ako at direktang naglakad patungong hagdan. Ilang minuto rin akong naging abala sa opisina bago ako nagpasyang bumaba para silipin at kamustahin ang mga trabahante sa bodega.Pagbaba ko pa lang sa ground floor, agad na lumapit sa akin ang security guard na naka-duty sa entrance.“Ma’am Jane, may naghahanap po sa inyo,” anito. “Rocky daw po ang pangalan, kapatid daw po kayo sa ina.”Natigilan ako. Si Rocky?Agad akong naglakad patungo sa waiting area ng building. Naabutan ko roon ang isang matangkad na binatilyo na pamilyar ang mukha, kasama ang isang matandang babae na nakaupo habang balisa ang mukha. Pagkalapit ko at nang map

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 002

    Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 001

    Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 006

    LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng

  • Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle   Chapter 005

    Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status