LOGIN“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada
“I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napayakap sa sarili. Napahigpit ang pagkakakapit ko sa lapel ng overcoat dahil sa lamig ng aircon. Pagkapasok niya sa driver’s seat, inalis niya ang pagkakasuksok ng kanyang dalawang baril sa tagiliran at basta na lamang iyon inilagay sa dashboard. Hindi ko naiwasang mapakunot ang noo dahil sa kakaibang tunog ng bagay na iyon pagkalapag niya. “Totoong baril ba ’yan?” usisa ko. “It's a toy,” sabay abot niya at ipinakita sa akin na peke lang pala ang mga ito. “This is Yuan’s toy. I bought it for him,” aniya nang hindi man lang ako tinitingnan. “Ahh...” Napatango-tango lang ako bago muling naisipang bumalik sa proposal ko kanina. “Pumapayag ka na ba?” hindi mapakaling wika ko. Tinitigan ko siya nang seryoso, naghihintay kung kailan bubuka ang bibig niya. Pero tang*na, hindi. Hindi talaga siya nagsalita, sa halip ay seryoso lang niyang pinatay ang aircon. Napapahilot ako sa batok ko, pilit na kinakalma ang sarili. I need to be patient with his frustrating silence. Ako ang desperada rito kaya dapat maghintay ako. ‘Pero paano ba kumalma? Bukas na ang kasal. Kailangan ko ng kasagutan, ngayon din!’ “S-Sir—” Gusto ko sanang humirit ulit pero natigilan ako. Walang alinlangan niyang kinalas ang pagkakabutones ng suot niyang white shirt at napaiwas na lang ako ng tingin noong tuluyan niya iyong hinubad. Napapakapa na lang ako sa seat belt para sana ikabit iyon pero bigla siyang lumapit sa akin dahilan para mabilis akong mapasandal sa upuan, bahagyang umusog nang kaunti dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin. Naaamoy ko ang bango niya, kahit nabasa siya ng ulan ay nakakapit pa rin ang amoy ng kanyang mamahaling pabango sa kanya. Hindi ko naiwasang mapatingin sa matipuno at mabato niyang katawan. Halos mapuno na ng tattoo pero kahit ganoon ay hindi naman pangit tingnan. Mas nagpapadagdag pa nga ang mga ito sa pagiging hot niya. Muling nagtama ang mga mata namin habang hawak ko pa rin ang hindi pa naikakabit na seat belt. Aviv is a quiet type, cold, and a mysterious bachelor. He looks so dangerous, pero kahit kabang-kaba na ako rito, bakit iba ang pakiramdam ko? Bakit parang ramdam ko na he is the safest place I’ve ever been? Napansin ko ang pagbaba ng kanyang tingin mula sa mga mata ko pababa sa labi ko. Nanuyo tuloy ang lalamunan ko dahil sa pagtitig niyang iyon. Agaran akong nag-iwas ng tingin nang mas lalo pang umikli ang distansya ng aming mga labi. Bigla na lang kasing may kakaibang init na gumapang sa katawan ko. “Ako na ang magkakabit,” saad niya. Naramdaman ko ang pag-atras niya nang tuluyan na niyang naikabit ang seat belt ko. Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga bago niya tuluyang pinaandar ang makina at pinatakbo ang kotse. I quietly stared outside the tinted window, blanko ang utak ko habang tahimik siyang nagmamaneho. Pero napabalik lamang ako sa sarili at napalingon sa kanya noong napansin kong lumiko siya at nag-iba ng ruta. Imbes na papunta sa hotel kung saan nagaganap ang charity gala ay patungo kami sa daan kung saan madadaanan ang bahay ng lola’t lolo ko. “Saan tayo pupunta, sir Aviv? Hindi ito ‘yung daan patungo sa charity gala,” basag ko sa katahimikang namamagitan sa amin. “Sa bahay ng lola mo,” sagot niya na hindi man lamang tumitingin sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya. ‘Alam niya ang bahay ng lola ko? Paano niya nalaman?’ Balak ko sanang magsalita na gusto ko pa ring dumalo sa gala sa kabila ng lahat pero dahil sa seryoso niyang tingin sa kalsada habang minamaniobra ang kotse ay napaurong na lang ang dila ko. Ang ginawa ko na lang ay pagmasdan siya dahil sa pagkakaroon ng mahabang oras para titigan ang kabuuan niya. Broad and sturdy chest. Well-defined biceps. Nakaukit na 6-pack abs. At naibaba ko pa ang mga mata ko. Holy sh*t. Big dic— Mabilis akong napailing at napaiwas ng tingin. ‘Ano ba naman itong nasa isip ko? Delete! Delete! Delete!’ “Are you okay?” tanong niya sa mababang tono ng boses at napagdesisyunan niyang iparada ang kotse sa gilid ng kalsada. “A-Ayos lang ako,” nauutal kong sagot, hindi makatingin sa kanya. “B-Bakit tayo huminto?” Mas lalo akong kinabahan noong tinanggal niya ang pagkakakabit ng seat belt niya habang nakatitig lamang sa akin. “I saw you, Jane. If you can’t control your eyes, then don’t complain about what I might do to you,” malamig niyang saad habang lumalapit sa akin. “S-Sir Aviv. M-Mali po ang iniisip ninyo,” kinakabahang pilit kong pagpapaliwanag habang tuluyan niyang inilapit ang bibig niya sa aking tainga. “Good,” bulong niya sa seryoso at nakakakilabot na tinig bago inabot ang maayos na nakatuping puting towel na nakalapag sa dashboard. Ipinatong niya iyon sa mga hita ko. “Cover yourself. Your dress is too thin. I can see everything,” tuloy pa niya sabay maingat na hinawakan ang lapel ng overcoat at bahagyang hinila iyon para takpan ang dibdib ko. “Pati ang dibdib mo—kahit parang wala ka namang dibdib,” dagdag pa niya bago siya napaayos ng upo at muling pinaandar ang makina ng kotse. Napatingin ako sa sarili. W-Walang dibdib? Mayroon naman ah. Hindi nga lang kalakihan. “Ang sakit mo namang magsalita,” halos pabulong kong wika, halatang nasaktan sa komento niya, bago ko ginamit ang puting towel para takpan ang sarili. “But it suits you,” dagdag niya pagkatapos ng ilang sandali. “You don’t need much to stand out.” Naibaling ko na lang muli ang tingin sa labas ng bintana, at hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim. Pero agad rin ’yon napawi nang maalala kong hindi pa rin siya sumasagot ng ‘Oo’. Paano ba kasi mapa-oo ang taong ’to? Umiikli na ang oras.Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ng story nina Jane at Aviv. 💕 Finally, nakarating din tayo sa ending! Natagalan akong tapusin ang story na ito kasi parang hindi ko pa kayang bitawan. Pero kailangan ko na rin talagang i-let go ang story nila para makapagsulat naman ako ng panibagong story. Sana nagustuhan niyo rin ang story nina Kian at Madison. Hindi ko rin inakala na magkakaroon pala sila ng sarili nilang happy ending. 🥹 Pero kung hindi niyo man nagustuhan ang story, maraming-maraming salamat pa rin sa pagbabasa at pagbibigay nito ng chance. Once again, maraming-maraming salamat sa lahat ng suporta, oras, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa story na ito. Sobrang naa-appreciate ko po kayo. ❤️ At sana, huwag ninyong kalimutang mag-iwan ng review o komento. I highly appreciate every single one of them. Malaking bagay sa akin ang bawat feedback ninyo. 💕 See you on my next story! 🥰
Jane POV Halos hindi ko na siya makilala. Ibang-iba na siya sa dating Scarlet na laging maayos, maarte, at punong-puno ng poise. Ngayon, payat na payat na siya, haggard, gusgusin, at marumi ang suot na damit na halatang ilang taon nang hindi naalagaan. Para siyang taong matagal nang tumakas sa isang mental facility. “Aviv! Kian! Jane! Madison!” sigaw ni Scarlet sa camera habang nanlilisik ang mga mata. “Tumingala kayo sa top deck!” Mabilis kaming tumakbo papunta sa open deck at sabay-sabay na tumingala. Naroon nga si Scarlet sa gilid ng railing, hawak ang dalawang bata. Isang maling galaw lang at puwede niyang ihulog sina Azi at Kiana sa malalim na karagatan o saktan gamit ang kutsilyong hawak niya. “Scarlet, pakiusap! Huwag mong idamay ang mga bata!” pagsusumamo ni Madison habang umiiyak at mahigpit na nakakapit kay Kian. “Inosente sila! Kung galit ka sa amin, kami ang harapin mo!” “Shut up, Madison!” hysterical na sigaw ni Scarlet, sabay tawa nang malakas at matinis, isang
Jane POV “Kaya pala kahit anong kulit ko na magpakasal na kayo ulit ni Aviv, huwag na ninyong hintaying makalakad pa ang kambal, pero hindi niyo ginagawa... Kasi ito pala ang plano ninyong dalawa. Ang magkaroon ng double wedding, tama ba ako?” ani Madison habang magkasabay kaming naglalakad sa mahabang red carpet ng Cathedral. Pareho kaming may hawak na eleganteng bridal bouquet na gawa sa white peonies at lily of the valley. Nakasuot ako ng floor-length lace ballgown na pinalamutian ng maliliit na kristal, habang si Madison naman ay parang isang diyosa sa kaniyang figure-hugging mermaid wedding gown na may mahabang veil na maayos na nakalatag sa likuran niya. Sa dulo ng aisle, naghihintay ang dalawang lalaking nagmamay-ari ng aming mga puso. Sina Aviv at Kian. Napakagwapo nilang dalawa. Si Aviv ay nakasuot ng midnight blue bespoke tuxedo na may black satin lapel. Mukha siyang matangkad, elegante, at kagalang-galang, pero kahit gaano siya ka-powerful na bilyonaryo sa paningin ng i
Madison POV Nangatog ang mga tuhod ko. Kinuha ko ang bulaklak habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Kian. Ang mga mata niya ay puno ng pangungulila, pagmamahal, at tila pagsusumamong sana ay bigyan ko pa siya ng pagkakataon. I miss him so much. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto ko siyang halikan, pero kasabay ng lahat ng iyon ay ang biglang pag-akyat ng sama ng loob na ilang taon kong kinimkim. Bigla kong naalala ang pangako niya. Nangako siyang babalik siya pagkalipas ng tatlong taon, pero hindi niya ginawa. Pinaghintay niya ako na parang wala lang ang lahat ng pangakong binitiwan niya sa akin noon. “Bakit ngayon ka lang umuwi? You promised me na uuwi ka after three years, pero hindi mo ginawa!” gigil kong saad habang nanginginig ang boses ko. Sinubukan ko siyang itulak palayo, pero hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa akin, dahilan par
Madison POVHabang nakatitig ako sa bintana ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungong Averoné Estate, ramdam na ramdam ko ang pagod at jet lag mula sa napakahabang biyahe ko galing Paris.Hapon na nang lumapag ang eroplano ko sa Metropolis. Matindi ang traffic at mahaba pa ang biyahe, kaya gabi na nang tuluyan akong makarating sa malawak na estate ng mga Averoné.Gusto ko sanang dumiretso muna sa bahay para makapagpahinga at makapagpalit ng damit, pero mas nangibabaw ang pangungulila ko sa anak ko. Sa tuwing may lakad ako abroad para sa ilang business trips at modeling commitments, madalas magpahatid si Kiana sa Averoné Estate dahil sina Azi at Ace lang naman ang gusto niyang kalaro kapag wala ako.Pagkababa ko ng sasakyan, inayos ko ang trench coat ko at huminga nang malalim bago pumasok sa malaking pintuan ng mansiyon.Tahimik ang malawak na foyer. Pagkapasok ko sa lounge, nakita ko sina Aviv at Jane na magkatabing nakaupo
Aviv POV“And now, ladies and gentlemen,” pormal at maawtoridad na anunsyo ng host mula sa gilid ng stage, “let us welcome the President and CEO of Del Austria Enterprise, one of the youngest self-made female billionaires in the region—Mrs. Mary Jane Del Austria-Averoné!”Isang malakas at nagkakaisang palakpakan ang umalingawngaw sa buong bulwagan.Maya-maya, nakita ko nang umakyat sa stage ang asawa ko. Suot niya ang isang eleganteng fitted black blazer na may matching tailored trousers, simple pero classy ang blouse na nakasuot sa loob, at isang pares ng pointed heels na lalong nagbigay sa kaniya ng polished at intimidating na aura.Inayos niya ang microphone, hawak ang clicker sa kanang kamay, at ngumiti nang may natural na kumpiyansa sa harap ng libo-libong investors na nakatutok sa kaniya.I couldn't take my eyes off her.Habang nagsisimula siyang magsalita at ipinapaliwanag ang multi-billion expansion project niya para sa next-generation tech-logistics at sustainable infrastruct
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may







